Chapter 26
CHAPTER 26.
HINDI KO SIYA MAINTINDIHAN. He's obviously an enemy, but he acts and talks as if we're friends, or acquaintances. And all of my enemies want me dead, while he wants me to remain alive.
He must be planning something. Gusto niyang manatili akong buhay dahil may plano siya, at 'yon ang aalamin ko.
Nauna na akong bumaba sa kaniya pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yon kanina. My mind was in disarray, so I stormed out of his room to save myself. Sa kusina ako dumiretso, at tahimik na tinitingnan si Roa na nagluluto ng agahan habang nakaupo ako sa tapat ng lamesa.
My arms were crossed, as I observed his slow yet precise movements, showing how skillful he is when it comes to house chores, especially cooking. Kung sino man ang magiging asawa nito sa hinaharap, hindi na kailangang mamroblema sa kakainin at pagluluto. Oh, well, that is if he will live that long.
“Do you want the yolk in your sunny side up hard, or malasado lang?” he suddenly asked, without turning to me.
I blinked. “Anything. I eat whatever you give me, anyway.”
Tumango lang siya at nagpatuloy na sa pagluluto ng breakfast. I continued watching him cook, but my mind flew to something else. I heightened all of my senses, too, just in case there would be a surprise attack or something.
“So... hindi talaga kayo friends ni Kace sa lagay na 'to?” I tried opening up a topic since the silence was making me crazy.
“I told you, we're not,” giit niya. “He's not my friend. He's my personal body guard that my father assigned. Kahit hindi na ako ang magiging tagapagmana ng business niya, he still needed to protect me because he wanted my mother's properties that was put under my name.”
Napatango ako. That sounded just like Luciano. “You don't want his business?”
“I don't,” mabilis niyang sagot. Nailapag niya na sa plato ang mga niluto niyang itlog, bacon, at hotdogs, kaya humarap na siya sa akin para ilapag sa lamesa ang pagkain. “His blood may be flowing inside me, but I'm not going to be like him.”
“You ran away from home.” Inabot ko ang tinidor at tinusok ang isang hotdog mula sa platong kakalapag niya lang. “Sigurado akong hinahanap ka na niya ngayon.”
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy siya sa pagkuha ng mga plato ay kubyertos sa drawer at inayos ang lamesa. Hindi ko na lang din inungkat ang tungkol doon dahil baka ayaw niyang sabihin. Baka kumulo pa ang dugo niya sa akin at baka hindi na siya maging komportable sa akin.
I was about to take a bite on the hotdog when I heard footsteps from behind. At noong lumingon ako, nakita ko kaagad si Kace na pababa ng hagdan. May suot na siyang plain na puting t-shirt, at jersey shorts na kulay itim. And because it's his size, the clothes fit perfectly on his body.
It made me grimace, because we wore the same shirt and pants. He's planned this, I'm sure.
His eyes met mine, and it didn't leave until he reached the spot beside me. Ipinatong niya ang kamay sa lamesa, sa tapat ko, na para bang binabakuran niya ako mula kay Roa, kaya napakunot ang noo ko.
“Lalabas ako mamaya para bumili ng groceries. Gusto mo sumama?” aya niya, at saka siya ngumiti.
I raised a brow at him. Why is he so good at acting like nothing happened all the time?
“And what? You'll strangle me to death, throw my body somewhere, and let me decompose because no one's here?”
He chuckled. “As if you won't strangle me back if I do that.”
I rolled my eyes at him. “Stop. I still don't trust you.”
“Come on, Quincy.” He pulled a stool and he placed it beside me, then sat on top of it. His knees were touching my right thigh and knee. “Kahit ngayon lang, pwede mo bang kalimutan munang mga leader tayo ng magkaribal na organisasyon? Let us be just normal citizens beings for today, and do what normal people do everyday.”
Hindi ko siya pinansin. Habang nagsasalita siya, nagsasalin ako ng pagkain sa plato ko, at nagsimula na akong kumain. Pagkatapos kong nguyain ang pagkaing naisubo, napabaling ako ng tingin sa kaniya.
“Aren't you bored here or something?” dagdag niya. Itinukod niya ang siko sa lamesa, at saka ipinatong ang kaniyang ulo sa ibabaw ng kaniyang nakakuyom na kamay. “Let's go out? Go out with me?”
I blinked. I don't know why, but I sensed like the least sentence he said had another meaning. O baka paranoid lang ako dahil nasa kuta ako ng kalaban.
