Chapter 6

Chapter 6: Choco Ball

"Don't need an answer, halata naman."

Halata naman talagang interesado ako sa kaniya, pero masyado yata siyang kampante para ipamukha sa akin iyon... sabagay, mas maganda na iyong alam niyang may gusto ako sa kaniya... isa pa, at least makikilala niya na ako.

"Ano ba?" kunwaring reklamo ko at bahagya siyang itulak dahil sobrang lapit niya sa akin. Gusto ko naman kaso medyo naconscious na ako, hindi rin nakatutulong iyong paghuhuramentado ng puso ko. 

"Stubborn," he mumbled ang straightened his posture, ang kamay niya na may hawak na ngayon sa supot ng choco balls ay nasa likod na niya, animong tinatago.

"I told you to don't show up when I'm around... why the heck are you here?" he snarled.

Napalunok ako at yumuko habang pinaglalaruan ang kuko sa kamay. "Nagbebenta lang naman ako..." sagot ko pa.

I heard him scoff. "Okay?" aniya na para bang ayaw pa maniwala.

Nag-angat ako ng tingin, bahagyang nakanguso, at naabutan siyang nakatingin na pala sa akin. "Bawal ba ako magbenta?"

Umirap siya sa akin na parang nauubusan na ng pasensya. "You can, pero bakit dito? Ayaw kong makita ka malapit sa akin —"

"Pero hindi naman ako lumapit sa iyo," pagputol ko sabay turo sa pagitan namin. "Ikaw ang lumapit sa akin, e."

Napapikit siya at umiling, umiwas ng tingin bago ulit ako balingan. "Fine, whatever. I'll buy these and please, don't come here again, deal?"

Labag man sa loob ay dahan-dahan akong tumango.

I saw a ghost of smile on his lips when I responded a nod. "How much are these?" tanong niya habang tinatanggal sa supot ang dalawang lalagyan ng choco balls.

"Limang piso ang isa..."

Kunot noo siyang tumingin sa akin bago sa choco balls, pabalik-balik. "Ilan naman ang choco balls dito?" tanong niya na naman at itinuro ang isang container.

Umiling ako. "'Di ko alam..."

He frowned.

I blushed.

Napalunok ako at tila na-starstruck sa pagsimangot niya. 

"You're blushing..." he pointed out. "Hindi na rin naman ako magtataka kung bakit."

"H-Ha?"

"Natural na magba-blush ka dahil kaharap mo ako," sabi niya.

Naitikom ko ang bibig at napa-iwas ng tingin.

Ba't ang hangin niya? Ganito ba talaga siya kapag kinakausap? Pero ayos lang, at least kinausap niya ako!

He cleared her throat so I had to look up at him. Nakataas ang kilay bago siya umayos ng tindin at dahan-dahang pumihit para maglakad.

Napaawang ang labi ko hanggang sa naalala ko ang choco balls. "Uy, iyong bayad mo!" sabi ko kahit medyo nahihiya. S'yempre hindi naman akin iyon!

"Yeah, I won't run away. Follow me, stranger." He even cocked his head, gesturing me to follow.

Ewan ko, but for some reasons nakangiti akong sumunod. Delikado na talaga.

Sinundan ko siya, at tumigil kami sa hindi kalayuan. Sa gilid ng dulong room, may mga bakanteng upuan doon at walang tao. Tinatambayan lang din iyon, sa pagkaka-alala ko.

"Bakit tayo narito?" tanong ko bago dahan-dahang naupo sa upuan na tapat niya.

"Let's count it one by one," aniya.

Namilog ang mata ko. "Hala! E, marami iyan, e!"

Nagtaas siya ng kilay. "You'll help me. You choose bibilangin natin ito para makapagbayad ako o tatakasan kita?"

Ngumuso ako at hindi na ulit nagsalita.

"What's this again?" aniya sabay kuha ng isang piraso ng choco ball.

"Choco ball."

Sinamaan niya ako ng tingin. "I know, I meant... what product is this made of?"

"Chocolate."

Lalong tumalim ang tingin niya sa akin. "Seriously? Huwag mo na sagutin."

"Pero totoo nga... gawa sa chocolate."

He shrugged. "I don't eat sweets."

Itinagilid ko ang ulo at nagpakurap-kurap. "Ano?"

"I don't eat sweets," pag-uulit niya.

