Chapter 7
Chapter 7: Avoid
“Ma, sa probinsiya na muna kayo. Masarap at presko ang hangin doon... isa pa, p’wede mo ring tulungan ang mga tauhan doon na i-manage ang field kung gugustuhin mo.”
Nasa bukana pa lang ako ng dining room ay rinig ko na ang boses ni Kuya Zian. Hindi alintana ay nagpatuloy ako sa pagpasok hanggang sa dumapo ang kanilang mga atensyon sa akin. “Hello po,” bati ko at nilapitan si Mama at Papa para magmano, sunod naman ay humalik ako sa pisngi ni Kuya.
“How was your day?” tanong niya, nakapamaywang.
Pilit akong ngumiti. “Good po, ano po pinag-uusapan niyo?” tanong ko.
His forehead knotted while studying me, but soon gave up and looked at them again. “Kahit ilang linggo lang, Ma, Pa. Ayos ba?”
Dahil kuryuso ako ay naupo ako sa high chair na malapit kay Kuya. Halatang dumiretso siya rito galing sa trabaho dahil suot-suot niya pa ang suit.
“Walang magbabantay kay bunso,” tugon ni Papa ang tinutukoy ay ako.
“You don’t have to worry, Pa. Narito naman kami, I’ll take care of her... nariyan din naman si Ari... si Kent. Ang dami naming magbabantay kay Andy and it’s not like baby pa ito, may crush na nga siguro itong batang ‘to.” Sabay baling sa akin at taas ng isang kilay.
Napanguso naman ako at pabirong hinampas si Kuya. “Kuya naman!”
He chuckled and made a face. “Guilty ka. Ayos lang ba sa iyo na sa amin muna? Mama and Papa will take a vacation... para naman makalanghap din sila ng sariwang hangin.”
Tumango ako at binalingan ang mga magulang. Siguro nga ay dapat magpahinga muna sila, atsaka kailangan din nila ng ibang environment at ang probinsya ang nasa top list. Besides, matututukan din nila nang maayos ang mga negosyo sa probinsya kung sakali. They can stay in mansion for as long as they want.
“Ayos lang po... gusto ko sana sumama kaso alam mo na may klase.”
“Okay, let’s settle this later. Kumain muna tayo.”
After our dinner, nag-usap na sila tungkol doon. Since we have a private plane ay hindi na sila matatagalan at aalis din kaagad. Malakas pa naman sina Mama, hindi pa naman sila senior, pero si Kuya ay tila laging praning. Ni ayaw niya palabasin lagi ang mga magulang dahil sa polusyon daw. At minsan kung hindi siya busy ay narito talaga siya sa bahay o hindi naman kaya pumupunta kami sa bahay nila.
“Kung gusto niyo, Ma, sasama ako sa paghatid.”
“Tumigil ka nga, Zirdy! Paranoid ka na naman, hindi ka na bata! May pamilya ka na kaya huwag mo na kami alalahanin!” sermon pa ni Papa rito.
Napabuntonghininga si Kuya. “Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay pababayaan ko na kayo. Fine, hindi ako sasama, I’ll just take care of Arianndy. Hit me up when you get there, okay?”
Pagkarating namin sa bahay nila ay sumalubong kaagad ang anak at asawa nito. Pagkatapos hagkan ni Kuya ang anak ay sa akin naman ito lumapit kaya iginiya ko ang bata papasok para bigyan ng privacy ang dalawa.
“Hey, AJ. How are you doing?” usap ko rito.
He cutely smiled and went near for a hug. “Doing good! How ‘bout yah, Tita?”
“Tita’s fine too,” sagot ko. Sa murang edad ni AJ ay parang matured na kung mag-isip paminsan-minsan. Siya ang pinakamatanda sa magpipinsan kaya siya lagi ang leader kapag nag-aaway ang mga ito, hindi siya makulit gaya ng mga lalaking pinsan. Suplado at hindi madaldal ang isang ito.
