Chapter 08

CHAPTER 08.

"IT SHOULD BE YOU who will inherit the position. No one else." That were the words that my father just days before he passed away in that "accident." I told him, why me? Why not my uncle, who has been his underboss ever since he became the boss? But he just repeated the same words, with emphasis in each.

He trusted me this position. He trusted me that I'd be able to manage this organization. And the best I could do, was to never disappoint my father.

My brow twitched when I saw the boxer I bet on, fell onto his back inside the ring. Dumaloy ang dugo mula sa kaniyang ilong at bibig. Binilangan siya ng lalaking umaaktong referee ng laro, pero hindi na ito nakabangon pa dahil nahimatay na, dahilan para maghiyawan ang lahat ng pumusta sa panig ng nakapagpatumba rito.

"Fuck!" I whispered at saka binagsak sa lamesa ang hawak kong whiskey.

"I told you, he won't win," sabat ni Trisver na nasa likuran ko. Naka-suit and tie siya ngayon at nasa likuran ang mga kamay. "He's under the influence hours before he entered the ring."

Napairap ako. "How much did we lose?"

Ilang segundo bago siya nakasagot. "About... one and a half million."

Mariin akong napapikit at saka napahilot sa sentido ko. Damn. Kung binili ko na lang 'yan ng accessories or bags, baka may silbi pa.

Kasabay ng pagbuga ko ng hangin, nagmulat ako ng mga mata at saka napatitig ulit sa ring. Nilapitan na ng medic ang boxer na natalo, at saka ito nilapag sa stretcher para ilabas na at gamutin. Habang tinitingnan ko itong walang malay, ang sarap lumapit dito at sakalin para matuluyan na.

The person sitting just a few meters away from my side laughed so loud that I couldn't help but look at his direction. Napansin niya yatang nakatitig ako, kaya nagbaling na rin siya sa akin ng tingin.

"Azarcon," he said in his raspy, old voice. His chapped lips stretched to a smile, which annoyed me more. "See? I told you mamamatay siya. Dapat sa akin ka na lang pumusta."

He's Armando de Real. One of our rivals who were after the downfall of our organization, and our businesses. But unlike Luciano, he wasn't aggressive and bold with it. He has his cunning ways into bringing his enemies down. And it starts with wanting to acquire his enemies business one by one, until he has the full control.

Napairap ako. "He isn't dead yet."

"But he's as good as dead," pilit niya. He chuckled. "But, you know, I have soft spot for women in my heart, kaya kakaawaan kita. Should we... negotiate?"

He inhaled the smoke from his cigarette and slowly blew the smoke out of his mouth and nose. And when he flashed his golden teeth, I knew he was up to no good.

I smiled at him, but it didn't reach my eyes. "Thanks, but no thanks," maagap na tanggi ko. "Baka malugi pa kami kapag ikaw ang magiging business partner."

He laughed, but you could sense the sarcasm as his chest rose up and fell from the laughter. "Anak ka nga talaga ni Quirano."

I maintained my smile while still staring at him. Bumuga ako ng hangin bago pinulot ang purse ko at saka tumayo. "Well... there's no point of me being here anymore. The event's done, I'll be leaving now."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumalikod na ako. Tinanguan ko sina Trisver at Henry bago ako tuluyang lumabas ng gym.

We're at and underground gym where fighters who wish to be part of an organization would show their fighting skills in order to be recruited. Every Saturday ang fights dito, and it's my fourth time being here and betting this year. Gusto ko lang ma-divert ang iniisip ko. I was here to witness a good fight, but I lost instead and got more annoyed.

Habang naglalakad kami palabas, binabanggit sa akin ni Trisver ang mga captain sa mga territories namin na nagrereport ng progress ng mga pinapagawa ko sa kanila. Tango lang ako nang tango, pero ang hindi ako makapag-focus sa pakikinig sa kaniya dahil naiinis ako at gusto kong manakal or something.

"And also, about the shipments of the--"

I raised my hand to stop him from talking. Nagbaling ako ng tingin sa kaniya. "Trisver, I'm not in the mood. I wanna go shopping or else I might kill someone right now."

Hindi na siya nagsalita. Pinatay niya na lang ang hawak niyang iPad, at saka siya napabuga ng hangin. "Sure. Where do you wanna go?"

I shrugged. "Anywhere. You choose. I just wanna spend some money."

Tumango lang siya. "Well, then. Let's go."

Nauna na siyang lumakad at sumunod naman kaagad kami ni Henry sa kaniya.