Napaawang ang labi ko at nagpatango-tango. "Noted."

"Noted?"

I shook my head instantly. "Wala." New information unlocked.

Hindi niya na ako pinansin at busy na ulit siya sa pagbibilang ng choco balls sa isip.

Nakatunganga lang ako sa kaniya habang nawiwili siyang pinapanood until he snapped. "I didn't bring you all the way here to have your mouth watered, I asked you to help me count, didn't I?"

"A-Ah, yes, sir — I mean Chase..." Kinurot ko ang sariling hita para hindi mataranta dahil kung ano-ano na ang salitang dumudulas galing sa bibig ko.

"Chase? Mas matanda ako sa iyo."

Tumango ako. "Alam ko."

"Then why are you calling me just Chase?" Ngayon ay humalukipkip na ito at nakapandekuwatro.

"Kasi..." Tumingin ako sa malayo to think of an answer kaso wala. "E, ano naman kung Chase ang tawag ko sa iyo?" I shot back instead after glancing at him. "Hindi nga ako nagreklamo na... stranger ang tawag mo sa akin..."

"Bakit? Ano ba dapat ang itawag ko sa isang batang hindi ko naman kilala? Kid? Child? Little girl? Baby?"

"Baby..." mahinang tugon ko, medyo nangingiti na dahil sa mukha niyang nakalukot.

"What the fuck? Baby?"

Hindi ko na mapigilang mapangisi. "Joke lang, pero if gusto mo... p'wedeng p'wede naman."

Napabuntonghininga siya at siguro kung hindi lang ako babae ay kanina niya pa ko sinakmal.

"Are you flirting with me, huh?"

Umiling ako. "Hindi naman flirt iyon."

"And what'd you call it?"

"Suggestion."

Napasubo siya ng choco ball nang wala sa oras, habang ngumunguya ay matalim ang tingin ang ipinukol nito sa akin. "You're stressing me out," he stated in between his chewing.

"E, paano kasi tinatawag mo akong bata... grade 10 lang naman ako tapos ikaw... 11, isang taon lang ang gap sa grade level," pagrarason ko.

"I don't care, you're still a kid. May klase ka, right? Bakit ka pa narito?" pag-iiba niya ng usapan.

"Ikaw nga rin narito, e. May klase rin kayo, 'di ba?"

Iritado siyang bumuntonghininga bago ligpitin ang mga lalagyan. Pinapanood ko lang siya habang nililigpit ang mga iyon hanggang sa tumayo siya kaya napatayo na rin ako.

Maya-maya ay may nagsalita sa kung saan kaya pareho kaming napalingon doon.

"Sino ito, Chase?" tanong ng babae sabay turo sa akin.

Kinabahan ako.

"I don't know her. She's just selling me a choco balls," sagot naman ng isa.

Napatingin ang babae sa akin at pinanliitan ako ng mata bago tumingin kay Chase. "Siguraduhin mo lang."

"Of course, Chrislyn."

Wala nang sinabi ang babae at basta na lang kaming iniwan doon.

Naguguluhan ako at akmang magsasalita para magtanong nang unahan niya ako.

"Stranger, please don't flirt with me, don't give me signs and don't make a move. I freaking have a girlfriend, and I don't wanna cause any misunderstanding with her. I love her and I don't wanna hurt her. Back the hell off," mabilis na aniya sabay talikod sa akin, hindi pa ako nakagalaw agad hanggang sa huminto siya at humarap sa akin. "I'll continue counting these balls, bukas na ako magbabayad. It's either ipapaabot ko kay Caius —" Natigil siya bago dinilaan ang pang-ibabang labi. "Nevermind, basta magbabayad ako. Bumalik ka na sa klase niyo, or else irereport na talaga kita." Iyon lang at nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa nawala na siya sa aking paningin.

Wala akong naramdaman.

Natahimik ako.

Ang gulo niya naman.

Bahala na nga.

"Last warning, Reistre, I'll report you to the prefect of discipline."

"Apologies, Sir," paghingi ko ng tawad at yumuko.

Nang dumating ako sa class room ay naabutan ko si Sir Javier na nasa labas dala-dala ang mahabang ruler. Sinermunan niya ako, s'yempre nagcut na naman ako o late na pumasok.