“Bakit ako? Pwede namang si Roa--”
“No. I don't want to,” maagap na sagot ni Roa na ngayon ay sumisimsim na sa kape niya. “I'd rather stay here.”
Mas lalo namang lumawak ang ngiti ni Kace dahil sa sinagot ni Roa.
“You have no choice. You'll go out with me right now.”
May sasabihin pa sana ako, pero hinawakan niya na ang kamay ko at hinila na ako palabas. I looked back at Roa, and he just nodded at me while picking up the plate and utensils I used.
He dragged me towards a cheap looking car that was parked in front of the house. The tires and the doors were slightly muddy, maybe because of the muddy road habang papunta rito. The car's windows weren't even tinted.
“Dadaan tayong car wash bago pumuntang palengke,” natatawa niyang sabi habang binubuksan ang pinto sa passenger's seat. Then, he gestured his hand to let me in. “Tara na.”
“Do you really think it's safe to wander around with this... cheap and old... car? And it's not even tinted?” I crossed my arms over my chest.
Naikamot niya ang hintuturo sa noo niya. “Pwede ba, Quincy, kumalma ka? Walang nakakakilala sa atin dito, kung 'yon ang inaalala mo.”
Inangat ko siya ng isang kilay. “Really? How sure are you--”
Napairap na siya. “Daming sinasabi! Tara na kasi!”
Hinawakan niya ang braso ko at napasinghap na lang ako nang hilain niya ako papasok ng kotse, at saka niya isinara. Tumakbo naman siya papunta sa kabilang side para umupo na sa driver's seat.
Nang nagbaling siya ng tingin sa akin, tinapunan ko lang siya ng matalim na titig. Nginitian niya naman ako bago niya pinaandar ang kotse.
I just sat there quietly, wondering when we will get out of this damn forest-like road with his cheap and malapit na masira na kotse. But after a few minutes, a wide and cemented road, which I guess was the main road, greeted us. Pero kahit nasa main road na, wala pa ring mga bahay. Puro pa rin mga puno at makakapal at mahahabang damo.
Where the hell even are we? I'm sure we're not in the city anymore. Are we in the far north? Or south?
Ilang minutong katahimikan habang bumabyahe, may nakikita na rin ako sa wakas na mga bahay. Hininto niya ang kotse sa tapat ng isang tindahan na sarado pa, at saka siya lumabas. There was a box beside the store's window na may coin slot. And when he inserted a coin there, kinuha niya na agad ang nakasabit na hose sa tabi no'n at may umagos na tubig mula ro'n na siyang ginamit niya para linisan ang kotse. This might be the car wash he was talking about.
He was taking so long, so I decided to take a nap. Ang kaso, imbes na idlip lang, nauwi sa mahimbing na tulog. Kaya hindi ko namalayang nakaalis na pala kami. Nagising na lang ako na ang dami nang tao sa labas, at mukhang nasa palengke na agad kami.
When I turned to the driver's seat, kalalabas lang ni Kace sa kotse. Hindi niya yata alam na gising na ako. I immediately went out of the car.
“Hey!” tawag ko sa kaniya kaya napabaling siya ng tingin sa akin. “Ginising mo sana ako!”
He blinked. “Ang himbing kaya ng tulog mo. I didn't want to disturb you.”
Napairap na lang ako at saka sumunod na lang sa kaniya. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko habang nililibot ang paningin.
Napakurap ako nang bigla kong maramdaman ang kamay niyang sumalikop sa kamay ko, kaya ako napatingin sa kaniya. “The fuck?”
He chuckled. “Hindi ka pamilyar sa lugar na 'to. Better stay close to me para hindi ka maligaw.”
I was about to cuss at him again, but he was quick to pull me towards a vegetable stall nearby. Mukhang kabubukas lang ng stall dahil naglalapag pa ng mga paninda sa ibabaw ng kawayan na lamesa ang matandang tindera.
“Good morning, Manang Gina!” bati kaagad ni Kace sa matanda. The tone of his voice reminded me of the first time I met him before, when he introduced himself as Roa's friend.
Malawak na napangiti ang matanda nang makita si Kace. “Ay, aba, good morning din sa 'yo, hijo! Ubos na agad ang pinamili mo noong nakaraan?”
Tumawa si Kace. “Ah, opo. Malalakas kumain ang kasama ko sa bahay, eh.”
Tahimik lang ako sa gilid habang nag-uusap sila. Naalerto kaagad ako nang biglang nalipat sa akin ang paningin ng matanda, at mas lalo akong nagtaka nang ilang segundo niya akong sinipat bago binalik kay Kace ang paningin.
