Special Chapter

Secundus Montessori

“Do you like Andy?”

Halos malaglag si Kuya Caius sa kinauupuan, at kung may iniinom man siya ngayon ay paniguradong mabubugahan ako. Buti na lang wala.

“Ano ba ang pinagsasabi mo?! Siyempre... hindi!” defensive na sabi niya.

May ideya man sa kinikilos niya ay ngumisi na lang ako. “Bakit?”

Nanatili pa rin ang kaba sa kaniya nang kunutan ako ng noo. “Anong bakit?”

“Ba’t ’di mo gusto si Andy?”

Ilang beses siyang napakurap sa sinabi ko at saka nag-iwas ng tingin. Namula pa iyong tainga niya kaya hindi ko napigilang matawa nang bahagya. Akala niya siguro manhid at wala akong kamalay-malay gaya ni Andy. Napapansin ko kaya siya lagi lalo na kapag nasa paligid lang siya.

“Hindi ko lang gusto. Bakit mo ba tinatanong?”

“Sigurado ka po hindi mo siya gusto?”

“Hindi nga! Bakit ba ikaw nagdedesisyon sa buhay ko, ha?” maangas na sabi niya, hindi lang ako malapitan dahil napapalibutan ng mga apparatus.

“Maganda, mabait, matalino, may takot sa Diyos. Lahat ng M at magagandang katangian ay nasa kaniya na kaya bakit hindi siya magugustuhan?”

“Manhid, marupok, masungit, martyr, at kung anong M pa na hindi maganda. May pangit ding katangian si Andy,” sabi naman ni Kuya Caius.

“Magugustuhan mo rin naman iyong maganda’t hindi maganda—”

“Hoy, ikaw’ng segundo ka, nirereto mo ba siya sa akin? Kasi kung ganoon, sige.”

Nabatukan agad siya ni Kuya Chase nang marinig iyon. “Iba ka rin, ah? Ang dami naman diyang babae bakit si Andy pa?” asik nito.

“Bakit doon pa sa marami, e, andiyan naman si Andy—”

Binatukan ulit siya ni Kuya.

“Biro nga lang! Kaya ka hiniwalayan, e, masyado kang seryoso sa buhay!”

Natawa na lang ako habang pinanonood silang dalawa nang maisip si Andy. Sigurado naman ako na mapupunta rin iyon sa tamang tao.

At alam kong hindi ako iyon.

×××

“Buhay pa nga ako, umiiyak ka na.”

“Duh, malamang! Alangan namang mag-party ako gayong mamamatay ka na!”

I tried to stifle a laughter, but didn’t succeed. Nagpakawala ako ng tawa sa narinig galing kay Gabbana. How could he make me laugh while hot tears continue streaming down his face? Tumigil din ako kalagitnaan nang mas lalong lumakas ang hagulgol niya.

Kinabahan ako kaya gumalaw ako para maabot siya. I put my hand on his shoulder and tried to at least console him.

I sighed. Wala na ba talaga akong magandang gagawin sa buhay ko kundi manakit, magpa-iyak, at maging pabigat? Like a burden that’s too much to carry.

“Bakit parang masaya ka pa, ha? Napaka mo talaga, Second!”

“Pasensya na...”

Bigla kaming binalot ng katahimikan. Nasa hospital ako simula noong isang linggo, alam ko na malapit na ako... kaya gusto kong ihanda ang sarili ngunit may parte pa rin sa akin na natatakot lumisan... hindi para sa sarili kung ’di para sa mga taong maiiwan ko sa mundong ito.

Hindi ko pa man nalalaman ay araw-araw ko nang inihahanda ang sarili na baka bigla na lang akong kunin. Kahit na may mga bagay pa akong gustong makamit mas iniisip ko iyong kalagayan ko at sa maaaring kahahantungan nito. Siguro, hanggang dito na lang talaga ako...

May panghihinayang na kung bakit maikli lang na panahon ang ibinigay sa akin, pero wala akong karapatan para magreklamo kaya naman hangga’t nabubuhay pa ay unti-unti kong tinatanggap at pinapaalala sa sarili na kung ano man ang mangyari sa akin ay tanggap ko.

