Chapter 09

CHAPTER 09.

WHEN I WENT BACK to school as Kyrazene Ellie Amorata, I was so ready for a confrontation or a fight with Kace. But to my surprise, it seemed like he didn't recognize me. Hindi ko alam kung dahil ba sa effective ang disguise ko, o wala lang siyang pakialam sa kung sino ako.

Well, I should be glad. He doesn't recognize me. And I bet he doesn't even know my real identity. He's just Roa's friend from school, and he hasn't been to Roa's house. Pangalan at mukha lang ni Roa ang alam niya, hindi ang family background nito, kaya medyo safe.

If worse comes to worse, as I've always said, it'll be easier to dispose him since he's just a normal citizen.

Nabanggit na rin ni Trisver sa akin na huwag ko na lang sabihin kay Kace ang tungkol sa pagkikita namin na 'yon, dahil mukhang nagmamagandang loob nga lang talaga siya at hindi niya talaga ako kilala. I'll just go on with what I have to do and end things quickly before anything else happens.

May program ngayon dito sa school pero masyado akong walang pakialam para alamin kung ano at para saan ang program. All I know was that our classes would resume this afternoon, and we had no class the whole morning.

Nasa likod ulit ako ng school, nakasandal sa puno ng mangga habang humihithit sa sigarilyo ko. I had a lot in my mind right now and smoking helps me calm my mind and organize my thoughts, and relieve my stress.

I fished out my phone when I felt it vibrate inside my uniform's pocket. One of my men texted me an update about the production of Exta-C. Ang sabi niya, the samples were finished and were ready to be brought to Mr. Yuzuru next week. Mabuti naman at natapos agad despite the trouble that happened back at the factory.

Napaangat kaagad ang tingin ko sa direksyon ng pintuan nang marinig ko ang pagbukas no'n.

"Sabi na, nandito ka lang, eh!"

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko si Kace, at nagkasalubong ang mga mata namin. He just smiled, and his eyes formed into crescent moons again. I hate it when he smiles like that, I didn't know why. I just hated when he smiles at me.

"Ano na namang ginagawa mo rito? Hinahanap ba ako ni Roa?"

Hindi siya sumagot agad. Humakbang siya papalapit sa akin. "Hindi. Pero ako, hinahanap kita," aniya habang naglalakad. "Nag-attendance na kasi sa section ninyo, ni anino mo 'di ko nakita do'n sa gym."

Napairap ako. "I'm not interested."

He chuckled. "Wow, good student nga."

It doesn't matter anymore if I let out a bit of my real personality. He already found out I smoke, anyway.

Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang lumakad pa siya lalo papalapit sa akin. Tinapunan ko siya ng masamang titig nang tumabi pa siya sa akin, at saka inagaw ang sigarilyo mula sa kamay ko.

"Ah," aniya pagkatapos maibuga ang usok mula sa sigarilyo kong inagaw niya. "Na-miss ko tuloy mag-yosi."

"Then buy one? O kung gusto mo talaga, bigay ko na lang sa 'yo 'tong isang pack--"

"Hindi na. Ayaw nga kasi ni Ayro sa mga naninigarilyo."

Napatitig ako sa kaniya. A thought came into my mind, and I didn't hesitate and quickly asked him, "paano ba kayo naging magkaibigan ni Roa? I mean, he looks like he doesn't consider you as one."

Natawa ulit siya. "Cliché ang paraan kung paano kami naging magkaibigan," aniya. Humithit ulit siya sa sigarilyo. "Alam mo namang binubully siya palagi rito, hindi ba? Naging kaibigan ko siya dahil naiirita ako kapag may mga feeling malalakas na kinakawawa ang mga walang laban dahil alam nilang 'di gumaganti. At naiirita rin ako kay Ayro, napakalampa at ang hina. Sa sobrang irita ko, ginawa kong knight and shining armor ang sarili ko para sa kaniya."

My nose scrunched at his words, dahilan para mas lalo siyang matawa.

