Chapter 15
CHAPTER 15.
I JUST STAYED SILENT as he pulled me to somewhere. His back was on me, and I just stares at it. His soft, black hair was swaying along the wind whenever he took a step forward, and I couldn't just ignore how smooth it glides on his nape.
It wasn't even that long since I got here in this school, but he already made me feel a lot of things that were unfamiliar to me. Being this observant, even with how his hair moves, was a part of it.
Observant naman talaga akong tao, that's part of the skills I needed to learn while training to be the next leader of Azarcon Family. My five senses were heightened in order for me to take advantage of enemies and not be able to get attacked by my enemies, too.
I never knew my observation skills would also include this-watching every detail about him.
Kumurap ako at umiling para alisin ang thoughts na nagsisimulang mamuo sa utak ko. The mind is powerful. Kung ano man ang iniisip mo, kung ano man ang dinidikta ng utak mo sa katawan mo, nangyayari 'yon kaya pinipigilan ko ang sarili kong mag-isip ng kung anu-ano tungkol sa estrangherong pakiramdam na nararamdaman ko ngayon.
It has been a long time since I did it with someone because I was so busy with school and work. Tama, baka 'yon lang 'yon. Baka nga kulang lang ako sa dilig, kaya ganito ang nararamdaman ko kapag may male specie na malapit. Tama, 'yon lang 'yon. Wala nang iba.
"Kyrie?"
Napakurap ako at nahila pabalik sa reyalidad ang utak. Napaangat ako ng tingin kay Kace nang mapansing huminto na pala siya. "H-Huh?"
He smiled. "Ang lalim naman ng iniisip mo. Kanina pa tayong tumigil, 'tsaka kanina pa kita tinatawag pero tulala ka." He chuckled. "May problema ka ba? Baka kailangan mo ng kausap, o tagapakinig?"
I cleared my throat. "Wala!" Nilibot ko kaagad ang paningin ko para ibahin ang usapan. "Saan mo ba ako dinala?"
I didn't know where we were, but I knew we're far from school basing on how my feet felt sore from all that walking.
There were only a few houses here, puro mga puno lang na feel ko ay man-made dahil nakahilera nang maayos sa magkabilang gilid ng daan. There were also benches here.
Parang kaming nasa isang park, pero sa baba ay may lake. May sementong hagdan na pababa papunta sa grass malapit sa lake, at may iilang mga ligaw na bulaklak naman na nakapalibot sa lake. At sa malayo, kitang-kita ang papalubog na araw na nagtatago sa likod ng bundok.
Looking at how the skies were turning into a pinkish and orange-y red reminded me of the colors of the blood on my clothes everytime I finish a job before when I was still a member of the crew. The sun setting was my cue to start working because the night was our morning, and the morning was when we sleep.
"Halika! Baba tayo ro'n!"
Masyadong okupado ang utak ko kaya hindi agad ako nakaangal nang hilain niya na naman ako pababa sa hagdan, at papunta sa tapat ng lake.
This part of the lake was grassy, and I felt my legs started to feel itchy. Naka-skirt lang ako na parte ng uniform ko, at hindi knee-length ang suot kong medyas.
"Teka, makati," I said before I stopped walking and withdrew my hand from his grip. Then, I scratched my legs.
"Allergic ka ba sa grass?" He chuckled. Nagsalubong ang mga kilay ko nang bigla siyang tumalikod at lumuhod sa harap ko. "Sumampa ka. Medyo malayo pa tayo sa pwestong gusto ko, baka bigla kang magka-rashes d'yan at isusugod pa kita sa ospital."
I scoffed. "What the hell? I'm not a--"
He sighed. "Sampa na kasi! Dami mo pang sinasabi. Sige ka, 'pag 'di ka pa sasampa, bubuhatin kita, bridal style. Gusto mo 'yon?" pang-asar niya.
Napasimangot kaagad ako. I didn't want to ride on his back, but the itchiness on my legs was so bothering, so I slowly bent down and wrapped my arms around his neck. I blinked when I felt his warm back pressed against my chest.
Bahagya akong napatili nang bigla siyang tumayo nang hindi ko pa naiposisyon nang tama ang mga binti ko. Kaagad niya namang nasalo ang mga binti ko, at saka niya ako pinosisyon nang tama sa likod niya. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang leeg.
"Ano ba!" maktol ko sabay hampas sa pisngi niya gamit ang isang kamay ko.
He chuckled. "Ang gaan mo naman. Kumakain ka ba nang tama?" Nagsimula na siyang maglakad habang nakasampa ako sa likuran niya.
Hindi ako sumagot, kaya natahimik na rin siya. I couldn't think straight because of how his large and warm hands were wrapped around behind my knees. I could also feel the roughness of his palms, which made me think must've been a hard-working man who works heavy jobs to make ends meet.
He stopped in front of the lake. I tapped his shoulders. "Bababa na ako."
Niluwagan niya ang pagkakahawak sa mga binti ko, kaya tumalon na ako paalis sa likod niya. The grasses around this area were shorter than from where we were earlier.
