Epilogue

“Chase?”

“Oh?”

I heaved a sigh. “Ang tagal mo sumagot!”

“A bit busy. May kikitain pa kami mamaya para sa kasal pagkatapos kong bumisita sa memorial park. Why?”

“June 2 dapat iyang araw ng kasal mo, ha, para birthday ko rin. Sagot ko na catering. Anyway, sama ako, I’m free today.”

“Dadaan pa ako ng clinic kasi schedule namin ngayon ng pag-check up. If you want magkita na lang tayo roon.”

Napatango ako kahit alam kong hindi niya makikita iyon. “Sige, ibaba mo na.”

Pagkatapos kong magbihis ay sinuot ko na rin ang baseball cap bago lumabas ng unit. Nakarating na ako sa lobby sa baba nang nakita ko ang pamilyar na mukha na naglalakad papalabas.

Wow, she never aged. Ganiyan ba kapag wala pang siyota?

Saglit akong nanatili sa lobby iniisip kung nakita niya na ba ako? Isang linggo na rin simula nang lumipat ako sa tower na ito. Hindi ko siya sinusundan... pero nang malaman kong dito siya nakatira ay pinili ko na ring mag-settle sa tower na ito lalo na sa floor niya, at kung sinusuwerte nga naman magkatabi pa kami ng unit!

After I bought a flower at the flower shop, dumiretso na ako sa memorial park kung saan nilibing ang kapatid ni Chase. What happened years ago was like a nightmare... especially for her. And seeing her now making her way to his place... I felt like she still mourning for his loss.

But I hope I was wrong. It’s been fucking 9 years after all.

Hindi ko namalayang matagal pala akong nakasandal sa sasakyan ko sa labas kung hindi lang ako binusinahan ng tarantadong Chase.

“Bakit hindi ka pa dumiretso sa loob?” tanong niya habang inaalalayang bumaba ang buntis niyang fiancé.

“Hmm, wala lang,” I lied. Of course, Andy’s still there and I just couldn’t ruin her moment by interrupting.

“Let’s go, then.” Nagpatiuna siya kasama si Ladyn habang ako ay nasa likuran lang nila at sumusunod.

May silunganan doon sa ilalim ng mga naglalakihang puno sa gilid ng park. Dumiretso muna kami roon para ilapag ang iba nilang dala sa lamesa. Tinanaw ni Chase ang buong lugar nang manliit ang mata niya sa tiningnan.

“If I’m not mistaken, there’s someone on Second’s grave,” aniya.

“Mayroon, babe, iyong naka-white na babae,” tugon naman ni Ladyn.

Bumuntonghininga ako. “Si Andy iyan.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay napalingon sila sa aking dalawa.

I shrugged.

“Oh, Andy? Siya iyong girl from before, right?” sabi ni Ladyn kay Chase.

Natawa ako. “Oo, iyong ex ng fiancé mo,” pang-aasar ko.

Sinimangutan niya ako, pero inasar ko siya lalo kaya sinaway ako ni Chase at sinabing puntahan na namin ang puntod ng kapatid dahil may lakad pa sila.

Nagpatiuna ako dahil gusto ko munang malaman kong ano ang ginagawa ni Andy. Nasa likuran niya ako nang magsimula siyang magligpit ng gamit habang pinupunasan ang mukha. And by now, I know she’s crying.

“Babalik ako ulit dito, ha? Sana ay masaya ka kung saan ka man naroroon... ’cos I’ll try to be happy too.”

Pagkatayo niya ay tumikhim ako kaya mabilis siyang napahawak sa dibdib dahil sa gulat. “Ba’t ka ba nanggugulat?!” singhal niya sabay iwas ng tingin. “Uh, sorry, nabigla lang...” agap niya pa.

I chuckled. “It’s fine, nasanay na ako sa ganiyang personalidad mo. Anyway, aalis ka na?”

“Oo...” Saka siya napabaling sa gilid ko kung nasaan sina Chase at Ladyn. “Pasensya na, mauuna na ako...” She was about to pass by when I held her wrist.

“Busy ka?”

Umiling siya, namula ang pisngi.

How cute.

“Stay a bit if that’s okay with you,” wika ko sabay sulyap sa dalawa bago hilahin ulit si Andy papalayo.

“Bakit?”

Tumaas ang kilay ko. “Catch up?”

She sighed, humigpit din ang hawak niya sa kahon. I wonder what’s inside? “Fine.”

