Chapter 9
Chapter 9: Intramurals
Nagsimula na ang Intrams, at ngayong araw ang ika-tatlo. Kasalukuyan kaming nasa labas ng class room dahil sa booth namin. Hindi na dapat kami magga-ganito kaso si Sir Javier ay binantaan kaming lahat na hindi makakapagparticipate sa activities ng school kapag hindi kami magkaka-isa rito.
Paano ba kasi? Ang tinda namin ay mga panghimagas. Gaya ng choco balls, pastillas, yema at kung ano pa. At hangga’t hindi raw namin ito naubos sa pagbebenta ay hindi niya kami papupuntahin sa gymnasium.
“Bilhin ko na lang kasi,” reklamo ko pa. Tumatakbo ang oras at gusto ko na agad makisali sa activities na nangyayari sa gym, mula rito ay rinig ang boses ng mga council members gamit ang microphone. Sigurado akong kanina pa sila nagsisimula sa mga activities, at ito kami — hindi p’wedeng umalis hangga’t hindi nauubos ang paninda.
“Hindi raw p’wede ika ni Sir. Kailangang ibenta ito,” sabi ng isa kong kaklase.
Napasimangot ako at bumaling sa kaibigan na nasa gilid lang. “Ilako na lang natin, Gab?”
Umiling siya. “Ikaw na lang, may iuutos daw si panot sa akin maya-maya,” aniya, nababagot.
Nagkibit balikat ako. “Bahala ka,” sabi ko at kinuha ang isang lalagyan ng choco balls at pastillas. Iyon na lang muna ang ibebenta ko.
Nagpaalam ako sa mga kaklase na iiikot ko ang mga ito para maubos agad. Hindi naman mapapansin ni Sir Javier na may umalis na estudyante niya.
Bumaba na ako ng hagdanan, doon ko piniling dumaan papunta sa building ng seniors dahil masyado na yatang napapadalas ang pagdaan ko roon sa tulay. Ayaw kong sanayin ang sarili dahil baka mahirapan na akong itigil iyon.
Nang madaanan ko ang isang class room ng seniors ay may iilang estudyante na nasa labas, didiresto sana ako sa susunod na class room kung saan ang section ni Chase nang may pumigil sa akin para bumili.
“Pastillas nga limang piraso,” pagbili ng babae sabay abot sa limang piso niya. Tinanggap ko naman ang bayad niya at iminuwestra ang lalagyan para makakuha siya roon. Medyo natagalan pa ako sa puwestong iyon dahil marami-rami rin ang bumili. “Salamat po,” sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nang makarating sa harap ng kanilang silid ay huminto muna ako sa gilid at tumingkayad para sumilip sa mataas na bintana. Hinahanap nang mata ko si Chase, pero hindi ko siya makita kaya umayos na ako ng tayo at pumihit para umalis na sana nang makita ko naman si Caius pagkaharap.
Ngumisi siya. “Nood ka game namin bukas, ah?” panimula niya sabay dapo ng tingin sa binebenta ko.
“Kahit hindi mo ako sabihan ay manonood pa rin ako,” sagot ko at nang makita ang makahulugang ngisi niya ay inirapan ko siya. “Dahil kay Chase, ah? Baka mag-assume ka na dahil sa iyo.” Bukas na kasi ang laro nila as a part ng Intrams. Seniors lang din ang mga maglalaro at magkakalaban sa nasabing competition.
He let out a laugh. “Ang cute mo naman magsungit!”
Itinaas ko kaagad ang kamay bago pa dumapo ang daliri niya sa mukha ko na alam kong gusto niyang pisilin. “Huwag kang touchy,” paalala ko.
Napailing na lang siya at may kinuha sa bulsa. Iniabot niya ang 50 pesos sa akin at kinuha ang mga lalagyan sa akin. “Bibili ako.”
Tumango naman ako at ibinulsa ang bayad niya. Binigyan ko rin ito ng cellophane para lalagyan, hinihintay ko siyang maglagay ng binila sa cellophane at nang napansin kong papaubos na iyon ay tinampal ko na ang kamay niya.
“Aw, bakit?”
“Huwag mo ubusin!” nakasimangot na saway ko.
