Chapter 01

TRIGGER WARNING:
VIOLENCE. USE OF GUN. MENTIONS OF DR*GS. M*RD3R. BLOOD.

***

CHAPTER 01.

I DON'T FEAR DEATH. The idea of me dying, in any ways possible, never scared me one bit.

Ever since I was a child, seeing someone's lifeless body became normal to me. With the kind of business my family has, not seeing someone die would be the unusual one. And growing up, it gave me the idea that dying is a natural occurrence that's inevitable, and my family's powerful enough to be able to decide when to end one's life. And if I die, it'll me because of "the will of my family" and "for my family's benefit", which is why I don't fear death.

"Madame, Feliciano is here."

Napahinto kaagad ako sa pagtitipa sa laptop nang marinig ang sinabi ng maid na nakatayo sa pintuan ng kuwarto ko. Binaling ko ang paningin ko sa kaniya, at yumuko lang siya. I heaved out a sigh before I waved my hand at her, signaling her to let him in. Tumango lang ito bago tumalikod at binuksan ang pinto.

Dumapo kaagad ang paningin ko sa taong nakatayo sa tapat ng pinto, nasa likuran niya ang kaniyang mga tauhan. Ang itim niyang coat ay may bahid ng natuyong dugo. Pumasok kaagad siya habang naiwan naman ang mga kasama niya. After he stopped in front of my table, he bowed down as a sign of respect.

"Report," utos ko.

Tumango siya bago nagsalita, "The cargos were successfully brought to the warehouse."

Napatango ako. "Good. What about the others I assigned to you?"

"The drugs were successfully delivered to the client, although we experienced a little... delay," aniya na ang tinutukoy ay may kaunting bakbakang naganap, "but it was successfully traded. And also, the jade, kinuha ni Trisver para dalhin sa secret room."

Napangiti kaagad ako. That jade was so beautiful when I saw it at the auction two weeks ago. Interesado ako roon, pero naunahan ako no'ng walang kwentang businessman na nag-bid ng isang bilyon para sa jade. Malas niya, ako ang nakabangga niya.

I sighed in relief. "Good job as always, Feliciano." I gave him a lazy clap. His poker face remained. "You can go now. Get a rest or you can treat your family to a nice dinner!"

Nagbow ulit siya bago tuluyang lumabas ng kuwarto ko. Ako naman, binalik na ang paningin ko sa laptop, pero naalala ko ang tungkol sa jade, kaya dinampot ko ang cellphone kong nasa gilid lang ng laptop at saka nagtipa ng message para kay Trisver.

To: Quack Doctor

Yow, Quack Doctor. Where's my new baby?

Alam niya na kung ano ang tinutukoy ko. Kahit alam ko namang dinala sa secret room, gusto ko lang magtanong.

Wala pang ilang minuto, may reply kaagad mula sa kaniya.

From: Quack Doctor

Secret room. Shelf 4. What are you even gonna do with this? You already have a lot of jewelries.

To: Quack Doctor

It's a "collection" for a reason. What do you expect me to do? Donate it to some foster home, or something? Wait, I might do that, actually.

It was just a joke, but I immediately got a reply from him at kahit nasa screen, ramdam ko kaagad ang inis niya.

From: Quack Doctor

Don't make decisions without consulting my father, Quincy.

Pagkabasa ko ng reply niya, napasimangot kaagad ako. Quincy. He's calling me by my name. It means he's serious, or he wants me to remember his position in the organization. Napairap na lang ako at hindi na lang nagreply sa kaniya. Ibinaba ko na lang ang cellphone at pinagpatuloy ang ginagawa sa laptop ko kanina.

Privately, I am an heiress and the current boss and head of the Azarcon Family Clan. Since I was eighteen, right after my father died, who was the boss at that time, I was immediately appointed as the new boss ayon na rin sa kagustuhan ni daddy. I was trained for this since I was a kid, and getting the position that time was fulfilling and gave me a sense of immense power.

Noong una, ayaw pa ng ibang miyembro na ako ang mamuno sa kadahilanang babae ako, at dahil mas malambot daw ang mga puso ng mga babae kumpara sa mga lalaki, at walang karapatang mamuno ang mga babae. Well, it only took me a week to prove them they're wrong. I shot the former underboss, who was opposed to me ruling, in the head without blinking. At dahil doon, wala nang sino man ang nagtangkang umangal sa akin. O kung meron man, hindi nila pinapaalam sa akin, which is a good thing if they want to live.

