Chapter 03
CHAPTER 03.
THAT WAS OBVIOUSLY a male assassin, and a very skilled one. Hindi 'yon basta-bastang hinire lang. He knew what he's gonna do. Kung hindi siguro sumulpot kaagad ang bulok na bodyguards, baka napatay niya na ako nang walang kahirap-hirap.
This wasn't new to me, though. In my three years of being the boss of the family clan, I couldn't count how many assassination attempts I have encountered. But this one, it felt like I almost didn't stand a chance. I almost died.
Iniisa-isa ko sa utak ko kung saang clan galing ang assassin na 'yon, kung sino nag-hire sa kaniya. To have that kind of skilled assassin, this clan must be powerful and wealthy. Aside from ours, there were five other families who were on our level of being powerful and wealthy. Pero ni isa naman doon sa kanila, hindi naman namin nagalaw.
Oh, wait. There's actually one.
"Your uncle's on his way."
Napaangat kaagad ako ng tingin kay Trisver na nakatayo sa tapat ko. Nakatalikod siya sa akin at nakayuko sa cellphone niyang kabababa niya lang dahil tinawagan niya si tito kahit ayaw ko. He's stubborn as fuck. One day, I'll rip his head off.
Nasa living room lang kami. Nakaupo ako sa mahabang sofa at nakasandal ang likod sa backrest. Kanina pa kaming nakarating dito pero hindi pa rin ako nagbibihis, suot ko pa rin ang nadumihan kong uniform na may alikabok at chili oil pa mula sa siomai kong nahagis ko.
"I told you, he doesn't need to know!" naiirita kong sabi. Nang pumihit siya paharap sa akin, tinapunan ko siya nang matalim na titig. "I can handle this!"
Umangat ang isang kilay. "How? Susugod ka sa kung saan nanggaling ang assassin na 'yon at makikipagpatayan doon?"
"Malamang! They almost killed me!"
Napailing na lang siya sabay napahawak sa noo niya.
"Trisver, we're the mafia!" Inangat ko na ang kamay ko para ituro kaming dalawa. "That's how it should be done. That's how we do business! Pinagtangkaan nila ako? Fine, gaganti ako! I'll kill every single one of them-"
"Quincy Deanne."
Pareho kaming napabaling ni Trisver sa pinto nang bumukas 'yon. Napatayo kaagad ako nang makita si tito na naka-corporate suit pa na pumasok, kasama ang tatlong bodyguards niya. Hawak niya pa ang suitcase niya, mukhang kagagaling lang sa trabaho.
His eyes quickly darted to me. Wala pa nga siyang ginagawa, pakiramdam ko sinesermunan na ako ng mga mata niya, kaya napayuko na lang ako ay nagtiim-bagang.
"Huwag kang padalos-dalos," sabi ni Tito sa boses niyang parang nakikipag-business deal. "One wrong move, chaos will happen. Remember, you are the head of the family clan."
Hindi ako sumagot at nanatiling nakayuko. Lumakad siya papalapit sa amin ni Trisver at saka niya nilapag ang suitcase niya sa sofa.
"I'll have my men investigate this case," aniya. I saw how his feet pointed at me, meaning humarap siya sa akin. "And you... you stay here for a week."
Napaangat na ako ng tingin sa kaniya. "But I have school-"
"You'll be transferred," putol niya sa sinabi ko.
Nagsalubong ang mga mata namin. His eyes were furious, kaya napayuko na lang ulit ako.
Ako ang boss ng clan, pero pakiramdam ko mas mababa ang ranggo ko kay tito. Ever since daddy died, he fill in the role as my father. Pero sa mga ganitong pagkakataon lang. 'Pag may nagagawa akong mali, susulpot siya para pagsabihan ako at ituwid ang mga ginawa kong kamalian.
"We already have a lead on who ordered that assassination," aniya na dahilan para mamantig ang mga taenga ko.
"Really? Sino?"
"We'll talk about this later. Tristan is on his way." Itinuwid niya ang suot na suit. "For now, go take a bath and change your clothes."