Nasa masukal na gubat ang underground gym kaya halos fifteen minutes bago kami nakarating sa main road. At kahit nasa main road na kami, hindi pa rin ito ang syudad kaya malayo-layong byahe ulit pauwi.

Buong byahe, natulog lang ako. Ginising lang ako ni Trisver nang huminto kami sa pinakaunang mall na nadaanan namin.

Sabi ko sa kanila na hindi na nila ako kailangang samahan sa loob, kaya mag-isa akong naglilibot sa mall at binibili ang kahit anong nagagandahan ako. Nagutom ako kaya kumain ako saglit sa isang restaurant bago nagpatuloy sa paglilibot. And, of course, hindi kumpleto ang gala ko kapag walang Trisver na pinapangaralan ako at pinapaalala ang halos tig isang room ko ng collections ng mga damit, accessories, bags, shoes, etc.

"Ang dami ng pinamili mo," rinig kong sabi niya habang nasa call kami. Nasa loob ako ng shop ng isang sikat na brand ng mga damit, namimili ng magandang coat na isusuot. "Mabibitbit mo ba lahat 'yan pauwi?"

"Duh? I can just have them deliver my clothes to our house," sagot ko habang pinapadaan ang kamay sa malalambot na tela ng coats. "And, duh? Nandiyan kayo nina Henry. You both can carry my bags."

"Quincy--"

Napairap ako. "Okay! Fine! Uuwi na!"

Padabog akong lumabas ng shop. Ni hindi ko na pinansin ang sales lady na tinawag ako dahil paano na raw 'yong mga bitbit niyang napili ko raw. Nakakawalang gana talaga palagi ang pagiging nagger ni Trisver!

Palabas na ako ng mall at nilabas ko ang cellphone ko para sana tawagan sina Trisver at sabihing nakalabas na ako, nang may biglang humablot sa cellphone ko. Napasinghap ako at napasunod ng tingin sa lalaking naka-dark blue na jacket na tumatakbo na ngayon tangay ang cellphone ko.

"What the fuck!?" Kahit naka-heels ako at naka-fit na dress, tumakbo kaagad ako at sinundan ang magnanakaw.

Sure, I could just buy a new phone. I could afford ten more phones of the same brand and price. But that phone has all my messages and contacts with my organization! Paano kung makita niya at ma-expose ang mga messages?!

Damn. I couldn't even call Trisver to tell him about this. I only brought one phone!?

"Fuck!?" I got frustrated and stopped for a while to rip the sides of my dress, just enough for me to stretch my legs and run better. I had no problem running in heels, I even beat up people while wearing one. "Stop right there, you thief!"

Lumiko siya sa isang kanto na walang tao. Sumunod naman ako kaagad sa kaniya pero napahinto rin nang ma-realize na dead end na 'to.

I chuckled. So his plan wasn't to steal my phone, huh. It was me. And I fell for it.

"Get out," utos ko habang nililibot ang paningin, hinahanap kung nasaan siya at kung may kasama ba siya. "Show your face to me."

Wala pang isang minuto, lumabas ang lalaking hinahabol ko kanina mula sa maliit na espasyo sa gitna ng dalawang building. At hindi nga ako nagkakamali, dahil may tatlo pang lalaki ang lumitaw na tumatawa.

"Jackpot!" anang isa habang pinagkikiskis ang mga palad. "Sigurado akong mayaman 'to. Malaki-laki ang makukuha natin dito."

I examined them. One of them was a bit taller, maybe 5'8" in height, but he's skinny. The one in a black jacket had a big tummy, and a bit fat. The one with a red bonnet was kinda old, but he still looked tough and sturdy. The guy with the blue jacket, the one who snatched my phone, he has a bit fit body.

If they didn't know any martial arts or has low fighting skills, it'd be easy for me to bring them all down. But it'd also be risky to kill them all here, dahil sa natatandaan ko, may CCTV sa katapat na establishment.

I remained standing, not even fazed with their presence. Unti-unti na silang lumalapit sa akin, sinusubukan akong ma-intimidate at matakot. I've fought with larger men before, they're nothing compared to those men.

The guy in a bonnet grabbed my arm. I was about to grab his arm and twist it and was so ready to fight, when someone spoke.

"Uy! Anong meron dito? Orgy, orgy?"

Namilog ang mga mata ko at kaagad na napalingon para ikumpirma kung tama ba ang iniisip ko sa kung sino ang nagsalita.

Kace!?