At sa tingin ko ay ito na iyon.

“Ano’ng nararamdaman mo?” tanong ni Gabbana na ngayon ay pahikbi-hikbi pa rin. Inabutan ko siya ng tubig at tipid na ngumiti.

“Masaya... na malungkot.”

“Dapat malungkot lang, ’di ba? Bakit masaya ka? Masaya ka bang kukunin ka na, ha?” Nagsimula na namang tumaas ang boses niya at konting sundot na lang ay bubuhos na naman ang luha niya. I felt a pang on my chest. Hindi ko alam kung dahil pa sa pisikal o emosyonal.

“Masaya ako, Gab... kasi handa ako, malungkot naman dahil masasaktan kayo,” mahina kong sabi, sinusubukan na kahit sa konting panahon ay hindi panghinaan ng loob, kahit sa panlabas lang.

“Dapat bang masaya ka kasi handa ka na?”

Ngumiti ulit ako. Habang narito pa ako, gusto kong maging positibo at gawin ang kaya ko para hindi sila ganoong mag-alala.

“Not everyone’s ready to face death, pero ito ako, naghihintay na lang... I am glad that I’m ready...” I looked down when unshed tears started to form in my eyes. “Sa lahat ng tao, masuwerte pa rin ako. Alam mo kung bakit? Kasi binigyan pa ako ng maraming oras at pagkakataon para gawin ang mga bagay na gusto ko sa huling sandali, may iba na bigla na lang kinukuha... hindi binigyan ni kahit isang minuto para maghanda... para gawin iyong bagay na gusto pa nilang ihabol o kaya naman sabihin iyong mga huling salita para sa mahal nila sa buhay... maraming ganoon na masuwerte ako dahil may kamalayan ako kung kailan, saan, paano kaya may panahon ako para maghanda. Gets mo?”

Mabagal siyang nagpatango-tango.

I smiled at him. “Hindi ko alam kung kailan, pero nararamdaman kong malapit na.” Dahan-dahan kong itinuro ang dibdib. “Unti-unti na itong sumusuko, ako rin mismo...” pagpatuloy ko.

Wala akong magagawa kung ito na talaga ang nakatadhana sa akin, masaya pa rin ako dahil nasilayan ko ang mundo. Nakatagpo ng mabubuting tao at... nakaramdam ng pagmamahal.

“Second... mami-miss kita,” Gabbana whispered, voice shaking.

Umiling kaagad ako. “Don’t, please?”

Tiningnan niya ako sa mata. Lalo lang sumakit iyong dibdib ko kasi pareho na kaming umiiyak. “Bakit naman?”

“Continue to live without missing me. Ayaw kong mawala na may nalulungkot, at kung maaari nga sana... burahin mo na rin ako sa buhay mo kapag nawala na ako...”

Nasabi ko man nang maayos pero mas lalo iyong nagpakirot sa dibdib ko. Alam kong hindi ko gusto ang sinabi, pero pakiramdam ko iyon ang nararapat. Ayaw kong nananakit ng damdamin kaya mas mabuti nga siguro na ganoon.

“Tumigil ka nga! Hindi ko iyan gagawin, akala mo ba madali iyon, ha?!”

I sighed while looking at him. Ang tigas pa rin talaga ng ulo nito kahit kailan, but I knew, I was once happy meeting him. He also brought colors to my monochromatic life. “Kapag wala na ako, tuloy pa rin naman sa pag-ikot ang mundo. Parang wala lang nangyari mas maganda na iyon para naman hindi malungkot,” sabi ko pa.

“Oo, alam ko! Tuloy pa rin sa pag-ikot iyong mundo kapag wala ka na, pero alam mo naman na may sari-sariling mundo ang mga tao, ’di ba? For sure, titigil iyong akin!”

Hindi na lang muna ako umimik.

“Thank you,” I said instead.

He blinked. “Para saan?”

“For being part of my life,” seryosong wika ko. Hindi ko inaasahan na magkakaroon pa ako ng kaibigan gaya niya at ni... Andy.

“Ganoon ka rin sa akin, sa amin. Hindi na iyon mawawala, nakatatak ka na sa amin.”

