Chapter 06

CHAPTER 06.

SMOKING WASN'T ALLOWED in the school premises. Lahat naman yata ng school bawal manigarilyo. But even if they put that rule in their books, they don't care anyway as long as no one snitches and no one finds out you smoke inside the school.

I lit up the cigarette between my mouth and when it started flaring, I quickly inhaled. The cool, but at the same time warm, feeling of the smoke going in my mouth up to my nose gave me a sense of relief. Binuga ko ang usok mula sa ilong ko, at saka ako sumandal sa puno ng mangga na nasa likuran ko.

It's lunch time, but I didn't have any appetite to eat. And besides, I wasn't in the mood to go along with Kace and Roa today. Maiinis lang ako lalo, at baka masira pa ang plano. Hindi pa nga ako nag-iisang linggo rito, palpak na agad. Malaking sapak sa ego ko bilang boss ng organization namin kapag papalpak ako rito.

Habang nandoon ako, nag-iisip ako ng ibang paraan paano makakalapit kay Roa at masosolo si Roa. Gusto kong matapos na lahat 'to as soon as possible. Kung pwede nga lang, dederetsahin ko na lang na saksakin si Roa kaso magiging dahilan lang 'yon para mas lalong maging magulo ang sitwasyon. As much as I'd like to make things bloody, I need control myself and talk business with Luciano instead.

I puffed another batch of cigarette smoke. My eyes followed the smoke when it slowly rose up, and faded into the air.

"Naninigarilyo ka?"

Napatayo ako sa sobrang gulat nang bigla ko siyang makita pagkaangat ko ng tingin. My reflexes almost jump to kick him but thankfully I was able to control it, at kumalma rin agad.

Kace was standing behind the slightly opened door, as if he was just about to go out but he saw me. Magkasalubong ang makakapal niyang kilay at nakatitig siya sa akin na para bang curious siya.

I rolled my eyes at him. "Pake mo?" Tinapon ko na lang sa lupa ang sigarilyo at inapakan para mamatay ang apoy. Binalik ko ang paningin sa kaniya. "What are you even doing here?"

Tuluyan niyang binuksan ang pinto, pero hindi siya humakbang palabas. He leaned his shoulder on the doorframe and crossed his arms over his chest.

"Ikaw? Ba't ka nandito?" pabalik niyang tanong na ikinaikot na naman ng mga mata ko.

Talking to this guy makes me lose my brain cells and patience all the time.

Hindi ko siya sinagot. Lumakad na lang ako papalapit sa kaniya, dahil babalik na ako sa classroom. Pero dahil nakaharang siya, napahinto ako sa tapat ng pinto.

"Move," maawtoridad na utos ko habang nakatitig sa kaniya. He was a few inches taller than me, kaya nakatingala ako sa kaniya nang bahagya.

He chuckled. "Ang taray mo kapag ako lang ang kausap, pero kapag kasama natin si Ayro, daig mo pa ang anghel sa sobrang bait."

I groaned. Nainis na ako kaya tinulak ko na lang siya paalis para makapagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Hinahanap kita," aniya na sinundan pala ako. Hindi ako umimik kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita, "kasi hinahanap ka ni Ayro."

My eyes moved to the side dahil nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko, pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Kung siya naman pala ang naghahanap sa akin, bakit ikaw ang nandito?"

"Dahil inutusan niya ako?"

Napairap na lang ako. Sa ikalawang palapag ang classroom kaya nang nakarating sa may hagdanan, kaagad na lumiko para humakbang paakyat doon.

"Bakit niya naman ako hinahanap? Ano kailangan niya?" tanong ko, medyo kumalma na ang tono ko at mas lumambot.

"Kasi magsisimula na raw ang-uy teka!"

Pareho kaming napalingon sa gilid nang may papasalubong sa aming cart na may lamang mga boxes at sa ibabaw ng mga boxes ay mga lumang libro. Hindi kami nakikita ng tumutulak no'n dahil pati siya ay natatabunan ng boxes.

I swiftly placed my hand on the cart and in just one hop, I was immediately on the other side of the hallway, at nakadaan ang cart nang hindi ako nababangga. I followed the cart when it passed by me, at nang nakalayo na ito, binalik ko ang paningin kay Kace.

He was looking at me with brows furrowed, and his mouth slightly opened.

Napakunot din tuloy ang noo ko. "What?"