Tumingin naman siya sa akin na kunot ang noo. “Seriously? Kaya nga’t nagbebenta ka para makaubos, ’di ba?”
Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakasimangot sa kaniya.
Naningkit naman ang mata nito sa akin hanggang sa unti-unti siyang tumango at saka na naman ngumisi. “Alam ko takbo ng isip mo, Reistre. Okay.” He shrugged and stuffed three pieces of pastillas in his mouth. Bago pa siya umalis ay nagtagumpay siyang pisilin ng may panggigigil ang aking pisngi.
Ni hindi ako nakapagreklamo dahil hindi ko inaasahan iyon. Nakakainis talaga ang Caius na iyon.
Nanatili pa akong nakatayo roon, at nang napagdesisyunan ko nang umalis ay saka naman ako napahinto nang may pamilyar na narinig.
“Bumili ka ng sa ’yo, Chase! Tawagin ko si Andy sa labas —”
“Shut up.”
Umusbong na naman ang pamilyar na kaba sa aking dibdib nang marinig ang boses ni Chase. Humakbang ako papunta sa harap ng pinto nila at doon sumilip.
I stiffened on my ground as a built blocked my sight. Palunok-lunok man ay dahan-dahan akong nag-angat ng tingin para lang makita ang seryosong mukha ni Chase.
I quickly smiled at him. “Bili ka?” Sabay pakita sa kaniya ng mga benta ko. Ni hindi niya binalingan iyon at nanatiling nakababa ang tingin sa akin.
“You’re here again?” aniya sa naiinis na tono.
Galit ba siya?
Umayos na lang ako ng tayo at tumikhim. “Alis na ako.” Saka ako nagmadaling umalis doon.
Para akong hindi nakahinga nang matagal pagdating sa silid namin. Tulala ako nang umupo sa puwesto namin habang iniisip ang nangyari kanina hanggang sa naubos na ang tinda namin sa booth kaya malaya na kaming magliwaliw sa campus.
Since Intrams naman ay maaaring hindi mag-uniporme kaya halos lahat ng estudyante ay naka-pangsibilyan lamang, pero naiiba ako dahil isa ako sa mga konting estudyante na nakauniporme. Talagang hindi lang ako mahilig magsuot ng kung ano kapag nasa eskwelahan.
Nasa gym na kami at ang dami ng mga tao. Bukas pa ang Sport’s day kaya nag-i-enjoy lang ang mga tao ngayong araw sa mga palaro at booth na nasa paligid.
“Daming germs sa paligid!” komento ni Gab na nakaangkla ang braso sa akin.
“Another target. Hulihin niyo ang mga estudyanteng naka-uniporme!” anunsyo ng kung sino sa stage na ‘di kalayuan sa amin.
And it seemed like I just born earlier. Ni wala akong kaalam-alam sa nangyayari kung hindi lang may dalawang scout na patakbong lumapit sa direksyon namin at sapilitan akong hinila.
“Hoy, ano ginagawa niyo sa kaniya!” sigaw ni Gab sabay hampas doon sa kamay ng dalawa na nakahawak sa akin.
“Mga kuya!” pasigaw na tawag ko at hinila rin ang sariling braso.
Napansin ko sa paligid ang ibang estudyante na nagsisitakbuhan dahil sa sila rin ay hinahabol.
“Sumama ka na sa amin, ikukulong ka!”
Nangunot ang noo ko at bahagyang kinabahan. “Wala naman akong ginawang masama!” sabi ko.
“Mukha lang iyang kriminal, pero hindi! Bitawan niyo siya o bibigwasan ko kayo!” si Gab.
“Huwag na matigas ang ulo, tara na! Baka pagalitan pa kami!” At doon na nga ako tuluyang hinila, nakakahiya dahil halos kaladkarin nila ako.
“Hoy, saan niyo dadalhin iyan?!” Sumusunod pa rin sa amin si Gab at sa mukha nito ay halatang gusto niya nang manampal.
“Ikukulong siya sa jail area. Kailangan mo siyang tubusin para makalabas,” paliwanag ng isa.
“Aba’t— piniperahan niyo lang ako! Wala akong pangtubos —”
“Next target, mga nakaitim na damit!” anunsyo ulit.