“Okay, roon muna tayo sa lilim.” Sabay turo ko roon sa mga puno lalo na’t tirik pa ang araw kaya mainit pero mahangin naman.

Nang maupo na kami ay hindi siya makatingin sa akin at pinaglalaruan lang ang daliri.

Umiwas ako ng tingin at pinili na lang na tumingala sa langit. “Medyo matagal na rin ang huli nating pagkikita. How are you?”

Nang hindi siya sumagot ay nilingon ko na siya. Magsasalita pa sana ulit ako pero nilaharan niya na ako ng papel at ball pen. Taka ko iyong pinagmasdan pero kinuha ko pa rin.

“Bago ang lahat... pa-autograph muna,” sabi niya.

Napaawang ang labi ko pero kalaunan ay napahalakhak na. “Ikaw, ha? Hindi mo sinabing idol mo na pala ako ngayon —”

Umirap siya. “Caius... sa pamangkin ko iyan.”

Ngunit hindi iyon dahilan para tumigil ako sa panunukso sa kaniya. “Excuses, excuses... aminin mo na lang kasi. Nakita mo na ba iyong billboard ko roon sa EDSA? Guwapo, ’no? Baka mamaya ma-in love ka sa akin at iuwi mo sa bahay iyong mga poster na makikita mo sa daan —”

Tinakpan niya ang bibig ko na para bang rinding rindi na siya. “Shh... mamaya ka na tumalak, pirmahan mo muna iyan... iyong maganda, ah!”

Nakangisi akong tumango. “Sige, basta ikaw.”

Nang matapos akong magpirma ay ibinalik ko rin kaagad sa kaniya at magpapatuloy na sana sa pagsasalita nang unahan niya na naman ako.

“Video greeting na rin pala para matahimik ang pamangkin ko at baka mamaya i-request pa sa akin na dalhin ka sa bahay.”

Umaliwalas ang mukha ko. “Gusto ko iyon!”

Umirap siya. “Ako, hindi.”

I frowned. Sungit.

“Ano ba sasahihin ko?” tanong ko nang itutok niya na sa akin ang camera ng cell phone niya.

“Huwag mo akong i-idolize, Acee, dahil sakit lang ng ulo ang maibibigay ko sa ’yo.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Basher! Sinisiraan mo ako, ano?”

She laughed. “Biro lang, ito naman! Ulit-ulit, sabihin mo lang hello, kahit ano parang hindi naman ito sanay sa interview!”

Nang matapos ang pinapagawa niya sa akin ay siyang pagdating naman ng dalawa kaya napairap ako sa inis dahil hindi ko nakamusta itong babaeng ito.

“Hi, how have you been doing?” nakangiting bati ni Ladyn at inilahad kay Andy ang isang puting envelope na nasisiguro ko ay isang invitation card.

“I’m doing well... ano ’to?”

“I am personally inviting you on our wedding day. Nariyan na iyong mga details sa loob. Sana makapunta ka.”

Her lips parted and looked at the couple in shock. “Ikakasal na kayo?”

Chase smiled. “Yes.”

“Wow, congratulations! And sure, I’ll go!” she exclaimed happily. “I’m happy for the both of you.”

“Thank you.”

We stayed there for an hour hanggang sa nauna nang umalis ang dalawa kaya kaming dalawa na lamang ang naiwan.

“So, kumusta ka na?”

She smiled but it didn’t reach her eyes. “Fine... ikaw?”

“Fine, too. Are you sure, though?”

Pagak siyang natawa at nagbaba ng tingin. “Oo naman...”

I sighed. “Alam kong hindi ka ayos.”

“Desisyon ’to... ano’ng alam mo?” nakasimangot niyang tanong.

“Ako pa ba? Kilala na kita,” pagmamayabang ko sabay sulyap sa kamay niyang winawasiwas na naman niya. Back in high school, I always noticed that habit of hers. Whenever she feels sad, anxious, nervous or whatever negative feeling it is she tends to shake her hands secretly or pinch it behind her.

“Bolero ka talaga. Baka ma-issue tayo niyan, ha? Dami pa namang naka-link sa iyong babae!”

Natawa na naman ako at pinaningkitan siya ng mata. “Updated ka lagi sa buhay ko, ah? E, ’di, idol mo nga ako?”

“Sikat ka at laging pinapalabas iyang mukha mo sa TV, e, ’di malamang makikita ko.”