"Wow," aniya na sinabay sa pagbuga ng hangin. "Akala ko 'yon na ang K-Drama moment natin, mababangga ka 'tapos sasaluhin kita at magtititigan tayo. Kaso, ang galing mo naman, naiwasan mo 'yon agad."

I grimaced. "Yuck."

He just chuckled.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pabalik sa classroom. Nakabuntot pa rin siya sa akin at sobrang ingay niya, daldal siya nang daldal pero hindi ko pinapansin. Nahpasalamat ako nang nakarating na kami sa classroom dahil umalis na siya at bumalik na rin sa kung saan ang susunod na klase niya.

"Hinahanap mo raw ako?" nakangiting tanong ko pagkaupo ko sa tabi ni Roa, na nakayuko sa notebook at nagsusulat.

Inangat niya ang paningin niya sa akin. "Class starts early for this subject. And I saw you smoking sa likod ng school."

Napakurap ako. He saw me? "Gano'n? Nakita mo naman pala ako, ba't hindi ikaw ang lumapit sa 'kin?"

"You were smoking."

Napanguso ako. "Ayaw mo sa mga naninigarilyo?"

He stared at me. "Honestly, I don't. Pero nasanay na ako dahil halos lahat sa bahay namin ginagawa 'yan," aniya na parang may pinaparating na iba. Binalik niya ang paningin sa notebook at nagpatuloy sa pagsusulat.

Mas humaba ang nguso ko, pero dahil pinipigilan kong ngumiti. Yeah, everyone smokes in their house. After all, he's surrounded by gangsters and his father's literally the boss. Maybe he hates smoking, because it reminds him of his father's work? He doesn't like his father? Or ang ginagawa lang nito? Or both?

If he doesn't, he should get used to it. He'll be the next boss of their organization. And that's why I'm here, doing this mission. I'll stop that from happening and I'll wipe out Luciano's organization soon.

Noong nagsimula na ang klase, as usual hindi ako nakikinig. Mas gusto ko pa ngang matulog na lang sana buong period pero dahil katabi ko si Roa, kailangan kong magpa-impress. Although he looked like he doesn't care about me, I'd still try to impress him, syempre.

Noong natapos na ang klase, sinundo ako nina Trisver. We waited for a bit to see if Luciano will fetch his child again today, but it was only his driver and his secretary who came.

"Ngayong araw ilalabas ang samples ng bagong drugs na ginagawa ng factory sa North Territory," ani Trisver habang nasa byahe kami pauwi. He was looking down at his iPad and scrolling and typing. "You need to go there."

Napanguso ako. "Why? Hindi ba ang magaling kong tito naman ang nagha-handle ng businesses ng Azarcon?"

Napaangat siya ng tingin sa akin. "Quincy, you're still the boss. Everything that happens and will happen in our organization requires your approval."

Napairap na lang ako. I don't like going to our factories. It's so smelly there and I don't want to smell like smoke and dust.

Dumiretso muna kami sa bahay para makapagbihis. I took a bath, and after that I just wore a simple white t-shirt and black ripped pants and a black cardigan. I wore my combat boots and just tied my hair into a high ponytail.

Si Trisver naman ay naka-itim na pants din at puting long sleeve polo na nakatupi hanggang siko ang mga sleeves. His hair was-as usual-messy dahil aniya tinatamad siyang suklayin buhok niya kapag hindi na umaga.

Henry drove us to the factory in the North Territory. Halos kalahating oras din bago kami nakarating doon.

Napangiwi kaagad ako nang pagkababa ko ng kotse, nanuot sa ilong ko ang amoy ng halu-halong chemical, usok, alikabok, at rust sa ilong ko.

Napabaling ako ng tingin kay Trisver nang nauna na siyang lumakad pero nilingon niya ako at saka siya huminto. Napabuga na lang ako ng hangin. I slid my hands inside the pockets of my cardigan before I followed him inside.

The smoke coming from the pipe from below immediately made me feel warm. It almost felt like I was walking on fire, dahil halos magkulay orange na sa baba dahil sa apoy na ginagamit para sa pagfo-forge ng mga metal. Everytime the clanking sounds of metal hitting metal reverberates in my ears, I wanted to shut my eyes.

Bumaba pa kami sa ground floor dahil nandoon ang secret lab na pagawaan ng drugs dito sa North. Sobrang layo na nito sa entrance na pinasukan namin, at sa sobrang daming pasikot-sikot bago makarating dito, mahihirapan ang mga pulis kapag magre-raid sila.

