Chapter 04

CHAPTER 04.

MY FATHER DIDN'T die in a mere car accident. It was because of an assassination attempt that led his car to crash to an establishment that afternoon. He was on the phone with me that day, informing me that he's on his way to buy my favorite dessert. But he went home dead instead.

Naging laman ng balita ang aksidenteng iyon. Some even rejoiced because the heartless mafia boss died, nabawasan na raw ang mga masasama sa mundo. His body was brought to the police, and we even had to take his body out secretly just so we could burry him in our land, where our deceased family members also rested.

We had a lot of people in mind na dahilan ng pagkamatay ni Daddy. But it all brought down to just one clan-the Luciano's.

They already killed my father. And now, they're after me, the current boss of Azarcon Family Clan.

If they want to bring my family down, uunahan ko sila.

I'd do anything just to keep my family in power. If I had to kill every single human in this world for that, I would. With no hesitation.

Nang tumunog ang bell na sinyales na lunch break na, napabaling kaagad ako ng tingin kay Roa na nililigpit na ang gamit niya. We have three hours until our next class, saan kaya siya pupunta? Siyempre bubuntutan ko.

I pursed my lips before I mustered up some courage and stood up. Lumakad ako papalapit sa upuan niya, at saka ako umupo sa katabing upuan. He stopped what he was doing, at saka siya napatingin sa akin.

Ngumiti kaagad ako. "Hello!" I even waved at him.

He didn't respond. Kumurap lang siya bago binalik ang atensyon sa ginagawa.

In my mind, I rolled my eyes in so much annoyance. But I had to maintain Kyrazene Ellie's personality, kaya pinanatili ko ang ngiti ko kahit gusto ko na siyang hilain na lang agad at ibagsak sa bintana nitong classroom na nasa third floor.

"Maglu-lunch ka na?" tanong ko. I wanted to slap my own face for asking something so obvious. But I had to initiate a conversation with this guy!

"Oo," tipid niyang sagot sabay tayo.

"Sama ako!" Tumayo na rin ako.

Natigilan siya. Magkasalubong ang makakapal niyang kilay na humarap sa akin, na para bang may sinabi akong hindi maganda. "What?"

Humakbang ako papalapit sa kaniya. "Sama ako," ulit ko. "I'm new here. Baka maligaw ako. Kaya sasama ako sa 'yo."

He stared at me for seconds bago niya nilibot ang paningin sa mga kaklase namin, kaya napatingin na rin ako. Some of our classmates were looking at us, may iba namang titingin lang saglit pero wala na agad pakialam.

"P-Pwede ka namang sumama sa iba-"

"Ayoko!" Ngumuso ako. "Sa 'yo na lang ako sasama. Please?"

Gusto kong masuka sa ginagawa kong pagpapa-cute sa kaniya. He has a good heart, he'd surely fall for this trick.

"Bahala ka." Lumakad na siya palabas ng classroom at nakangiting sumunod naman ako sa kaniya.

Nakangiti ako habang nakabuntot sa kaniya pero ang mga mata ko pasimpleng tinitingnan ang paligid. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa aking likod habang bahagyang binibilisan ang paglalakad dahil masyado siyang mabilis lumakad.

Nakalapit na ako kay Roa. The rest of this mission would be easy. He's easy to manipulate since his innocent and naive. I'd give myself two weeks or less. After that, he'd be inside our warehouse and crying for his dad's help.

Dumiretso siya sa cafeteria ng school. Marami na agad estudyante roon na nakapila. Pumila siya sa bandang dulo ng counter. Susunod na sana ako sa kaniya, kaso biglang may grupo ng mga lalaking naunang humakbang papalapit doon at binangga ng isa sa kanila si Roa, dahilan para maalis siya sa pila. Nagtatawanang pumila ang grupo at umaktong hindi nakikita si Roa.

It amused me, but I needed to hide my amusement because I was still Kyrazene, not Quincy. I cleared my throat at saka ako lumakad papalapit sa grupo nila.

