Chapter 10

Bagay sila.

Habang inaalala ko ang mga nakita ko kagabi, isa lang ang nahinuha ko, bagay sila. Sa totoo lang, noong gabi ko lang din talaga nakitang ganun kasaya si Yui na may kasama, e. I mean, masaya naman siya kapag kasama niya kami, siyempre. Pero iba yung kagabi . . . parang may . . . spark?

Hindi na rin ako natuloy kagabi sa pagbili. Baka kasi maudlot yung namumuo sa dalawa. Isa pa, supportive akong kaibigan. Kung papipiliin din naman ako, bagay rin naman talaga si Yui kay Eren. Parehas silang geek at focus sa academic. Bumili na lang din ako ng cup noodles at tinuloy ang plano kong self-pampering 101. Ang kaibahan lang, hindi ko maiwasang hindi kiligin para sa kaibigan ko.

Kaya naman nung nakita ko siya kaninang umaga. Kahit gusto kong magtanong, hindi ko ginawa. Baka kasi maawkward siya at hindi na sila magkaroon pa ng ibang tagpong dalawa. Sa ngayon, sasarilihin ko muna ang natuklasan ko.

Paano kaya kung sila magkatuluyan, 'no? Sana naman maging ninang ako ng mga magiging anak nila. Hmm, panigurado na yan. Friendship over talaga kapag hindi nangyari yun. Napakagat ako sa kuko ko.

"Azusa, ano yan? Para kang pinasukan ng kiti-kiti."

Natigilan ako sa pagdi-daydream ko nang pumasok sa classroom sina Chiasa. As usual, dala dala ni Yui ang libro niya. Hinintay ko lang na siya ang magkuwento samin, pero wala. Ehhh? Or baka naman hiniling niyang discreet muna sila para hindi siya mahusgahan ng mga taga ibang vowel and consonant section. Tama. Baka ganun nga. Ganun kasi yung mga nababasa ko, e.

"Chiasa-chan, Yui-chan, ohayo!" masayang bati ko sa kanila.

Muntik na akong matawa nung parang umarteng naatake si Chiasa dahil may paghawak pa talaga siya sa dibdib niya habang nakatitig sakin. Sa true lang, mukha siyang tanga.

"Azusa, ikaw ba yan? Lumabas ka diyan kung sino ka mang demonyo ka!"

Tawang-tawa talaga ako kasi para siyang tanga. Kahit panandalian, nakalimutan ko yung nangyari saming dalawa ni Sho kahit originally, wala naman talagang something important na nangyari samin. Sadyang assuming lang ako at dahil napaamin ako ng wala sa oras, nabasted din ako ng wala sa oras.

"Gaga, ano ba yang sinasabi mo?" Inayos ko ang buhok ko atsaka naupo.

Dumito muna kami sa classroom tumambay. Sabi kasi kanina, meron daw'ng announcement for section E. Samantalang, ang ibang section naman ay patuloy sa ensayo. Okay lang din. Para kapag kami na ang magpa-praktis ay solo namin ang buong gymnasium at oval. At sa tingin ko naman, medyo nakakaya na ng section E na panindigan ang pagiging sporty nila.

"Ang weird mo kasi parang kahapon halos maiyak ka na tapos ayaw mo pang pumasok tapos ngayon, kung makabati ka samin, wagas."

Oo nga, 'no? Hindi ko na nga rin namalayan yun. Gusto ko na lang matawa kasi parang may achievement unlocked na naman ako kahit pa man wala rin yun sa "goal" ko kuno.

"May sapi lang yan si Azusa," gatong naman ni Yui.

"Uy, hindi, a. Masama bang bumati?"

"Hindi naman. Pero masama kung ang creepy mong ngumiti lalo na nung nakita mo si Yui."

Tinignan ko naman si Yui na poker face lang. Eh, kung tanungin ko kaya siya? Kaso baka hindi siya komportable. Antayin ko na lang bang siya ang magsabi?

"Hoy, ano nangyayari sayo? Narealize mo na bang hindi ka talaga babae at si Yui ang natipuhan mo?"

Natigilan ako at bumalik sa puwesto kasi sobrang lapit ko na pala kay Yui. Tinampal ko naman si Chiasa. "Hindi, gaga. May naisip lang ako."

"Chika ba yan? Ano yan? Spill, dali."

Hmm, wala naman sigurong masama, diba? Magkaibigan naman kami. Wala namang masama kung uusisain ko siya sa ganap nila ni Eren kagabi.

Tama!

Tumingin ako sa gawi ni Yui na patuloy pa rin sa pagbabasa. Huminga ako nang malalim bago bumuga. Heto na.

"Yui, kayo ba ni—"

"Good morning, class!"

Napatampal ako sa noo ko. Umayos kami ng upo sa mga assigned seats namin habang ang ibang kaklase ko naman ay natahimik. Nakita ko pang binatukan ni Sir Yamada si Soujirou dahil may binulong ito sa kaniya. Yung isa naman, tatawa tawa lang.

Tumayo si Kaede at humarap sa kay Sir.

"Class stand."

Tumayo kaming lahat bago hinintay ang susunod niyang sasabihin na naging ritwal na sa klase namin since elementary.

"Bow."

Kagaya nga ng sinabi niya, nag-bow kaming lahat kay Sir Yamada. Matapos nun ay muli kaming umayos ng tayo.

"Good morning, Sir!"

