Chapter 17

Dati, araw-araw kong ipinagdarasal na sana ay maranasan kong makapasok man lang sa libro o makapasok sa isang fictional story. Ilang beses ko na ba 'yang sinasabi kada manonood ako o magbabasa? Hindi ko na mabilang pa sa daliri ko. Maski nga, sa daliri kong nasa paa, e, hindi ko na magawang bilangin pa. Those days are my dreamy days. . . ang mga araw kung saan gustong-gusto ko pero nung nararanasan ko na. . . parang ang sarap na lang bawiin.

"He loves me, he loves me not," bulong ko habang tinatanggal ang mga petals ng santan na nakita ko kanina.

Nakarinig ako nang sarado ng libro. Nandito pa pala ako sa classroom namin. Balak kasi naming magovernight dito kasi natripan lang. Bumalik din naman kaagad kami ni Sho matapos ng nakakapagpabagabag naming pag-uusap. Hindi ko alam kung nakakaantig nga ba talaga yun.

"Mahal ka nun, Azusa."

"Yeah, I'm betting my books on it."

Sa totoo lang, nagugulumihan talaga ako sa mga lumalabas sa bibig ni Sho, e. One day, gusto niya ako bilang kaibigan and then, the next, may pa-last week last week pa siyang nalalaman. Although advantage para sakin yun dahil yun din naman ang deadline ng judgement day naming dalawa ni Eren. Still!

"Puro kayo lovelife."

Napalingon kami sa pinto at nakitang gising pa pala si Soujirou. Nasa kabilang dulo naman siya ng pinto. Nasa pinto rin kasi kami malapit nakapuwesto at lahat sila ay bagsak na dahil sa kalasingan. Habang kami naman nina Yui, gising pa rin. Hindi lang talaga ako makatulog dahil sa mga sinabi sakin ni Sho ngayong gabi. At hindi ko rin alam kung bakit nung sinabi niyang kapag sigurado na ako ay isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

Hindi ko magawang mapaliwanag kung bakit . . . kung bakit siya yung pumasok sa isip ko gayong wala naman siyang kinalaman dito. Ano yun? Trip lang ganun? Maisip ko lang siya? Magulo lang utak ko?

"Wala ka sigurong lovelife, Souji. Wawa ka naman." pangaasar sa kaniya ni Chiasa.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ngayon ko lang kasi narealize na ilang araw ko rin silang hindi nakasama dahil nga masiyado na kaming naging busy sa mga bagay bagay. Napatingin naman ako sa gawi ni Soujirou at nakitang nakatitig siya sakin. Akala ko kung ano ang sasabihin niya, pero iniwas niya lang ulit ang mga mata niya. Nakahinga naman ako nang maluwag dun.

"Kung makapagsalita ka, may lovelife ka, Chia?"

Muntik na akong bumulalas ng tawa sa sinabi ni Yui. Napasimangot naman si Chiasa dahil dun. Kung makapagsalita kasi, e, parehas lang naman kaming mga walang lovelife. Pero nawala ang ngiti kong yun nang maalala ko ang huling sinabi ni Sho bago kami naghiwalay ng daan. Sabi niya kasi babalik na lang siya mamaya at may pupuntahan pa.

"Seven pm, Azusa. Sabay tayong manood ng fireworks. Atsaka mo ulit sabihin sakin, mata sa mata."

Muli akong napabuntong hininga. Kung maaga niya kasing na-gets, sa tingin niya ba, aabot kami sa ganito? Pero sabagay, hindi rin naman ako sigurado kung anong puwedeng mangyari kung sakaling ganun ko minadali yung magiging relasyon namin. Atleast ngayon, may nalaman na naman ako tungkol sa kaniya.

Tumayo na lang ako mula sa pagkaka-upo sa lapag. May sapin kasi kaming dinala at talagang aakalain mong nagcamping kami rito sa eskuwelahan. Sa pagkakaalam ko, kami lang yata ang section na nanatili rito. Ewan ko sa iba at sa iba ring year level. Alangang makiusosyo pa ko diba?

"O, Azusa, saan punta mo?"

Nilingon ko sina Yui. "Magpapahangin."

Umalis na rin ako matapos nun. Sa totoo lang wala rin akong ideya kung saan ako magpapahangin, hinayaan ko na lang ang sarili kong paa na dalhin ako sa kung saan. Nakababa na ako ng building nang mapansin ko ang taong nakaupo sa may puno ng gemilina na nakatalikod sakin. Medyo malayo yung distansya niya, pero sa likod pa lang kilalang-kilala ko na.