"May ilang oras pa bago matapos ang program." Tumayo siya at saka pinagpagan ang pwetan. Tinapon niya rin sa lupa ang sigarilyo at inapakan 'yon. "Samahan mo ako."

My brows furrowed. "Where to?"

Nagbaling siya sa akin ng tingin, at hayan na naman ang ngiti niyang nakakairita. "Cutting tayo."

Hindi pa nga ako nakakasalita, hinawakan niya na agad ang kamay ko at hinila ako patayo. I could easily twist his hand and even break it, but I didn't for the sake of keeping my disguise. Hindi na rin ako umangal nang hilain niya ako papunta sa dulo ng pader ng school, kung saan may malaking trunk ng puno na nakasandal sa pader.

Sinundan ko lang siya ng tingin nang walang kahirap-hirap siyang umakyat doon sa puno. Nang nasa ibabaw na siya ng pader, nag-squat siya at inilahad ang kamay, na para bang sinasabi niyang umakyat na ako dahil hahawakan niya naman ako.

My right brow twitched. I held my chin up and effortlessly ran up the trunk and in just seconds, nasa tabi niya na ako. Nang balingan ko siya ng tingin, nakalahad pa rin ang kamay niya at parang hindi kaagad nagproseso sa utak niyang nakaakyat na ako.

"So? What's next?" mayabang na tanong mo sa kaniya.

Tumawa siya bago tumayo, at humarap sa akin. "Tatalon pababa."

I flipped my hair at him before I jumped off the wall, not minding the wall's height that was thrice my height. I landed on the grassy and rocky ground, without a single scratch. Jumping walls was so easy for me. The highest I jumped from was the sixth floor of a building we robbed years ago, noong hindi pa ako ang boss ng organization.

Napabaling ako sa gilid ko nang bumagsak doon si Kace at napaungol pa siya. Muntikan na rin siyang masubsob sa lupa, mabuti't naitukod niya agad ang kamay sa lupa.

"Pota!" natatawang aniya. "Ang sakit sa likod."

I held up my chin. Humawak din ako sa magkabilang strap ng bag ko. "Let's go." Nagsimula na akong lumakad, pero natigil ako nang hawakan niya ang braso ko. "What?"

"Alam mo ba ang daan palabas dito?"

Natigilan ako. "...hindi."

Tumawa siya. "Follow the leader!"

Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang nagsimula na siyang lumakad na para bang hindi siya nagrereklamo kaninang sumakit likod niya. Napabuga na lang ako ng hangin bago sumunod na lang sa kaniya.

It took as at least two minutes to get out of there and reach the highway. Malapit na mag-twelve ng tanghali, kaya mainit at masakit na sa balat ang araw.

"Saan ba tayo pupunta?" I asked him as I followed him when he continued walking sa gilid ng highway. I used my hand to cover my face from the heat. "Hindi ba tayo sasakay? You don't have a car? Or a motorcycle? Or anything?"

Tumawa siya. "Magta-tryke tayo, mismam, pero nasa unahan pa ang paradahan ng traysikel."

Hindi na lang ako umangal. Nakasunod lang ako sa kaniya kahit gustong-gusto ko nang huminto dahil ang sakit sakit na ng pakiramdam ng balat ko.

Pagkalipas ng ilang minutong lakaran, nakarating na kami sa wakas sa paradahan ng traysikel. Sumakay na kami sa isa ro'n at umalis na rin ang traysikel. I asked him again saan ba kami pupunta, and he just told me we were going at his favorite place.

Sumakit na ang pwetan ko sa sobrang tagal ng byahe (at dahil walang foam ang inuupuan namin) ay nakarating na kami sa wakas sa lugar na sinasabi niyang favorite place niya.

After getting off the tricycle, I stared at the shop in front of us. It was a little shop na puro kahoy. There were a few people going in and out of the shop, and I could smell something delicious from inside. It was a familiar dish, kaya nacu-curious akong pumasok.

"Tara!" aya ni Kace at saka siya naunang pumasok sa shop. Sumunod lang ako sa kaniya.

