Chapter 11

CHAPTER 11.

WHEN WE WENT inside the taxi, the driver looked at us in total confusion, dahil mukha talaga kaming lumublob sa putikan. Natuyo na rin ang ibang putik at dumi sa uniform namin dahil sa katatakbo namin kanina. Pero kahit nagtataka ang driver, hindi na siya nagsalita at nagmaneho na kaagad papunta sa lugar na sinabi ko sa kaniya.

Habang nasa loob kami ng taxi, tahimik lang kaming dalawa ni Kace. Nakakrus ang mga braso sa dibdib ko at nakasandal sa upuan habang ang mga mata ko ay nakatingin sa labas. Si Kace naman, nakayuko sa cellphone niya at may ka-text. Wala naman akong pakialam sino kausap niya, kaya hindi na ako nang-usisa.

After half an hour, nakarating na kami sa wakas sa tapat ng mall na sinabi ko sa driver. Kace was about to pay for our fair pero naunahan ko na siya. Hindi na rin siya nakaangal dahil hinila ko na siya papasok sa mall.

"T-Teka..." aniya habang papasok kami sa mall. "Bakit sa mall? Pwede naman tayong mag-ukay-ukay. O kaya, umuwi para makapagbihis."

Nilingon ko siya at saka dinikit ang hintuturo sa labi ko. "Ssssh! Hinayaan kitang dalhin ako kung saan, kaya hayaan mo rin ako para patas tayo."

Hindi na nga siya nagsalita, kaya nagpatuloy na ako sa paghila sa kaniya papasok. Umamba pa ang guard na harangan kami dahil sa mga hitsura namin, pero diretso lang ang lakad ko.

"Now, where was it..." I mumbled as I roamed my eyes around the mall to look for the shop I was wanting to go to. "Ah! Right there!" At saka ko mas nilakasan ang paghila kay Kace paalis.

Pumasok kami sa isang boutique na suki ako. Nakataas ang noong pumasok ako sa shop at may lumapit naman kaagad sa amin na babae.

"Good afternoon! How may I-" Natigil siya nang makita ang mga suot namin. "Jusmiyo, what happened?" Umangat ang mga mata niya sa mukha namin, at mas namilog ang mga mata niya nang makita ang mukha ko, na ikinakunot ng noo ko. "Oh, my god! Madame Quin-"

"Can you ask someone to find clothes for this guy?" putol ko sa sasabihin niya sabay hila kay Kace papunta sa harapan ko. "We need to change clothes and go back to school."

Tumikhim na lang siya bago yumuko. "Yes, Ma'am. Freya!"

Lumapit naman kaagad ang tinawag niya, at saka niya ito inutusang bihisan si Kace. Parang batang nilalayo sa ina namang napalingon sa akin si Kace habang hinihila siya ng babae.

"Madame Quincy-"

"Sssh!" Nagbaling ako ng tingin sa kaniya. "Stop calling me that for now. And, you can recognize me?"

She chuckled. "Of course, madame! Halos araw-araw ka rito sa shop last year, at isa ka sa mga pinaka-galanteng buyer namin. Syempre, makikilala kita agad. But what's with the contacts and the... darker skin tone? At saan ba kayo galing? Ang dudumi ng suot ninyo."

Napabuga na lang ako ng hangin. "It's hard to explain. Just know that whatever you saw today, and regarding how I look, you're not allowed to talk about it to anyone. You know what will happen if you do," banta ko sa kaniya.

She pressed her lips together before she bowed as an confirmation to what I said.

"Now, find me some nice clothes. Nangangati na ang katawan ko dahil sa putik." Ininat ko ang suot kong blouse at nang pagpagin ko 'yon, nagsilipad kaagad ang alikabok at natuyong putik.

"Yes, Madame Quin-I mean, Ma'am."

Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang lumakad na siya paalis. I crossed my arms over my chest, and tilted my head to the side in confusion.

So... my disguise was a fail? She could recognize who I was kahit na binago ko ang iilang features ng mukha ko. In just a glance, she could recognize me instantly.

Which left me with the thought... could Kace recognize me, too? He saw my real face yesterday.

"Gago? Parang pupunta naman ako nitong kasal sa sobrang formal! T-Shirt na lang kasi!"

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang pagrereklamo ni Kace. Tinutulak na siya ngayon ng saleslady palabas ng fitting room. Nakakunot ang noo niya at todo reklamo siya sa suot niya.

I pressed my lips to stop myself from laughing. Ang formal nga ng suot niya, pero ang mukha niya puno ng pasa at may putik pa, pati ang buhok niyang tumigas sa putik.

"No. Change that," utos ko kaagad dahilan para tumigil sila at napabaling ng tingin sa akin. "'Yong casual lang."

Nilingon niya kaagad ang babaeng tumutulak sa kaniya kanina. "Sabi sa 'yo, eh!"