Hindi na kaagad ako umangal. Umakyat na lang ako papuntang kwarto ko para maligo at magbihis. And while I was inside my room, hindi ko mapigilang isipin ang mga sinabi ni tito kanina.
Because of the assassination attempt, I'll be transferring schools. Again. Ganito naman palagi. Kapag may mangyayaring muntikan na mapahamak ang buhay ko, lilipat agad ng school. Kahit ilang weeks pa lang ako sa paaralan, nililipat kaagad. I didn't know how Tito does it, pero nalilipat kaagad ako after a week. We'll it's not surprising, he's good at this kind of thing. Negotiation and persuasion were a few of his skills, kaya nga mas gusto ng clan na siya ang mamamahala sa Azarcon Empire dahil maalam siya sa iba't ibang klase ng negosyo, ilegal man o hindi.
Napabuga ako ng hangin. Magtatatlong linggo pa lang ako sa paraalang 'yon. Sa loob yata ng isang taon, lagpas sampung beses na akong palipat-lipat ng school. Public, private, state university, kahit saan na basta mailipat lang ako. And for sure, si Trisver lilipat din dahil hindi pwedeng hindi siya malapit sa 'kin.
Tapos na akong magbihis at patuyuin ang buhok. Nagsuot lang ako ng simpleng puting t-shirt at shorts na hanggang ibabaw ng tuhod ko. Nakapaang bumaba ako ng kwarto at nagtungo na sa living room, pero wala sila roon. Ang sabi ng maid na nadaanan ko, nasa office daw sina tito kaya lumiko ako sa may gilid ng hagdan at diniretso ang hallway na papuntang office, kung saan palaging nagaganap ang "business" na kailangang hindi marinig nang iba.
Bubuksan ko na sana ang pinto pagkatapat ko ro'n, pero kusa itong bumukas at lumabas ang isang lalaking naka-itim na shirt at kitang-kita ang full sleeve tattoo niyang dragon. Tauhan siguro ni tito.
Yumuko ito sa akin bago tuluyang umalis. Ako naman ay tuluyan na ring pumasok.
Nakaupo na sa tapat ng mahabang lamesa ang tatlo, kasama na nila ngayon ang tatay ni Trisver. Nasa kanan si Tito habang nasa kaliwa naman ng lamesa sina Trisver at ang tatay niya. Napabaling silang tatlo sa akin pagkapasok ko.
"As I've said, hindi pwedeng padalos-dalos tayo," sabi ni Tristan nang nadaanan ko siya habang naglalakad ako papunta sa dulo ng lamesa kung saan ako usually nakapwesto tuwing meetings.
"Yes. But this is the only way I know we can negotiate with them," sagot naman ni Tito sabay dumukwang papalapit sa lamesa. "It's a bit risky, but we won't know until we try-"
"Bakit? Sino ba nag-hire nung assassin?" putol ko sa usapan nila.
Napabaling kaagad sila ng tingin sa akin.
"It's the Luciano's," sagot ni Tristan.
I knew it.
The Luciano Family Clan. The second biggest organization in the country next to ours. They're known for bringing down anyone just so they could rise. At matagal na nilang binabalak na pabagsakin kami, but they couldn't no matter how much they try.
Last time, it was them, too. Good thing the car I brought while shopping had bulletproof glass windows.
"So? What's the plan?" Ipinagkrus ko ang mga braso sa dibdib habang nakatayo pa rin.
"We can go talk to them and-"
"Talk?" putol ko sa sasabihin ni tito. "You think they can talk to us, tito? They've been our enemies for years now! You think once they see us, hahayaan nila tayong umalis nang buhay?"
Tumalim ang titig sa akin ni tito. "Quincy-"
"Right now, I am your boss, not your niece," mariing sabi ko. Nilabanan ko ang titig niya. "And I disagree with your suggestion, Tito."
Hindi na siya nagsalita, kaya nagpatuloy ako. "Hindi madadaan sa usapan ito. They almost killed me, and they'll do it again. How about we do it their way?"
Nagsalubong kaagad ang mga kilay nila.