Tama naman. I usually appear in advertisements since I often receive an offer. Tapos sa mga interview rin naroon ako kaya kahit hindi naman ako actor ay madalas pa rin ang mukha ko sa telebisyon.

“Pero sa isang babae lang naman naka-link ’tong puso ko, e.”

She gave me a disgusted look. “Yuck, corny.”

Humagalpak na ako ng tawa. “Nanonood pa ako ng mga comedy, ikaw lang pala ang magpapasaya sa akin.”

Hindi niya na yata ako nakayanan kaya hinampas niya na ako sa braso. “Umuwi na nga tayo.” Nauna siyang tumayo at ibinaba pa lalo ang cap sa mukha ko para matabunan. “Tago mo iyang wanted mong mukha baka hindi paparazzi humabol sa iyo kung hindi mga pulis na.”

“Ang harsh mo naman, madame.”

May dala siyang sariling sasakyan kaya naman nakabuntot lang ako sa kaniya hanggang sa basement parking. Pagkababa ko ay laking gulat ko nang halos sigawan niya ako.

“Sinusundan mo ba ako?!”

Kakabahan na sana ako, pero iyon lang pala. Hmm, tingnan lang natin kong hindi ka mamumula, Reistre. “Dito ako nakatira malamang dito ako magpa-parking, alangan namang sa kabilang tower?”

Namilog ang mata niya.

“Uh-huh,” I said in amusement.

Ang ending, halos maglakad-takbo siya para lang iwasan ako. Pero dahil kapitbahay kami ay hindi niya ako maliligaw.

“Lalabas ka pa sa ibang floor, ah?” bulong ko nang makita kong sa 3rd floor siya lumabas nang mag-elevator, e, nasa 7th floor kami nakatira.

Kaya nang makarating ako ay nakahalukipkip kong inabangan ang pagbubukas ng isang elevator na alam kong lalabasan niya. At hindi nga ako nagkamali nang makita ko ang gulat sa mata niya pagkabukas nito.

I laughed. “Binabaliw mo ako, Andy, e, magkapit-bahay lang naman tayo. Huwag ka na mahiya, magpapanggap na lang ako na hindi ka nag-assume.” I messed with her hair before going inside my unit.

Dahil sa tuwa ko ay maaga akong nagising kinabukasan at nagluto ng masarap at maraming breakfast para hatiran siya sa kabila. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako dala-dala ang mga container ng mga pagkain.

I rang the doorbell, and seconds later bumukas ito at bumungad sa akin ang inaantok na mukha ni Andy.

“Hi, ate ganda. Bagong kapit-bahay ninyo ako, puwede sabay tayo mag-agahan?” Tapos ipinakita ko sa kaniya ang dala.

“Masyado kang feeling close as a new neighbor. Anyway, pumasok ka na.”

When I got inside the atmosphere seemed gloomy. Maganda naman ang interior design, maayos din mga puwesto ng appliances and malinis. Pero dull. Maybe dahil nakasarado ang mga glass windon niya at talagang malungkot ang nakatira.

Kapag naging close na ulit kami... i-sa-suggest ko talagang mag-sleep over dito para naman hindi masyadong malungkot.

Sinundan ko siya hanggang sa dining area. Nakita ko ang isang cup noodles na nakapatong sa counter top saka ko inilapag ang mga dala ko.

“Cup noodles for breakfast?” tanong ko.

Matamlay siyang naupo sa puwesto niya at tumango. “Nakakatamad magluto.”

Natahimik ako, nagsimulang ihanda na ang pagkain. “Eat well, patapatin ka pa rin even after years,” biro ko.

“Even after years, nakakabanas ka pa rin,” she fired back.

I shook my head in amusement. Nagsimula na kaming kumain at maya-maya ang sulyap ko sa kaniya. I can’t believe this day would come.

Naalala ko pa rin kung gaano ko siya kagusto noon, but no one knew... pero pakiramdam ko alam ni Chase dahil halata raw ako lalo na nang i-dare ko siya noong panahon ng Intramurals namin para ihatid ang letter doon sa booth.

It was actually from me. I was that corny but it’s fine.

Her phone beeped beside so she answered it without glancing at me. “Thank you, AJ. Diyaan yata ako magce-celebrate sa bahay mamaya. Mag-aayos muna ako. Hmm, yes. No problem, love you, too.”