As usual, he was all smiley, as if he wasn't in danger by getting in the way of these men. Nakalagay pa ang mga kamay sa likod ng ulo, na para bang nakikichismis lang siya. Naka-itim na hoodie jacket din siya at nakasuot pa ng jogging pants.

"Boy, umalis ka na," taboy sa kaniya no'ng naka-blue na jacket. "Hindi pwede sa mga minor 'to."

Tumawa siya. "Hindi naman ako minor. Baka pwedeng makisali sa inyo?"

Nahigit ko ang hininga ko at nagpipigil akong masapo ang mukha. Anong ginagawa niya rito!? Baka mapahamak pa siya!

Sinamaan siya ng tingin no'ng naka-black na jacket. "Hindi nga--"

"Ay! May gusto rin palang makisali!" aniya sabay labas ng phone niya. Hinarap niya sa amin ang screen, at naka-display roon ang numero ng mga pulis. "Kausapin n'yo!"

"Hello? Nasaan ka?" tanong ng nasa kabilang linya ng call niya.

"Pota!" Humakbang kaagad papalapit sa kaniya 'yong payat at inatake siya.

The guy launched a punch at him but to my surprise, Kace was able to dodge it. He grabbed the guy's arm instead and pulled him closer so he could punch the guy's face. Ngumiti pa si Kace nang sumigaw sa sakit ang lalaki at saka ito bumagsak sa lupa habang sapo ang mukha.

"Panget n'yo naman ka-bonding!" he said in his playful voice. He stretched his arm that he used to punch the guy. "Pero ayos na rin, exercise na 'to!"

Pinag-aatake na siya ng mga lalaki, habang ako ay nakatayo lang doon at pinagmamasdan siyang lumaban sa apat. Nadadaplisan siya at natatamaan ng suntok, pero mas malakas na suntok naman ang binabawi niya. At ang loko, parang naglalaro lang, dahil nakangiti pa at tinuturuan pa ang mga kalaban nito paano sumuntok nang tama.

Napatitig na lang ako sa apat na lalaki nang nakahandusay na sila sa maruming lupa, puro na walang malay. Pinulot ni Kace ang cellphone ko at cellphone niya, saka siya humakbang papalapit sa akin. Napatitig na lang ako sa mukha niya. May dugo siya sa gilid ng labi niya, pero ngumiti pa rin siya.

"Sa 'yo ba 'to?" aniya sabay abot ng cellphone ko. "Bibili lang sana akong canton sa 7/11, kaso nakita kitang hinahabol ang magnanakaw. 'Buti naman on time akong nakarating. Hindi ka naman siguro nila ginalaw o sinaktan? Punit ang damit mo."

Hindi ako nagsalita, nanatili akong nakatitig sa kaniya, dahil ngayon lang nag-sink in sa utak ko na si Kace nga 'to! He saw me without my disguise! Hindi niya naman siguro ako makikilala, hindi ba?

"And about do'n sa tinawagan ko ang pulis, wala, prank lang 'yon!" Tumawa siya. "Kaibigan ko 'yon. Pinalitan ko lang ang pangalan ng numero ng pulis. 'Buti gumana sa mga bobo na 'to!"

Napakurap ako, at saka nag-iwas ng tingin. I cleared my throat. "T-Thank you," sabi ko sa malalim at na boses at nagpanggap nanghihina na ang boses.

Tumango siya. "Turista ka siguro. Hindi mo alam na maraming mga 'gaya ng mga 'to rito. Sa susunod, ingatan mo na ang mga gamit mo lalo na't mamahalin! Mainit sa mata ng mga snatcher."

Hindi pa rin ako nagsalita.

"Sige. Alis na ako, ah? Gutom na talaga ako. Bye! Ingat ka na sa paglalakad sa susunod!"

Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang tuluyan na siyang lumakad papalayo. My heart was beating fast, afraid that he might recognize me. I didn't even know why I was scared in the first place, when in fact, it'll be easier to dispose him if he did find out it was me.

Nag-vibrate ang cellphone ko, at nang makitang si Trisver ang tumatawag, kaagad kong sinagot.

"Quincy! Where the hell are you!?" pagalit na sigaw ni Trisver. "We've searched the whole damn mall already, but you're not here. I swear, if this is--"

"Remember Roa's friend that I told you before?"

"What?" paasik niyang tanong.

I sighed. "I saw him today. He just left."

It took him seconds to respond. "Stay where you are. We're tracking your phone's location." At saka niya ibinaba ang tawag.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top