Napahinto si Gab at nagbaba ng tingin sa damit. Nakaitim siya at nang namataang may papalapit na scouts ay wala siyang nagawa kung hindi iwan ako at hayaan para lang makatakbo.
Nakanguso ako nang ipasok ako sa area kung saan ikukulong ang mga nahuli. Umupo ako sa pahabang upuan sa pinakaunahan para makita pa rin ang mga nangyayari sa labas.
Napairap pa ako dahil sabik pa naman akong mag-enjoy, pero ito ako ngayon at nakaupo sa loob dahil nahuli. Ni wala akong dalang pera kaya hindi ko rin matubos ang sarili. Si Gab naman, wala rin dahil busy rin ang isang iyon sa pagtakbo.
Nakahawak ako sa grills na nasa harapan habang pinagmamasdan ang mga tao sa labas nito. Dahil belong pa rin naman sa gym ang jail booth ay naririnig ko pa rin ang mga boses ng mga ito.
Bumukas ang bakal na pinto sa gilid ko at ikinabilog ng aking mga mata nang makitang pumasok si Ladyn na walang emosyon sa mukha. Padabog siyang umupo malapit sa akin at diretso lang ang masamang tingin sa sigurong humuli sa kaniya.
Napaawang ang aking labi.
Medyo hindi na tuloy ako komportable dahil nasa malapit ito. Given na simula nang gawin niya sa akin ang pangongompronta ay natatakot na ako rito.
Hindi pa rin niya ako nakikita kaya malaya akong pagmasdan ang bawat galaw niya. Maya-maya pa ay naputol ang aking paningin dito at napabaling sa labas nang marinig ang aking pangalan galing sa mic.
“Next love letter to be read... to Arianndy Reistre.”
Nangunot ang noo ko at inayos ang tindig para masilip nang maayos ang stage kung saan nakaupo ang host na may hawak-hawak na papel.
“Dear, Arianndy,” patuloy nito na ikinakabog naman ng aking dibdib.
“Right in this moment, this is the easiest way of confessing my feelings for you...” Huminto saglit ang host para tumili.
I clicked my tongue while listening thoroughly.
“I don’t really know how to start this, but... you’re actually weren’t my type. I thought... this was just an attraction, so I didn’t dare to entertain my feelings... but what I’ve felt during these days... felt so wrong. So, as a way of confessing... is writing a letter and let someone read it for me, I don’t have the enough courage and I’m sorry for that, I hope you’re listening right now.”
Ngayon ay parang naririnig ko na ang lakas ng tibok ng puso ko. Naka-focus lang ako sa pakikinig, pero hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang panginginig. Ang mga kamay ko rin ay nagsimula kong ikuyom at namamawis na rin ang mga ito.
“I didn’t expect I would be liking someone like you. I mean, you’re great, but I don’t see myself with you... this moment’s unexpected, so I wanna let this one out. Whenever I see you around, I can’t help but to stare at you for too long... until the time came when you always occupy my mind. Whatever I do you always popped in and it’s making me crazy. I’m always telling myself that this is just an attraction... an infatuation... but I don’t think if it really still is.”
Kagat-kagat ang labi ay napalingon ako sa kabilang direksyon nang hindi alam ang dahilan... pero nang makita kung sino iyon ay parang alam ko kung bakit ako napalingon nang ganoon na lang. Siguro sanay akong makaramdam ng kakaiba tuwing nariyan si Chase... dahil ngayon nasa harapan na siya... pero hindi sa harap ko kung hindi sa girlfriend niya na malapit lang sa akin.
Grills ang pagitan nilang dalawa, pero kitang-kita ko si Chase. Para bang nawala ang buong atensyon ko sa pakikinig nang makita siya... lalo pa yata akong kinabahan at sunod-sunod na napalunok nang lumihis ang paningin niya sa direksyon ko.
“This feelings I’ve felt to you seemed like isn’t a joke anymore...” pagpatuloy sa pagbabasa ng host.
Napaawang ang labi ni Chase nang mmatantong ako ang nakita niya. Walang kumurap sa pagitan naming dalawa, nakatitig lang kami sa isa’t isa.
