Chapter 14
CHAPTER 14.
I'VE HAD COUNTLESS boyfriends, and flings, and even fuck buddies before. I've met a lot of men and we do even more than just kissing so why the fuck did I react like that to Kace when he attempted to kiss me? I shouldn't be fazed with something like that, and I wasn't the type to easily get surprised, so why the hell did I react like that!? It's not like I was a prude or a virgin who was new to these kind of things for my body to react like that, damn it!
I couldn't name what exactly I was feeling whenever he does something that surprised me. I didn't have any past experience I could compare it, too, which adds to my frustrations.
I was just sitting on top of my car, watching how my men beat up the men from the rival organization that attempted to invade our Southern Territory. Pero kahit nakaharap ako sa kanila at mukhang nanunuod, nakatulala ako at iba ang iniisip.
I stared at each guy in front of me who were fighting for their lives. I looked for any of them whose looks comes close to Kace's para may maisagot ako sa katanungang kanina pang bumabagabag sa akin. I saw one, and he was in a black suit, meaning he's one of my men.
Tumayo ako at saka tumalon pababa ng kotse.
"The fuck, Quincy!?" angal kaagad ni Trisver at nawala sa focus, dahilan para masuntok siya ng kalaban pero nagantihan niya naman kaaad. "Go back in the car, damn it!"
Hindi ko siya pinakinggan dahil mas nangibabaw ang kagustuhan kong masagot ang tanong sa utak ko. With my hands inside the pockets of my hoodie jacket, I walked towards the guy I was planning to experiment on, as if I wasn't literally in the middle of a battleground.
Nang nakalapit ako sa lalaki, hinawakan ko kaagad sa kwelyo ang kalaban niya para hilain ito palayo, at saka ako na ang sumipa sa baba nito at umikot ang ulo nito dahilan para bumagsak ito.
"Salamat, Madame," sabi kaagad ng tauhan ko habang hinihingal. Tatakbo na sana siya para sana tulungan ang ibang kasama, pero hinila ko siya pabalik. "Bakit po?"
"Just want to confirm something," diretsong sabi ko at saka hinawakan ang necktie niya at hinila siya papalapit sa akin.
His eyes widened when our faces were a few centimeters apart. He blinked a lot of times and tried to move away, but I tightened my grip on his necktie.
"M-Madame?" naguguluhan at kinakabahang tanong niya.
My brows furrowed, waiting for that same feeling I was looking for but a few seconds passed, there was nothing. Nothing!
I groaned. Binitawan ko na lang ang necktie niya at napaatras naman kaagad siya. "I... I'm sorry. Forget that I did that."
Naguguluhan pa rin, pero tumango na lang siya bago bumalik sa pakipagbakbakan. Ako naman ay nakisali na rin dahil sa sobrang frustration at gusto kong may mapagbuntungan ng inis na nararamdaman ko ngayon.
How come I had no reaction with that guy? They looked the same! So why it didn't feel the same?! Baka kailangang siya mismo gagawa, hindi ako?
I just shook my head to get rid of the thought before I gave my opponent and uppercut which made him fall asleep instantly.
Hindi ko na dapat isipin. It wasn't that big of a deal. It's nothing, okay, Quincy. Don't think too much about it. It's nothing.
Ilang oras ding nagtagal ang bakbakan bago natapos at syempre, kami ang panalo. Hindi pwedeng hindi. May iilan mang sugatan at walang malay sa amin, pero at least walang namatay. Ang mga nagsugatan at kailangan ng medical attention ay kaagad na dinala sa pinakamalapit na hospital, habang kami naman nina Trisver ay umuwi na.
"Ang lalim ng iniisip mo," Trisver said after he noticed me spacing out while looking outside of the window.
Nasa tabi ko siya at ginagamot niya ang sariling mga pasa. May iilan din akong pasa, pero nauna niya na akong nagamot.
I glanced at him, contemplating wether to ask him about it, too, or not. But in the end, I let my thoughts win. "Trisver, have you experienced your heart beating so fast because of someone?"