May inilaan silang kuwarto para sa akin. Kuwarto ko talaga iyon dahil may mga gamit ako roon, mga damit ang pinakamarami dahil noong minsan ay pinag-design-an ako ni Ate Audrey ng damit na maaaring magamit sa anumang okasyon.
And when I was about to go in bed, Ate called me. “Come here a bit,” utos nito sa akin. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan at nakahalukipkip.
Napalunok ako. “Bakit po?”
Hindi niya ako sinagot at walang pasabing kinuha ang aking braso at sinuri ito. Atsaka ko lamang natanto kung bakit ginawa niya iyon ay nang tumalim ang tingin niya rito.
Kaagad ko itong binawi at nagbaba ng tingin.
“Where did you get that, Andy?” aniya sa seryosong boses.
Umiling ako at nag-angat ng tingin. “Natusok lang po kanina sa alambre, hindi kasi ako tumitingin sa daan.”
Tila hindi siya kumbinsido kaya umalis siya sa pagkakasandal at maingat na hinaklit ang aking braso at tingnan ulit iyon. “Liar,” aniya. “You aren’t good in lying, are you?”
Nakagat ko ang labi. Natatakot ako kay Ate Audrey dahil alam kong hindi siya iyong tipo ng tao na nagpapatalo, kaya kung aamin ako ay baka malagot si Ladyn na siyang gumawa ng sugat sa braso ko. Maliit lang naman iyon, pero dahil maputi at makinis ang balat ko ay kapansin-pansin talaga ang pula na malapit nang mag-purple.
“Tell me who did this or else... isusumbong kita sa kuya mo, you choose.”
Mas mariin na ngayon ang pagkakagat ko ng labi, hindi pa rin ako nagsasalita.
“Zian, oh!”
Awtomatiko akong napaangat ng tingin kay Ate nang tawagin nito ang pangalan ng asawa. “Ate... sasabihin ko na po!”
Nagtaas siya ng kilay bago bitawan ang aking braso upang isarado ang pinto na nasa likuran niya. “Good, madali ka naman palang kausapin. Now, spill the beans.”
Wala akong nagawa kung hindi ikuwento sa kaniya ang puno’t dulo kung bakit ito nangyari sa akin, at nang natapos at ipinagtaka ko ang pilit nitong tumawa.
Napanguso ako. “Nakakatawa ba iyon, Ate?”
“Huh?” inosenteng aniya bago tumikhim. “Oh, my bad. You should have slapped the girl across her face! And seriously? You’re chasing over a guy? I mean, that’s fine... but if he continues treating you bad... just stop it. He’s no good for you!”
“Hindi pa puwede, Ate.”
“Why?”
“May utang pa siya sa akin... napatapal ako nang wala sa oras dahil sa choco balls,” sambit ko hanggang sa hindi niya na mapigilan ay humagalpak na ito ng tawa.
“That’s epic! Ang yaman mo tapos parang hindi ka makaka-move on kapag hindi ka babayaran... tell me.” She wiggled her eyebrows. “May iba ka pang agenda, ‘no? To tell you honestly, kung sakaling didikit iyong guy sa iyo hindi mo kasalanan kaya dapat hindi ikaw ang awayin ng girlfriend niya dahil iyong boyfriend niya na ang lumapit sa iyo! Pero.” Itinaas niya ang index finger. “Never tolerate that kind of behavior. Never involve yourself in that kind of situation, you’re way better than that. Understood?”
Dahan-dahan akong tumango na ikinangiti niya. “Good. I’ll now go then, my boys are surely wating for me na. Have a good night, little girl.”
“Good night po.”
What happened in the following days were unusual. Gusto kong lapitan si Chase o ‘di kaya sulyapan siya sa class room niya kaso... hindi, hindi talaga p’wede. I guess I finally got my senses back.
Bukod kasi sa pinipilit ko ang sarili na huwag na siyang lapitan dahil sa ikabubiti ko rin naman iyon ay isa pa iyong girlfriend niya sa mga dahilan. May araw na nag-a-attempt akong lapitan si Chase kaso bago ko pa magawa ay parang multo ang kasintahan nito na sumusulpot at sa paraan nang pagtingin nito sa akin ay para bang banta.