“So... if ever we happen together in the end of the day... I’ll make you remember about this little confession of mine. Always keep the pretty smile on your lips, and don’t let the wrong person remove it. See you around, Andy... from anonymous.”
“Let’s go.” Narinig kong sabi ni Chase, tatayo na sana ako pero iniwas niya ang tingin sa akin para ibaling sa girlfriend.
Napahiya na naman ako kaya nanatili na lamang sa puwesto. Nang lumabas ang girlfriend nito ay tinapunan niya pa muna ako ng tingin, umiling-iling at saka umalis.
Napabuntonghininga ako. Akala ko ay ayos na kami. Oo nga naman... bakit ko nga ba naisip na tutubusin niya ako, e, narito nga pala si Ladyn?
Nanatili pa ako nang kalahating minuto roon na nakatulala lang. Iniisip ko ang confession na narinig at si Chase mismo.
Bigla akong natigilan sa naisip.
What if... si Chase iyon? Parang siya...
Mag-a-assume na ba ako?
Paano kung sakaling... nagkakagusto na nga siya sa akin?
Kaagad ko namang ipinilig ang ulo dahil doon. Hindi naman siguro... hindi rin p’wede dahil may girlfriend siya.
E, sino kaya?
“Ands!”
Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Gab sa harapan ko. “Tagal mo, saan ka galing?” tanong ko.
Umirap siya. “Diyan lang sa tabi-tabi. Letse kasi ang mga germs na iyon, nanghahabol! Gets ko naman na habulin ako ng bebes, pero...” Ngumiwi siya. “Babaho nila, e. Nga pala!” Naglabas siya ng 20 pesos at iwinagayway iyon sa harap ko. “Kinuha ko ’to sa wallet mo, ha, pangtubos. Wala ka naman kasing jowa para tumubos sa iyo, buti na lang may dyosa kang kaibigan.”
Natawa ako at tumayo na nang magbayad siya. “Thank you, Gab!”
Kinurot niya naman ang gilid ko. “Bopols ka kasi, dapat tinuhod mo sila kanina!”
Napailing na lang ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa kung saan. “Gab, narinig mo ba iyong confession kanina? Iyong about sa akin?” I brought up.
Bumaling siya sa akin. “Sa iyo? Ewan, hindi naman ako nakikinig, e. Bakit ano sabi?”
Umiling ako. “Wala lang, samahan mo muna ako saglit.” Hinila ko siya patungo sa kabilang direksyon.
Nakarating kami sa gilid ng stage at naroon ang mga taong nag-aasikaso sa confession booth. Lumapit ako roon sa babae para magtanong. “Ate, may itatanong lang po sana.”
Tumango ito. “Ano iyon?”
“Sino po iyong nagbigay ng letter —”
“Ay, be, sorry. Bawal kasi namin ipaalam.”
“Ganoon ba?” Inilibot ko ang tingin para mag-isip ng paraan kung paano malaman kung kanino galing iyon. Baka mamatay ako kakaisip kung sino iyon, e.
“May senior ba na nagbigay ng letter dito?” tanong ko na naman pero sa iba na namang babae na may hawak ng mga papel.
“Oo, mayroon. Bakit?”
“Si... Montessori po, kilala niyo?”
Napaharap na siya sa akin at itinagilid ang ulo. “Iyong Chase Yuan ba kamo? Galing kasi iyon kanina rito nagbigay ng —”
“Next na letter na raw!”
“Opo!” Nataranta ang babae at kaagad na umakyat sa stage para iabot ang susunod na letter kaya naman naiwan ako roon nang hindi pa nabibigyan nang malinaw na sagot.
Bumuga ako ng hangin at bumaba na lang. Basta nang araw na iyon ay hindi ako mapakali.
Kinabukasan ay nasa bleachers na kami ni Gab dahil nagsisimula na ang laro. Kanina pa ako titig sa court kung saan naroon ang mga basketball players.
Nasa ikalawang baitang kami para mas malapit lang sa puwesto nila Chase. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko habang hinihintay na magpatuloy ang laro dahil nasa break pa sila.
Nang marinig ko ang pito ng referee ay tutok na ulit ako sa laro habang hawak-hawak ang banner na ginawa. Oo, ganito ako kabaliw kay Chase at ginawan ko pa siya ng banner.
