Chapter 15

Dumaan ang mga araw at linggo, hindi na ulit naulit ang moment na yun with Eren. Actually, hindi ko rin matatawag na "moment" dun dahil wala namang kamoment-moment dun. Buti nga at binawi niya yung sinabi niya sakin at sinabi niyang, "practice lang." Gusto ko pa ma-offend dahil ginawa niya akong training ground niya pero naalala kong para pala kay Yui yun.

Akala ko rin tuluyang magagalit sakin si Yui, pero hindi. Hindi rin naman niya inaming gusto niya si Eren, at sinabing ayaw niya lang masira ang moment namin pero halata naman sa kilos niyang gusto niya yun.

Marami rin naman ang nangyari sa mga nagdaang linggong yun. Ngayon nga ay ang simula ng sports festival namin. Nagikot-ikot muna ako bago ako babalik ng classroom namin para ayusin ang mga kaklase ko. Naging finale din talaga ang decision nilang pagsamahan ang A at E. At ako, si Sho, si Soujirou at Yui ang kakampi nina Suzy at Eren sa relay.

Bumalik na rin ako ng classroom matapos ang pagiikot. Bawas lang din yun sa kabang nararamdaman ko na hindi ko alam kung para saan. Ngunit nang dumating ako sa classroom ay tanging si Sho lang ang naabutan ko. Nakatayo siya at nakasandal sa pinto. Infairness, bagay pa rin sa kaniya kahit na nakaputing tee at shorts lang siya na hanggang tuhod.

Pero kapag naalala ko yung natagpuan ko, parang gusto ko na lang maglaho.

Umayos siya ng tayo nang makita niya ako.

"Azusa. . ."

"Bakit?"

Akala ko may sasabihin siyang something inspirational para manalo kami sa relay at hindi ako mapanghinaan ng loob pero tanging paghinga lang nang malalim ang ginawa niya.

"Kapag nanalo ako sa high jump, mapapangako mo bang kakausapin mo na ako?"

Oo nga rin pala, simula nung araw na yun ay hindi ko na siya pinansin pa sa mga sumunod na araw hanggang sa naging linggo. Ilang beses din naman siyang sumubok na kausapin ako, pero tanging hangin lang ang sumasagot sa mga tawag niya sa pangalan ko. Pakiramdam ko kasi natapakan ang pride at ego ko. Parang hindi ko kakayanin kapag hinarap ko siya na para bang walang nangyari nung nakaraan.

"Wala akong panahon— anong sabi mo? High jump ba?"

Medyo lumiwanag yung mukha niya. Medyo lang naman kasi nahahaluan pa rin yun ng lungkot tungkol sa naunang statement ko. Pero totoo nga kaya?

"Oo. Napagisipan ko na."

"Ano namang pumasok sa isip mo at nangumbinse sayong bumalik nga?"

"Naisip kita."

Natigilan ako at napaayos ng tayo. Papaasahin na naman ba niya ako? Kasi kung ganun nga, wag na lang. Wala akong panahon sa kaniya.

"Naisip ko na hindi lang yung pangarap ko ang maglalaho, kundi pangarap din ng iba."

Natutop ako. Mukhang pinagisipan nga niya.

"Pero hindi ko ginagawa to dahil lang din sa mga sinabi mo. Ginagawa ko rin to dahil ito ang gusto ko una pa lang."
Napatango ako. Good decision.

"Pero ano nga bang dahilan?"

"May bakal ang balakang ko."

* * *

"Hindi naman kita pinipilit na sumali."

Ayaw niya talagang magpaawat. Kanina pa kami nagtatalo simula nung iwanan niya ako sa building at binibet na niyang makakausap niya ako kapag nanalo kami.

"Pero gusto ko. At gusto rin kitang makausap."

Maingay na ang buong estudyante ng Uehara. Palagay ko rin ay nagsisimula na ang iba pang sports na involved dito sa Uehara. Kahit kasi iba iba ang sports na meron ay sabay sabay pa rin ang simula. Iba't iba rin ang facilitator ng bawat sports. At may nakapasok din na taga ibang bayan dito na dumayo pa.

"Kung gusto mong mag-usap tayo. Sige. Pagbibigyan kita. Pero wag na to."

Anak ng tipaklong naman kasi. Inuna pa nila ang jumps. Alam kong tatawagin na rin ako mamaya pero kailangan ko muna siyang makumbinsi na itigil ang kahibangan niya.

"Natandaan mo pa ba yung sinabi mo?" tanong niya.

"Anong sinabi ko?"

"Na mas masarap sa pakiramdam kapag nakuha ang isang bagay na pinaghirapan mo."

Napakamot na ako ng ulo. Mukhang wala naman akong magagawa para pigilan pa siya. Ngumiti lang din siya sakin na para bang inaassure saking walang mangyayari sa kaniya. Ang ganap pala kasi nung nagjunior high school kami ay naaksidente siya. Pinalaban siya sa hurdle kahit na hindi naman niya specialty yun. Turns out sinabotahe pala yun ng kalaban nilang school. Kaya rin siguro ganun siya katahimik nung time na inanunsyo ang pagsasabotahe rin at sa hurdle din. Nasangit kasi yung paa niya at naging pangit din ang pagbagsak niya kaya ayun, nadislocate.

