Chapter 13
CHAPTER 13.
THE NEXT DAY, I WOKE up with a massive headache na dinagdagan pa ng hampas ng unan ni Trisver sa ulo ko. That's how he wakes me up everyday because he said alarms didn't work for me anymore and it's getting hard to wake me up normally habang tumatagal.
Memories from last night flooded my brain, and I just groaned and rolled my eyes in disappointment when I remembered I kissed a stranger again. Hindi na bago, kasi tuwing lasing ako nagiging agresibo ako kapag may gusto akong gawin. And thank fuck he didn't accept my drunken offer last night, dahil baka hindi lang ulo ko ang sasakit.
I went to school with my head still throbbing, pero hindi ko pinahalatang masakit pa rin ulo ko. We had a test, at nangopya na lang ako kay Roa, and he just let me. He was even the one who insisted I copy from him. Him doing that just made me see the progress in my mission properly.
Nang dumating ang lunch break, magkasama kami ni Roa at pinag-uusapan namin ang nangyaring test habang papunta kaming cafeteria. And as usual, syempre kasama namin si Kace pero ang weird lang dahil hindi niya pa rin ako kinakausap. Not that I care, anyway.
And him ignoring me went on for days. I think, it lasted for almost a week, na pati si Roa ay nakapansin na na pinapansin lang ako ni Kace kapag si Roa na mismo ang magsasabi pero kalaunan hindi na rin niya ulit ako papansinin.
It was Friday, and we were having our P.E. class at the school's gymnasium, at nandoon din pala ang section nina Kace dahil P.E. rin nila ngayon at ang P.E. nila ay basketball, kagaya ng sa amin.
Nasa may bench lang ako, nakatayo sa tapat ng bag ko, habang tinatali into a ponytail ang buhok. Nang natapos, nagbaling kaagad ako ng tingin sa court.
"Montero! Pasa mo sa 'kin!"
My eyes found Kace, na nakasimangot pa rin at pawis na pawis habang dinidribble ang bola. He just nodded at his teammate at saka ipinasa sa kasama ang bola na kaagad naman nitong shinoot sa ring at nagka-three points sila.
He instantly smiled, his eyes forming into that annoying crescent shape again. Tumakbo kaagad siya papunta sa kasama at nag-high five sila. And while he was running back to his position, he lifted his shirt's collar and brought it in between his lips, then he bent down and held his knee while waiting for the free throw to finish.
"Bakit hindi kayo nagpapansinan ni Kace?" tanong ni Roa na nakalapit na pala. Umupo siya sa bench sa tabi ko, sabay uminom sa bottled water na hawak niya.
Napairap ako. "Ewan ko sa isang 'yan. Joke lang naman 'yong ginawa ko pero kung makaasta parang ang laki ng kasalanan ko!" I clicked my tongue.
He chuckled. "What kind of "joke" was it for him to ignore you for days? He's not the kind of person who wouldn't forgive you for something trivial."
I just snorted and avoided the question. Baka kung ano ang isipin ni Roa.
Out of frustration, inagaw ko ang bottled water ni Roa at diretso akong lumagok ng tubig doon. Kalahati na lang ang natira ro'n, at naubos ko 'yon.
"Montero! Foul!"
Naibalik ko ang paningin sa court nang marinig ang apelyido ni Kace. He was standing in front of his classmate na kalaban niya sa laro. Nakaupo na sa sahig ang kaklase niya at tinutulungan ito ng iba niyang kaklase na tumayo. Natulak niya ba ang kalaban? Foul daw.
I blinked when he suddenly turned his head at my direction, and our eyes met. His eyes were dark, and he looked angry. Bago pa ako maka-react, umirap na siya at saka siya patakbong umalis pabalik sa posisyon.
"Sorry, sir! Nadulas lang," sigaw niya sa kanilang P.E. teacher.
Nabaling ko naman ang paningin sa kabilang side ng court nang marinig kong pumalakpak ang P.E. teacher namin. "Okay, guys! Malapit na silang matapos. Simulan n'yo na ang stretching before we start our activity today! You can choose your partner for the by-partner stretching."
Lumingon kaagad ako kay Roa. "Partners na tayo."
Tumango lang agad siya bilang sagot. Nilapag ko na sa bench ang walang lamang bottled water at saka sabay na kaming lumakad para makisali sa stretching ng mga kaklase namin.