"Yes. Because of you," mabilis niyang sagot. "Walang araw na hindi ako kinakabahang baka uuwi ka nang patay sa sobrang impulsive mo, Quincy."
Napanguso ako. "Iba naman 'yan, eh! I mean, 'yong ano... 'yong ano ba..."
Nagsalubong ang mga kilay niya at saka siya napahinto sa pagpapahid ng betadine sa sugat. "'Yong, ano?"
I didn't know how to explain it to him properly, because I didn't even know it myself! Kaya napabuga na lang ako ng hangin at napailing.
"Nevermind." Sumandal ako sa upuan at saka tumingin ulit sa labas ng bintana. "I need you to do something else for me instead."
"Of course. What is it?"
"Remember Roa's friend? You saw him days ago. That guy I was with going out of the hotel."
"Yeah, of course," aniya at halatang ayaw niya kay Kace dahil sa tono niya. "Why? What do you want me to do about him?"
"Look for informations about him. Anything. Everything. Importante man o hindi, give them to me."
"Sure. I'll call someone from our family investigate about him."
Tumango lang ako bilang sagot.
Pagkarating sa mansyon, 'yon pa rin ang iniisip ko. Habang naliligo, habang tinutuyo ang buhok, at kahit bago ako nakatulog, 'yon ang lamn ng inisip ko.
Kaya nang nakabalik ako ng school kinabukasan, sobrang sama ng tingin ko kay Kace habang magkaharap kami sa table noong nag lunch break.
Napahinto siya sa pagnguya at magkasalubong ang mga kilay na napatingin sa akin. "Ano? Ba't ganiyan ka makatingin sa 'kin?"
I narrowed my eyes, trying to look for answers in his face. What's with this guy, really? What's in him for me to react like that yesterday? Wala pang nakapagparamdam no'n sa akin, siya pa lang, kaya iniisip ko kung special ba siya? O may ginamit siya? Did he inject some kind of drugs in my body?
Nagbago ang expression ng mukha niya. Mula sa naguguluhan, napalitan iyon ng nabo-bother at kinikilabutan na expression. "Kyrie, kahapon ka pang weird. Tumigil ka na kung ayaw mong dalhin ka na namin sa mental, o kaya ipa-exorcise d'yan sa chapel sa labas."
I groaned and just rolled my eyes. Tinuon ko na lang ang atensyon sa pagkain ko at sinaksak ko na nang paulit-ulit gamit ng tinidor ang patatas sa chicken curry ko, kaya nagmukha 'yong mashed potato.
"Akala ko ba bati na kayo dahil nag-sorry na si Kyra sa 'yo?" tanong ni Roa habang ngumunguya ng pagkain.
"Kaya nga!" segunda naman agad ni Kace. "Ako ang naiinis kahapon dahil sa kaniya. Nag-sorry siya. Pinatawad ko na nga. Pero siya na naman 'tong galit. Ewan ko sa babaeng 'yan, pikon 'pag nagantihan."
Narinig ko siyang tumawa kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. And annoyance invaded my system when I saw how his eyes formed crescent again.
I clicked my tongue. Pinulot ko ang iilang durog na patatas at saka ko hinagis sa mukha niya. "Huwag ka ngang ngumiti, bwiset ka!"
Napakurap siya at naguguluhang napatitig sa akin. Dumikit na sa mukha niya ang mga patatas pero masyado siyang naka-focus sa akin na hindi niya na 'yon natanggal.
"Ano na namang kasalanan ko sa 'yo, Kyrie?" nagtatakang tanong niya. "May period ka ba?"
Inirapan ko lang siya bago padabog na nilantakan ang pagkain ko. Habang kumakain ako, tanong sila nang tanong pero hindi ko pinansin. Hanggang sa natapos na ang lunch break at nakabalik na kami sa aming mga klase, hindi pa rin ako umimik.
Noong uwian na, sabay kami ni Roa na lumabas ng classroom at lumabas ng school. He said his driver would fetch him as usual, kaya tinanong ko kung kasama ba ang daddy niya pero hindi raw.