"What do you mean?" tanong ni Trisver.
Dumukwang ako papalapit sa lamesa, at saka itinukod ang mga kamay sa lamesa. "Ang sabi n'yo, lilipat na naman ako ng school next week. How about i-transfer ninyo ako sa kung saan nag-aaral ang heir ni Luciano?"
Naningkit ang mga mata ni Tito at alam kong alam na niya kung ano ang gusto kong ipahiwatig. "Quincy-"
"As I've said, Mr. Azarcon..." Nagbaling ako ng tingin sa kaniya. "Right now, I am your boss, not your niece."
Nagtiim-bagang siya. "Apologies... Madame."
Tumango ako. Good. "So, back to what I'm planning..." Tumingin ulit ako sa harap. "We should do it their way. If they harm me, how about we harm his heir, too?"
"We can't," angal kaagad ni Tristan. "Mas lalo lang lalaki ang gulo-"
"They started this," mariing sabi ko. "And we should end this right now, dahil matagal na akong nabubwiset sa kanila."
"And how do you exactly do it?" tanong ni Trisver.
I angled my head. "His son is a naive and guilible kid. It'll be easy to get his trust and then, we kidnap him."
Roa Iverson Luciano. The current heir of the Luciano Family Clan. But unlike his father that's ruthless and evil, mukhang batang kaluluwa na naligaw sa katawan ng isang adult si Roa. He couldn't even defend himself! Kahit anak pa siya ng pumapangalawa sa pinakamakapangyarihang mafia sa bansa, duwag naman 'yon at uto-uto na hinahayaang ma-bully ang sarili at hindi nagsusumbong sa ama.
"What?!" angal kaagad ni Tito. "Nahihibang ka na ba, Quincy?!"
"If they want war, we give them war," mariing sabi ko. "And this is only the first step."
"If we enroll you to where his son attends, mahihirapan tayo," ani Trisver. "Most of the kids who go there are also children of his associates, at sigurado akong maraming bantay doon ang anak niya." Tumitig siya sa akin. "Baka nandoon din ang assassin na tumangka sa buhay mo ngayong araw."
I massaged my temple. "Hindi naman ako magtatagal doon. I'll just get his son's trust, and then we kidnap him, and then we're done. A month would be too long for this plan."
Tristan sighed. "I'll hire someone to disguise as a student-"
"Hire someone?" Nag-angat ako ng isang kilay. "I can fill in the role."
Namilog ang mga mata nila.
"You can't!" angal kaagad ni Tristan. "They know who you are. At kung ikaw ang pupunta ro'n, mas lalong magiging delikado! Muntikan ka na nilang mapatay ngayong araw!"
"Kaya nga naimbento ang "disguise," Tristan." Ngumiti ako sa kaniya. "I won't go there as Quincy Deanne Azarcon. I know you can change some information about me para makapasok doon, it'll be easy for you. And besides, hindi nga ako magtatagal doon. A month or less, we're done with this."
"We can't let you-"
"Trust me on this," confident kong sabi sabay baling ng tingin kay Trisver. "I am not your boss for nothing."
Hindi na sila nagsalita. And I took that as an agreement to my plan from them, kaya napangisi ako.
--
"KYRAZENE ELLIE AMORATA. A simple girl who's good in academics and is friendly. Mabait. Hindi nang-aaway. Hindi ma-attitude. Iyan ang magiging identity mo once makapasok ka na sa roon, Quincy."
Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakakititig sa repleksyon ko sa salamin dito sa kwarto ko. Ginupitan na ang buhok kong hanggang gitna ng dibdib, ngayon ay hanggang leeg ko na lang. Sinadya ring lagyan ng tanning cream ang balat ko para mag-iba ng skin tone, pinakapal naman ang kilay ko at nilagyan ako ng itim na contact lenses para itago ang kulay brown kong mga mata. Suot ko naman ngayong ang uniform para sa bagong school na papasukan ko. Puting blouse ma may necktie, at saka checkered na skirt na hanggang gitna ng hita, at itim na knee-high socks at saka school shoes.