Nilibot ko kaagad ang paningin ko pagkapasok namin sa shop. There were a total of nine tables inside, tatlo ang two-seater at ang mga natira ay pwedeng panglimahan. Maliit lang ang shop, pero hindi naman siya masikip kahit maraming tables at may mga customers pang kumakain.

"Kace! Mabuti't nakabisita ka na ulit!"

Napabaling kaagad ako ng tingin sa babaeng kalalabas lang mula sa isang pinto na may bitbit na tray na may anim na bowl ng umuusok pa na sabaw.

"Tita Rita! Na-miss kita!" Lumapit kaagad si Kace sa babae, at umamba siyang yayakapin ito pero nakaharang ang tray na hawak nito.

"Grabe! Kailan ka ba huling nakapunta rito? Last year ba 'yon? Magkasama pa kayo no'n nina--"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya, hindi ko alam bakit. May sinabi yata sa kaniya si Kace, dahilan para malipat ang mga mata niya sa akin at bahagya iyong namilog. Ano naman kaya ang sinabi ni Kace sa kaniya?

Hindi ko na gaanong marinig ang iba pa nilang pinag-usapan dahil humina na ang mga boses nila, at medyo maingay rin dito sa loob. Nang tumango ang matanda kay Kace, pumihit kaagad paharap sa akin si Kace at saka nakangiting lumapit sa akin.

"Tara. Doon tayo umupo," aniya. Hinawakan niya ang braso ko at saka ako marahang iginiya papunta sa upuang tinitukoy niya.

We sat at the corner of the shop, medyo malapit sa kusina. Mas lumakas ang amoy ng pagkaing niluluto rito at bigla akong nakaramdam ng gutom.

"Ang init-init," ani Kace pagkaupo namin. "Gusto mo ba kumain ng halo-halo? Masarap ang halo-halo ni Tita Rita!" proud niyang sabi.

Ang init, pero iba ang gusto ko, kaya umiling ako. "Itong naaamoy natin ngayon, 'yan ang gusto kong kainin."

"Sigurado ka? Tanghaling tapat na. Mainit na pero mainit din kakainin mo?"

Tumango lang ako bilang sagot. Hindi na lang din siya umangal.

Nang lumapit sa amin si Tita Rita, sinabi niya na kaagad ang order namin. At habang hinihintay ang pagkain namin, pinagmamayabang niya sa akin kung gaano kasarap ang pagkain nina Tita Rita rito at suki siya rito mula pa lang noong highschool siya. At kaya niya rin naging paborito ang lugar na 'to, dahil bukod sa pagkain, libre pa siya minsan dito.

Makalipas ang ilang minuto, sinerve na ang order namin, umuusok pa 'yon. Malalaki ang bowl ng sa amin at sobrang dami ng toppings.

"Nice! Kaya mahal kita, Tita, eh!" biro kaagad ni Kace habang kinikiskis ang palad at natatakam sa pagkain.

Tumawa si Tita. "Ikaw talagang bata ka. 'Di na 'yan mauulit! Pang-welcome lang 'yan kasi may kasama ka pala." Sinulyapan niya ako, kaya ngumiti lang ako sa kaniya. "Enjoy kayo, ha? Sabihan mo ako kapag kulang lang sa 'yo 'yan, dadagdagan ko!"

"Akin, Tita, kulang lang 'to!"

"Heh! Manahimik ka!"

Nag-asaran pa sila pero ako, nagugutom na kaya kinuha ko na agad ang kutsara't tinidor para tikman ang pagkain. Humigop ako sa sabaw, at pakiramdam ko na-relieve ang kung ano man sa loob ko nang maramdaman ang mainit na pagdaloy ng sabaw mula sa bibig ko pababa sa lalamunan at tiyan ko.

I sighed. "Totoo nga. Ang sarap," I mumbled to myself, pero narinig pala ni Kace, kaya napabaling siya sa akin ng tingin. Nakaalis na rin si Tita dahil marami pang customer.

Malawak siyang ngumiti. "'Di ba!? Ang sarap ng batchoy ni Tita Rita!" aniya at saka niya na rin sinimulan ang pagkain.