Nalukot ang mukha ko. May boyfriend siya? Is it... too late?

“Boyfriend mo?”

Her brows shot up. “No, that’s my nephew. Marami akong pamangkin.”

Nakahinga ako nang maluwag.

“Hmm, ikaw ba?” tanong naman niya.

Proud akong umiling. “Wala. Ilang taon na rin akong single... pero always ready to mingle sa isang tao.”

She winced. “Kahit kailan talaga ang mais ng pagkatao mo!”

Inabot ko ang ilong niya para pisilin sana kaso mabilis siyang nakailag. “Mais ka riyan!” tukso ko. Ang conservative talaga ng babaeng ’to pagdating sa akin. Natawa ako. Ayos lang.

“Ako na ang maghuhugas niyan tapos ibabalik ko na lang bukas iyang mga lalagyan.”

“Bakit pa bukas?”

“Aalis kasi ako.”

“Puwede malaman kung saan?”

“Sa bahay. Doon ako magbi-birthday,” tipid niyang sagot.

Napatayo ako nang maayos. “Birthday mo ngayon?”

Tumango siya.

Napakamot ako ng batok. “Happy birthday.”

She wrinkled her nose. “Thanks?”

“Ano ang gusto mong regalo? I’ll give you anything.”

“Anything?” ulit niya.

“Yes, anything.”

“Gusto ko ng isang box noong ini-endorse mong pabango ngayon.”

“Hmm, ’yon lang?”

“Sige, dalawang box.”

I smirked. “Walang problema.” Nagpaalam na ako sa kaniya na babalik na sa unit ko nang tawagin niya ulit ako.

“Caius?”

“Yes?”

“Are you busy today?”

“Never been busy.”

She stomped her feet like a kid. “Seryoso kasi!”

Humalukipkip ako at tamad siyang tiningnan. “I’m not busy. If you need me, I am not busy. Got it?”

Ngumuso siya. “Okay, then... gusto mo sumama?”

Tumaas ang kilay ko, bahagyang na-excite. “Saan?”

“Sa bahay.”

So, that’s what happened. She celebrated her birthday with her family and I. Gabi na nang nakauwi kami, ngunit mukhang wala pa yata siyang balak magpahinga nang yayain niya akong mag-inom sa rooftop ng tower.

“I didn’t know you drink this hard,” pahayag ko nang dalawang bote na agad ng beer ang nainom niya samantalang ako hindi pa nauubos ang isa.

She smiled at me, but her eyer were already drunk. “Minsan lang naman.”

“Gaano kadalas iyang minsan mo?”

She just smirked and looked at the city lights. “Thank you, Caius...” biglaang sambit niya.

“For?”

“Dahil sa pagsama sa akin ngayong araw... at pati rito. Medyo masaya na ako.”

I smiled. “You miss him, do you?” Alam kong hindi madaling makalimutan si Second para sa kaniya dahil saksi rin ako noon sa samahan nila kaya naiintindihan ko kung malungkot pa rin siya sa pagkawala nito.

She smiled sadly, her eyes twinkled because of the unshed tears. Ibinaba ko ang beer sa gilid at lumapit sa kaniya para punasan ang luha.

“I always miss him. Hindi naman iyon nagbago...” Her voice shook.

For some reasons, my heart tugged at the sight of her. Hindi ko alam kung paano papawiin ang sakit na nararamdaman niya kaya mananatili na lang ako, makikinig sa mga gusto niyang sabihin and I hope by then she would be happy even a bit.

Tuluyan na siyang umiyak ay humagulgol kaya dinala ko siya dibdib ko at doon siya hinayaang umiyak nang umiyak. I caressed her back and hair while slowly swaying her under the night sky.

“Caius...” she called.

“Hmm?”

“Ang tanda mo na, bakit hindi ka pa nagpapasakal?”

Natawa ako. “Sakal?”

Tumango siya at ibinaon lalo ang mukha sa dibdib ko. “Hindi ba’t kapag natatali, parang nakakasakal?” she murmured.

Umiling ako. “Kung hindi masaya ang marriage, pero kung masaya and healthy iyong pagsasama... you won’t feel suffocated.”

Tumango siya at nanahimik na lang.

“Ikaw? For the past years, hindi ka nagka-boyfriend or crush?”

Umiling lamang siya.

Chase’s wedding day came. And I am the best man while Chrislyn— Ladyn’s best friend is the maid of honor. White saka blue ang naging motif ng kasal.