I tapped the bald guys shoulder, at napabaling naman kaagad siya ng tingin sa akin. When he saw me, his brows were instantly knitted to one line.

"Ano?" maangas niyang tanong.

I gave him a smile. "Parang hindi naman yata 'yan tama. Pumila kayo nang maayos."

They stared at me, then they looked at each other, and then they laughed mockingly. I was stopping myself to punch them in the face.

"Pake mo ba?" maangas ding tanong no'ng kasunod niya.

"May pake ako dahil estudyante ako ng paaralang ito at isang concerned citizen." Tinuro ko si Roa na umaatras na. "Nauna siya sa inyo. Umatras kayo at pumila nang maayos."

The third guy stepped towards me while laughing. He's taller than me, hanggang balikat niya lang ako, kaya ipinatong niya ang mabigat niyang kamay sa ulo ko.

He smiled at me. "Susundin ka namin, kung payag kang sundin din ang gusto namin. Ano?" makahulugang sabi niya.

My right brow twitched. I didn't like how he was looking at me. I was about to land a punch on his face, when someone caught my hand.

"Woah! Woah! Woah! Anong kaguluhan ito!"

May lalaking biglang hinila ako papunta sa likuran niya. Matangkad siya kaya ang tanging nagawa ko na lang ay titigan nang masama ang likod niya. His shoulders were broad, halos hindi ko na makita ang grupo ng mga bully. And his thick, black hair was messy, as if he just woke up.

"Mga pare!" Lumapit siya ro'n sa tumapik sa ulo ko kanina. Inakbayan niya ang lalaki. "Alam kong gutom na tayo. Kaming lahat dito, gutom na talaga. Kaya pwede, para walang delay at makakain na tayong lahat, sundin na lang natin ang sinasabi ng binibini? Pumila nang maayos. Hmm?"

He squeezed the guy's shoulder, at halos tumiklop sa takot ang lalaking inaakbayan niya. Ang mga kasama naman niya, hindi na rin nagsalita at nagsiatras na nga.

Lumapit naman siya kay Roa, at saka niya hinila si Roa papunta sa pila. Pagkatapos naman, sa akin naman siya lumapit. I glared at him, and he just smiled at me before he held my wrist and also pulled me papunta sa likod ni Roa.

"Ayan!" aniya pagkatapos naming pumwesto sa pila. "Sa likod lang ako, ah!" Tinapik niya ang balikat ni Roa.

Nang nagbaling siya ng tingin sa akin, kinindatan niya ako kaya nagsalubong ang mga kilay ko. Nakangiting lumakad na kaagad siya papunta sa likuran nung tatlong bully, na nasa likod ko lang din nakapila pero tahimik na. Tinapunan pa ako ng matalim na tingin ng isa, pero pinanlakihan ko lang ng mata bago ko binaling ang paningin sa harap.

Who's that guy? Was he Roa's friend? Hindi ko alam na may kaibigan si Roa. O baka lately niya lang naging kaibigan? I need Trisver to give me another set of information about Roa. Mukhang kulang ang nakuha namin.

And if he really was Roa's friend, I hope he wouldn't be a hindrance to my purpose why I was here. But if ever he would interfere, I'll have no choice but to kill him.

Sa wakas ay nakakuha na kami ng pagkain. Roa's friend guided us to a table near the entrance na walang nakaupo. Bilugan ang table at mukhang pangmaramihan, pero kaming tatlo lang ang umupo ro'n. Magkatabi kami ni Roa, habang nasa tapat namin ang kaibigan niya.

"So? Pwede ka bang magpakilala sa akin, Miss?" panimula niyang tanong sabay subo ng kanin.

I stared at him. He just gave me a smile, and his eyes quickly turned into crescent moons.

"Ikaw? Sino ka?" sa halip ay tanong ko.