Hindi ko rin kasi maintindihan bakit kailangan kong pumunta sa building nil dis oras ng klase! Hindi ko kasi talaga mapigilan, e, siguro nga dapat mag-ayos na ako. Lolo ko ang may-ari, pero dapat hindi ako abusado. 

"Ipapakain ko iyang apologies na sinasabi mo, Reistre, sinasabi ko sa iyo. Wala akong pakialam kung pamilya mo ang may-ari ng eskwelahang ito ang akin lang ay huwag mong binabalewala ang klase ko..."

"Hindi na po mauulit, Sir."

"Talagang hindi na mauulit dahil kapag inulit mo ito... ipalilinis ko sa iyo ang buong campus."

Namilog ang matang nag-angat ng tingin sa kaniya. "Talaga po?"

Nagtiim-labi siya at akma akong hahambalusin ng ruler nang ibaba niya kaagad ang kamay. "Nyeta kang bata ka, bakit parang sabik ka pa?"

Umiling kaagad ako. "Hindi naman po sa ganoon..." Medyo lang kasi kung mangyayari iyon e, 'di, puwede akong pumunta sa building nila.

Pumasok na ulit si Sir sa loob ng silid, as usual, hindi niya ako pinapasok kaya ngayon ito ako at nakatunganga sa corridor.

Nakasandal lang ako sa railings habang nagmumuni-muni. Never akong nahiya na nasa labas ako habang sila naman ay nagkaklase sa loob... hanggang sa natatanaw ko si Ladyn— girlfriend ni Chase— na naglalakad sa corridor ng aming building habang kausap ang kasamang babae na sa tingin ko ay kaibigan niya.

Habang papalapit sila sa akin ay namukhaan ko ang babaeng kasama nito. Ito iyong kausap ni Chase kanina... si Chrislyn.

Huminga ako nang malalim at tumalikod sa direksyon nila dahil may kutob ako na mukhang ako ang sadya.

At sinagot nga kaagad ang kutob ko.

"Excuse me?" sambit nang nasa likuran ko.

Dahan-dahan akong pumihit paharap, kinakabahan na bago bahagyang tumingala sa kanila dahil talagang matatangkad ang mga ito.

"Are you Zairen Arianndy?" tanong ni Ladyn sa mahinhin ngunit seryosong boses.

Napalunok muna ako bago tumango. "O-Opo..." nautal na sagot ko.

"Ito ba iyon, Chrislyn?" tanong niya sa kasama.

"Oo, siya iyong ka-chat ng boyfriend mo atsaka... nakita ko magkasama sila ni Chase kanina after ka niya ihatid sa auditorium."

For some reasons, gusto ko na lang maglaho na parang bula. Hindi ko maintindihan iyong pakiramdam ko ngayon.

"Really? Porke't hindi ako mahilig sa socmeds... nakikipag-chat na siya sa iba?" sabi ni Ladyn, pinandidiinan ang bawat salita.

Hindi ako nakapagsalita at nag-iwas na lang ng tingin.

Natatakot ako sa kanila.

Lalo na sa kaniya.

Mukha naman siyang mabait... pero hindi ko alam kung mabait nga ba.

"Hey, look at me. I wanna talk to you," utos nito kaya sumunod na lang ako para hindi na humaba pa.

"A-Ano po?"

She smiled sweetly at me, and I thought it was genuine until her eyes darkened. "Mabait ako... pero sa taong mabait sa akin. You looked too innocent, and I don't think you'd be a hindrance..." Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking braso, I flinched but she didn't let go.

I remained silent.

"Hmm..." Dahan-dahang humigpit ang hawak niya sa aking braso. "Ayos lang na umaaligid ka sa kaniya, malaki ang tiwala ko roon... sa iyo ako walang tiwala."

Mahina akong napadaing nang naramdaman kong bumaon na ang matulis niyang mga kuko sa balat ko, hindi ako makapagsalita dahil sa kaba. Saglit niya akong binitawan pero iyon ang akala ko... nagsimula siyang kumurot nang manipis hanggang sa papalakas na iyon.

"A-Aray..." Mariin ang pagkakakagat ko sa labi para pigilan na magreklamo, pero kasi ang sakit niyang kumurot.

Gusto ko na lang maiyak.

Pero hindi puwede dahil lalo lamang silang maiinis sa akin.

Hindi ko alam kung makakahinga ba ako nang maluwag nang bitawan niya ang braso ko, ngunit nanatili pa rin na nasa harap.