Nasabi ko na lang sa sarili ko na... I’ve been doing the right decision. Naisip ko na rin kasi na mali nga pala talaga iyong ginagawa ko kahit sabihin pa na gawin iyong mga bagay na magpapakasaya sa akin... paano ako makakaramdam ng tunay na saya kung mali naman iyong gusto kong gawin?
He has a girlfriend, so I should keep my distance.
What I was doing was actually helpful. Hindi na ako tumatakas kapag afternoon class namin para tumawid sa tulay sa pagitan ng buildings para lang sumulyap sa kaniya... kasi kung gagawin ko pa iyon baka tuluyan na talaga akong ibagsak ni Sir Javier sa subject niya.
Ni utang niya sa choco balls ay iwinaksi ko na lang iyon sa isip para maiwasan siya tutal bayad ko na rin naman iyon sa kaklase. I realized that I did not try my best to keep my feelings for him, kasi kung desidido ako na iwasan iyon at itigil na ang kahibangan... ay sana noong last year ko pa ginawa, hindi ko na sana pinatagal pa.
Kasi ang totoo naman talaga ay hindi ko naman talaga gustong mawala ang feelings ko sa kaniya kaya nga lagi ko siyang sinusulyapan, e.
Naisip ko na siguro magpapatuloy na lang ulit ako kapag... break na sila. Hindi naman sa hinihiling ko ang break-up ng dalawa, pero nararamdaman ko kasi na hindi sila para sa isa’t isa. Hindi ako nababagayan sa kanila.
Wala akong maramdamang chemistry sa pagitan nila o baka para sa akin lang? Bitter ako. Bitter kasi hindi ako iyong nasa puwesto ni Ladyn... s’yempre sino bang ayaw sa puwesto niya bilang girlfriend ni Chase?
Nabalik ako sa ulirat nang magsnap si Gab sa aking harapan. “Ano ba, Ands! Ang lalim ng iniisip ng bebe ko na ito, what’s on your mind, credits kay Facebook,” aniya.
Umiling lang ako.
“Iyong totoo? Pansin ko these days hindi ka na nagka-cut... sabihin mo nga.” Naningkit ang mata niya. “Nag-anyong tao ka, ‘no?”
Kinunutan ko siya ng noo. “Ha?”
“Baka naman ipinadala ka sa lupa para kumpletuhin ang misyon mo, napansin ko kasi hindi ka na nagka-cut baka mamaya araw na ng hukom hindi mo man lang ako in-update, e, ‘di sana nakapagready ako, may pag-asa pa naman akong maging mabuting nilalang, damot mo sa info gusto mo ikaw lang tanggapin sa langit!”
Natawa na lang ako. “Pinagsasabi mo! Wala nga atsaka natanto ko lang na dapat study first ako!” Naalala ko iyong sinabi na Ladyn na mag-aral muna ako bago humarot... p’wede namang pagsabayin, ‘di ba? Pero sabagay tama naman siya.
Hindi na muna ako magpapapansin baka makurot ulit ako.
“Reistre, kilala mo si Montessori, ‘di ba?”
Sabay kaming napalingon ni Gab kay Mary—isa rin sa mga kaklase namin—na nagsalita.
Tumango ako. “Si Chase?”
“Oo, kanina kasi kinausap niya ako tapos sabihin ko raw sa iyo na kailan mo raw kukunin ang bayad niya.”
Napaawang ang labi ko.
Nagkatinginan din kami ni Gab.
“Salamat sa chika, friend, p’wede ka na umalis,” pagtataboy ni Gab na inismiran lamang nito.
“Wala naman na akong balak kunin iyon,” panimula ko.
Inirapan niya naman ako. “Sayang, ‘no! Ikaw pa nakatapal sa expensive choco balls ni Mareng GV!” pagpaparinig pa niya at pinandiriinan ang salitang expensive.
“Narinig ko pangalan ko. Were you backstabbing me, ha?”