"Ako?" Tinuro niya si Roa gamit ang kutsara niya. "Sabihin na nating ako ang "knight and shining armor" niya."

Napangiwi kaagad ako sa sinabi niya. Tumawa lang siya na mas lalong nagdagdag sa inis ko.

"Friends kami," aniya sa wakas.

"We're not," angal kaagad ni Roa pero mahina ang pagkakasabi niya.

They're not?

Suminghap ang lalaki. "Grabe! Denied kaagad ako. Limang araw nang payapa ang buhay mo rito sa school dahil sa akin!"

Hindi nagsalita si Roa at nagpatuloy lang sa pagkain, kaya sa akin naman nalipat ang mga mata ng lalaki.

"So ayon nga. Kaibigan niya ako. Ikaw, sino ka?" balik na tanong niya. "Ay! By the way, I'm Kace Addameon Montero. Ayos lang sa akin kahit alin sa dalawa ang itawag mo sa akin, pero rare lang ang gumagamit sa second name ko. Ikaw? Anong pangalan mo, Miss?"

I was hesitant to respond. But I had to keep this up for the mission.

I gave him a smile. "Kyrazene Ellie."

Tumango naman siya sabay subo ng pagkain. "Ano ba ang usually tinatawag sa 'yo ng mga tao?"

I didn't know? Hindi nasabi sa akin ni Trisver na kailangan may nickname?

"Ay! Ay! Gusto ko maging unique ang itatawag ko sa 'yo! 'Yong ako lang tatawag sa 'yo ng gano'n!" aniya. Nagsalubong ang mga kilay niya para mag-isip ng pangalan. "How about.... Kyrie? Kyrie! Shortcut ng Kyrazene Ellie! Oh! 'Wag mong sabihin sa iba 'yan, gusto ko ako lang ang tatawag ng Kyrie sa 'yo, ah! Kasi si Roa, ang nickname na binigay ko sa kaniya, Ayro. Binaliktad lang ang letters pero shortcut din 'yan ng pangalan niya!"

Ang ingay-ingay niya. Iniisip ko pa lang na makakasama ko siya araw-araw simula ngayon, naiinis na kaagad ako.

The whole time we were eating, siya lang ang nagsasalita. Roa was silent, and I did talk when Kace asked me random questions. Pero ang ingay niya talaga.

If he's this noisy, he'd really be a hindrance to my plan. Maybe I should dispose of him right now before anything else happens that'd affect the succession rate of my plan.

Halos pasalamatan ko ang lahat ng santo nang natapos na ang lunch break, dahil malalayo na kami sa wakas kay Kace. Hindi namin siya kaklase dahil iba ang program na kinuha niya. He's an IT student, at ang building ng IT ay katapat lang ng building ng department namin.

Sabay ulit kami ni Roa na pabalik sa classroom. May next class kaagad kami na mamayang 2PM matatapos. Pagkapasok namin sa classroom, pareho kanina ay napabaling ang mga kaklase namin sa amin pero this time, sinundan na nila kami ng tingin dahil nakakapit ako sa braso ni Roa. Actually, kanina niya pang tinatanggal pero binabalik ko. Napagod na yata siya at hinayaan na lang ako.

During the discussion, I kept talking to Roa while he was trying to focus in class. At lalo na noong nagkaroon ng short quiz, iniistorbo ko ulit siya, umaakto akong hindi ko alam ang quiz kahit alam ko naman dahil na-take ko na ang subject na 'to sa dati kong school.

"Uuwi ka na? Sabay ako!"

Parang maiiyak na si Roa kung makatitig sa akin nang sabihin ko 'yon. Nakatayo na siya't hawak na ang bag niya, ni hindi niya na nga sinukbit sa balikat at ready-ng ready na siyang umalis pero pinigilan ko.

May sasabihin sana siya, pero may biglang sumulpot sa pintuan ng classroom namin at sumigaw.

"Ayro! Kyrie! Uwi na kayo? Sabay tayo!"