"Kakayanin ko basta magkausap lang tayo."

Tumango na lang ako. "Ikaw bahala."

Tinawag na siya kaya naman mas pinili kong umalis na lang dun sa puwesto. Alam ko kasing bawal tumapak dun ang hindi naman tatalon kaya mas pinili kong umalis na lang dun at pumunta sa isang gilid kung nasaan ang mga kasamahan ko sa event na to.

"Siguro ba si Sho na tatalon siya? Mukhang nandiyan pa rin ang bakal niya diba?"

"Oo nga. Dinig ko may ilang buwan pa siya bago tanggalin yang bakal niya."

"E, diba maglalaro din siya sa relay? Pano yan?"

Bigla naman akong kinabahan. Bakit ko nga ba nakalimutan yun? At bakit ba parang kinokonsensya ako ng mga taong to kahit pa wala pa naman akong ginagawa? Pero diba . . . halfly, kasalanan ko dahil gusto niya akong kausapin? E, sa ayaw niyang makinig, e. Anong magagawa ko?

Natahimik na sila nang magsimula na ang laro. Nakikita kong sobrang determinado si Sho na panalunin to. Sana lang walang mangyaring masama sa kaniya dahil alam kong bangungutin ako nito.

Kinagat ko ang daliri ko habang pinapanood ang mga manlalaro. Huling tatalon si Sho, at talaga nga namang pinakaabangan. Since mababa pa lang naman ang unang tatalunin nila ay walang naging problema.

Ganun din sa mga sumunod na tagpo. Parating nakakakuha ng palakpak si Sho dahil nalalagpasan naman niya. Ngunit nung medyo mataas na ay medyo tagilid na rin ang bawat talon niya. Nabawasan na nga rin sila dahil hindi tumama ang katawan nung isang manlalaro sa stick at nahulog din siya. Tuloy pa rin naman at tuloy pa rin ang kaba ko.

"Azusa, tara na."

Napalingon naman ako sa taong lumapit sakin at nakitang si Soujirou yun. Nga rin pala, napalitan na rin siya sa puwesto ni Sho at kaming dalawa ang lalaban para sa long jump. Hindi ko maiwan ang tingin ko kay Sho habang papalayo kami dun at may isang beses na nagtama rin ang paningin naming dalawa. Ngumiti ako na tanging tango lang ang itinugon niya.

Matapos nun ay dumiretso na kami nang tuluyan sa lane namin. Sa totoo lang kahit na hindi naman isakripisyo ni Sho ang kalagayan niya, may balak naman akong kausapin siya. Naisip ko kasing wala pa nga pa lang kami at alam kong ngayon masiyado pa kaming naguguluhan sa nararamdaman namin. Alam kong may doubts pa rin siya dahil nga iniisip niyang ginagamit ko lang siya para masatisfy ko ang curiousity ko sa katawan which is half true. Nakakatuwa lang na nararamdaman ko na ngayon ang mga dati ko pang gustong maramdaman. Pero alam kong ang nararamdaman ko ngayon ay totoo. Kung . . . totoo nga talaga.

Napapikit ako at tinampal tampal ang pisngi ko. Walang duda, gusto ko siya. Ibinigay na ang pagkakataong to sakin, kaya naman hindi ko na to palalagpasin pa.

Pero ang pinagdududa ko, paano niya nalaman ang tungkol sa mga pinapanood ko?

* * *

Panalo siya.

Oo, panalo siya. At panalo rin kami.

Hindi lang talaga ako makapaniwala. Akala ko may mangyayaring masama sa kaniya dahil ayon sa horoscope. Ngayon daw ang bad luck ng mga scorpio. Which means, bad luck para sa mga taong kagaya ko. Pero alam kong hindi pa to ang finale dahil makakalaban pa rin naman namin ang iba pang year level na nanalo sa mga year nila.

Mabilis lang natapos ang araw na yun at hindi namin mapigilang magcelebrate. Siyempre, dalawang taon din simula nang huling sumalang ang section namin sa mga ganitong festival. Maraming hindi makapaniwala pero siyempre, marami rin ang expected na to. Sabi nga nila, "the rise of the dead" ang peg ng section E na tinawanan lang namin. Nagcongratulate lang naman samin si Eren at umalis na. Siguro, nagcelebrate rin. Ewan ko dahil sila ang first runner up.

May mga sports din kasing first runner up lang ang fourth year section E, at mas nangingibabaw ang section A pagdating sa sports na ping pong at swimming. Sabagay, ika nga, give chance to others. Nevertheless, we're still grateful dahil sa blessing ngayong araw.

"Kampai!"

Itinaas namin sabay sabay ang baso namin at isinangga ito. Naghiyawan ang buong section E. Nasa isang restaurant kasi kami at nagiihaw rin sila ng baboy. In-excuse ko muna ang sarili kong magsi-cr lang. Kaya naman dumiretso ako dun. Naging mabilis lang naman ang pagjijingle ko at agad na lumabas.

Nagulat na lang ako dahil nasa gilid pala ng pinto si Sho.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila. "Let's run away."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top