Chapter 12

Ano bang dapat maramdaman sa ganitong sitwasyon? Kailan ba nung huli akong maawkward sa mga kaibigan ko? O may moments ba talagang nagawa kong maawkward kasama sila? Ugh, nakakafrustrate naman. Mahalagang kaibigan para sakin si Soujirou. Marami na siyang nalaman tungkol sakin. Kaya naman kung mangyayari 'tong ganito, pakiramdam ko mawawasak yung kung ano mang pinagsamahan naming dalawa.

"Azusa. . ."

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Hindi ko siya sinagot. Hinihintay ko kasi yung kasunod. Pero mukhang malabo kasi mukha siyang determinado. Pero ang tanong saan? Paano o saan siya determinado? Bakit ganito? Bakit kailangang mangyari saming dalawa 'to?

Huminga ako nang malalim. "B . . . bakit?" Yumuko ako. Hindi ko siya kayang tignan. After this happened, parang hindi ko na siya kakayaning tignan pang muli.

"Bakit kailangang ganito, Soujirou?!" dugtong ko pa. Parang hindi ko magawang kumalma. Hindi talaga kasi ako makahinga.

Bumuntong hininga siya. "Alam kong sasabihin mo yan. Pero Azusa. . . puwede ba? Puwede bang . . . ako na lang? Ibaling mo na lang yung nararamdaman mo sakin?"

Nagbreak down ako. Mukhang may isang bagay na hindi na maibabalik pa sa dati. Mapapatawad, maayos pero hindi na maibabalik. Hindi na kami babalik pa sa dati.

"May kasabihang, "wag kang mahuhulog sa matalik mong kaibigan dahil maaaring hindi na kayo bumalik pa sa kung ano kayo dati." Pinahahalagahan kita, alam mo yan. Pero yung ganito . . . ?" Napailing ako. "Game over."

Akala ko magwawala siya. Akala ko magagalit siya. Akala ko . . . akala ko lang pala. Hindi ko inaasahang ngumiti siya. Oo, ngumiti siya. Sabay sabing, "ayos lang. Hindi naman talaga ako umasang tutugunin mo yun, e. Atleast, nasabi ko na, diba? E, ikaw? Kelan mo maayos sabihin na mukha ka namang sincere?"

* * *

So, hindi ako sincere? E, kung hindi yun sincere. . . niloloko ko lang si Sho? Pero hindi, e. Totoo yun. Nararamdaman ko.

Bakit ko ba pinoproblema 'to? E, ano namang magagawa ko kung hindi niya nga kayang ibalik sakin yung nararamdaman ko?

"Ikakamatay ko ba?"

"Yeah, will you really die because of it?"

Napatayo ako mula sa pagkaka-upo. Nandito siya. Pero hindi si Sho. Kundi si Eren. Ano bang aasahan ko? Matapos ko siyang iwanan na magmukhang tanga dun. Sa tingin ko ba hahanapin niya ako tapos sasabihing na-gets niya yung sinabi ko nung huli kaming nagkita at sasabihin niyang, "gusto rin kita."

Siyempre, ganun yung nababasa ko sa manga at sa napapanood, e. Ganun yung inasahan ko. Pero naisip ko . . . hindi ko pala 'to napapanood. Kasi ako na mismo yung gumaganap dito.

"O, napadaan ka?"

Nakapamulsa siyang tuluyang lumapit sa puwesto ko. Pinagmamasdan ko na ngayon yung mga nagpapraktis sa baba. Infairness, todo effort sila. Marami rin kasing gustong patunayan ang ibang year pati na rin yung ibang section, e. Kahit pa man ang magkalaban lang talaga e yung mga same grade. Ewan, pride?

"Nothing. I just need someone to talk to."

"Parang ang seryoso niyan, a?" Natawa pa ako.

Na sana hindi ko na lang ginawa dahil sa mga sumunod na sinabi niya.

"Have you ever felt frustrated?"

Sarap sabihing, "oo. Actually, ito yung nararamdaman ko ngayon." Hindi ko pa rin matanggal kasi sa isip ko lahat ng nangyari kanina. Parang ang sarap na lang sampalin ng sarili ko para magising ako sa katotohanan. Katotohanan na nawalan ako ng isang kaibigan.

"Oo naman. Lahat naman tayo nakakaramdam nun, diba? Unless, alien ka dahil hindi mo kailanman naramdaman ang bagay na yun," sambit ko.

"No. I mean, it feels like you wanted to confess but you're having second thoughts because she might reject you or she might think that you're just playing with her?"

That hit a spot.

"Can I be honest?"

Ay, ano ba yan. Pati ako, napapa-ingles na. Nakakahawa pala talaga ang geek na 'to.

"Yeah."

"That's what exactly I'm feeling right now."

Napaisip din talaga kasi ako kung kaya ba ganun yung sinabi niya dahil iniisip niyang pinagtitripan ko lang siya? Pero grabe, hindi na ba talaga ako mapagkakatiwalaan? Sorry, a? Wala kasing experience. Pero sino kaya 'tong . . . oh my ghad! Don't tell me!?

Nanlaki ang mata ko sa kaniya. "Mukhang kilala ko na yang tinutukoy mo!"

Mukha siyang nagulat kaya natawa ako. "Ikaw ha." dugtong ko pa.

Natawa siya. "Ah. . . how should I put this. . . since when did you know?"

"Hmm. Since yesterday night? I think, parehas naman kayo ng nararamdaman." Paninigurado ko at napapaisip pa.

Naalala ko kasi yung mukha ni Yui habang kausap siya. Halata namang masaya sila sa isa't isa.

"I see. But can we make a promise?"

Nag-thumbs up naman ako sa kaniya. Aba, kung magpapatulong lang naman siya kay Yui, walang problema! Wag niya lang pagkamaliang saktan ang kaibigan ko kundi ako mismo ang mananakit sa kaniya.

Ngumiti ako. "Sure. No problem."

"On the night of our last week in festival . . . can we confess to the person we like that we like them?"

Nagkaroon kaagad ako ng bright idea. "OH MY GHAD! YES!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top