Chapter 07
CHAPTER 07.
"AS EXPECTED FROM a mafia boss."
I didn't know, but when I heard his voice, it sent shivers down my spine. I don't easily get scared, but the moment he spoke while staring straight into my eyes, my heart started slamming on my chest. I wasn't able to properly assess how I was feeling back there because I was literally fighting for my life. But now that I'm inside my car, silently staring outside the window and thinking about it, I could finally name it.
He looked like he wasn't serious while fighting me earlier, as if he was just testing me and what I could do. He's skilled, and seems like it wasn't his full strength yet. And I'm sure he'll come back again. Should I be scared now?
Who even is he, aside from being a hired assassin?
My train of thoughts was interrupted by the ringing of my phone. Nilabas ko kaagad 'yon mula sa bulsa ng pants ko at nang makitang si Trisver ang tumawag, kaagad kong sinagot.
"Oh, thank fuck!" he said while catching his breathe. He sighed in relief. "Pauwi ka na ba?"
"Oo. Maayos na ba d'yan? Umuwi ka na rin. I'm sure you're wounded."
"You'll treat my wounds?" parang batang tanong niya.
Napabuga ako ng hangin. "Mas posible pang dagdagan ko 'yan kaysa gamutin. Just go home, I'll have Tristan treat you when you come home."
"Okay." Ang daling kausap. "After I settle everything here, I'll come back to you." And he ended the call.
Napabuga na lang ako ng hangin at saka ibinalik ang cellphone sa bulsa. Sumandal ako sa upuan, at saka tumingin ulit sa labas ng bintana.
Pagkauwi ko, sinalubong kaagad ako nina Aling Amanda at ang ibang maids. Trisver informed them about what happened in the factory at nag-aalala sila sa akin. They assisted me as I took a bath to clean myself.
Mga ilang minuto rin, dumating na rin si Trisver. Marumi pa ang damit niya at may iilang daplis at sugat mula sa bakbakan. Si Aling Amanda na rin ang gumamot sa kaniya and for tonight, he slept at one of our guest room na hindi na guest room dahil kaniya na talaga 'yon. Doon siya natutulog kapag ayaw niyang umuwi or kapag kailangan niyang manatili.
"That assassin who attacked me dati sa school, he came back last night," sabi ko habang kumakain kami ng agahan kinabukasan.
Napahinto siya sa paghihiwa sa itlog, at saka nag-angat ng tingin sa akin. "What?" He looked angry and concerned.
I sighed and sipped on my coffee. "He came back. But unlike last time, he wasn't there to actually kill me. He seemed to be testing me."
"Those men who barged in our factory were Luciano's men, as usual," kaswal niyang sabi. "Maybe that's why that assassin was there, too."
Natawa ako. "Ang effort naman niya masyado. He sent his men to our factory in North Territory? Ang layo no'n. I appreciate his little efforts."
He sighed. "Luciano's getting bolder and aggressive now," aniya sabay sumimsim sa kape niya. "Maybe we should stop this mission and just destroy his organization already?"
Natawa ulit ako. "Didn't you tell me na hindi dapat natin gawin 'yan? And besides, it'll be weird if I stop going to school right after entering, ni wala pa ngang isang linggo. Let's keep this up for at least a month and if nothing happens, that's when we strike. But don't worry, may progress na kami ng tagapagmana niya." I winked at him.
Tumango siya. "Right. For now, let's continue that. And while we're at it, I'll gather every information I can get about Luciano and his organization."
Tumango lang din ako. "Good."
And so, our "Mission: Kunin Ang Loob Ni Roa At Saka Dukutin" continued.
Halos mag-iisang linggo na, pero wala pa rin namang masyadong ganap. Although he's starting to talk to me and hang out with me (kahit labag sa loob niya minsan), we were getting along fine. At syempre, kasama ang epal niyang kaibigan (na parang hindi) na si Kace.
It wasn't that hard to read Roa. Although I have a whole 50 pages information about him, it was still a bit surprising to actually confirm all of it to be true.
Aside from liking macaroons, he also likes anything sweet. It's kinda out of his character to like sweets. I mean, mukha siyang mas mahilig sa maanghang at mapapait kesa sa matatamis.
Dinadalhan ko siya ng pagkain palagi. Pero as usual, ang epal na Kace ang nauunang kumain bago si Roa. Kapag naubos na talaga ng lalaking 'to ang pasensya ko, itutulak ko na 'to mula sa rooftop ng school naming may limang floors.
Friday came. Alas singko na ng hapon at katatapos lang ng last period namin. Nakatayo ako sa tapat ng gate ng school, hinihintay na dumating sina Henry para sunduin ako, nang may text akong natanggap mula kay Trisver. He said he won't be able to come with Henry sa pagsundo sa akin dahil may lab activity silang medyo matatagalan.