Yumuko sa akin ang babae bago hinila ulit si Kace paalis. Ako naman ay umupo na muna sa sofa at pinakrus ang mga binti habang naghihintay sa kanila. Para libangin ang sarili, nilabas ko muna ang cellphone kong nasa bulsa ng skirt ko para tingnan ang mga messages na natanggap ko na hindi ko natapos basahin kanina.

A new notification popped up. It was a text from Trisver.

From: Quack Doctor

Where the fuck are you again, Quincy?

Napairap kaagad ako nang mabasa ang message niya. He sounded like a mother who was about to go mad for loosing sight of his daughter.

To: Quack Doctor

Chill. I'll be home later. And don't track my location. I'm fine.

Naisipan kong magsend ng selfie sa kaniya, pero hindi ko na lang tinuloy dahil hindi pa ako bihis. Kapag nakita niyang marumi ako, mas lalo lang siyang magmamatigas at hahanapin talaga ako para iuwi.

May reply siya pero masyado akong naiinis sa kaniya. Pinatay ko na lang ang cellphone ko at binalik sa bulsa ko. Sakto namang lumabas na rin sina Kace at this time, naka-casual na nga siya.

Nakasuot siya ng blue and white striped polo shirt na naka-tuck in sa kakhi pants. Casual nga, pero mukha namang may date na pupuntahan.

Umiling kaagad ako at iminuwestra ang kamay na parang pinapaalis sila. Napanguso naman si Kace nang hilain na naman siya ng saleslady paalis.

And that was how our whole one hour inside the shop was. Mas marami pang oras ang nilaan sa paghahanap ng dami na babagay kay Kace at sa gusto ko, kesa sa pagpili ng damit ko.

In the end, I chose a simple plain white t-shirt na medyo mas malaki sa size ng katawan niya, na naka-tuck in ang hem sa itim na slacks. Ang linis-linis talaga tingnan ng loko sa puti at itim na combination.

"Nag-mall pa, t-shirt at pants lang naman pala bibilhin," reklamo niya noong palabas na kami ng mall. Suot niya na ulit ang uniform naming marumi habang bitbit niya naman ang bags ng mga damit at sapatos na pinamili namin. "Pwede naman tayo mag-ukay-ukay. Makakabili pa tayo ro'n ng sampung ganito ro'n sa presyo nito rito."

Napairap na lang ako. Kanina pa siya nagrereklamo! Naiirita na ako! Kapag sinagad nito ang pasensya ko, ingungudngud ko ang labi nito sa sahig.

"We need to go to a hotel," sabi ko na ikinahinto niya, kaya napalingon ako sa kaniya. Namilog ang mga mata niya, kaya nagsalubong ang mga mata ko. "What?"

"H-Hotel?" Napakurap siya. "Kyrie, hindi ko alam kung ano ang binabalak mo, pero 'wag mo na 'yang ituloy, please. Maawa ka sa 'kin, marami pa akong pangarap sa buhay."

For the nth time, napairap ako. "Wala tayong ibang gagawin sa hotel, gago! Maliligo lang tayo ro'n! 'Yang utak mo kasing dumi ng hitsura mo ngayon!" I clicked my tongue.

Napabuga siya ng hangin. "Uuwi na lang ako kung maliligo lang pala."

I groaned. Naiinis na ako sa kaniya kaya hinawakan ko na lang ang braso niya at saka siya hinila papunta sa pinaka-malapit na hotel na nakita ko.

Nagreklamo pa siya ulit dahil mahal daw ang hotel, uuwi na lang daw siya, pero hindi ko siya pinayagan. Sa second floor ang room na nakuha namin, kaya doon kami dumiretso. Pagkapasok namin, umupo kaagad ako sa kama.

"Mauna ka na maligo," sabi ko sa kaniya.

"Huh? Ikaw na lang."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at saka siya tinitigan. He quickly understood, so he pressed his lips together and put down the bags. "Sabi ko nga, ako na mauuna."

Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang lumakad na siya papunta sa bathroom. Nang naisarado niya na ang pinto, ibinagsak ko ang katawan sa kama at saka ako napapikit.

Pagod na pagod na ang pakiramdam ng katawan ko. Ang lambot ng kama, kaya mas lalo lang ako nakakaramdam ng antok.

I have no worries in taking a bath with Kace here. Water proof ang binili ni Trisver na tanning cream, dahil iniisip niyang dadating ang panahon na kailangan kong sumama kina Roa at malublob sa tubig or something. This was why even though he annoys me a lot, I just couldn't get rid of him. He's too smart and useful.

Sa contacts naman, I could just get it off before showering and put it back on after.

Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Nagising na lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng bathroom, kaya napabaling ako ro'n.

Napaigtad naman si Kace nang magsalubong ang mga mata namin. Basang-basa pa siya at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya pababa sa katawan niya. Nasa hips nakatapis ang kaniyang towel, kaya kitang-kita ko ang katawan niya.

He's not that built, but you know he does some lifting or exercise dahil may abs siya at medyo maumbok ang dibdib niya. His biceps were well defined as well.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang yakapin niya bigla ang sarili. "Ligo lang ang usapan! 'Wag kang ganiyan!"