“You will find a friend better than me in the future for sure.”

“Walang makapapantay sa ’yo, at wala kaming balak na palitan ka.”

“Pero mawawala na ako. You should live your normal life... the life before I came.”

Pero kahit anong sabihin ko halos hindi niya pinakinggan, pero kahit ganoon masaya ako. Masaya akong nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin para sa kaniya.

And then, there was Kuya Chase. Tuwing nakikita ko talaga siya hindi ako masyadong mapalagay dahil sa saya. It was rare seeing him looking at me, especially in this look. Nawala agad iyong saya sa dibdib ko at napalitan ng kirot.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod sa sahig at hawakan ako sa kamay. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay rinig ko na ang mahinang hikbi niya na sinundan pa ng panginginig ng balikat.

“We’re slowly doing fine, right?” bulong niya, pero ramdam ko ang panginginig doon.

“Kuya, tumayo ka...”

Umiling siya. “I know, I was a jerk, Second... and for you to know, I am fucking ready to work hard to make it up to you. Handa ako, Second... handa ako mawala lahat, pero ikaw? Hindi. Ayaw ko. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na bumawi pa sa ’yo, oh?”

Hindi ko na napigilang lumuha pa. Seeing him like this only gives me excruciating pain. Hindi niya naman na kailangang bumawi pa. Ginawa niya na. The moment he called me as his brother in front of his family fulfilled my empty heart. Noong tinanggap niya ako? Hindi na niya ako pinagtabuyan? Pakiramdam ko ako na iyong pinakamasayang tao sa mundo. Kasi kuya ko siya. At ang matanggap niya ay malaking biyaya para sa akin.

And it’s more than enough.

“Hindi mo na kailangan pang bumawi, Kuya... nakabawi ka na at sobrang saya ko,” tugon ko at pilit siyang pinapatayo. Napansin na niyang nahihirapan ako kaya sumuko na siya at umupo sa upuan na nasa gilid.

Napahawak ako saglit sa dibdib habang patuloy sa pagtulo ang luha ko. Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Kuya at humigpit ang hawak sa kamay ko. I shook my head to tell him that I’m fine. Mayamaya ay nawala na rin ang kirot sa dibdib ko. Nahirapan na naman ako lalo sa sitwasyon.

“Hey, it’s fine... you’ll get through this, okay?” Kasalungat sa sinabi ang kalagayan niya. Pilit siyang nagpapakatatag pero kumawala pa rin ang hikbi dulot sa sakit na nararamdaman niya.

“You wanna celebrate your birthdays with me, right? Okay, let’s do that. Malapit na ulit iyong birthday mo, I’ll treat you just please... please live,” desperadong sabi niya.

“Kuya...” Mas lalo lang akong nahihirapan. Paano ako aalis kung ganito niya ako pigilan? Paano aalis kung mas mag-iiwan ako ng malalim na sugat? But I believe, time heals.

“We’ll travel, dude. I’ll buy you anything, I promise... I’ll eat dinner with you starting from now on... just don’t leave yet.”

Wala na akong masabi. Hindi ko alam. Naguguluhan ako. At napapagod na. Maraming sinabi sa akin si Kuya, pero tila nagbara ang pandinig ko dahil ramdam ko ang hinanakit sa boses niya.

“I’d still hope you fight, Second. I... love you, dude. Please live with us.”

“I wanna rest, Kuya.”

Tumango siya at mabilis na nagpunas ng luha. Wala na siyang sinabi at tumalikod na pero bago pa man siya tuluyang makalabas ay tinawag ko siya. He looked back with those sorrowful eyes.

“Thank you for accepting me. At tandaan mo na kahit sa kabilang buhay, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin kong maging kuya. Wala akong pinagsisisihan.”

Hindi siya nagsalita at pinunasan na lang ang luha niya bago tuluyang umalis.

×××

Akala ko handang-handa na ako... pero nang makita ko siya... hindi pa pala. Parang gusto ko na lang bawiin lahat ng sinabi ko, parang gusto ko na lang ulit maging mas matatag, parang gusto ko na lang humiling na habaan pa ang oras ko. In short, parang gusto ko pang mabuhay.