Napasandal na lang ako sa upuan nang lumapit si GV sa amin. These days, para silang aso’t pusa ni Gab. Hindi na rin ako magtataka kung someday malaman ko na nagkaka-develope-an na sila.
“Hindi, magbenta ka na lang ng choco balls mo at napurwisyo mo si Andy.”
“Ako? May ginawa ba ako?”
“Literal na wala kang ginawa dahil siya naman iyong pinagbenta mo noong nakaraan!”
“Nagvolunteer siya, e!”
“Kahit na! Alam mo kunin mo na lang iyong bayad ni Chase tapos ibigay mo sa kaniya dahil iyong ibinigay niya sa iyo ay sariling pera. Iyong cheese na iyon? Guwapo nga, mangungutang naman.”
Parang nagpanting ang tainga ko dahil sa sinabi nito kaya napaharap ako sa kaniya. “So, inaamin mo na g’wapo si Chase?” taas kilay na tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. “Oo, pero hindi siya pasok sa standards ko.”
Napailing na lang ako at kumuha ng notebook para magreview dahil baka mamaya ay dumating na si Sir Javier.
“Taga-saan ba iyang si Chase? Puntahan ko, ako maniningil... and might as well bentahan ko na lang din siya!”
“Asa ka namang papakyawin ni Chase iyang expensive choco balls mo! Kay Andy lang iyon willing mamakyaw tapos uutangin!”
“E, ‘di, magpapasama ako kay Andy tutal hindi ko rin naman alam saan ang section no’n.”
Dahil sa sinabi niya ay tumuwid ako ng upo at todong umiling. “Ayaw ko, medyo hindi ako okay, e...” Inilibot ko ang tingin at nakita iyong si Mary, nginuso ko ang direksyon nito. “Pasama ka kay Mary, alam niya saan iyong room ni Chase,” suhestiyon ko.
Tumango naman ito at tumalikod para puntahan si Mary. Pinagmamasdan ko lang silang mag-usap sa gilid hanggang sa sabay silang lumabas ng class room at pakiramdam ko ay pupuntahan na nga nila nito si Chase para singilin sa utang.
Napailing na lang ako sa naisip.
Bumalik na si Gab sa upuan niya dahil minutes from now, bigla-bigla na lang susulpot si Sir Javier nang walang pasabi.
Hindi rin nagtagal ay sabay rin na pumasok si GV at Mary sa aming silid, ikinataka ko pa nang papunta sila sa aking direksyon.
“Suplado pala iyon, ayaw magbayad!” reklamo ni GV.
“Oo nga, sabi niya ikaw raw ang gusto niyang kumuha ng bayad,” segunda naman ni Mary.
I licked my lower lip in confusion. Bakit ganito na naman siya kung kumilos? Bakit ako pa? Sabi niya iwasan ko na siya, at huwag magpapakita lalo na kapag nasa paligid siya, pero itong ginagawa niya ngayon... hindi ko mapigilang malito.
“Isa pa, ayaw niyang bilhin ang choco balls ko! Nagteam-up na kami ni Mary, salestalk ganoon, ayaw pa rin! Ang arte niya, gusto niya talaga ikaw magbenta... ‘di kaya may gusto sa iyo iyon?”
Dahil sa sinabi ni GV ay awtomatiko akong nahinto sa paggalaw, kulang na lang ay pigilan ko rin ang paghinga dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi nito!
Si Chase... magkakagusto sa akin? Pagak na lamang akong natawa. Never did I imagine Chase will like me back! Gusto ko siya, oo, pero hindi ko lubos maisip kung siya ang magkakagusto sa akin.
The thought of him liking me back... nakakapanindig balahibo and at the same time nakakakilig! Imahinasyon pa lang iyon, pero binibigyan na ako ng mga paru-paru sa tiyan. What the heck, Arianndy?
Hindi na ako nakapagsalita ulit ganoon din sila nang dumating na si Sir Javier na as usual ay mukhang mainit na naman ang ulo. Nagquiz kami buong maghapon kaya pag-uwian ay parang drained ako. Pigang-piga ang utak, ni hindi ko alam kung may napiga nga ba!