"Mag-aral ka muna nang mabuti bago ka humarot. Naiintindihan mo, stranger?" aniya ngunit sa nanunuya at sarkastikong tinig. "Stranger pa nga," pinal na aniya bago hinila ang kasama para iwan ako.

Habang papalayo sila ay naalala ko ang sinabi ni Caius. Ladyn is manipulative and controlling.

Ipinilig ko ang ulo at dinapuan na lang ng tingin ang braso na ngayon ay may bakas na ng sugat, may maliit pa na dugo at namumula dahil sa pagbaon ng kuko nito sa aking balat, dagdagan mo pa na kinurot niya ako.

I couldn't help but to let out a sob without crying.

Nanatili lang ako roon sa labas, iniisip at nakikipagdebate sa sarili kung ano ba ang dapat gawin. Tama naman na dapat hindi na ako lumapit sa kaniya dahil nga may girlfriend na ito, pero... siya ang lumapit sa akin, e.

Napaayos naman ako ng tayo nang bumukas ang pinto kasabay nang pagtunog ng bell, senyales na uwian na.

Busangot ang mukha ni Gab nang nakita ako sa labas, bitbit ang aking bag ay pabalang niyang inihagis iyon sa akin na nasalo ko naman.

"Nai-stress na iyong singit ko, Andy. Konti na lang talaga isusumbong na kita kay grandfather Owen." Inirapan niya ako bago haklitin si GV na kakalabas lang ng room.

"Takte kang bakla ka, ano ba problema mo?!" singhal nito sa kaniya at tinampal ang kamay na nasa strap ng bag.

"Kapal ng mukha nitong maka-bakla, e, mas maganda pa nga ako kaysa sa iyo. Hoy, tumingin ka sa salamin mukha kang tomboy, bwisit ka."

Nakakunot ang noo ko nang hilahin si Gab para tumabi dahil nakaharang sila sa daan.

"Mas bwi — teka, nasaan nga pala iyong kita sa choco balls ko?" Para bang natauhan si GV nang nakita ako.

"Oo nga pala," saad ko nang naalala iyon.

Hindi pa nagbabayad si Chase, at dinala niya rin iyong lalagyan kaya wala akong choice kung hindi tapalan muna.

Kinuha ko ang wallet sa bag at kumuha ng 500 peso bill para iabot sa kaniya iyon. "Pasenya na hindi ko pa maibabalik iyong lalagyan kasi sinali noong bumili."

"Wala akong sukli nito."

"Keep the change na iyan, nahiya ka pa," pagpaparinig ni Gab.

Natawa ako. "Ayos lang, GV. Keep the change na lang talaga."

She looked at me in disbelief. "Hindi ka ba nagpa-prank?"

Umiling ako.

"Sige, salamat. Sa iyo na iyong tupperware, uwi na ako, ha. Magdadala pa ako ng marami bukas, G ka pa rin ba?"

Akma akong sasagot ng oo nang tampalin ni Gab ang bibig ko bago dinuro si GV. "Aba't ginaganahan ka rin, ano? The audacity of you... to utus-utusan her! Kapal ng kalyo mo sa mukha!"

"Mas makapal tartar mo sa ngipin —"

"E, kung jombagin kaya kita?" si Gab sa malalim na boses.

Natawa na lang ako dahil trying hard siya, manipis kasi talaga ang boses niya at nakakarindi kapag titili.

"Jowain mo na lang, jojombagin mo pa makasuhan ka pa," pagsingit ko at hinila siya papalapit sa akin.

"Yuck, iw! Over my gorgeous body!" pagreklamo naman ni GV sa nandidiring boses.

"Kapal ng mukha, e, para ka ngang plywood. Mas may pwet pa ako sa iyo!" ganti na naman ni Gab.

"At least ako may vagina, ikaw, mayroon?!"

Namilog ang mata ko sa pagiging bulgar niya, may nagtinginan ding mga estudyante dahil doon.

Para bang na-offend si Gab at hinila niya si GV, inilapit ang mukha at tinaliman ng tingin. "At least mas mukha akong tao kaysa sa iyo—" Hindi pa siya natatapos ay itinulak ni GV ang mukha niya at nagtakip ng ilong.

"Amoy imburnal iyang bunganga mo, nyemas ka!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top