Chapter 17

CHAPTER 17.

IN THIS KIND OF situations, my survival instincts and fighting skills would automatically activate. No doubt, I could just grab this person's arms and change our positions in seconds.

But at that moment, my body was just relaxed. My whole system was relaxed. I didn't even flinch. As if my body knew who it was so it didn't activate my survival mode.

I inhaled, and a familiar scent entered my nose. Hinawakan ko ang mga kamay na nakahawak sa mukha ko and surprisingly, binitawan ako nito agad kaya pumihit kaagad ako paharap sa humila sa akin papalayo.

Napasinghap ako.

"What the fuck, Trisver!" Tinampal ko kaagad ang kamay niya. "I could've twisted your arm!"

He scoffed. "You can't. Mauuna akong pilipitin ang leeg mo bago mo mapilipit ang braso ko."

Napabuga na lang ako ng hangin at saka napairap. "Hindi ba sinabi kong 'wag mo akong sundan?"

He raised a brow at me. "Hindi pwede. I need to be beside you all the time. You know that."

I groaned and just ignored him. Pumihit na lang ulit ako paharap sa direksyon ng cafe at napatigil ako nang makitang wala na roon sa loob sina Tito at ang kausap niya, pati na ang mga bodyguards!

Nilibot ko kaagad ang paningin ko dahil baka nasa paligid pa sila. I even looked down at the railings to see if they went out of the mall already, but I couldn't find them! What the hell!

"Quincy? May hinahanap ka ba?"

Napabaling ako ng tingin kay Trisver. I wanted to ask him if he knew Tito was here, and if he knew who Tito was talking to. But the other part of me was telling me that he might not know either that Tito was here, dahil siya mismo ang nagsabi sa akin ng schedule ni Tito kaya nga ako ang pinapunta ro'n sa anak ng senator.

Napabuga na lang ako ng hangin. "Nevermind. Let's just go home. I wanna take a hot shower."

Nauna na ako sa kaniyang lumakad. At habang naglalakad kami, sinabi ko sa kaniyang utusan ang iilang tauhan namin na kunin ang mga pinamili ko rito sa mall dahil tinatamad akong magbitbit ng maraming bags. And, obviously, he scolded me about my sudden shopping spree.

While I was submerged in my bathtub, bumalik sa isipan ko ang nakita ko kanina sa mall. That was surely my uncle, and he's talking to someone I didn't expect to be there, talking with him. O baka nagkakamali lang ako, dahil hindi ko siya gaanong makita mula sa kinatatayuan ko kanina.

Still, I'll give him the benefit of the doubt. After all, in this line of life I'm used to, backstabbing someone and lying isn't surprising anymore. Those are the norms here, to survive and thrive in this kind of life.

"Trisver..." Nasa tapat na ako ng kama ko, nakasuot ng robe, at naghahanda na matulog. Si Trisver naman, nasa pintuan at papalabas na sana pagkatapos niyang i-report sa akin ang progress ng transactions at ibang business namin sa araw na ito.

"Hmm?" Ihinarap niya ang katawan niya sa akin.

"Can you... track Roa's whereabouts for today?"

Nagsalubong kaagad ang mga kilay niya sa tinanong ko. "Why?"

I narrowed my eyes at him. "Do I really have to tell you? Just do as I say, Trisver."

Halatang naguguluhan pa rin siya sa tinanong ko, pero tumango lang siya at sinabing ibibigay niya kaagad mamaya kapag natapos niya.

Napabuga na lang ako ng hangin at pabagsak na ihiniga ang sarili sa kama, at saka napapikit na.

I am the current boss of this organization, but sometimes I feel like I don't know a thing about my people. Hindi naman required na alam ko but... I just don't feel comfortable anymore that people around me question my decisions and even doubt me, kung kailan matagal na ako rito sa larangang ito. Parang ako na rin tuloy, nawawalan na ng tiwala sa sarili.

