Chapter 11

"Ang ganda," bulalas ko.

Hindi ko mapagkakailang napaka-artistic ng mga tao rito sa Uehara. Hindi naman ako aware na ganito pala ka-engrande ang magiging seasonal festival kahit pa man sports pa lang. Paano ba naman kasi, may mga higanteng mannequin na naka-suot ng iba't ibang sports attire at according din sa mga sports na gaganapin next week.

Tapos, meron ding mga booths kahit na I suppose sa intrams pa yun or sa foundation week namin. Pero ang kaibahan nga lang, imbes na mga mushy booths ang meron ay puro pang-sports din. Siyempre, "sports festival" nga, e.

Aaminin ko, ngayon lang talaga ako na-excite ng ganito. Naglalakad pa rin kami ni Soujirou, at wala akong kaide-ideya, kung saan nga ba kami papunta kasi naisip kong hindi rin naman niya tinawag ang mga kaklase namin. Kaya feeling ko may ibang balak 'to.

Hindi rin naman ako nagkamali.

Napansin kong nandito kami sa may lover's lane ng school namin. Dito, tambayan ng mga couples na hindi masiyadong nagpapakalat-kalat sa campus grounds. Paano ko nalaman? Kasi napadaan ako rito nung sophomore ako. Yun din yung time na . . . nakilala ko siya. Naligaw ako papuntang oval, e, sa likod pa pala yun. Pero imbis na ma-bitter, dito ko pa unang narealize na gusto ko na nga siya.

Inaraw-araw ko pa ang pagtambay nun dito kahit na wala naman akong "partner" na dinadala. Naisip kong dito ako nag-dalaga. Dito ako unang nadevelop. Dito ko unang naamin sa sarili kong . . . may nagugustuhan na nga ako.

Na hindi naman ako ginusto pabalik.

Tumigil kaming dalawa sa may hanging bridge. Mahangin dito. Akala ko dito na pero may hinawi pa siya sa parang puno tapos pumasok kaming dalawa dun. Dun ko rin natuklasan na may mas igaganda pa pala ang Uehara. At dun ko lang napansin na may dala pa siyang gitara. Rhyming, ha?

Naupo siya dun sa may damuhan. Habang ako, nakaharap dun sa may dagat. Sa bawat paghampas ng tubig ay kumakalma ako. Ang sarap lang sa pakiramdam. Meron pa lang ibang lugar na ganito maliban sa rooftop.

"Bakit mo pala ako niyaya rito?"

Napatingin ako kay Soujirou na nagpa-pluck. Kahit hindi ko alam yung kanta dahil hindi rin naman niya kinakanta ay nagagandahan ako. Siguro ganun talaga kapag music lover ka. Automatiko kang napapamahal sa kanta kahit pa beat pa lang yun at wala pang mismong liriko. Pero iba pa rin yung may sense na kanta sa maganda lang yung beat, ha?

May mga kantang kahit na maganda ang tono pero kapag ang liriko hindi ko gusto, binibitiwan ko.

"Gusto mong iwasan si Watanabe, diba? Heto na."

Hindi naman ako nagulat. Sa totoo lang, kung may boy bestfriend akong maituturing, walang habas kong ituturo si Soujirou. Dahil bukod kanila Chiasa, siya lang ang nakakaintindi ng nararamdaman ko. Lahat ng nararamdaman ko kapag malungkot ako, sa kanta naman idinadaan.

Kumbaga, sa pagdadala ng problema at sa pagdadala sakin, siya ang taga entertain at sina Chiasa na ang bahala sa comforting words. Alam naman nila Chiasa yun at hindi rin naman namin siya pinagsasarhan ng pinto sa grupo pero siyempre, may mga bagay na kahit anong pilit mo, may barrier pa rin.

May mga bagay na napagkakaintindihan kami sa hindi. Siyempre, yung mga hindi namin napagkakaintindihan ay yung mga girl's talk kaya hindi talaga siya "in" kapag ganun yung pinag-uusapan namin.

"Ah, nahalata mo rin pala?" Natawa ako.

Patuloy lang siya sa pagpa-pluck ng gitara niya, habang taimtim lang akong nakikinig. May liriko na ngang nabubuo sa isip ko, e. Ito lang yung beat siguro na suitable para dun.

"Sino ba namang hindi? E, since sophomore, diba?"

Napalingon ako sa kaniya. "Ha? I mean, paano mo nalaman?"

Ngumiti siya pero malayo pa rin ang tingin. Bumibilis na rin ang pagkaskas niya sa gitara. Mukhang naiba na rin ang beat ng kanta at nandun sa mas pamilyar ako. Nga lang, hindi ko alam na maalam pala siya sa mga ganitong kanta.

Just give me a reason
To keep my heart beating
Don't worry its safe right here in my arm
As the world falls apart around us
All we can do is hold on, hold on

One thing that I've discovered, magaling si Soujirou kumanta. Pinanood ko lang siya habang pinakikinggan ang liriko ng kinakanta niya. Actually, paborito kong kanta 'to. Para kasi sakin, napaka-meaningful. Hindi lang dahil paborito kong banda ang One Ok Rock pero sige, isa na rin yung sa rason.

Take my hand
And bring me back

I risk everything if it's for you
I whisper into the night
Telling me it's not my time and don't give up
I've never stood up before this time
Demo yuzurenai mono itta kono te wo hanazanai

Dapat nga ba? Dapat ko pa nga bang panindigan yun kahit pa man tinapos na niya? Ay, ano ba yan. Para naman akong iniwan. Pero ganun pa rin yung katumbas nun, diba? Maging kami o hindi maging kami, basta, nag-invest ako ng feelings at kahit pa man indirect niya akong nireject, hindi mababago nun na binalewala niya ang nararamdaman ko.

So stand up, stand up, just gotta keep on running
Wake up, wake up, just tell me how I can
Never give up
Kuru wa shimi hodo setsunai

Just tell me why baby
They might call me crazy
For saying I'd fight until there is no more

Fureri wo fukunda senkoogankoo wa kankakiteki shodoo
Blinded I can't see the end
So where do I begin?

"Dahil nandun din ako," aniya.

Hindi ako bigla makahinga. Wala naman akong sakit sa puso, a? Mas lalo namang wala akong asthma. Pero bakit nararamdaman ko 'to?

Bakit parang kinakabahan ako?

Ano ba naman yun na may nakakaalam na ng nararamdaman mo, diba?

Pero hindi siya yun. Hindi sila yun.

Hindi na lang ako nakapagsalita kay Soujirou.

"From the beginning." basag niya sa katahimikan.

Napatingin ako kay Soujirou, hindi na niya pala hawak ang gitara niya. "Ha?"

"You should start from the beginning."

Ano bang ibig niyang sabihin? Magsisimula ulit ako? At saan? Sa pakikipagkaibigan ulit? O, baka naman babalik ako sa pagiging sophomore ulit?

Either way, wala namang mangyayari, hindi niya pa rin ako gugustuhin.

"And I'll start from the beginning, too."

Nagulat na lang ako nang hiklatin niya ako at wala pang isang segundo, tanging panlalaki na lang ng mata ang nagawa ko.

"You . . . should . . . begin . . . with . . . me."

Hinalikan niya ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top