We were both at the waiting shed in front of the school, waiting for our cars to arrive. Dumating na 'yong kaniya, kaya nagpaalam na siya at saka umalis na. Naiwan na ako roon na mag-isa.
Tahimik lang ako ro'n na naghihintay, nang may biglang sumira ng katahimikan.
"Iniwan ka na ng crush mo? Sumabay ka na lang sana at nagpahatid pauwi."
Hindi ko pa man tinitingnan kung sino, sa pagkulo pa lang ng dugo ko, kilala ko na kaagad kung sino itong tumabi sa akin.
"No need. I have my own car."
"Sabagay. Kasama ba 'yong lalaking nakita natin sa hotel sa susundo sa 'yo?"
"Ba't ka nagtatanong? Pake mo?"
Tumawa siya. "Init naman ng dugo natin ngayong araw, mismam. May dalaw ka ba?"
At dahil tumawa siya, napabaling ulit ako ng tingin sa kaniya. Ayaw kong makita ang mukha niyang nakangiti kaya kaagad kong tinakpan ang mukha niya gamit ang mga kamay ko. "Don't fucking smile, damn it! I hate how you smile!"
He just chuckled. Hinuli niya ang mga kamay ko at saka niya inalis sa mukha niya. Napasimangot lang ako nang bungad na bungad sa akin ang nakakairita niyang ngiti.
"Napapansin ko ngang mas lumalala ang inis mo kapag ngumingiti ako," nang-aasar na aniya. "Pero alam ko, sa loob-loob mo, gusto mong makita ang ngiti ko palagi. Hindi ka lang sanay at nahihiya ka kaya dinadaanan mo sa galit. 'Di ba?"
Inirapan ko siya. Binawi ko mula sa kaniya ang mga kamay ko. "Kapal din ng mukha mo, 'no?" I clicked my tongue before I faced the road again and crossed my arms over my chest.
He laughed. "Sinasabi mong si Roa ang crush mo, pero kinikilig ka na sa akin. Kabahan ka na, Kryie!"
Hindi ko na siya pinansin. Umakto akong wala siya sa tabi ko at kinakausap ako, kaya mukha siyang nakikipag-usap sa pader.
"Ay, teka, may gusto akong puntahan ngayon. Samahan mo ako."
Hindi ko pa rin siya inimik. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at saka ako hinila para sumama nga sa kaniya!
"What the hell? Bitawan mo 'ko! 'Di ako sasama! Ano ba?!" reklamo ko habang sinusubukang alisin ang pagkakahawak niya sa akin. "Sige ka! Sisigaw ako rito, sasabihin ko kidnapping 'to!"
Tumawa lang siya. "Sige lang. Sasabihin ko ring girlfriend kita 'tapos tinotoyo lang at naghahanap ng rason para awayin ako."
Sinimangutan ko siya. Tumawa lang siya ulit at saka kinurot nang marahan ang pisngi ko kaya mas lalo akong napasimangot. "Cute mo talaga mainis."
"Tanginamo," I cursed between greeted teeth to hide that my insides were starting to flip at what he said!
Tumango siya. "Cute mo pa rin. Basta, mabilis lang tayo. Ibabalik kita agad mamayang 5PM."
Mamayang five pa? Edi one hour kaming aalis? Baka hanapin na naman ako ni Trisver dahil mamayang 4:30 sila dadating para sunduin ako.
"Don't worry. Iuuwi naman kitang buo, eh. Unless gusto mong may wasakin ako sa 'yo," aniya ulit bago ako kinindatan.
Hinampas ko siya sa braso gamit ang isang kamay at sa sobrang lakas ng hampas ko, napaatras siya ng dalawang beses habang nakangiwi at tumatawa. "Bayolente ka talaga. Battered ang magiging boyfriend mo nito."
Sinimangutan ko lang siya. Nang nagpatuloy na siya sa paglalakad papunta kung saan habang hawak pa rin ang kamay ko, hindi na lang ako umangal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top