And speaking of work, it has almost been a month since my mission about getting close with Roa started. And, I hate to admit it, nothing much happened yet, kung progress lang ng mission ang pag-uusapan. But aside from that? A lot happened, obviously. And I don't like where things are going.

Should I just go with the other plans Trisver was talking about? It'll end this mission quick, and even kill this thing that's bugging me inside.

Nope. That won't do. It'll affect my reputation as the head of this organization. I should stand with my choice and do this properly. I should end this quick, so I won't lose what I have worked hard for to earn in this organization so far.

"He didn't go out of their house the whole day yesterday," balita sa akin ni Trisver habang kumakain ako ng agahan kinabukasan.

Napahinto ako sa pagsimsim sa kape, at nalipat ang mga mata ko sa direksyon niya. Suot niya na rin ang school uniform niya, at hinihintay na lang akong matapos para sabay kaming pumasok.

I sighed, and put the cup down beside my almost empty plate. "Really? Reliable ba 'yang source mo, Trisver?"

Naningkit ang mga mata niya. "Quincy, are you doubting me now? What is this even about? Bakit kailangang malaman mo ang mga ginagawa ni Roa when you don't even see each other outside school."

Napairap ako. "Ah! Whatever." Tinulak ko ang sarili patayo. "Anyway... It's been almost a month, and I have established quite a good relationship with Roa. Siguro naman, pwede na nating simulan ang part two ng planong ito. Walang problema sa kaibigan niya, hindi naman namin siya kaklase, and we don't have the same class schedule."

Tumango siya. "I have already notified our men who will go there and do the kidnapping. Ibibigay ko na lang sa 'yo mamaya ang kulay at plate number ng gagamitin nilang sasakyan. We'll have to be on call later when doing this, para maayos na maisasagawa ang plano."

It was my turn to nod. "Okay. I'll trust you with that. Let's go to school now."

Hindi ko na siya hinintay at nagsimula na akong lumakad palabas. Sumunod naman kaagad sa akin ang driver naming bitbit ang bag ko, pati na si Trisver na may tinawagan pa bago sumunod.

I sighed. Roa's a good kid, and he's too good to have a father like that. But, even if he's good, I'm still a boss who has a responsibility in the organization I lead, and guilt has long been gone from my system. This is just a job for me, with inevitable casualties and necessary sacrifices.

"You need to be thick-skinned," my father's voice echoed in my then young mind. "You need to have an iron heart, and a ruthless personality, to survive in this kind of world. This is your fate, you have to live with it."

That's what my father told me. In this kind of life, emotions like guilt, conscience, and love should be removed. Those are for good people. We're "businessmen" in the dark, or what people called "villains".

Bumaba na kaagad ako ng kotse pagkarating namin sa tapat ng school. I told Trisver to order our men to be arrive here at ten and be on standby, before I walked in and went into class.

As usual, Roa was already inside the class kahit may five minutes pa before our class will start. And, as usual, I went near him and talked to him. I was actually about to tell him to come with me after our morning classes, pero dumating na agad ang instructor namin.

"They're already outside," balita sa akin ni Trisver noong tinawagan ko siya pagkatapos ng klase namin.

Nasa labas na ako ng comfort room ng mga lalaki ngayon, hinihintay na lumabas si Roa dahil pumasok siya ro'n pagkatapos ng klase. He doesn't know I'm here.

Tumango ako. "Okay. Good. Lalabas na kami ni Roa mamaya. Ano ang kulay at plate number ng kotse?"

"Black van. AC 1709."

"Got it." Mabilis kong pinatay ang tawag nang makita kong palabas na si Roa. I cleared my throat, fixed my hair, and quickly ran towards him after.

Napansin niya kaagad ako, kaya napaangat siya ng tingin sa akin at nginitian ko naman agad siya.

"Hi!" I greeted and waved my hand at him. "Uuwi ka na ba?"