We actually had some plans today, so I texted Henry to not come dahil may gagawin pa ako. And right now, I regretted doing that.
Disappointed na napatitig na lang ako kay Kace nang parang pasyenteng nakawala sa mental kung sumayaw kasama ang ibang mga kaklase niya habang kumakanta. He was raising his hand that was holding a half empty beer bottle, and his eyes were closed dahil damang-dama niya ang kinakanta.
Napabaling naman ako ng tingin sa katabi kong si Roa, na sobrang out of place dahil may libro pang binabasa at mukhang walang pakialam sa ingay sa paligid.
How did we ended up here? Hinatak kami ni Kace. We had no choice, dahil pati ang mga kaklase niya hinila na rin kami para sumama. Friday naman daw, 'tapos weekend din bukas, kaya ayos lang daw. I wasn't in the mood to drink, but since sumama si Roa, sumama na rin ako. And also, I had to maintain Kyrazene Ellie's good image, na hindi na yata good dahil alam ni Roa na naninigarilyo ako.
Dumukwang ako papalapit kay Roa. "Gusto mo na bang umuwi?"
Nag-angat kaagad siya ng tingin sa akin. "I want to. But I can't leave Kace here."
Napanguso ako. "Pwede naman natin siyang iwan. Matanda na siya, kaya niya na ang sarili niya."
He sighed. "No, you don't understand. I have to go home with..." Tumigil siya sa pagsasalita, umiling na parang dnidismiss ang gustong sasabihin, bago binalik ang paningin sa libro. "...never mind."
"Yow! Yow! Yow!" sigaw ni Kace sa mic after matapos ang kanta. Tinuro niya kami ni Roa. "Bawal KJ rito! Uminom din kayo, oy!" Humalakhak siya.
Naghiyawan naman ang mga kaklase niya na mga lasing na rin. Tumayo ang isang babae at inabutan ako ng isang bote ng beer na tinanggap ko pero hindi ko ininom.
Namumula na ang taenga at leeg niya. Lasing na yata siya.
I fished out my phone to look at the time. It was already nine in the evening, halos tatlong oras na pala kami rito sa karaoke. Binalik ko ang cellphone sa bulsa bago nag-angat ulit ng tingin kay Kace na ngayon ay nagsasalin na naman ng alak sa baso niya.
"We should go home," sabi ko sa kaniya dahilan para mapatingin siya sa akin. "Lasing ka na."
Nagsalubong kaagad ang mga kilay niya. Inangat niya ang isang daliri at saka 'yon iginalaw. "No, no, no. Hindi pa ako lasing. High ang alcohol tolerance ko, hmm?" At saka niya nilagok nang diretso ang laman ng baso niya.
Napabuga na lang ako ng hangin. Bagsak na ang mga kasama niya kaya kailangan na talaga naming umuwi. At dahil kaming dalawa lang naman ni Roa ang matino pa ang utak, kaming dalawa ang nagtatawag ng taxi para ipahatid pauwi ang mga kakaklase ni Kace.
"T-Teka... Hindi nga ako lasing," angal ulit ni Kace habang naglalakad na kami papunta sa may waiting shed para maghintay ng bagong taxi. Nakaakbay siya sa amin ni Roa pareho, dahil masyado na siyang lasing para lumakad mag-isa. "Ang sabi ko, hindi nga ako lasing."
Napairap ako. "Oo nga, hindi na."
Nag-angat siya ng tingin sa akin, at saka siya tumawa. "Ang cute mo talaga palaging mainis. Pa-kiss nga!"
Wala pa nga akong sinasabi, dinampian niya na kaagad ng halik ang pisngi ko. Napasinghap ako at nandiri kaagad dahil nangangamoy alak na ang mukha ko! "Arrgh! The fuck!?"
Tumawa ulit siya. "Ayan, inis ka na naman. Pa-kiss nga ulit-"
"Arrgh! Punyeta!" Sa inis ko, tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa balikat ko at saka tinulak ang mukha niya papalayo sa akin dahil gusto ko na siyang sapakin.
Dahil sa ginawa ko, muntikan na matumba si Roa dahil sumuray si Kace. Kaagad niya namang inalis ang braso ni Kace sa balikat niya, kaya si Kace lang mag-isa ang napasalampak sa lupa.
Napabuga ng hangin si Roa. "I'll call a taxi-"
"Ako na," boluntaryo ko kaagad. "Dito ka na lang. Mas mabuting ikaw na ang magbantay d'yan dahil baka masapak ko lang 'pag ako maiiwan kasama 'yan."