Publicly, I am known as Quincy Deanne Azarcon, just a normal college student studying BS in Accountancy. After I graduate, I'll also be managing our "legal" family business. But right now, ang tito ko, who is currently the underboss of the organization, siya pa lang ang nagma-manage ng business, ayon na rin sa kagustuhan ng family.

And right now, I am making my PowerPoint presentation for my report in class tomorrow. Kahit pa gusto ko nang tumigil sa pag-aaral dahil may pera naman akong kayang buhayin pati mga apo ko sa tuhod, mas pinili kong magpatuloy pa rin. Sayang, nasimulan ko na, eh, at kaya ko naman.

After finishing the last slide for my presentation, nag-inat kaagad ako ng mga braso at katawan. My back hurts, I might need to go out to get a massage, or I'll just call Trisver since he knows how to do massages. Kaso nga lang, umaangal kaagad ang isang 'yon, kesyo nag-aaral pa siya at wala siyang free time. Kung hindi ko lang ka-close ang isang ito, matagal na 'tong nawala sa mundo. Good thing he's the son of my dad's consultant, and he'll also be my consultant if ever his father retires or dies.

And speaking of his father, dinampot ko ulit ang cellphone ko para tawagan ang ama niya. After dialing his number and after a few rings, he picked up.

"Madame," bungad niya.

"Took you so long to pick up, Tristan." Umirap ako. "Anyway, I have something in mind and your son told me to consult it to you first."

"Go ahead, Madame."

"What if mag-donate ako sa mga foster homes?"

It took him almost a minute to reply. "Well... kung para bumango ang pangalan ng pamilya mo, pwede naman. If you'll going to donate, just put your surname or might as well, put your business' name as the sponsor."

Napanguso kaagad ako. Hindi ba pwedeng akin na lang? Bakit kailangang sa iba pa ipangalan, ako naman ang magdo-donate, hindi sila.

"Okay, fine," I surrendered. "Tell Gerardo to donate one million to any foster home under the Azarcon Empire. Bukas agad."

"Yes, Madame. Magkikita kami mamaya, sasabihan ko siya."

Hindi na ako sumagot at binaba na kaagad ang tawag. Pakiramdam ko malagkit ang katawan ko, kaya tumayo na ako at saka dumiretso sa bathroom para mag-shower. At hindi pa nga pala ako nakakain ng dinner, baka ayain ko si Trisver na mag-dinner kasama ako, kaso sure naman akong tatanggi 'yon agad, kaya 'wag na lang pala.

Pagkatapos kong magshower, inutusan ko na lang ang isa sa mga maid ko na ipagluto ako ng dinner. And while I was having dinner, tumawag sa akin ang isa sa mga leader ko at sinabing may bagong recruit sila. Ever since I was appointed as the boss of the Azarcon Family Clan, naging parte na ng tradisyon ko ang bisitahin at personal na i-welcome ang mga bagong salta. It's at the east part of our territory, at medyo malayo. Gabi na, pero pupunta pa rin ako ro'n.

Naka-putting t-shirt lang ako at black ripped jeans under my black cardigan dahil nga matutulog na sana ako, pero magmamadali pa ako. I just called Henry to drive me to the east territory dahil may bagong salta roon.

After almost an hour drive, na muntikan pa akong makatulog, dumating na rin kami sa wakas. The car stopped in front if a red gate, and it automatically opened when it detected our car. Habang nasa loob ako ng kotse, nilabas ko ang isang pakete ng sigarilyo na nasa bulsa ng cardigan ko, at saka ako kumuha ng isa at nagsindi.

This mansion is the house of the leader here in the east territory of our clan. He's a very skilled and respected man, kaya kung sino man itong na-recruit nila, sure akong magaling din ito.

When the car stopped, lumabas kaagad ako ng kotse. Bumungad sa akin ang nakahilerang tauhan ng east territory, at sabay-sabay silang yumuko nang makita ako. Bumuga ako ng usok, bago ngumiti sa kanila, at saka nagpatuloy na sa paglalakad. No'ng nasa tapat na ako ng pinto, sumalubong sa akin ang butler at yumuko bilang respeto.

"Good evening, Madame," bati niya. "Sir Vicente's waiting at the backyard, with the new recruits."

Tumango lang ako bago dumiretso sa backyard ni Vicente, sumunod naman sa akin si Henry. At kahit malayo pa ako, kitang-kita ko na ang limang lalaking nakahilera sa likod ni Vicente, at ang limang mukhang mga binata pa na nakahilera rin sa tapat niya at mukhang may sinasabi siya sa mga ito, dahilan para magsitango ang mga ito.

Pagkalapit ko sa direksyon nila, napalingon kaagad sila sa amin at awtomatikong yumuko.