Pasulyap-sulyap ako sa direksyon nina Kace kahit nasa likuran na namin sila. Nasa bench siya ngayon, nakaupo at umiinom sa itim niyang tumbler. I sensed that he was gonna look at my direction kaya kaagad kong binaling ang mga mata sa harapan para hindi maiwan sa counting ng stretching namin.
Noong by partner stretching na, magkatalikod kaming dalawa ni Roa habang nakalingkis ang mga braso namin. He was taller than me, kaya nahihirapan akong hilain siya pababa para ma-stretch ang katawan niya, pero hindi pala siya mahilig sa exercise kaya kahit kaunting yuko ko lang, sumakit na kaagad ang likod niya.
It was his turn to bend, kaya nang yumuko siya at naliyad ako, kitang-kita ko mula sa bench si Kace na nakatingin na sa direksyon namin-sa akin. Nang nagsalubong ang mga mata namin, nag-iwas lang siya ng tingin at saka tumayo mula sa bench at tumakbo na papunta sa court dahil tinawag ng teacher.
Ilang minuto kaming nagii-stretch nang ganoon, at nagpatuloy na ang laro nina Kace. Last na raw nila 'yon dahil kami na ang susunod. I just watched how Kace played everytime Roa would bend down and arch my body.
Kace was obviously not in the mood, his frown was worse than earlier. Palagi na siyang nasisigawan ng teacher nila dahil 'di sinasadyang nabubunggo o natutulak ang kaklase.
He jumped and was about to do a layup, when one of his classmate on the opposing team jumped, too, and they bumped into each other. Medyo malakas ang pagkakabunggo kaya natilapon si Kace papunta sa sahig and his head hit the bench!
Nagsigawan kaagad ang mga kaklase niya at kaagad siyang dinaluhan. Seconds later, their teacher stood up with him on his back as he ran palabas ng gym.
Wait... he passed out?
Natapos na ang stretching namin at kami na ang kasunod na malalaro. Gusto rin yatang makiusyuso ng mga kaklase ko sa nangyari sa kanila, pero sinita kami ng teacher namin.
"Kace passed out?" tanong ni Roa habang sinusundan ng tingin ang taga kabilang section na palabas na ng gym.
Nagbaling ako ng tingin sa kaniya. "He's your friend. Hindi mo ba pupuntahan?"
Nagbaling din siya ng tingin sa akin. "He's tougher than you think. His head's too hard, kaya hindi niya ikakamatay 'yon."
Hindi makapaniwalang napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang lumakad na siya papunta sa harapan dahil tinawag siya ni sir dahil isa siya sa mauunang maglalaro para sa activity namin. He really doesn't care about Kace!
Habang ako, nabobother ako at naisip ko ito na ang chance ko na makausap si Kace nang kami lang dahil nasa clinic siya for sure.
Hindi na ako nagpaalam. Tumalikod na kaagad ako at saka lumakad palabas ng gym at papuntang clinic.
Pagkarating ko sa clinic, binati ako ng nurse na nandoon at saka tinanong kung ano ang kailangan ko. When I told her I was looking for the guy who was brought here earlier, itinuro niya ang kama na nasa dulo ng room, malapit sa pinto, kaya doon ako dumiretso.
When I got near, I saw one of his girl classmate sitting beside him. She was just scrolling on her phone at nang napansin ako, napaangat siya ng tingin sa akin.
"Ikaw 'yong sa BSA2-A diba? 'Yong sa gym kanina, na kasama ni Roa?"
Tumango ako. "Kakilala ko 'yang si Kace. Pwede mo ba kaming iwan saglit?"
Binalingan niya ng tingin si Kace bago siya tumango at saka tumayo. Sinundan ko lang siya ng tingin nang lumakad na siya palabas ng clinic. Nang tuluyan na siyang nakalabas, ako naman ang umupo sa silyang iniwan niya.
I crossed my arms over my chest, and also crossed my legs. I sighed. "Alam kong gising ka."
Hindi siya gumalaw, nanatili siyang nakapikit, pero nagsalita siya. "Ginagawa mo rito?"
Napairap ako. Gising nga lang ang gago.
"Hanggang kailan mo balak na hindi ako pansinin? Nagtatanong na si Roa dahil ang weird mo na."
He scoffed. "Edi sabihin mo bakit."