"Teka, 'wag ka munang uupo," aniya.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang bigla niyang inalis ang pagkakabutones ng kaniyang uniform. Hinubad niya 'yon kaya naka-tshirt na lang siya na puti. Nilapag niya ang uniform niya sa grass, tinapik 'yon bago nag-angat ng tingin sa akin sabay ngiti.
"Dito ka umupo, Kamahalan," aniya sa mapang-asar na tono kay napairap ako. "Baka 'pag uupo ka nang walang nakalapag na kunt ano, pwet mo naman ang kakati. Mahirap na."
Nangangalay na rin ang mga binti ko kaya hindi na ako umangal. Umupo na lang ako sa nilatag niyang uniform niya, at umupo naman siya sa tabi ko.
"So... why did you bring me here?" tanong ko kaagad.
"Wala lang," aniya sabay kibit-balikat. "Nasama na kasi kita sa shop ni Tita Rita. Trip ko lang isama ka rin dito kasi mukha ka namang kaladkarin."
Binalingan ko kaagad siya at tinapunan ng masamang titig. Tumawa lang siya.
"Is this also your favorite place?"
He clicked his tongue and snipped his fingers. "Tumpak!" Kinindatan niya ako at napairap lang ako. "Ganda rito, 'no? Kitang-kita ang sunset."
I shrugged. "Not really a fan of sunsets, but yeah, it's nice here."
Binaling niya ang paningin sa harapan at tumitig lang sa papalubog na araw. He has this small smile in his lips, like he was happy and contented. His eyes were glimmering along with the reflection of the skies on the lake.
"Kanina ko pa napapansing naninitig ka," aniya dahilan para maputol ang pag-iisip ko. "Iisipin ko na talagang crush mo 'ko."
I laughed and looked at the lake instead. "Asa ka. Mas pogi si Roa, siya pa rin crush ko."
In my peripheral view, I saw his head snapped at me. Magkasalubong ang mga kilay niya na para bang may sinabi akong nakaka-offend.
"Type mo talaga mga payatot?"
"Hindi naman siya payat? Sakto lang."
He clicked his tongue. "Titigil na ba ako sa pagpunta sa gym nito?"
I narrowed my eyes at him. "Edi tumigil ka kung gusto mo? Pake ko sa 'yo."
He chuckled. "Ang cute mo talaga mainis. Pwede pa-kiss?"
Bumunot kaagad ako ng damo sa gilid ko at saka hinagis sa mukha niya. "Tumigil ka kung ayaw mong maging crime scene itong favorite place mo."
I might actually murder him right here, right now if he won't stop. My heart's already about to burst, 'wag niya na dagdagan pa.
Tumawa lang siya kaya napasimangot ako lalo.
"Nasama na kita sa dalawa sa mga paborito kong puntahan. Baka may gusto ka ring i-share d'yan?"
Nagsalubong ang mga kilay ko sa tanong niya. "What do you mean?"
He pouted. "Dapat may i-share tayong valuable information sa isa't isa. That way, pwede nating ma-consider na friends ang isa't isa."
I narrowed my eyes at him. "I don't want to be friends with you."
His lips stretched into a playful smile. "Bakit? Gusto mo ba more than friends?"
"Isa pa, Kace, itutulak na talaga kita d'yan sa lake. Makikita mo."
Tumawa lang ulit siya. "Dali na kasi! Kahit ano, kahit pa deepest, darkest secret mo, pwede. Or kung ano favorite mong pagkain, gano'n. Para may pag-usapan lang tayo. Gusto kong magtagal dito."
"Kahit... ano?" My eyes roamed around as I thought of anything to say. Ano nga ba pwede kong sabihin. "Uhm..." Dumapo ang mga mata ko sa mga bulaklak sa likuran niya. "My mom's favorite flower is a rose. I mean, it's actually a black baccara rose, that's why I had it tattooed on my back."
The baccara rose actually became the symbol of our organization after dad took over. Kaya lahat ng members ng organization, may black baccara rose tattoo sa katawan nila. May ibang tinatago lang, ang iba naman ay lantaran.
I didn't know why I told Kace about the tattoo on my back, but it just came out of my mouth and I couldn't take it back anymore. But then, a rose tattoo is common, hindi niya naman siguro iisiping kasapi ako ng organization.
Namilog ang mga mata sa pagkamangha at napasinghap siya. "Talaga?! Pwede ko bang makita--"
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil bumunot na naman ako ng mga damo at this time, lumapit na ako sa kaniya para iduldul sa mukha niya ang damo sa sobrang inis ko.
Ang gago, tawa lang nang tawa.
"Joke lang, eh!" aniya habang tumatawa at tinatanggal ang iilang damong naiwan sa mukha niya. "Pero gusto ko pa rin makita. Feel ko ang angas tingnan niyang tattoo mo!"
Hindi ako nagsalita. Pinagdikit ko ang mga tuhod ko at saka niyakap habang nakatitig sa repleksyon ng langit sa lake. Umihip ang hangin kaya nasira rin ang repleksyon ng langit sa lake.
I wasn't really a fan of sunsets, but its beauty was undeniable. The hues painted in the sky just looked so perfect that I could actually stare at it for a long time.
I sighed. "Stop looking at me with those eyes."
