Chapter 1
Mahilig ako sa fictional books at movies. Gusto ko nga kapag nakatungtong ako ng college ay yung course na pang-artista ang kukuhanin ko tapos kapag naman magtatrabaho na ako, gusto ko sa Japan. Nandun kasi yung mga pangarap kong artista na gusto kong makatrabaho.
Itinuturing ko ring virtual world ang buhay ko. Labo, diba? Paanong ang realidad ay maituturing na virtual world? Pero sadyang ganun dahil yung mga nakakasalamuha kong tao ay parang may bahid din ng virtual world. Mundo, kung saan pinupuno ang pangarap ko.
Nag-aaral ako sa Uehara High. Fourth year highschool student at sixteen years old. Wala pa namang mga naging ganap ang buhay highschool ko maliban sa natapon ako sa last section nitong fourth year. Hindi dahil sa bobo ako kundi dahil napaaway ako. Ipinagtanggol ko kasi yung dalawang estudyante rito sa section E na dating kaaway ko rin nung nasa first section pa ako. Labo ulit, diba? Pero ganun nga. Napagtanto ko kasing hindi naman lahat ng tao sa first section ay tama. Hindi porket sila ang matatalino, sila na ang palaging nasa itaas. Matatalino nga pero yung pag-intindi, wala na sa kanila.
Masaya naman sa last section. Solo namin ang buong building. May sarili kaming cafeteria, may sarili rin kaming rooftop at iba pa. Ganun kami inilalayo ng mga senior ng mga nasa first section sa kanila. Actually, naninibago nga ako, e. Kasi hindi naman ganito yung trato samin nung una. I mean, sa kanila. Ang alam ko, mainit ang pagtanggap ng Uehara High sa section E. Pero nagbago yun, simula nung gumradweyt yung past na president na talagang kilalang-kilala sa Uehara, si Zoro Naruse.
Si Zoro lang ang tanging presidente ng council na tao ang itinuring sa section E. Kaya rin may sariling cafeteria ang section E ay dahil sa kaniya. Basta, kung ikikuwento ko pa baka hindi na maintindihan kung bakit napagsasakluban ng langit ang lupa.
At ngayon nga, bumaba ang section A rito sa section E. Medyo magulo yung term na "bumaba" pero ang iniisip kasi parati nila ay bumaba ang mga matataas na tao sa lugar namin. Ganun kababa ang self-confidence ng mga tao sa section E. Isa pa, maraming natatakot samin sa hindi malamang dahilan. Iniisip ko nga lang nung una dahil baka nga ang turing talaga nila samin is deliquent dahil puro kami pinagsama-samang palaaway.
"Azusa Akabane."
Napalingon ako sa pinto. Nandun nakatayo yung isang namumuno rito sa section E, kasama ko. Oo, matapos akong ipatapon dito ay dito na rin ako naghasik ng lagim ko. Aarte pa ba sila? Pero simula naman nung nailagay ako rito, walang ibang gulo rin na nasangkutan ang section E. Naging balanse kasi kami. Si Soujirou Nagasawa ang panggulo at ako naman ang umaayos. Naisip ko kasing hindi porket yun ang tingin samin ay paninindigan namin. May gusto lang din akong patunayan tungkol sa section namin.
Nung una ay hindi sang ayon si Soujirou sa gusto ko. Napagdaanan ko pang ma-bully rito. Araw araw akong naliligo ng pinta at tubig. Ilang beses na rin akong nagpagawa ng uniform dahil lagi nilang pinupunit. Naranasan ko na ring umuwi na may pugad sa ulo dahil sa pananabunot sakin pero nung lumaban na ako. Dun nila napagtantong hindi nila ako dapat binabasta-basta.
Ganun ka-hellish ang first month ko sa section E. Pero kalaunan, nakakasundo ko na sila.
"Bakit?"
"Labas ka rito."
Sinunod ko naman siya. Ngayon ko lang din napansin na nasa labas lahat ng mga kaklase namin at tahimik lang sila. Nang tuluyan na akong makalabas ay tuluyan ko na siyang nakita.
Si Eren Naruse. Kung tatanungin ako kung anong traits ni Eren ang alam ko. Aba, sa tingin ko, makaka-perfect ako! Si Eren lang naman yung klase ng taong narcissist, perfectionist, santo-santito at kinabubuwisitan ko sa buong Uehara High. Kung masahol na ang tingin nila kay Soujirou, sa tingin ko, hindi magpapatalo si Eren. Ganun siya kalala.
Pero fine. Masiyadong OA, pero kasi kahit anong isip ko kung may maganda ba siyang traits, wala talaga. Isa siyang walking ice-man. Rock-man? Lahat na yata ng maihahalintulad sa bato o sa pagiging malamig na tao ay maitatapat kay Eren.
"Anong meron?" walang kwentang tanong ko.
"Gusto ni Eren na sumali ang section E sa sports festival."
Pause. Backward.
"Paki-ulit nga?" Parang may hindi ako nakuha. Oh, talagang alam ko sa sarili kong nagbibingi-bingihan lang ako.
"Your section is still a part of Uehara. That's why I want you to join our sports festival."
Gusto kong matawa ng mga oras na yun. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba kami nitong walking ice man na 'to o binubuhusan niya rin kami nang pang-iinsulto. Alam namin, hindi lang ako—kundi namin. Lahat, dito, kung gaano kaayaw ng mga tao samin sa Uehara tapos babasagin niyang gusto niyang maging parte kami ng sports festival?
Oo, ilang beses ko na 'tong nakita sa mga movies at nabasa ko na rin 'to sa mga libro. Kaya alam ko na ang dapat mga isinasagot ko rito. Anong akala niya sakin? Praktisado ako. Isa lang naman 'to sa mga cliché na nangyayari sa mga palabas kaya naman hindi ako magpapatalo.
"Paano kung ayaw ko?"
Napanganga yung kasama niya nun. Kilala ko rin siya. Si Suzy Nakahara. Siya lang naman yung babaeng parating inililink kay Eren kahit saan kami magpunta. Ewan ko nga lang kung pinatulan na niya 'to pero kagaya rin sa mga libro, pakiramdam ko naman, may namumuo na rin sa dalawang 'to.
Hinintay kong magsalita si Eren. Marami pa naman akong baon. Marami kaya akong napanood na jdorama this weekend. Kaya kampante akong may maisasagot ako.
"Then, choose. Your section will be expelled or you'll join the tournament?"
At siyempre, alam ko rin ang isasagot ko dun.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
"Fine."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top