Sumenyas naman siyang ma-upo kami na agad naming ginawa. Hindi muna kami naglabas ng notebook at naghintay ng kaniyang sasabihin. Napabaling ako kay Yui na focus na focus sa harapan. Iniisip kaya niya si Eren?

Hay, nakakakilig naman!

"Welcome your new classmate, Watanabe Sho."

Nawala ang mainit na pakiramdam sa katawan ko. Namatay lahat ng kulisap. Nawala ang imahe nina Yui at Eren na namumuo sa isip ko at napalitan ito ng mga pangyayaring inakala kong maibabaon ko na sa hukay matapos kong makaalis sa lugar na yun.

Napalingon ako sa harap kung saan nakatayo siya. Hawak niya pa ang bag niya na nakasabit sa kaniyang likod.

"He transferred in from Okinawa High. I know some of you already know him."

At nagtilian na nga ang mga babae.

Ano pa nga bang aasahan ko sa isang Sho Watanabe? Kahit yata yung teacher namin ditong uugod-ugod na, masilayan lang yung ngiti niyang may pasabit pang dimple, baka mahimatay na. Napailing ako. Heart, kayanin mo pa.

Nagpakilala samin si Sho. Although short introduction lang yun, pakiramdam ko kahit hindi naman na siya magpakilala e marami na agad nakakakilala sa kaniya which is literal. Maraming may idolo sa kaniya lalo na pagdating sa track and field. At hanggang ngayon, kinakain pa rin ako ng curiousity ko kung bakit siya tumigil.

Dire-diretso lang si Sho. Naghahanap ng mauupuan. Umalis muna kasi si Sir Yamada dahil pinatawag siya sa council. Siya kasi ang adviser ng student council ng Uehara. Kaya ayun, nung nakahanap siya ng upuan — sa kabilang dulo nitong row ko, dinumog siya. Literally. Mapa-lalake o mapa-babae. Habang ako, kinuha ko na lang sa ilalim ng lamesa ko yung wattpad book ko. Mukhang buong fourth year ako nitong magtitiis na makita siya.

"Alam mo may nakapagsabi sakin na makakalimutan mo raw yung feelings mo sa isang tao kapag paulit-ulit mong nakikita yung mukha niya o naririnig yung pangalan niya."

Natigilan ako sa pagbabasa at nalipat ang tingin kay Chiasa na nakadungaw sa puwesto ni Sho. Masaya siya. Yun ang nakikita ko. Mukhang nakahanap na siya agad ng mga kaibigan. Good for him. I wonder kung yun pa rin ba yung objective niya kung bakit siya lumipat dito, or hindi na?

"Sinong kausap mo?"

"Ikaw. Yun yung dinadramahan mo kahapon, diba?" Nakaturo pa ang daliri niya kay Sho na parang binabaril ito.

Binaba ko ang daliri niya. "Gaga. Wag ka ngang magturo atsaka san mo naman napulot yan? Hindi siya 'no."

"Sus, ako pa lolokohin mo. Halata sa tingin mo sa kaniya kanina, girl. Atsaka, sinabi mo na samin dati pa, diba? Kala mo nakalimutan namin yun? Kaya nga namin siya nakilala, e, dahil sayo."

Napalunok ako. Paano ko ba makakalimutan yun?

"Tama ako, diba?"

Hindi ako nagsalita. Rather, ayokong kumpirmahin.

"Hmm. Mukhang tama nga. Pero anong nagustuhan mo sa kaniya? Bukod sa sporty . . . which is bet mo rin. Ano pa?"

Nandito na naman tayo. Kapag sinabi ko ba sa kaniya kung anong nagustuhan ko kay Sho, mapapansin na ba ko nun? Parang hindi rin naman. Kaya imbis na sagutin ang tanong niya, humarap na lang ako kay Yui.

"Yui, napanood mo na ba yung live action ng Signal 100?"

Naalala ko kasing yun yung na-binge watch ko kagabi kung saan bida si Kanna Hashimoto. Hindi ko naman alam na ganun pala nakaka-hypnotized yun. Parang maski nga ako, nahypnotized. Medyo nakalimutan ko na rin yung about sa nararamdaman ko kay Sho dahil sa mga nabanggit na signals dun. Parang ayoko na ring titigan siya, baka ikamatay ko pa.

Uy, double meaning yun, ha?

"Nope. Maraming nagsabing sobrang nakakatakot daw. Parang ayoko."

Natawa ako. "Uy, hindi naman. Nakakagulat lang. In all fairness, ang galing ng plot twist. Kala ko namatay yung teacher nila."

Nagulat ako nang sumulpot sa harapan namin si Sho. Malaki ang ngiti niya na ikinatahimik ng buong section E.

"Uy, signal 100. Napanood ko yan! Bida si Kanna Hashimoto, diba?"

Napatingin ako kay Chiasa at sumisenyas pero ang gaga umiwas ng tingin. Salamat, Chia, ha? Ang sarap mo talaga maging kaibigan!

"Uy, Azusa! Ba't naman ayaw mo mamansin?" Natatawa niyang tanong kahit na halata ko na sa boses niyang naawkward siya agad.

"Ah. . ."

"Azusa, practice raw."

Napalingon ako kay Soujirou na sumisenyas. Seryoso ang mukha niya. Mukhang kailangan na talaga naming magpractice nga. Malapit na rin ang sports festival.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top