"Hmm... what eyes?"
Napabaling kaagad ako ng tingin kay Kace. Ginaya niya ang posisyon ko, pero ang ulo niya ay nakapatong sa mga tuhod niya at nakaharap sa akin. He was smiling and looking at me like how he watched the sunset earlier-happy and contented.
"You're looking at me as if you've never seen anyone as beautiful as me."
"Which is true."
Nagsalubong ang mga kilay ko at pinanliitan ko siya ng mga mata. My heart actually leaped, but I hid my real reaction by acting as if I was disgusted. "Right now, ang corny at cheesy mo. Anong meron? May nakain ka bang masama?"
He just chuckled. Binaling niya ang mga mata sa direksyon ng lake, at ipinatong ang baba sa mga tuhod. "Actually, ngayon ko lang nalaman ang lugar na 'to."
Napakurap ako. "Huh? Sabi mo favorite place mo 'to? Ngayon mo pa lang pala nakita?"
"Wherever I go with you beside me, any place will instantly become my favorite."
My chest tightened when my heart started to hammer. I blinked and gulped, hoping it would reset and reformat my system that was going wild inside.
Bigla siyang tumawa kaya nagtatakang napatitig ako sa kaniya.
"Kinilig ka ba ro'n? Pinag-isipan ko 'yon nang mabuti."
Bumagsak ang mga balikat ko.
Could I just stab him right now?
"Tangina nito!" Mabilis akong tumayo at pinulot ang uniform niya para ihampas sa mukha niya. "Tumigil ka na sabi kung ayaw mong lunurin kita d'yan sa lake!" I groaned. "Bahala ka na nga d'yan! Uuwi na ako!"
Tumalikod ako at nagmartsa paalis doon. Nangangati ang mga binti ko pero mas lamang ang kagustuhang makaalis doon kaya hindi ko na napansin. Tinatawag niya ako at pinapabalik pero masyado akong naiinis sa kaniya kaya hindi ako lumingon.
While walking, I fished out my phone and texted Trisver to locate me and fetch me. Hindi ko na rin hinintay na makarating pa sila rito, lumakad lang ako nang diretso paalis.
Damn you, Kace! Makakabawi rin ako sa 'yo, makikita mo!
--
"KACE ADDAMEON MONTERO," basa ni Trisver habang nakayuko sa iPad niya. "Age, twenty-two. Height, 185cm. Weight, 65kg--"
I groaned and shook my hand. "Hindi 'yan ang gusto kong malaman!"
Napabuga siya ng hangin. Tamad na nag-scroll lang siya sa iPad niya para hanapin ang information na hinahanap ko.
He was still wearing his bathrobe at kagagaling niya lang sa shower. Basa pa ang buhok niya at may iilang butil pa ng tubig sa buhok niya. Hindi na siya nakapagbihis dahil atat akong malaman no'ng sinabi niyang may nakuha na siyang impormasyon tungkol kay Kace.
"He's an orphan," panimula niya. "His father died in a car crash, and his mother died when he was eleven due to an illness na hindi agad nagamot dahil wala silang pera."
I pinched my lower lip. So that explains his rough palms. Hardworking nga.
Umayos ako sa pagkakaupo sa kama. "Ano pa? Proceed."
"He's currently a scholar and he works three part-time jobs. Kahit nagtatrabaho siya, matataas pa rin naman ang grades niya at isang beses lang siyang naka-absent this school year, noong January 12, dahil nagka-diarrhea sa nakaing panis na spaghetti."
Tatawa na sana ako pero biglang tumingin sa akin si Trisver. I pressed my lips together and cleared my throat.
"Wala na bang ibang information? Isn't he connected with Roa?"
He sighed. "About that, wala pa akong nakukuhang information. But rest assured it'll be done this week pa rin."
He stared at me more, na parang may gustong sabihin, kaya nagsalubong ang mga kilay ko. "What?"
His eyes narrowed. "Quincy, since we were babies we've been together. So trust me when I say I know you from head to toe, and from skin to inner tissues of your body," aniya na mas ikinataka ko. "What's with those eyes?"
Napakurap ako. "Huh? Pinagsasabi mo?"
He sighed and just massaged his temple. "Whatever."
Tumango na lang ako. "Okay. Umalis ka na. Magbihis ka bago ka lumabas. I can't afford what people outside might think if you come out wearing only a bathrobe and just got out from the shower."
Napailing na lang siya bago lumakad papuntang closet. At nagbihis nga. Naka puting t-shirt at gray na sweatpants lang siyang lumabas dala ang iPad niya, at sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri.
That night, I couldn't sleep because I was thinking about everything Kace said back at the lake, and because my damn heart couldn't stop racing whenever I remember how he stared at me.
Bukas, sasakalin ko na talaga siya.
****
A/N: Random note lang in the middle of the story. I found out people sell our stories on Facebook groups, so I'm here to say that if you're reading this from any Facebook group after paying to get an access to this story, just want to let you know that you got scammed because this story is literally FREE to read on Wattpad, from Prologue to Epilogue. I never gave anyone permission to sell my works, it's ILLEGAL and you wasted money when you could've read this FOR FREE.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top