Chapter 13

Simula nung araw na yun, parati na kaming magkasama ni Eren. Mapa-umaga, tanghali at gabi. Siya kasi yung kasama kong kumakain ng dinner. At ano yung dinner namin? Siyempre, tumatanginting na "ramen." Oo, minsan nga sarap sabihin sa kaniyang, "wala bang siomai diyan?" Kasi pakiramdam ko, pinupurga talaga niya ako ng noodles na maanghang ang sabaw na yun. Nevertheless, nakakatipid naman ako dahil sagot niya ang gastos.

Buong week kaming walang pasok para lang sa preparation ng sports festival and probably, preparation sa pag-amin namin sa mga taong gusto namin. Parehas kasi naming pinapractice ang isa't isa. Siya, nagpapanggap na si Sho. Habang ako naman, nagpapanggap bilang si Yui. Hindi ko na rin ulit sila nakitang nagkasama ni Yui. Siguro, naisip niyang dahil barkada kami ni Yui at alam ko na yung nararamdaman niya, nahihiya siya.

"Azusa, si Eren daw."

Napatingin ako sa labas at nakita ko siya. Nagkatinginan pa nga kami ni Sho. Kasalukuyan kasi silang naggugupit ng mga banners. Habang ako naman, inaasikaso ko yung mga tinatahi ni Kaede na mga headband and wrist band para samin. Inihihiwalay ko kasi ang para sa mga babae at para sa mga lalake. Ang lucky color namin ay color black and white. Oh, diba? Mala-yin and yang lang ang datingan.

Inilapag ko muna ang head band ang wrist band bago lumapit sa kaniya na tahimik na nakatayo sa labas. Kulang na lang white uniform at puwede na niyang palitan ang guard sa Uehara.

"Ano yun?"

"Tell Yui and Sho Watanabe to go to the student council room. Also, you."

Napakunot ang noo ko. "Bakit?"

"There's a sudden changes."

* * *

Pinaparusahan ba ako ng tadhana? Kasi kung oo, gusto ko na lang mawala. Para kaming bibitayin dahil sobrang tahimik namin habang naglalakad. Maski si Chiasa na mahilig magbasag ng kalokohan ay tahimik. Pagdating namin sa school grounds ay nakita kong magkasama sina Suzy at si Soujirou na ipinagtaka ko.

"Pupunta rin kayo?" Ako na yung nagtanong.

Tumango lang sakin si Soujirou. Samantalang, inirapan ako ni Suzy. Ano yun? Makakain ko ba yung sagot na yun? Pero hindi na lang din ako umimik. Sa totoo lang, para kaming may death march dahil sa ginagawa naming 'to. Ako, si Eren at si Sho ang nasa harapan. Nakapa-V kami at ako lang ang nasa gitna. Diba, sabi nila kapag daw ikaw ang nasa gitna ninyong tatlo, ikaw unang mamatay? Pucha, mukhang sinasabotahe ako ng mga 'to, a?

Hindi naman lingid sakin yung mga weird stares ng mga estudyante. Siguro pati sila ay nagtataka kung bakit ang dalawang namumuno sa council ay kasama ng mga batikan sa kalokohan which is ang section E. Nevertheless, wala naman silang magagawa at hanggang titig lang sila.

Isa lang ang alam ko: wala akong ideya sa pinapasok ko.

Ay, student council pala 'to.

So, ayun. Tuluyan na kaming pumasok sa lion's den. At ang kinagulat ko ay ang nakapangkat na mga estudyante. Kilala ko sila. Pinaghalong estudyante ng section B at C. Bakit walang section D rito?

"If you're wandering why I called you here—"

Nagtaas ako ng kamay. "Kaijo, I have a question."

"What is it?"

"Bakit walang section D rito?" Napalingon pa ako sa mga estudyanteng kasama namin. Wala taga. Medyo pamilyar kasi yung mga tao sakin sa section D kaya alam ko. At ito nga, puro mga taga section B at C lang 'to.

"They're disqualified," si Suzy ang sumagot.

"Ba't naman?" tanong ni Soujirou.

"Someone caught them sabotaging the hurdle."

Napahilot ako sa ulo ko. Parang ako lang yung student council e, 'no? De, pero kasi parang ang cliché naman nun. May dayaang nagaganap para lang manalo sila. Sadly, may nakahuli. Buti na rin siguro imbis na merong madisgrasya sa ginagawa nila. Sabi naman ni Eren na inalis ang hurdle na yun at pinalitan ng bago kaya ayun, tanging section A to E minus the consonant letter D ang maglalaban-laban sa sports festival.

"So, can I continue?"

Tumango lang kami at nagsimula na siyang magexplain patungkol sa mga magaganap. Since raw wala ng section D ay naisipan ng council na i-emerge na lang ang bawat section by twos. Meaning, sa apat na section na yun ay dalawang section ang magsasanib at depende na lang kung sino yung mga malalakas at mabibilis na puwede nilang isalang sa relay, high jump, long jump at iba pang events na meron ang track and field. At ang napili ng section A ay ang section E.

"Teka lang naman, hindi ba parang ang unfair naman nun? Alam nating lahat na nasa section E ang malalakas pagdating sa ganiyan." apila ng isang taga section B, si Yozora Hashimoto.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti kasi meron pa lang nagaacknowledge sa section namin na ganun. Nawala lang ang ngiti ko ng mapansin kong pinagmamasdan ako ni Eren habang napapailing siya.

"It was already decided. Atsaka, may mga malalakas din naman sa section niyo, a?" si Suzy na halatang sumisipsip lang kay Eren. Psh. If I know, ayaw niya rin naman niya kaming ka-grupo pero no choice lang siya.