Unti-unti nang nawawala ang init na pakiramdam mula sa factory at napalitan naman ng lamig nang papalapit na kami sa lab. Kung halos orange doon sa labas, dito naman halos pati ikaw maging kulay puti na rin sa sobrang liwanag ng lab at lamig.

Nang nakita nila ako, nagsihinto sila sa mga ginagawa nila at saka sila nagsiyuko para batiin ako.

"Madame, we're glad you visited," sabi no'ng nasa unahan malapit sa akin. Kahit naka-mask at may suot na cap sa ulo, alam kong babae siya. "We're almost done packing the samples."

Hindi ako umimik. Humakbang ako papalapit sa lamesa nila at tinitingnan ang mga gawa nila. There were a lot of crystal-like stones, na sa tingin ko ay ang pinaka importanteng ingredient ng drugs na ginagawa nila. May ibang durog na, at may iba namang natunaw na at nalagay na sa maliit na bote na pinapatong pa nila sa weighing scale para sakto ang dosage ng drugs per bottle.

"This samples will be sent to Mr. Yuzuru," ani Trisver kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya. "He's one of the most powerful yakuza in Japan, and he's interested in our product. Kung magugustuhan niya ito, he might make a deal with our business and it'll benefit us a lot."

Napatango-tango ako. Exta-C. Our newly developed drugs na ididistribute sa buong bansa once maging successful and process at maganda ang result. There were a lot of drug cartels and drug business in the country, and we needed to compete with that in order to stay on top.

"Hindi pupunta si uncle rito?" I asked, still looking at the drugs on the table. Lumapit pa ako lalo sa table at saka kinuha ang isang bote para amuyin 'yon. Hmm, no smell. Felt like it was just water.

"He has other important matters regarding Azarcon Empire," sagot ni Trisver. Yumuko siya ulit sa hawak niyang iPad. "He's currently in Hong Kong to negotiate with the largest hotelier there."

Napatango-tango ulit ako. I opened the lid of the bottle and I tried to smell it again. Wala pa rin. Parang talagang tubig. Kung ihahalo 'to sa natural na tubig, hindi agad mahahalata. Nate-tempt akong lagukin.

"Can I try one?" hindi ko na napigilan at nasabi ko na.

"Sure-"

"Quincy," mariing tawag ni Trisver sa akin kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya. He was staring at me with dark eyes. "Don't. You still have class tomorrow. That drug's effect lasts for at least a week."

Napanguso na lang ako. Kahit na hindi ko gustong pumasok, kailangan ko pa rin dahil hindi pa namin nakukuha si Roa. At kung hindi lang palaging epal ang Kace na 'yon, baka nga natapos na agad namin ito. Pero ayos lang din, it hasn't been a week yet. Marami pang oras.

I was about to put the bottle back when we heard noises from upstairs, at nasundan 'yon ng pagsabog. Napaangat kaagad kami ng tingin sa direksyon na pinaggalingan ng pagsabog at naalerto kaming lahat.

"What's happening?" tanong ko kaagad. The noise was coming from the front of the factory. "May raid ba?"

"Impossible," sabat kaagad ni Trisver. Ibinaba niya na ang hawak na ipad. "Stay here. I'll go upstairs and check what's happening."

Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang malalaki ang hakbang na umalis siya ng lab. Ako naman ay napabaling ng tingin sa mga trabahador na nandito. They all looked startled and scared, kaya hindi na maipagpatuloy ang ginagawa.

"Continue what you're doing," utos ko sa kanila. Nagsitango naman sila at kahit kinakabahan ay pinagpatuloy ang ginagawa.

Ako naman ay sumunod na kay Trisver. Mabagal lang akong lumakad habang nasa magkabilang bulsa pa rin ng cardigan ang mga kamay, pinapakiramdaman din ang paligid dahil baka nga may raid o baka may ibang members ng sindikato ang nakapasok.

As I was going upstairs, the noise was also getting clearer. May mga sumisigaw at may mga nagtatakbuhan. Meron ding tunog ng parang metal na tumatama sa katawan ng tao, na sinusundan ng tawa.