Tipid siyang tumango. "Oo. Bakit?"

"Uhm, ano kasi..." I bit my lower lip. "May gusto kasi akong puntahan, bagong bukas na café malapit dito. Pwede mo ba akong samahan?"

Naningkit ang mga mata niya. "Why me? You usually go out with Kace. Why not ask him instead?"

Napanguso ako. "Eh! Alam mo namang ayaw ko sa isang 'yon! At saka, mas comfortable akong ikaw ang kasama."

He sighed. "Hindi ako pwede. You know that."

He told me before that he has strict schedule. Kapag oras ng uwi, uwi kaagad. Hindi pwedeng mahuli siya kahit isang minuto dahil magagalit ang daddy niya.

Mas humaba ang nguso ko. "Saglit lang naman, eh! At saka, may oras pa kaya bago ka sunduin ng driver mo!"

His driver comes to pick him up at 12 noon. It's still 11:40 AM.

Humakbang ako papalapit sa kaniya at kumapit na ako sa braso niya, dahilan para mapaigtad siya nang bahagya. "Please? Please!" Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa braso niya.

He blinked. He opened his mouth, pero mukhang nagdadalawang-isip siya sa sasabihin.

In the end, he surrendered. He sighed in defeat. "Okay. Fine. Saglit lang tayo."

Napangisi ako. Mabilis akong tumingkayad para halikan ang pisngi niya. "Thanks!"

He was taken aback by what I did, but he was quick to recover. He cleared his throat, at inalis niya ang nakapulupot kong mga kamay sa braso niya at saka siya naunang lumakad, nahihiya.

My smile wore off, at mabilis akong nagtipa ng message sa driver ng van na palabas na si Roa, at kailan na nilang maghanda. Sumunod na kaagad ako kay Road pagkatapos.

Nasa hallway na kami pababa ng second floor, nang matanaw ko si Kace mula sa kabilang side ng building na lumabas ng classroom nila at sure akong pupunta 'yon dito sa amin.

Kinalabit ko si Roa. Lumingon naman kaagad siya sa akin. "Uh, pwede mauna ka na? May nakalimutan pala ako."

He quickly nodded. "Okay. I'll wait for you here--"

"No!" Umiling ako. "Mauna ka na sa labas. Mabilis lang ako. Promise!"

His eyes marrowed. "Mabilis lang pala. Eh, 'di dito na lang--"

Mabilis kong inangat ang mga kamay. "Hindi! Mauna ka na sa labas. Susunod ako kaagad. Sige na!"

Tinulak ko na siya pababa ng hagdan, kaya wala na siyang nagawa. He was hesitant, he kept looking back at me, but he still continued walking. Nang nawala na siya sa paningin ko, binaling ko naman ang mga mata sa hallway at napabuga ako ng hangin nang makita si Kace na ngayon ay nakatingin na pala sa akin at papalapit na.

I quickly smiled at him. "Uy! Hi!" Tumakbo ako papalapit sa kaniya. "Saan ka pupunta?"

Mapang-asar siyang ngumiti. "Anong nakain mo? Good mood ka yata."

Tumawa lang ako. I need to think of a way to keep him away from Roa. It'll be a problem if he finds out.

"Ay nga pala... Pwede mo ba akong samahan?" Humawak kaagad ako sa braso niya, dahilan para kumurap siya sa gulat at pagtataka.

"Saan naman?" tanong niya, pero nakatingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

I smiled more, and stepped closer to him. Idinikit ko ang katawan sa braso niya, dahilan para manigas siya.

"Sa C.R.," bulong ko. Gusto kong matawa nang maramdamang mas lalo siyang nanigas. I chuckled. "Sa library! Samahan mo ako. May gusto lang akong tingnan."

Napakurap siya. "Bakit kailangan--"

"Dali na! Saglit lang, eh!" Tinulak ko na siya paalis. Hindi ko inaalis ang katawan ko sa braso niya, kaya wala na siyang nagawa at sumunod na lang.