"Nandito ka na pala, Boss," ani Vicente pero hindi ko siya pinansin.

Binaling ko ang paningin ko sa limang binatang nakatayo habang nasa likuran ang mga kamay, at tuwid na tuwid ang tayo, pero ang mga mata ay nakapako sa akin. Humithit muna ako sa sigarilyo ko, at saka marahang humakbang papalapit sa kanila. Isa-isa ko silang hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa habang marahan ding binuga ang usok mula sa ilong at bibig ko.

"Sila ang mga bagong recruit, Boss," sabi ulit ni Vicente. "Mga bata sila diyan sa kanto na gustong sumali sa atin, at nakasama na rin namin sila sa iilang dealing at engkwentro, kaya subok na ang kanilang kakayahan. Nagawa na rin nila ang initiation, at bukas agad ay opisyal na silang miyembro ko."

Marahan akong tumango bago nagbaling ng tingin kay Vicente. Magsasalita na sana ako, pero nagsalita rin ang lalaking ikalawa mula sa kanan.

"Pangako po, gagawin ko ang lahat para magkaroon ng silbi sa grupo!" sigaw niya na puno ng determinasyon, at saka niya sinuntok ang dibdib, at dinikit ang kamao sa dibdib. "Pangako kong iaalay ko ang aking puso at buhay rito!"

It made me smile. Napatango-tango ako. "He's a motivated one," sabi ko kay Vicente. "Who's he?"

Binalingan ni Vicente ang lalaki. "Ikaw, magpakilala ka sa ating boss."

"Opo!" Nagsalubong ang mga kilay ko nang kay Henry siya humarap at yumuko. "Magandang gabi! Ako po si Paolo. Pangako kong ibibigay ko nang buo ang tiwala ko at ang serbisyo ko sa inyo kahit pa ang buhay ko ang kapalit."

Tinaliman siya ng tingin ni Vicente. "Hoy, saan ka nakatingin?! Ito ang boss natin!" Tinuro niya ako, kaya nagbaling ng tingin sa akin si Paolo.

Nagtatakang tumitig sa akin si Paolo, sinipat pa ako mula ulo hanggang paa, bago tumawa. "Boss, marunong ka rin palang mag-joke?"

My right brow twitched.

"Gago! Gusto mo bang mamatay agad?!" Natataranta na si Vicente. "Umayos ka!"

Napailing lang si Paolo. "Imposible namang babae ang boss natin. At..." Tinuro niya ako. "'Yan? Eh, mas matangkad pa ang kapatid ko d'yan, eh. At saka, hindi kayang mamuno ng mga babae-"

Hindi ko na siya pinatapos. Walang pagdadalawang-isip na dinukot ko ang pistol na nasa tagiliran ni Vicente, at walang kurap na binaril ang ulo nitong Paolo, at bumagsak kaagad ang katawan niya sa lupa at umagos ang dugo mula sa kaniyang ulo. Umalingawngaw kaagad ang putok ng baril dahil tahimik ang buong paligid. Sina Vicente, Henry, at ang limang tauhan niya ay hindi na nagulat sa ginawa ko. Pero ang apat na natirang bagong recruit, kita kong bumahid sa mga mata nila ang takot.

"Iligpit n'yo 'yan. Alam n'yo na kung ano ang gagawan ninyo sa katawan niyan." Inabot ko kaagad kay Vicente ang baril niya, bago ako nagbaling ng tingin sa apat pang natira. Nagsiiwas naman kaagad sila ng mga mata, dahilan para mapangiti ako. "Anyway, welcome sa crew ni Vicente! Be good kids and never cause any trouble for Vicente, hmm? Have a good night!"

Isa-isa ko silang binigyan ng beso, at naramdaman ko kaagad ang panginginig at panlalamig ng katawan no'ng huling binigyan ko ng beso, kaya marahan akong natawa. Hinagod ko ang balikat niya, bago ako tuluyang umalis doon kasama si Henry. Nakasunod naman sa amin ang isang tauhan ni Vicente na buhat-buhat sa balikat niya ang bangkay ni Paolo.

Umikli na ang sigarilyo ko, kaya tinapon ko na lang. Pagkasakay ko sa kotse, nagsindi ulit ako ng sigarilyo.

"Daan muna tayo sa convenience store, nagutom ako," sabi ko sabay hithit at buga ng usok. Nang umandar na ang kotse, isinandal ko kaagad ang katawan ko sa upuan at saka pumikit saglit.

Today's so tiring and exhausting. Kailangan ko pang matulog nang maaga dahil may reporting pa ako bukas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top