Kasi siya iyon. Siya si Andy.

Siya lang iyong taong binigyan ako ng kakaibang pakiramdam. Iyong natatanging tao na kayang baguhin iyong isip ko. Iyong tao na... hindi ko inaasahang mamahalin ko.

Hindi dapat, pero pagdating sa kaniya? Iyong utak at puso ko laging nagkakaisa.

Pero alam ko na kahit siya, walang magagawa kung naitala na Niya.

Akala ko kaya ko nang tiisin lahat ng luha na para sa akin. Akala ko kaya kong tiisin na marinig kong magmakaawa sila sa akin na lumaban, akala ko kaya kong tiisin lahat.

Pero makita ko lang na may luhang tumulo sa mata ni Andy, hindi pala. Hindi ko pala kayang tiisin, pero ano ang magagawa ko? Ito na iyon. Kahit gaano ko kagustong kumapit, kung wala ng kakapitan, wala na rin.

Iba si Andy sa lahat. Nagagawa ko iyong mga bagay na akala ko hindi ko kaya. She holds positive vibes. Tuwing tinitingnan ko siya saka lang ako nagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili. Siya lahat. Siya iyong dahilan lagi. Hindi ko rin maamin nang diretsahan na... gusto ko na pala siya kasi ano namang saysay? Wala ring pinagkaiba dahil masasaktan at masaksaktan ko siya ano man ang gawin at sabihin ko.

Lahat ng gusto kong iparating sa kaniya, sinusulat ko lang. Mabuti na lang at mahilig siya magbasa dahil mala-libro na itong sinusulat ko, simula nang makilala ko siya.

After the heartbreaking scene of her crying and begging me to live when I knew I couldn’t fulfill, I asked her to sleep. She should sleep because time is running out so as my life.

Posible pala talagang maging masaya at malungkot at the same time habang nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha. Ni ayaw ko nang kumurap dahil ayaw kong magsayang ng oras dahil kapag oras na, hindi ko na ulit magagawang sulyapan pa siya.

Hindi ko na ulit makikita iyong mga ngiti niyang kumikislap dahil sa ganda. I will surely miss every inch of her. Sayang lang at sa maling panahon pa kami nagtagpo. Kasi kung hindi ko pa oras ngayon? Gagawin ko lahat ng kaya ko para makasama siya... kasi siya lang iyong babaeng nakikita kong kasama ko sa kinabukasan. Sigurado ako, pero iyong panahon hindi.

Akala ko nga darating pa kami sa punto kung saan magbabalik-tanaw kami sa mga alaala sa nakaraan, pero ako pala iyong magiging nakaraan niya.

Hanggang dito na lang pala ako kaya paano magkakaroon ng kami? May mga dulo at hangganan pala talaga ang lahat ng bagay... pero alam ko sa sarili na kahit ano man ang mangyari, mag-iba man ang ihip ng hangin, makarating man sa kabilang buhay... siya lang iyong natatangi para sa akin. Siya lang iyong titingnan ng mata ko, at hahanapin ng puso.

Hindi man ako ang hantungan niya sa ngayon at sa mga susunod, alam kong makakarating siya sa tamang kanlungan.

The only sanctuary where she is everything.

“I cherish you forever, Andy,” bulong ko. Pumikit pa ako at inipon ang lakas ng loob para halikan siya sa noo. Huli na rin naman ito. Wala na sa susunod dahil wala nang susunod.

I slowly closed my eyes... for finally I will sleep in peace and without suffering.

My loved ones flashed on my mind and even before I could finally go... Andy’s smile ran after that made my heart beat for a moment until it stopped... forever.


This is a short special chapter for Second’s death anniversary (December 14, xxxx at 11:46 PM). Sana nagustuhan ninyo, hehe!

I cherish you forever, peaches!

Working for improvement,
peachyangelus ×

P.s. You will also see Andy & Caius sa New Reistre Series installments and I also thought of having a book 2 or separate book yata for CaNdy itself (parang continuation ng story nila kasi di ba wala naman masyadong exposure si Caius hahahaha) random thought only means walang kasiguraduhan.

What do you think? Let me know in the inline comment!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top