“Oh, my! Go, Montessori!” pagtili ko nang ipasa sa kaniya ang bola. Walang kahirap-hirap niyang ini-dribble ang bola bago siya tumalon bago pa man pumatak sa 0 ang oras ay na-i-shoot na ang bola na mas lalong nagpa-ingay sa apat na sulok ng gymnasium.
Nagpatuloy ang laro at habang tumatagal ay umiinit ang labanan dahil magkalapit lang ang pagitan ng mga score nito.
“Ands! I-cheer mo siya, dali!”
Kumunot ang noo ko sa pag-alog ni Gab sa akin. “Hindi naman si Chase iyan!”
“Kahit na! Team pa rin sila, dali!”
Kaya wala akong nagawa kung hindi humarap para tingnan kung sino ang itinutukoy niya.
Si Caius na hinaharang ng defense, dalawang kamay ang nagamit niya sa paghawak ng bola kaya hindi niya na ito p’wedeng i-shoot at ipinasa na lang sa ka-team na si Chase.
Si Chase naman ay nakuha agad ang bola, isang beses siyang humakbang papakaliwa at walang kahirap-hirap na ma-shoot ulit ang bola sa ring.
“Ah, Chase! Sobrang galing mo!” sigaw ko kaya napatingin ang iba sa akin, pero dedma lang ako at patuloy na nagcheer.
Nang magbreak sila ay dumiretso sila sa puwesto nila kaya sinundan ko lang siya ng tingin.
Unti-unting napawi ang ngiti sa aking labi kasabay nang dahan-dahang pagbaba ng banner na hawak ko sa kamay sa nakita.
At saka ko lang napansin na naroon pala si Ladyn. Lumapit sila sa isa’t isa at nasaksihan ko kung paano punasan ni Ladyn ng pawis ang kasintahan.
Mas lalo pang kumirot ang puso ko nang malinaw kong makita ang pagngiti ni Chase sa harap nito. Humirit pa at nagnakaw ng halik sa labi ng babae.
“Ay, harap-harapan! Sakit sa mata, ah!” parinig ni Gab sa gilid.
Nag-iwas ako ng tingin at huminga nang malalim bago ulit sila balingan. Ngayon ay umiinom na ng tubig si Chase, naubos niya ang isang bottled water at mukhang nakulangan pa siya nang nagpalinga-linga siya.
That was my cue to join the scene. Kinuha ko ang Gatorade at tubig na binili ko kanina at talagang nakalaan sa kaniya.
“Chase,” simpleng pagtawag ko para agawin ang atensyon nito.
Dahil malapit lang naman ang puwesto ko sa kanila ay napalingon agad siya sa akin at awtomatikong kumunot ang noo.
Umapak ako sa harang na nasa harapan para maabot sila na medyo baba. Inilahad ko ang dalawang bote na hawak, hindi pinapansin ang mga tao sa paligid.
Inabot pa ng ilang segundo, nangangalay na rin akong hinihintay siyang abutin iyon... pero ito siya, kunot noo at salubong ang kilay na pinagmamasdan ang hawak ko.
“Uhm... tanggapin mo na,” naiilang na sabi ko.
Dumapo ang tingin niya sa akin mismo at umiling. Walang emosyon siyang tinalikuran ang direksyon ko at mabilis na tinanggap ang bote ng tubig na kakalahad lamang ng girlfriend.
Napalunok ako at napababa ng tingin. Akma kong babawiin ang kamay dahil nasa ere lang iyon nang maramdaman kong may umagaw noon.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Caius na binuksan ang tubig na inagaw sa akin, at tumungga siya roon nang hindi ako nilulubayan ng tingin.
Nang matapos siyang uminom ay nginisihan niya ako. “Salamat!”
I bit the inside of my cheeks. Hindi ko siya pinansin at walang gana na lang na umalis doon na kaagad sinundan ni Gab.
Nakakahiya... nakakahiya at nakakalungkot na hindi man lang niya tinanggap.
Sana kahit kunwari... kahit hindi bukal sa loob ay tinanggap niya na lang para naman hindi ganoong nakakahiya.
Pero siguro ayos na rin. At least kinuha ni Caius.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top