“Miss beautiful, tapos ka na mag-ayos?” pagkatok ko sa pinto ng unit ni Andy.

Bumukas naman kaagad ito at lumabas siya. She’s wearing a sky blue dress with her hair in a braid.

I smirked. “So pretty.”

She smiled. “Siyempre.”

The wedding ceremony started. Ang tarantadong Chase ay nagsimula nang maging emosyonal nang bumukas ang malaking pinto at nang ipatugtog ang Can’t Help Falling In Love ni Elvis Presley.

Mahina akong tumawa nang suminghot siya kaya tinaliman niya ako ng tingin.

“At least ikakasal na ako, ikaw? Mamaya ka sa akin,” banta niya pa at ibinalik ulit ang atensyon sa magiging asawa.

It went on. Dumapo ang tingin ko sa puwesto kung saan nakaupo si Andy. She was just watching them exchanging vows when I caught her wiping her cheeks.

I smiled and looked down. In the future, her tears would be my weakness. So, for me to be strong I should make her the happiest.

I hope I still have a chance.

Nang gumabi na ay sabay na rin kaming umalis sa venue kung saan ang reception. Tahimik lang kami sa buong biyahe hanggang sa umuwi kami.

“Are you okay?” maingat kong tanong nang marating na namin ang mga pinto namin.

She smiled but I know it’s not genuine. “Oo naman. I’m happy for them.”

“Ikaw... masaya ka ba para sa sarili mo?”

Hindi siya nakasagot.

“Get dressed into a comfy one. I’ll make snacks and let’s watch movies in your living area. Is it okay?”

She smiled and nodded. “Okay. Hihintayin kita!”

I nodded. “I’ll make this fast.”

Habang nagluluto ako ng fries ay tumawag si Daddy.

“Son, you didn’t show up earlier. They’re offering you to be their ambassador —”

Tumikhim ako. “Dad, I’m sorry. Just a bit busy these days and I will talk to my manager... do you think it’s time for me to take a long rest, Dad?”

I become a model because my father is one. Hindi dahil siya ang pumili sa landas ko, but I realized for the past years this is what I also liked.

“Hmm, bakit? Bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin?”

I groaned.

I heard my mom’s laugh on the other line. “Inaasar mo na naman iyang anak mo, Scott!”

“Dad, bye na muna. Ingat kayo ni Mom.” I then dropped the call and focused on the fries I am frying.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood habang nakupo sa couch sa living room niya nang magsimula siyang magbukas ng usapan.

“I’m worried, Caius,” panimula niya habang nilalantakan ang nachos.

“Hmm, about what?” I turned to face her.

“Paano kung tumanda kang binata?”

Halos masamid ako sa sariling laway. I laughed. “What are you talking about? Concerned ka na naman sa love life ko.”

Umiling siya at ngayon ay sumimsim na naman sa tubig. “Single rin ako. Baka mamatay ako nang dalaga,” nakangusong aniya.

“Oh, girl, I won’t let that happen.”

“Huh?”

“Kung mamamatay ka man, I’ll make sure na may  dose kang anak na maiiwan.” I then laughed.

“Hmm, talaga? Sabagay, single naman tayong pareho...” Pumangahalumbaba siya. “Tayo na lang kaya?”

I stiffened.

What did she just say?!

Kami na lang?!

I cleared my throat and tried to act normal. Goodness, this girl is shocking!

“Puwede rin...” Kunwari medyo napipilitan ako. Aba! Hindi lang babae puwedeng magpakipot.

“Pakasal na rin tayo.”

Lalo pa akong natigilan. Tumitig ako sa kaniya nang nakaawang ang labi. “Lumaklak ka ba ng gamot?” tanong ko.

“Of course not!”

“Are you seriously proposing to me, huh?”

“Duh, ang assuming mo naman!”

Iiwas pa sana siya ng tingin kaso hinawakan ko na ang baba niya para magkatinginan kami nang maayos. “Ulitin mo nga kasi kung seryoso ka, talagang kakaladkarin kita sa simbahan ngayon din.”

Shit. This is not my expectation! And I don’t wanna rush things pero roon din naman pupunta, why prolong it?

Sinimangutan niya ako. “Ang bilis naman. Let’s date muna for at least a month or a year? And let’s find out if we’re compatible.”

I pursed my lips and looked at her intently. Sabagay.

I nodded.