Napaangat ang isang kilay ko dahil sa pagtataray niya. "Kung dahil pa rin 'to sa ginawa ko sa 'yo sa hotel, edi okay. I'm sorry. Nagjo-joke lang naman ako!"
Finally, he moved and faced his body towards me, still lying on the bed. Sinimangutan niya ako. "Hindi nga kasi magandang biro 'yon!"
Napairap ako. "OA mo! Parang namang 'di ka pa ginano'n ng babae dati. Hindi ka pa ba nagka-girlfriend? Virgin ka pa ba talaga?"
Mas lalo lang umasim ang mukha niya. Bumangon na siya at saka nag-indian sit sa kama. "Nandito ka para mag-sorry sa akin pero parang gusto mo na namang hindi kita pansinin nang ilang araw."
Napabugq ako ng hangin at napahawak na lang sa noo ko. "Ang lala mo."
"Bakit ka pumunta rito? Hindi ba may activity kayo. Balik ka na ro'n, baka hinahanap ka na ng partner mong si Roa."
I could sense something in his voice, kaya napaangat na ako ng tingin sa kaniya. Nakatingin na siya sa gilid, nakanguso at magkasalubong ang mga kilay.
"Inaano mo d'yan?" I asked, pertaining to his current attitude. "Hindi ako kasali sa mauunang maglalaro, kaya ako nandito. Sina Roa pa ang nauna."
"Edi balik ka ro'n at mag-cheer sa crush mo." Mas lalong humaba ang nguso niya.
Mas lalong nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa inasal niya. I couldn't remember anything that could make him react like this towards me and Roa, kaya mas lalo lang akong naguguluhan.
"Nagseselos ka ba?"
Kaagad siyang napabaling ng tingin sa akin dahil sa tanong ko. "Hindi, ah!" angal niya kaagad. "Ang akin lang naman, may activity kayo. Balik ka na ro'n at lubayan mo na ako."
I snorted. "Parang dati ako pa ang tumataboy sa 'yo 'tapos ngayon ikaw itong pinapaalis ako." Nakanguso pa rin siya, kaya mas nainis ako. "Ano ba? Ang haba ng nguso mo. Gusto mo ng kiss?"
Sinimangutan niya na naman ako. "Nag-sorry ka na dahil sa pang-asar mo sa akin days ago, 'tapos aasarin mo na naman ako ngayon? Tumigil ka, Kyrie."
Unti-unti akong napangiti. Kung dati siya ang nang-iinis sa akin, ngayon may nahanap na akong rason para makaganti sa kaniya.
Tumayo ako at saka humakbang papalapit, pero inangat niya ang mga kamay niya. "Uy! Uy! Tigil, sabi. Isa!"
"Ang sama ng titig mo kanina no'ng uminom ako sa tubig ni Roa. Selos ka? Kiss din kita, dali!" Ipinatong ko na ang isang tuhod sa kama para mas makalapit sa kaniya. Umatras naman siya kaagad.
"Kyrie! Isa!" Sumimangot siya lalo. "Itutulak kita, sige ka!"
Mas lalo akong lumapit sa kaniya. Nasa dulo na siya ng kama kaya hindi na siya nakagalaw. I smiled at him. "Edi itulak mo," bulong ko.
He just gulped, and he froze when I moved even closer. I was so close to his face that I could feel his hot breath hitting my face.
I bit my lower lip to stop myself from laughing, pero hindi ko talaga mapigilan. Napayuko na ako at saka tumawa. "Ang sarap mo talagang asarin, gago!"
Tumatawa pa ako, nang bigla niyang hawakan ang baba ko at saka inangat ang mukha ko. I gasped and my eyes widened when he suddenly grabbed my nape and pulled me closer. He tilted his head as if he was actually going to kiss me. Our lips were just a few centimeters away. I gulped.
Out of reflex, malakas ko siyang itinulak, dahilan para malaglag siya sa kama. Napamura siya at sinita kami ng nurse.
Tumayo siya at saka bumalik sa kama. He suddenly smiled, his eyes forming that annoying shape again. "Ang tapang-tapang mo pero 'pag ginagantihan kita ikaw naman ang napipikon."
Napairap ako. "Bahala ka na nga d'yan!" At saka ako nagmartsa palabas ng clinic.
Hindi naman ako tumakbo, pero parang akong kinapos sa hininga. My heart was beating so fast. I clenched my hand on my chest in an attempt to stop it from going wild.
"Fuck this..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top