Habang nasa daan at papalabas ng gate ay hindi ko napigilang mapalingon sa building nila Chase, diretso akong napatingin sa hagdan nang matanaw ang pamilyar na tao.
Napasipol na lang ako nang wala sa oras nang makita sa ‘di kalayuan kung paano sumabay ang medyo mahaba nitong buhok sa direksyon ng hangin. Dagdagan pa na pinasadahan niya ito ng daliri kaya nakita ko rin ang itim na relo nito sa papulsuhan, pero... pagkatapos noon ay iniakbay niya iyon sa katabi.
Dumapo ang tingin ko kung saan niya iniakbay ang braso... sa balikat ng girlfriend niya na ngayon ay kitang-kita ang malaking ngiti habang nakatingala sa kasintahan.
At hindi lang iyan, kailangan ko pa talagang masaksihan ang pagdikit ng labi ni Chase sa noo nito.
Napabuntong hininga ako at mabigat ang dibdib na nag-iwas ng tingin para ituon na lang ang atensyon sa paglalakad.
Hindi ko siya maintindihan. Ang labo ni Chase. Sobra. May oras na nararamdaman kong interesado siya sa akin... may oras naman na tanging girlfriend lang nito ang nakikita ng mga mata niya. Napapansin ko iyon dahil sa paraan ng pagtitig nito sa babae ay parang sigurado na siya rito, na hindi na siya magkakagusto o lilingon man lang sa iba... kahit kailan.
Nasa probinsya pa rin sina Mama kaya naman sakay ng van, hinatid muna namin si Gab bago kami dumiretso sa bahay nina Kuya.
Kinagabihan ay parang pagod na pagod ako kaya naman nagpaalam na ako sa kanila na magpapahinga na.
Hindi ako makatulog at nakatitig lang sa ceiling hanggang sa narinig ko ang tunog ng phone sa sidetable kaya kinapa-kapa ko iyon nang hindi inaalis ang tingin sa ibabaw.
Wala akong kabuhay-buhay nang manipulahin ang phone para basahin ang mensahe na galing sa Messenger.
But what I saw made my eyes go wide. Awtomatikong naghuramentado ang puso ko kasabay nang bahagyang panginginig ng aking kamay.
Chase Yuan Montessori: 607
Zairen Arianndy Reistre: ha?
Chase Yuan Montessori: Nevermind. Wrong sent lang.
Hindi kaagad ako nakapagreply at nakaawang pa rin ang labing pinagkatitigan ang screen ng phone... iniisip na ano ang ibig sabihin ng 607?
Nang hindi agad ako nakapagreply ay nagring na naman iyon dahil sa chat niya.
Chase Yuan Montessori: 607, utang ko sa iyo.
Kunot noo akong nagtipa ng reply.
Zairen Arianndy Reistre: u mean, 607 pesos? Hindi naman aabot sa 200+ ang choco balls, e •︿•
Chase Yuan Montessori: LOL, the emoticon looked cute.
Hindi ko na napigilang mapahawak sa sariling dibdib dahil sa lakas ng tibok noon. Kanina ay ang lungkot ko dahil sa nakita... tapos ngayon magcha-chat siya sa akin? Unexpected!
Chase Yuan Montessori: Anyway, search what 607 means in pager code.
What the hell, hindi na ako makapagreply pagkatapos mabasa iyon dahil blocked na ako!
Bigla na naman tuloy akong nakaramdam ng panlulumo. Pagkatapos niya akong pakiligin tapos biglang iba-block ako. Seryoso ba siya?!
But despite of being pissed, ginawa ko pa rin ang sinabi niya. I went to Google and search for the meaning of it.
Hindi ko alam, pero wala na yatang paglalagyan ang kasiyahan at kung ano pang emosyon ang kasalukuyang nararamdaman ko pagkatapos mabasa ang resulta ng ginawang pagsearch.
607 means I miss you.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top