I was getting worried. Bumilis na ang pag-akyat ko at saktong paglabas ko, may sumalubong sa aking metal na bat. Kaagad akong yumuko para maiwasan 'yon at kasabay ng pagtayo ko ay umikot ako para masipa sa baba ang lalaki, at diretso itong natumba at kumalampag ang bat niya sa sahig.

Nilibot ko kaagad ang paningin ko. May mga nakahandusay na at may iibang nawalan na ng ilang parte ng katawan. Nagsalubong ang mga kilay ko. Walang raid, pero mukhang may nagpaplanong pasukin nga ang factory!

Nakita ko si Trisver na nakikipagbakbakan na rin. The iPad he was holding was hindering him from fighting better, so he smashed the gadget on his enemy's head dahilan para mawalan ito ng malay.

Damn, that iPad was expensive but we could buy another one tomorrow. I just do hope he had his files backed up before he smashed the gadget on someone's head.

"Trisver!" sigaw ko habang patakbong lumapit sa kaniya.

He instantly turned around to look at me. His eyes darkened, he looked so angry. "I told you to stay-" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil may lumipad na sipa papalapit sa kaniya pero naiwasan niya naman agad at nasuntok ito sa panga. Binalik niya ang mga mata sa akin. "Quincy-fuck! Get out of here! Bumalik ka sa kotse! Tell Henry to drive you home!"

I just nodded before I started running towards the exit. Pero hindi ganoon kadaling tumakas sa ganitong sitwasyon. There were some men who ran after me and chased me. May humaharang pa sa akin pero pinagsisipa at pinagsusuntok sila para lang makaalis na ako.

I was nearing the exit when another man who was holding a knife this time blocked my way. And as usual, I tried to kick his chin pero mabilis niyang naiwasan. He was about to stab my leg but I was quick to retrieve my leg.

I looked at him. My eyes narrowed. He was wearing a black pants and jacket, and a cap, and a mask. He seemed familiar.

Bago ko pa man maalala kung saan ko siya nakita, nakalapit na siya sa akin. He swiftly moved his arm and he was aiming for my neck. Mabilis kong nahuli ang kamay niya at inikot ko 'yon para sana agawin ang kutsilyo niya, pero mabilis niyang nasipa ang paa ko kaya napatumba ako. Hindi ko binitawan ang kamay niya kaya nasama siya sa akin. I was in between his knees while stopping him from burying the knife he's holding in my neck. Napangiwi na ako. I raised my knee and was about to kick his dick but he quickly jumped away.

Tumayo kaagad ako. Hindi pa man ako nakatayo nang maayos, nakalapit na ulit siya sa akin at sasaksakin na sana ako sa braso pero mabilis akong nakaiwas at umikot para sipain ang panga niya pero ginamit niya ang isang braso para i-block ang sipa ko. I took it as a chance to punch his chest but he was also quick to block it again with his other hand.

Napamura na ako. He's skilled. Si Trisver pa lang ang kayang i-block ang mga atake ko. If this guy can block my attacks, it means he's really not an ordinary crew of some organization, and assassin.

Na-distract ako kakaisip kaya hindi ko namalayang nasipa niya na ulit ang paa ko at natumba ulit ako. Kaagad siyang pumaibabaw sa akin at diretsong tinutok ang kutsilyo sa ulo ko pero kaagad kong napigilan. I held his wrist and with all my strength, I tried to move his hand away from me.

I groaned. My hands were shaking and my strength was draining fast. I heard him chuckle, kaya napaangat na ako ng tingin sa kaniya. And when my eyes met is dark brown ones, I now remember where I met him.

"As expected from a mafia boss," he whispered in his baritone voice. There was a hint of amusement in his tone.

Namilog ang mga mata ko nang marinig siyang magsalita. Hindi pa nga ako nakaka-get over sa boses niya, nakarinig kami ng putok ng baril at napaigtad ako nang tumama ang bala sa lupa malapit sa braso ko.

"Madame Quincy!" It was Henry. He fired another shot and he was aiming for the assassin's leg.

Patalon na umalis sa itaas ko ang lalaki. Pinagbabaril siya ni Henry kaya tumakbo na siya paalis. Ako naman ay mabilis na tumayo, at saka tumakbo papalapit kay Henry.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya, nakatutok pa rin sa harapan ang baril pero nasa akin ang atensyon.

Tumango ako. "Let's go!"

Tumango lang din siya at saka na kami tumakbo papunta sa kotse kong naka-park sa malapit, at umalis na kami ro'n.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top