Hindi na siya umangal. Nang tumango siya, kaagad akong tumalikod at saka nilabas ang cellphone ko para magtawag ng Grab. Nang natapos, nilingon ko si Roa. Hinihila niya na ngayon si Kace papuntang gilid na para bang bangkay ito na itatabi niya.
Lumakad ako papalapit sa kaniya, at saka ako tumabi nang naupo na siya sa sobrang pagod. His stamina wasn't that high, after all, kaya pagod na agad siya hinila lang si Kace.
"Paano kayo naging magkaibigan?" tanong ko para lang may mapag-usapan kami. At saka, curious din ako. Polar opposites sila at mukha namang 'di friendly si Roa.
"We're not friends," tipid niyang sagot.
Napakunot ang noo ko. "Really? Pero palagi niyang sinasabi na magkaibigan kayo."
He sighed, a but frustrated. "He isn't. Basta." Gumalaw si Kace at kumapit sa binti niya, so he shook his leg to get his hands off. "He's annoying. And he becomes two times annoying when you ignore him, so I just let him be."
Tumango-tango ako. "Friends nga kayo-"
"We're not-"
"Uy! May chix, pare!"
Napaangat kaagad kami ng tingin sa grupo ng kalalakihan na huminto sa tapat namin. Naaamoy ko ang alak at droga mula sa kanila. Punong-puno ng tattoo ang mga balat, at may mga piercings pa. Mukha silang mga teenagers. Mga feeling gangsters.
Suminghot ang isa sabay ngumisi. "Miss, pwede ka bang sumama-"
"Sino ka ba?" mataray na tanong ko. "Bantot mo."
Nanatili ang ngisi sa labi niya, pero halatang hindi siya natutuwa, pero tumawa ang mga kasama niya.
"Aba't ang taray!" He laughed sarcastically. "'Yan ang mga gusto ko, pakipot!"
May sasabihin pa sana ako pero bigla niyang hinablot ang kamay ko at hinila ako patayo. Hindi ako nag-aksaya ng oras. With my other hand, tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at saka ko 'yon inikot. Napasigaw kaagaf siya at namilipit sa sakit.
I sighed. "Kaya ba kayo lumapit sa akin kasi babae ako, at iniisip ninyong kaya n'yo 'ko? Utak n'yo yata may ubo." Mas diniinan ko pa ang pagkakaikot sa kamay niya kaya mas lalo siyang namilipit sa sakit. "Wala ako sa mood ngayon, pero pasalamat ka tinatamad ako ngayong araw."
Binalingan ko ng tingin ang mga kasama niya. Nagsiatras naman sila at ang iba ay nag-defense mode pa. Mas lalo lang lumalim ang pagbuga ko ng hangin.
"Alam n'yo, kayo, ang mas mabuti pa magsiuwi na kayo. Mga dugyuting feeling gangsters naman kayo. 'Di n'yo ikina-cool 'to." Pabalang kong binitawan ang kamay nitong kupal at saka ako nameywang. "Go! Alis! Naiinis ako sa pagmumukha n'yo! Alis na!"
Nagsialisan naman kaagad sila. Naiiling na napasunod na lang ako ng tingin sa kanila, bago ako bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Roa.
"You were cool right there," kumento kaagad ni Roa.
Nakangiting nagbaling ako ng tingin sa kaniya. "Talaga? Crush mo na ba ako n'yan?"
He grimaced. "Stop. You're giving me goosebumps."
Napanguso na lang ako. Sumandal na lang ako sa poste at saka napatitig sa kalsada.
Progress. It's slow, but it still progress nonetheless. I'm sure by next week, we'll be a bit closer. Naiinip na ako.
"I wish I was as strong and brave as you," sabi ni Roa kaya napaangat ako ulit ng tingin sa kaniya. "It hurts my pride as a man that a woman can fight way better than me."
I clicked my tongue. "Aba dapat lang! Sa ilang generations ba naman na malalaki ulo ninyong mga lalaki, nararapat lang talagang masagi ego ninyo." I chuckled. "But, really, wala naman kasi sa gender ang pagiging matapang para ipaglaban ang sarili, 'no. Duwag ka kasi, kaya ka ganiyan." Napailing ako.
He sighed. "Ayaw ko lang ng gulo. Masyado nang magulo ang buhay ko, ayaw ko na madagdagan." Sumandal din siya sa poste.
Then, we fell into silence. It was the kind of silence that wasn't awkward, but wasn't comfortable either.
Okay na sana, kaso biglang bumangon si Kace para lang sumuka sa kalsada. Pareho kaming napatayo kaagad ni Roa dahil tumatalsik ang suka niyang nakakadiri.
Napabuga na lang ako ng hangin habang hinihilot ang sentido. Kahit kailan, epal talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top