"Kaya nga. Minamaliit mo ba kami, Hashimoto?"

Tahimik lang ako. Mukhang makakasaksi ako ng WWE ft. Section B rito. Ito yung mga pagkakataon na hindi mo dapat pinalalagpas. Pero bago pa man nila sunggaban ang isa't isa ay nagsalita na si Eren.

"Meeting adjourned."

Bumagsak naman ang balikat ng mga taga ibang section. Samantalang, wala naman kaming imik. Kahit saan naman kami ilagay, ayos lang sakin. Pero siguro, mas okay na rin 'to. Hindi ko alam. Feel ko lang naman.

* * *

"Sa tingin mo, magkakasundo tayong mga nasa section A at E, Soujirou?" tanong ni Ai.

Matapos kasi ng "meeting" kuno ay dumiretso kaming bumalik dito sa classroom at inanunsyo ang mga kaganapan. Kasama na rin dun ang pagkaka-disqualified ng section D ng fourth year. At ito na nga yung reaksyon nila. Hindi naman ako nagi-expect na papayag sila, bahala na muna si Soujirou diyan. Patuloy pa rin ang usapan nila nung lumabas ako. Magpapahangin muna ako.

Siguro advantage na rin talaga 'to ng section E na solo namin ang building kasi kung hindi, baka parating may gulo na mangyayari. Tinahak ko ang hagdan paakyat ng rooftop. So far, wala pa naman akong nakakasalubong na maligno ad as if merong makakatagal na maligno rito. Magtatakutan lang sila ng multo.

Nang buksan ko ang pinto ay nakita kong nakahiga sa semento sa gitna si Sho. Nakataas ang isang tuhod niya at nakalagay sa ilalim ng ulo niya ang kaniyang braso. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Tatalikuran ko na sana siya ng magsalita siya.

"Hanggang kailan mo ko iiwasan?"

Bigla akong nakaramdam ng guilt. Alam kong tama ang sinabi niya. Pero kung hindi ko siya iiwasan, ano na lang ang mangyayari sakin? Baka hindi ko na kayanin. Sabi rin kasi ni Eren, iwasan namin yung mga gusto namin hanggang sa dumating yung araw na para samin which is ang last week ng festival.

Napalunok ako. "H. . . hindi kita iniiwasan—"

"Kala ko ba gusto mo ko?"

Napaharap ako sa kaniya, tinatantya kung totoo ba yung sinasabi niya. Kung tama ba yung narinig ko at kung alam na pala niya yung totoong nararamdaman ko. Bakit siya ganyan? Bakit parang normal lang kung lumabas yung mga salitang yun sa bibig niya na para bang hindi ako ilang beses napanghinaan ng loob dahil nga sa inakala kong hindi niya nakuha ang gusto kong sabihin?

"Ano. . . anong sinasabi mo?"

"Gusto mo ko diba?"

Humakbang siya papalapit sakin. Humigpit ang hawak ko sa door knob.

"Kung gusto mo ko bakit ka sumasama kay Eren?"

Napaangat ang ulo ko sa kaniya pero hindi ko pa man nasasabi ang gusto kong sabihin ng maramdaman ko ang kamay niya sa gilid ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ito na. Ito na yung matagal ko nang hinihintay. Ang gagawin niya sakin yung mga bagay na nakikita ko sa palabas at tanging nababasa ko lang sa mga libro.

"Ang pinakaayaw ko ay yung nagpapahiram ng pagmamay-ari ko sa iba. . ."

Gusto ko siyang tawanan. Bakit naman ang daya niya? Bakit alam niya? At bakit niya tinitake advantage porket alam niya?

Ito pala yung pakiramdam na pinaglalaruan ka lang. Katulad din sa mga binabasa ko. Katulad sa mga pinapanood ko. Yung tipo bang pinapakitaan ka ng motibo, pero hindi ka naman popormahan? Ito yun. Nakakagalit pala. Nakakainis.

"Wag mo nga akong pagtripan."

Tumawa siya. "Ganun yung pinararamdam mo sakin, diba? Ginusto mo lang naman ako dahil alam mong masasatisfy mo yung sarili mo kapag naramdaman mo na yung nararamdaman ng mga karakter mo na pinapanood mo o binabasa mo."

Natigilan ako ron. Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Anong sinasabi mo?"

"Ganun naman diba? Kaya mo ako nagustuhan. . . kasi ganun diba?"

Hindi na ako nakagalaw ng bumaba siya sa lebel ko at halos mapapikit ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko pero hindi. Minaliit niya ang pagkakagusto ko sa kaniya. Hindi niya nakita. Hindi niya naramdaman. Hindi naman talaga niya inacknowledge. Kaya tinulak ko siya at walang pakundangang sinampal.

"Wag kang lalapit sakin. Napakababaw mo pala! Hindi mo ba alam kung ilang building ang bumagsak sa dibdib ko dahil lang sa hindi mo naman talaga nakuha yung nararamdaman ko."

"Bakit? Kung hindi pala ganun? Edi ano yung nararamdaman mo sakin? At kung may nararamdaman ka nga, bakit ka pa lumalapit sa Naruse na yun?"

"Nagustuhan kita kasi ikaw lang yung tanging tao na nakapagturo ng kung anong daan ang dapat kong tahakin! Nagustuhan kita dahil ikaw lang yung taong nagbigay ng inspirasyon saking mangarap. At alam mo kung ano lang yung tanging ginawa mo nun?"

Hindi siya nagsalita.

"Ang tumalon at ngumiti at magpakita ng determinasyon. Ngayon, bakit ka tumigil?"

Akala ko hindi niya sasagutin pero ginawa niya na naging dahilan para naman gumuho ang natitira ko pang lakas.

"Hindi na para sakin yun."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top