2
"Buy me flowers after class!" bilin ni Laila nang magpaalam ako na papasok na sa school.
SHE IS STILL here at the hospital recovering. It is a week now, and the doctor said she can finally go home tomorrow if her status remains stable. Thank God, since her plan seems to be working. Yes, isang linggo na rin niya akong boyfriend.
I am doing my best to take good care of her and do whatever she wants, even this one she requested.
"All right, I will," sagot ko.
I simply smiled and turned my back to her, but she did not let go of my hand. "Hey, hindi ka ba masaya? Ni hindi kita nakikitang ngumingiti. Pwede bang huwag mong ipahalatang napipilitan ka lang?"
"Hindi ako napipilitan, Laila," giit ko.
"Weh? Maniwala? Kilala kaya kita! Come on, give me a little smile, my Jaydel! Gusto mo ba i-kiss kita para ngumiti ka na?"
Mabilis akong napaatras habang nanlalaki ang mga mata. Sa sandaling 'yon, hindi ko alam saan ibabaling ang tingin ko. Mabilis kong tinakpan ang kalahating ibaba ng mukha ko gamit ang likod ng braso ko.
"N-no. Your father might get the wrong idea!"
Sumilip ako sa labas kung saan naroon ang dad ni Laila. Isa lang kasi ang pwedeng bumisita kada oras, kaya naman habang narito ako sa loob ay nasa labas ang dad niya. Mamaya, kapag umalis ako ay si Tito Ryan naman ang papasok para magbantay sa batang matigas ang ulo na ito.
Malakas namang tumawa si Laila at saglit akong nakiliti dahil doon. "Ano ka ba? Parang kiss lang, eh!"
"Kahit na, hindi naman alam ng dad mo ang tungkol sa atin. Mamaya, kapag nakita niya tayo, magalit siya. Sinabi pa naman niya sa aking bantayan ka at huwag hayaang may ibang umaligid pa sa iyo."
"Tapos hindi niya alam na ang binilinan niya 'yong boyfriend ko! Ang kulet!" natatawa niyang hirit, tsaka napapalakpak, kaya nabitiwan niya na ako.
Pinitik ko naman siya sa ilong. "Ikaw ang makulet. Ang lakas ng trip mo," sambit ko at nagawa ko na ring ngumiti sa kaniya.
"Well, napapayag naman kita! Sige na, sige na. Umalis ka na, baka ma-late ka pa sa klase. Ikumusta mo na lang ako sa mga kaibigan ko at 'yong bilin ko! Bilhan mo ako ng bulaklak, ha?"
"Oo, narinig ko. Aalis na ako. Babalikan na lang kita mamaya."
"Huwag na!" pahabol niyang bigkas. "Bukas na tayo magkita! Tutal, lalabas na nga rin pala ako. Pupuntahan kita sa bahay mo para kunin, ha? Yung bulaklak..."
"Ang gulo mo naman kausap, Laila. Sigurado ka ba?"
"Yes! Anong akala mo sa akin, mahina?"
Sandali akong napatitig sa kaniya at napabuntong-hininga. "Fine. See you tomorrow, Laila. I'll bring you flowers. I promise."
"Yes, yes, see you tomorrow, my dear Jaydel! I love you!"
Halos mawalan naman ako ng hininga nang marinig ko iyon. Muntikan nang rumolyo sa dila ang sagot ko, at mabuti na lang natapik ko ang sarili ko.
"Hey, where's my 'I love you too'?" tanong niya habang ako ay hindi pa rin maka-recover sa sinabi niya.
"H-huh?"
"Sabi ko, asan ang sagot mo?"
Napakamot ako sa ulo. "Kailangan ba may sagot?"
"Oo naman! Para saan pa't naging boyfriend kita kung hindi mo naman ako sasagutin?"
"Eh hindi naman ako mahilig magsabi ng ganiyan. Kilala mo naman ako," saad ko tsaka nagkibit-balikat. Pansin ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa ginagawa niya. Hindi ako makahinga.
"Ano ba 'yan? Isa lang, eh! Please, Jaydel, isa lang? Sabihin mo ring mahal mo ako."
"Pwede bang next time na lang? O kaya bukas," suhestiyon ko.
"Bakit naman bukas pa kung pwede naman ngayon?"
"Bakit naman ngayon kung pwede namang bukas?"
"Uggh! Ang hirap kausap! Fine!"
Natawa naman ako sa pag-iinarte niya. Parang iyon ang linya ko kanina. Siya itong mahirap kausap.
Humiga na lang siyang muli sa kama habang nakatitig sa akin nang masama. Napangiwi ako. Why would she force me to say those words as if it were the same as counting one, two, three? I can't even count my heartbeats today because of her.
Kumaway na lamang ako bago tuluyang umalis. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalabas sa kwarto niya nang may tumunog na matinis.
Agad akong napalingon kasabay ng pagragasa ng kaba sa dibdib ko lalo na nang makita kong mabilis na pumasok si Tito Ryan sa kwarto habang sinisigaw ang pangalan ng best friend ko.
No, this can't be. I should have said what she wanted.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top