May library naman sa second floor, at nakarating kami roon agad. Pagkapasok namin, kaunti lang ang mga tao, lumabas pa agad ang iba.

Hinila ko kaagad si Kace papunta sa pinakadulong table, 'yong hindi kita ng librarian. Precautionary measures. I might have to do something just to stop him from going out.

"Bakit? Ano ba ang kailangan mo rito sa library?" aniya pagkaupo sa lamesa.

I sat down, and quickly fished my phone out. "Magwa-wifi ako."

Natawa siya. "Taghirap mo na ba, Kyrie? Wala kang load?" Nilabas niya na rin ang cellphone niya. "Load-an kita. Ano number mo?"

Hindi ko na siya nasagot kasi may message akong natanggap mula sa mga tauhan ko. Nakikita na raw nila si Roa sa labas, at naghihintay na lang sila ng order mula sa akin. I quickly typed a reply. I told them to wait fro Trisver's command instead.

"Kyrie?"

I sent a message to Trisver, saying he needs to lure Roa away from school, because I'm currently taking care of Kace.

"Kyrie? Huy!"

Trisver:

Got it. Saw him outside.

Binaba ko kaagad ang cellphone ko at nginitian ko si Kace na nakakunot na ang noo ngayon sa akin.

Naningkit ang mga mata niya sa akin. "Ikaw, ha, suspicious ka na. Ano ba talaga ang kailangan mo?"

I bit my lower lip. "Actually... may gusto akong sabihin sa 'yo. 'Wag ka sana mabibigla."

His eyes widened. "Ano? Na isa kang anak ng mafia boss?"

Umiling kaagad ako. Tumayo ako at saka siya hinila papuntang sulok ng mga shelf. Hinding-hindi na kami makikita ng librarian at ng ibang tao rito.

"Ano ba sasabihin mo?" bulong niya. "Bilisan mo. Baka hinihintay na tayo ni Ayro sa labas."

I bit my lower lip. Iniisip ko pa lang kung ano ang sasabihin ko, my mind says it's easy but my heart started to beat fast. I closed my eyes and sighed, before I opened them again and looked him straight in the eye.

"Kace... ang totoo kasi niyan--"

Napabuga siya ng hangin. "Alam mo, Kyrie, mamaya na lang 'yan. Umalis na tayo--"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil hinawakan ko ang kwelyo niya at mabilis ko siyang hinila para mapatakan ng mabilis na halik sa labi.

It was the only thing that I could think of right now!

We were both surprised at what I did when I moved my face away from him. Kahit ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko inalis ang titig ko sa mga mata niyang naghahanap na ngayon ng kasagutan mula sa akin.

I didn't say anything. We remained staring at each other for seconds. His chest was moving up and down.

Inalis ko ang mga kamay ko sa kwelyo niya. "S-Sorry--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang hinawakan ang mukha ko at dumukwang siya papalapit para mahalikan ulit ako. It wasn't the same kiss I gave him earlier. This was deeper, and more intoxicating.

I closed my eyes shut. Ang bilis ng tibok ng puso ko, at pakiramdam ko ay babagsak ako sa panghihina kaya napasandal na ako sa shelf sa likuran ko.

The way his lips moved made me so tempted to respond, and so I did. I heard him groan a bit nang sinabayan ko ang bilis niya. His grip on my face tightened a bit, and he pushed his body closer to mine as we continued kissing each other.

At that moment, I couldn't think of anything aside from how soft and warm his lips was. I even forgot why I dragged him here in the first place.

Pareho kaming hinahabol ang hininga nang humiwalay na ang mga labi namin, pero hindi niya pa rin inilalayo ang mukha mula sa akin. I was staring at his swollen lips. He was also staring at mine.

"Kyrie..." he breathe. "Binabaliw mo na talaga ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top