“Gusto mo ba ako?” tanong niya.

Tumango ako.

“Weh?”

Ngumisi ako at kinurot ang pisngi niya. “Oo nga. Do you want me to prove it?”

She smiled.

There’s that smile I wanna see every single day.

“I’ll make you remember about this little confession of mine. Always keep the pretty smile on your lips, and don’t let the wrong person remove it. See you around, Andy... from anonymous,” inulit ko ang mga salitang nakasulat sa papel noon ngayon sa kaniya nang seryoso. “I was that anonymous who confessed during Intrams. I thought it was just an infatuation... pero saan ako dinala ng akala ko’y infatuation na iyon? Sa iyo.”

Umayos ako ng upo at tumitig sa gulat niyang mukha. “29 na ako pero ikaw pa rin. 11 years yet... I remained in love with you.”

“P-Paanong...” Nangapa siya ng sasabihin.

“I was 18 when I had this attraction towards you. At 29, here I am... still want you to be mine kahit na walang kasiguraduhang may chance ako.”

She teared up that I had to wipe it immediately for I don’t want her cry because of me.

“Yes, Andy. While you were crushing on Chase, on Second... I was secretly taking a glimpse of you from afar. I didn’t make a move because I want you to get what you want... and it didn’t include me but it was fine. I am happy seeing you smile with the person you love.”

“Caius... i-ikaw iyon? May gusto ka sa ’kin noon?!”

I chuckled. “Yes, madame, but don’t feel guilty if you are. I am just saying this because I want to, don’t be pressured. Baka mamaya pumayag kang maging tayo dahil lang sa napilitan ka o guilty. Kasi kung ganoon na lang... no, thanks, mas pipiliin ko na lang tumanda nang walang asawa.”

“Pero kahit sinabi mo ito... hindi pa rin naman magbabago iyong sinabi kong subukan natin...” bulong niya.

I smirked and pulled her closer to me for a hug. “You’re still adorable. Sa tingin mo... sasaya ka kaya sa akin?” Sabay baba ko ng tingin sa kaniya.

Tumingala siya at kinagat ang labi, halatang nagpipigil ng tawa kaya kumunot ang noo ko.

“Sino ang hindi sasaya sa ’yo, e, mukha kang clown...”

“What the hell?!”

Humagalpak siya ng tawa. “Joke lang. Sa tingin ko, oo naman.”

“Hmm, I’ll make sure of that. I’ll take care of you and I will always be with you this time. Hindi kita iiwan.”

Umismid siya. “Sinabi na rin sa akin iyan ni Second noon, e.”

I twisted my lips. “Magkaiba kami.”

Tumitig siya sa akin. “E, paano kapag namatay ka?”

“Grabe, hindi mo pa nga ako boyfriend, iniisip mo na kamatayan ko.”

She giggled. “I’m just stating the possibilities!”

Tumango ako, may naisip na ideya. “E, ’di, isasabay kita sa libing ko. Till death do us part tawag doon.”

Sumimangot siya at hinampas ako sa braso. “Ewan ko sa ’yo. Hindi mo nga ako paiiyakin sa sakit, pero paiiyakin mo naman ako sa kakatawa.”

I kissed her temple. “Mas mabuti na iyon.”

“E, paano pala kapag hindi pa ako ready? Kasi baka nga iwan mo ako... seryoso na ito, ha.”

“I’ll give you the assurance, and I won’t rush things. 11 years na ang nakalipas tapos ngayon pa kita iiwanan? Maliban na lang kapag magbabanyo ako pero kung gusto mo sabay tayo maligo.”

Hinampas niya na naman ako. “Talaga iyang bibig mo hindi mapirmi!”

Try me, Andy. I won’t break a promise. I’ll wait for you even if it takes forever. I love you too much to waste my chance, so I’ll grab this one in any means.

Lumipas ang ilang minuto ay mahina na siyang humihilik sa balikat ko kaya pinangko ko siya at dinala sa kuwarto niya saka kinumutan. A smile was plastered on my lips. Why does she have to be this pretty, huh?

I sighed before slowly walked out of her room. Napasandal ako sa pader at ngumisi sa sarili.

I already spent so many years with your heart belonged to someone else... so, starting from now on I will work hard for us to happen. And I hope by then, your heart will finally choose me because this heart of mine was, is, and will always belong to you.

One glimpse of you and you’ve made everything fall in place, even myself.

THE END.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top