“Hayaan mo na. Kapag buntis, malakas talaga kumain.”
Napakurap ako at bahagyang napaawang ang mga labi ko. “W-What? Hindi ako--”
Malakas na tumawa si Kace. Mas lalo lang din akong nainis nang humigpit lalo ang hawak niya sa kamay ko at hinila pa ako papalapit sa kaniya.
“Kaya nga po, eh.” Binalingan ako ng tingin ni Kace, at napaangat lang ang isang kilay ko nang kindatan niya ako. “Mabuti nga't hindi pa tumataba 'to.”
Natawa na rin ang matanda.
Kahit gustong-gusto kong sumabat, nanatili na lang akong tahimik habang kinakausap niya ang matanda at pinapabalot ang mga gulay na bibilhin niya. There were a total of three big eco bags, ganoon karami ang binili niyang gulay.
“Ako na magbitbit no'ng isa,” presenta ko.
Umiling kaagad siya. “Nuh-uh. Hindi pwedeng magbuhat ng mabibigat ang buntis.” At saka niya ako binigyan ng nang-aasar na ngiti.
I rolled my eyes at him. “Fucking stop it.”
Natawa lang siya. “But really... hindi ka buntis?”
Inangatan ko siya ng isang kilay. “The fuck? Bakit naman ako mabubuntis?”
He shrugged. “I mean... I did shoot it all inside that night.”
Nagtaka pa ako noong una kung ano ang ibig niyang sabihin pero noong unti-unti kong naalala ang tinutukoy niya, mas lalo lang lumawak ang mapang-asar niyang ngiti.
I scoffed. “Dream on, Kace!”
He just chuckled. Hindi na rin siya nakipagtalo pa kaya nagpatuloy na kami sa pamimili.
The whole we were roaming around the market and buying things, nakahawak lang ang isang kamay niya sa akin habang ang isa ay bitbit ang mga pinamili niya. I kept on offering to help him but he also just kept on rejecting my help, kesyo kaya niya naman at hindi naman mabigat.
Noong nasa meat section na kami ng palengke, nilapag niya sa sahig ang mga pinamili namin para kausapin ang isang tindera ng manok. Napasinghap ako at kaagad na pinulot ang mga eco bag dahil madumi ang sahig.
“Uy! Kace, ha! May asawa ka na pala! 'Yon ang narinig ko kay Manang Gina!”
Parang may napugto na kung ano sa sentido ko, kaya mariin akong napapikit at hindi ko na napigilang ilabas ang nasa isip ko.
“For fuck's sake, I am not his goddamn wife!”
Napasinghap ang babae at namimilog ang mga mata na napatingin sa akin.
Natawa naman si Kace. “Pasensya na.
Alam mo naman ang mga buntis, laging may mood swings.”
I just groaned and rolled my eyes for the nth time today. Mukha ba akong asawa niya? At higit sa lahat, mukha ba akong buntis?!
Kaya noong nakabalik na kami sa kotse niya, nakahalukipkip lang akong umupo sa passenger's seat at nakabusangot, habang siya naman ay inaayos ang mga pinamili namin sa likod.
“Chill,” natatawang sabi niya. “Joke lang naman. At naka-discount tayo sa mga pinamili natin dahil “bagong kasal” tayo.”
I rolled my eyes. “Stop. I've had enough of that bullshit joke.” Binalingan ko siya ng tingin. “Seems like everyone here knows you.”
Tumango siya. “Yup. It's a long story, but yeah... kilala nila ako rito.”
I raised a brow at him. “Even your name? Wait... is ‘Kace’ even your real name? After all, tinago mo rin ang identity mo noong pumasok ka sa college kasama si Roa.”
Tapos na siyang ayusin ang pagkakapwesto ng mga eco bags sa likod, kaya tuluyan niya nang hinarap ang katawan niya sa akin.
“You wanna know my real name?”
That piqued my interest, kaya naiharap ko na rin ang katawan ko sa kaniya. “What?”
Bigla siyang tumawa. “What? Ganoon ka talaga ka-interesado malaman? Should I interpret this as you finally having interest on me?”
Napasimangot ako. “Forget it. Umuwi na nga lang tayo!”
Bumalik ako sa pagkakasandal sa upuan at saka humalukipkip ulit. Pumasok na rin siya sa kotse at umupo na sa driver's seat.
“When we get home, I have something to tell you,” aniya kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya. He wasn't smiling anymore, so I'm guessing he's finally back to being serious.
“Tungkol saan naman?”
He started the engine, and drove the car. “It's about your Azarcon Clan, and my Luciano Family.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top