Pareho kaming napabaling ni Roa sa direksyon niya at halos sabay kaming napabuga ng hangin ni Roa nang makita si Kace na ang laki ng ngiti habang kumakaway sa amin.

Hindi na lang nagsalita si Roa at tuluyan na lang lumakad palabas. Humabol naman kaagad ako sa kaniya, at noong napadaan kami sa pintuan, sumunod naman kaagad sa amin si Kace.

"Bago ka lang pala sa klase n'yo, 'no," ani Kace nang nasa gilid ko na siya. Hinawakan niya ang magkabilang strap ng bag niya habang sinasabayan ang paglalakad ko. "May crush ka ba kay Roa?"

His question caught me off guard. Napaangat kaagad ako ng tingin sa kaniya. I was thinking of denying, but then I thought kung sasabihin ko ngang oo, baka tutulungan niya ako kay Roa at kung sasabihin kong layuan niya kami ni Roa, gagawin niya.

Ngumuso ako at umaktong kinikilig. "Cute naman siya, eh."

Nang-aasar na binunggo niya ang balikat ko at saka siya ngumiti rin, nang-aasar pa rin. "Tipo mo pala mga lampa."

Nawala na sa isip ko si Roa. Kaya nang napabaling ako ng tingin sa harapan, humabol kaagad ako kay Roa na halos nakarating na sa gate ng school sa sobrang bilis lumakad.

"Roa! Hintay!" If this was just a normal day as my real self, it'll be easier for me to run after him. But again, I had to act like a girl who never exercises and quickly looses air. "Roa! Saglit!"

Nakarating na siya sa tapat ng gate. He stood there, waiting for something. Sakto namang ilang metro na lang ang layo ko sa kaniya, may itim na kotseng huminto sa tapat niya, and the car was familiar.

Bumukas ang pinto sa backseat, and I blinked when I saw the man inside wearing a suit and glasses, and he was smoking. There was a scar on the right side of his forehead down to his eyebrow and eyelid, which was very familiar to me because one of my men did that to him.

"Oh! Daddy niya pala ang susundo sa kaniya ngayon." Nasa gilid ko na pala si Kace. "Katakot ng aura ng daddy niya, 'no? Parang mafia boss." Tumawa siya.

I just stared at the Armando Luciano as he turned his body to face his son. Nginitian niya sa lang ang anak. May sinabi siya rito na dahilan ng pagtango ni Roa, bago pumasok sa kotse si Roa.

Napasunod na lang ako ng tingin nang umandar na paalis ang kotse.

"Hey." Nakangiting humarap si Kace sa akin. "What if samahan mo ako-"

Hindi ko siya pinansin. Kaagad akong tumalikod at saka mabilis na nagtungo sa kotse kong kanina pa naghihintay sa gilid ng puno ng mahogany sa tapat ng school. Binuksan ko ang pinto sa backseat, at tumabi ako kay Trisver na nakakrus ang mga braso sa dibdib.

"Who was that guy beside you?" tanong ni Trisver, pero hindi ako sumagot.

"Give me more information about Roa," sa halip ay sabi ko. This time, I was finally using my real voice. "Include the schedules his driver comes to fetch him. Luciano just fetch his child, he was inside that car."

"Okay. Should I include Luciano's work schedule? I think he only fetches his son when he's free."

Tumango ako. "Yes. And also, give me a list Roa's friends."

Nagsalubong kaagad ang mga kilay ni Trisver. "Friends? He doesn't have any."

"He does," pilit ko. "That guy I'm with earlier, he's his friend. Ngayon ko lang din nalaman."

Hindi na siya nakipagtalo. Tumango na lang siya. "Okay. Got it. What else?"

Nabuhay na ang makina ng kotse at umusad na ito paalis.

Sumandal ako sa upuan. "That's all for now. I just need to know so I can measure how many collateral damages we'll be making for this plan to become a success."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top