Nalipat ang paningin ko sa repleksyon ni Trisver sa salamin. Naka-krus ang mga braso niya sa dibdib habang nakatitig sa akin at halatang nag-aalala. Kagaya dati, nakaputing uniform pa rin siya dahil sa med school pa rin siya papasok, pero sa ibang school na.
"Are you sure about this, Quincy?"
Napaangat ako ng isang kilay sa kaniya. "Trisver, you've been asking me that since last week. You know what my answer is."
Napabuga na lang siya ng hangin sabay napailing. Ako naman ay napangiti bago tumayo, at saka pumihit paharap sa kaniya.
"So?" I blinked at him. "Let's go?"
Ilang segundo muna siyang tumitig sa akin bago sumuko na lang at nauna nang lumabas. Dinampot ko na ang bag kong nasa ibabaw ng kama bago ako sumunod sa kaniya.
Nagpahatid na kami kay Henry papuntang school. We used a different car from last time, but the windows were still bulletproof.
Habang nasa byahe kami, hindi mapakali si Trisver at inuulit-ulit na naman ang reminders sa akin na kailangan kong maging si Kyrazene Ellie Amorata roon at hindi pwedeng ilabas si Quincy Deanne Azarcon para hindi kami mabuko at mabulilyaso ang plano.
After almost half an hour drive, nakarating na rin kami sa bago kong school. Walang maghahatid sa akin papasok, isa 'yon sa magdadagdag sa identity ni Kyrazene Ellie. Wala siyang parents at walang pakialam sa kaniya ang ibang relatives niya.
I already received my class schedule two days ago at namemorya ko na lahat 'yon pati kung saan ang unang klase. I even had the blueprint for this school para hindi ako maligaw.
Habang naglalakad ako papunta sa room kung saan ang first period, pasimple kong tinitingnan ang paligid. So far, nothing's suspicious. Baka nga hindi pa nila alam na nandito nga ako.
Nakarating na ako sa classroom, and it was so noisy dahil madami nang estudyante. There were some group of girls at the corner doing their make-up, sa kabilang corner naman ang mga lalaki na pinag-uusapan ang nangyaring practice game sa basketball.
Lumakad ako papasok, pero walang nakapansin sa akin. Diretso lang akong naglakad at umupo sa pinakadulong upuan na hindi ko alam kung bakante ba o hindi. Wala pa ring nakapansin sa akin, and so I sat there for almost half an hour.
Sa wakas, pumasok na ang instructor para sa first period. Nagsibalikan na sa mga kani-kanilang upuan ang mga estudyante, at mabuti naman wala palang ibang nakaupo rito sa inupuan ko. May iilan na sa kanilang nakapansin ng presensiya ko at tinitingnan ako.
The instructor was roll calling, until he read a name that wasn't familiar to him.
"Oh, right, we have a transfer student today na galing sa ABC University. Kyra...zene Ellie? Did I read that right? Kryzane Ellie Amorata?" Nag-angat siya ng tingin mula sa hawak niyang master list. Nilibot niya ang paningin niya para hanapin ako.
Tumayo kaagad ako sabay ngiti. "Yes, sir?" mas matiis ang boses na ginamit ko kaysa sa orihinal kong boses.
Ngumiti rin siya pabalik. "Ms. Amorata, kindly introduce yourself."
Magsasalita na sana ako, pero nakuha ng taong kapapasok lang sa pinto ang attention ko. Unti-unting umangat ang sulok ng labi ko nang makilala kung sino 'yon.
"Mr. Luciano, good morning!" natatawang bati ng instructor sa kaniya. "Mabuti't hindi ka late ngayong araw."
Nag-sorry lang siya bago nakayuko lumakad papunta sa upuan niyang iisa lang ng row sa akin. He's seat was three seats away from where I was.
"Anyway, Ms. Amorata, continue."
I smiled widely. "Hello, everyone! I am Kyrazene Ellie Amorata! Nice meeting you all and I hope we'll get along well!"
***
A/N: Kyrazene is pronounced as "kay-ra-zin" just in case someone will ask.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top