He's body's not bad, but it wasn't enough to make me salivate or something. I've seen a lot of men naked in the nature of work, and his body's nothing compared to some of those I've seen. Ang feeling niya naman masyado!

Napairap na lang ako bago bumangon. Lumakad ako papalapit sa kaniya at kaagad naman siyang napaatras at bumangga ang likod niya sa pinto ng batbroom habang namimilog ang mga mata.

"K-Kyrie naman..."

"Move," naiiritang utos ko. "Maliligo na ako."

He pressed his lips together before he stepped away from the door. Napabuga na lang ako ng hangin bago hinablot ang isang towel na nasa gilid bago ako pumasok ng bathroom at ni-lock ang pinto.

I walked towards the mirror to remove my contacts. Nang natanggal ko na, sinunod ko na agad ang damit ko bago ako pumunta sa ilalim ng shower at naligo. Binilisan ko lang ang paligo dahil bukod sa hindi ako sanay sa bathrooms ng hotels, hindi ko rin gusto ang sabon at shampoo nila.

Pagkatapos kong ibalik ang contacts ko at naitapis na ang tuwalya sa katawan ko, lumabas kaagad ako ng bathroom.

Naabutan ko si Kace na tinutuck-in ang hem ng shirt sa pants. Napahinto siya sa ginagawa at saka nag-angat ng tingin sa akin pero nang makitang naka-towel lang ako, kaagad siyang tumalikod. Napairap naman ano. Parang namang virgin ang isang 'to. Virgin ba 'to?

Nasa kama na ang mga bags kaya doon ako lumapit at saka ko nilabas ang mga susuotin ko.

Sanay akong nakahubo't hubad na lumalabas ng bathroom tuwing naliligo kapag nasa bahay lang ako, kaya tinanggal ko kaagad ang towel na nakatapis sa akin at saka ako nagsimulang magbihis. May underwear naman kaming nabili, kaya sinuot ko 'yon.

"Ay! Jusko, santa maria! Lord!"

Napabaling kaagad ako ng tingin kay Kace nang bigla siyang sumigaw. Humarap pala siya sa akin at nang makitang naka-underwear lang ako, mas malala ang reaksyon niya kesa kanina.

Gusto kong matawa dahil sa reaksyon niya pero at the same time, naiirita ako dahil sa reaksyon niya.

Hindi ko na napigilan. Humakbang na ako papalapit sa kaniya. Hinila ko ang braso niya para humarap sa akin. Humarap nga ang katawan niya, pero ang mukha nakaharap naman sa gilid at ang mga mata at nakatingala sa kisame.

I pursed my lips to stop myself from smiling. "Parang kang tanga."

"Kyrie, naka-underwear ka lang," parang nagmamakaawang sabi niya at maiiyak na rin yata.

"So? Naka-underwear ako, hindi totally naked." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para iharap siya sa akin. Namilog naman kaagad ang mga mata niya. "Virgin ka ba?"

Napasinghap siya. Tinanggal niya kaagad ang mga kamay ko sa mukha niya at saka siya umatras. "Kyrie! Tumigil ka!" aniya na namumula ang mukha.

May naisip akong gagawin na mas ikakaasar niya. Hinawakan ko ang braso niya at saka siya hinila papalapit sa akin, pagkatapos ay tinulak ko siya pahiga sa kama. Napasinghap naman siya at tatayo na sana siya, pero kaagad akong gumapang sa ibabaw niya.

Basa pa ang buhok ko, kaya tumutulo ang tubig sa mukha niya. Bilog na bilog ang mga mata niya at pulang-pula ang mukha, kaya mukha siyang kamatis. Bumibilis din ang paghinga niya at nakaawang ang mga labi.

"K-Kyrie..."

"Pfft!" Hindi ko na napigilan humagalpak na ako ng tawa habang nasa ibabaw niya ako. Natigilan naman siya at halata sa titig niyang hindi siya natutuwa. "Ang epic ng reaksyon mo!" I said between laughters. Halos maiyak na ako kakatawa.

Pero natigil ako sa kakatawa nang bigla niyang binaliktad ang posisyon namin. Nahigit ko ang hininga ko nang tinulak niya ako kaya siya naman ngayon ang nakaibabaw sa akin, at ako naman ngayon ang namimilog ang mga matang nakatitig sa kaniya.

"Hindi nakakatuwa, Kyrie," seryoso niyang sabi at sinalubong ang titig ko.

Napakurap ako. I just felt my heart skip a beat, kaya mabilis ko siyang tinulak paalis sa ibabaw ko. "Alis nga! Magbibihis na ako!"

Hindi na siya umangal. Bumuga lang siya ng hangin bago umatras at saka tumalikod. Ako naman ay tumikhim bago tumayo at nagpatuloy na sa pagbibihis.

**

A/N: muntik na ma-"kiss" ang "baccara" emz HAHAHAHA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top