"Hindi siya umuwi?" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad ako palapit sa kaniya. Mabuti na lang talaga at nakabukas pa rin yung mga ilaw ng bawat silid kahit pa gabi na. Atleast, may nagbibigay ilaw pa rin samin.

Hidamari no naka futari narande
Te to te tsunai de futto warai atte
Sonna nande mo nai koto sae mo
Kimi ga ireba tokubetsu dakara

"Eren," tawag ko sa pangalan niya.

Hindi naman ako nagkamali dahil lumingon siya sakin. Mukha pa siyang nagulat dahil nasa harapan niya ako. Ngayon ko lang din napansin na hindi niya suot yung salamin niya. At mas naging malinaw sakin ang aliwalas ng mukha niya kahit madilim pa.

Chika sugiru to tama ni wasureteru
Shirazu shirazu no uchi ni
Wagamama itte shimau noni
Yasashiku tsutsunde kureru

Ngumiti siya sakin, at sa hindi malamang dahilan, bigla na lang kumabog ang dibdib ko.

"Azusa."

Bakit pati sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko, pakiramdam ko may something magical? Hindi naman ako kaagad nakatugon sa kaniya kaya ang ending nagtitigan lang kami dun.

"Ah. . . anong ginagawa mo rito?"

Hala siya!

Kailan pa ako nautal sa harapan ng lalaking to?

Kono mama de toki ga tomaru nara
Futari de mitsumete itai
Ah kono keshiki hyakunen saki mo zutto
Eien ni kawaranai youni

"Gusto ko lang magpahangin."

Maagap akong napalunok. At nagtatagalog na rin siya!

"Ah. . . ganun ba? Maganda yan!"

Natawa si Eren, at napailing. Hindi ko talaga maialis ang tingin ko sa kaniya. Bakit ganun? Bakit ang bilis ng takbo ng puso ko? Bakit parang may nakikipagracing pa sa dibdib ko? Bukas pa ang relay, a? Pero truth to be told, hindi ko talaga maiwas yung tingin ko sa kaniya. Nandun na naman kasi yung karatula sa noo niya na nagsasabing, "akin na atensyon mo!"

"Yeah, ikaw? Tatayo ka na lang ba diyan?"

Juicecolored! Pigilan niyo kong i-record yung boses niya. Sabi ko, pangatawanan niya yung pagtatagalog, e.

Yorukaze ga sukoshi tsumetaku natte
Sotto kakete kureta JAKE-TO
Kimi no kaori ni tsutsumare nagara
Zutto yasashii yume wo mitetai

"Siyempre, hindi."

Umupo naman ako sa gilid niya at parehas kaming natahimik.

"Azusa."

"Hmm?"

"Can I get your email address and contact number?"

Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.

"Remember? Last week of festival?"

Napalunok ako. "Oo nga pala."

Inilabas ko ang telepono ko at ganun din naman siya. Nagpalitan kami ng email add and contact number. Medyo nahiya nga ako kasi touch screen ang cellphone niya. Samantalang, flip flops pa rin ang sakin.

Shiawase sugiru to kowaku natte
Tashikame takute
Kono sora ni yorisou hoshi mitai ni
Kienai youni

"Eren. . ."

"Hmm?"

"Wag ko na lang kaya ituloy?"

Napatingin siya sakin. "Why?"

Nagkibit balikat ako. "Gusto ko na maggive up. Wala naman akong mapapala."

Feeling ko kasi pinaglalaruan na lang din naman ako ni Sho.

Tumawa siya kaya napalingon ako. Mukhang masaya siyang asarin ako.

"Don't say that if you still didn't try, coz you'll never accomplish anything."

Natahimik naman ako dahil dun.

"Ikaw? Aamin ka ba?"

Napatingin siya sakin. At sa totoo lang, feeling ko nahypnotized ako ng titig niya.

"Yeah, I will confess."

Kono mama de toki ga tomaru nara
Futari de mitsumete itai
Ah kono keshiki hyakunen saki mo zutto
Eien ni kawaranai youni

Kokoro wa zutto kawaranai

Jusko, Lord! Bakit pakiramdam ko sakin niya sinasabi yun?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top