Batchoy. 'Yon pala ang pangalan nito. Nakalimutan ko lang, dahil ang huling nakakain ako nito ay noong junior high pa ako. I took another sip from the broth, and memories from the first time I ate this flashed into my mind.

It was my first job as a rookie member of the organization. I was 15 that time. Kasama ko sina Trisver. We were sent to an the hometown of one of our associates na nahuli ng mga pulis at sinabing aaminin niya ang lahat ng tungkol sa organization. He had one job, which was to operate the drug dealing safely, but he failed at his first attempt.

I was one of the people who kidnapped him and brought him to our warehouse and tortured him. Si Uncle ang underboss at kasama namin siya no'n, siya ang pumatay sa associate na 'yon.

And after our job was done, nagutom kami. And the first shop we saw while driving was the batchoy-an in that place. We ate there, and we occupied the whole store dahil marami kami. The owner was happy that day dahil ang dami namin at hindi lang isang beses kumain ang iba dahil sa sobrang gutom.

"Grabe. Gano'n ba kasarap ang batchoy na natulala ka na d'yan?"

Napakurap ako at naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Kace. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. "Alam mo, ikaw, simula pa lang noong una tayong nagkita, epal ka na palagi." Inirapan ko siya bago ako humigop ulit sa sabaw at sumubo ng noodles at iilang toppings.

Tumawa lang siya. "Cute ko namang epal."

Sinimangutan ko lang siya bago ako nagpatuloy sa pagkain.

While we were eating, we were talking about random things. Mostly, siya ang nagi-initiate ng topic. Kung anu-ano na ang naging topic namin, pati 'yong isang lalaking pumasok na bumili ng halo-halo, binanggit niya sa aking chicks boy daw at may tatlong girlfriend na pinagsabay at hindi 'yon alam no'ng tatlo.

Nauna siyang natapos sa aking kumain, habang ako ay ninanamnam pa rin ang pagkain. Nagpaalam siya sa aking lalabas muna siya dahil iihi lang siya.

Gusto ko pa sanang kumain, pero busog na talaga ako. Lumapit na lang ako sa counter para sana bayaran na ang kinain namin, pero sabi ni Tita Rita ay libre na 'yon dahil hindi naman na iba sa kaniya si Kace, at na parang anak niya na rin daw si Kace. Hindi na lang din ako umangal.

Naiwan sa table ang mga bag namin, kaya bumalik ako ro'n. While waiting for Kace to come back, sumilip ako sa phone ko. There were just messages about work and I replied to some.

Nainip na ako kakahintay kay Kace, kaya tumayo na ako. My bag was on my back, while I carried his bag on my shoulder nang lumabas ako ng shop.

Pagkalabas ko, nilibot ko kaagad ang paningin ko para hanapin si Kace. I looked around for possible places for him to take a piss, naglakad-lakad na rin ako habang nililibot pa rin ang paningin.

"Where the fuck is he?" I mumbled while walking. Medyo nakalayo na ako sa shop, pero hindi ko pa rin siya nakikita.

"Ilang taon na, pero nakakainis pa rin tingnan ang mukha mo."

Napabaling ako sa malayong kaliwa ko nang may narinig akong nagsalita. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang may iilang lalaki sa eskinita, at ang isa roon na naka-school uniform ay pamilyar.

Patakbo akong lumapit papunta ro'n. I was sure who was that guy in a school uniform, and seeing him being surrounded by these bulky men, it means he's in danger.

"Hanggang ngayon ba, ginagawa mo pa rin 'yon?" Tumawa ang lalaki.

"Kace? Kace, is that you?" I called as I was getting near.

Napahinto ako nang nagsilingunan sa direksyon ko ang mga lalaki, pati na si Kace. Nagsalubong ang mga kilay ko nang namimilog ang mga matang napatitig sa akin si Kace.

"Anong nangyayari?" I asked, even though I knew what was going on.

The guy with a curly beard turned around and smiled at me. "Mukhang magiging masaya 'to!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top