Chapter 5
Chapter 5: Crush
Some people will come into your life... and they will also leave you behind.
Ilang buwan na ang lumipas, normal lang naman lahat, pero may parte sa akin ang naninibago. Simula nang ibigay ni Chase ang tula na nakasulat sa papel ay wala na akong nabalitaan tungkol kay Second. Hindi na rin siya matawagan at mai-text.
At kung magtanong man ako kay Chase, as usual, susungitin lang ako.
But I have moved on. Kaklase ko lang si Second, ni hindi umabot ng isang linggo ang pagsasama naming tatlo. Our foundation wasn’t that thick yet. Dropped out na rin siya ayon kay Sir Javier with no further explanation.
Ayos na ako, medyo nainis lang ako noon dahil hindi man lang siya personal na nagpaalam, pakiramdam ko ay hindi naman kaibigan ang turing niya sa amin ni Gab. Sabagay... sobrang saglit lang naman talaga iyon.
Pero... nakakamiss kasi iyong isang iyon, e.
Pinilig ko ang ulo. “Huwag mo na isipin iyon, basta wish ko na masaya siya kung saan man siya ngayon,” paalala ko sa sarili.
Umaga na at wala pa akong balak bumaba pagkatapos mag-ayos, gaya ng nakagawian nagdasal muna ako pagkagising— nagpapasalamat sa bagong pag-asa at araw na binigay Niya tapos naligo at nagbihis bago kunin ang phone sa gilid at mang-stalk sa socmed accounts ni Chase.
Wala siyang ganap sa Twitter ganoon din sa Instagram kaya pumunta na lang ako sa Facebook kahit pa madalang lang siya gumamit noon. S‘yempre alam ko, ako pa ba?
Online siya, at may post na mukhang kagabi pa.
Chase Yuan Montessori: 2 truths and a lie.
Dahil medyo mahiyain pa ako magcomment, ay dumiretso ako sa Messenger para i-chat siya.
Zairen Arianndy Reistre: morning po, hehe
Inabutan pa ng ilang minuto bago niya sineen ang chat ko, pero ayos lang basta siya.
Chase Yuan Montessori: What do you need?
Zairen Arianndy Reistre: kilala mo ako? ako si stranger, hehe
Alam ko kasi na hindi niya ako kilala sa pangalan kaya pinaalala ko na lang sa kaniya.
Chase Yuan Montessori: So, what do you need?
Zairen Arianndy Reistre: 2 truths and a lie tayo saglit bago ako maghanda sa klase, puwede?
Nang hindi siya nagreply ay kinulit ko na siya hanggang sa may na-receive na ako.
Chase Yuan Montessori: Okay, you go first.
Zairen Arianndy Reistre: yes, ty sa notice!!! wait isipin ko muna, huhu teka lang talaga!
Para akong sira na gumulong-gulong sa kama sa halong kaba at pagmamadali dahil malapit na ang oras kaya naman dinalian ko na dahil once in a blue moon lang yata ito.
Zairen Arianndy Reistre: 1) hindi kita crush 2) kapatid mo si second 3) sulyap ko sa iyo, buo na araw ko
Kapag hindi niya mahulaan kung saan ang lie riyan, i-de-dare ko talaga siya! Hindi ako mahihiya this time.
Chase Yuan Montessori: Number 1 is a lie.
Natigilan ako.
Naramdaman kong namula ang buong mukha ko.
“Mama!” pagtili ko bago tinakpan ang mukha ng unan at parang kiti-kiti na nagwawala. Bakit siya tumama?! Ang taas ng confidence niya na hindi piliin ang 3! Sa tingin niya ay totoo iyon, kahit talagang... totoo talaga.
Nanginginig man at may malaking ngisi sa labi ay nagtype pa rin ako ng reply.
Zairen Arianndy Reistre: tama, huhu sayang di kita made-dare. ikaw naman, hshshshs.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at nagreply kaagad.
Chase Yuan Montessori: 1) I’m smiling right now 2) I like you 3) I love my girlfriend
I frowned. Ang kaninang ngiti ngayon ay naglaho na. Really? Kailangan ba talagang imention ang girlfriend niya? Sabagay, sino nga ba ang hindi mapa-proud kay Ladyn? Maganda, matalino, at sa tingin ko ay mabait. It’s his girlfriend after all.
Zairen Arianndy Reistre: Number 1 is a lie.
Imposible namang nakangiti siya ngayon, e, halatang nakukulitan na nga siya sa akin at ang sungit niya kaya. As per number 2 naman, maybe he likes me, but as a... friend or a stranger.
Chase Yuan Montessori: You’re incorrect.
Zairen Arianndy Reistre: ha, bat naman?
Chase Yuan Montessori: Number 2 is a lie. I don’t like you. So, as a consequence, leave me alone starting today. Don’t show up when I’m around.
Unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi pagkatapos mabasa iyon.
My heart clenched.
“Andy! Ano wala ka bang balak kumain ng agahan?!” sigaw galing sa labas.
Bumuntonghininga ako at itinago na lang ang phone sa bulsa. “Pababa na po,” nanlalantang sagot ko.
Ang sarap ng agahan ko, ha, sana pala hindi ko na lang siya chinat, nautusan pa tuloy ako na lubayan siya.
Nang natapos na mag-agahan ay nagpaalam na ako para pumasok na ng eskwelahan, dinaanan muna namin si Gab para isabay sa pagpasok.
“Bebs, si Nanay binuhusan ako ng tubig kanina! Beauty sleep ko pa iyon, e, nakakainis talaga!” pagsusumbong ni Gab nang tabihan niya ako sa backseat.
I let out a small smile. “Agahan mo kasing gumising tapos tulungan mo si Nanay Beth sa paglalaba bago ka pumasok,” sabi ko.
He just made a face before examining my face. “Hindi ka okay, ano nangyari?” tanong niya.
Ngumuso ako at sumandal. Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyaring chat namin ni Chase. Talak siya nang talak na tigilan ko na raw ang kalandian ko, but I don’t think I can, siguro sa susunod.
“Dahil matigas ang ulo mo, ganito na lang ang gawin mo.” Naglalakad na kami patungo sa aming building nang huminto siya at humalukipkip. “Landiin mo tapos iwasan pagkatapos, tingnan natin kung hindi ka hanap-hanapin niyan,” turo niya pa sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. “May girlfriend iyon, baliw.”
He scoffed. “Wow, ngayon mo lang ba naalala? Alam mo naman na pala na may girlfriend tapos nag-a-attempt ka pa na magbigay ng kung ano, ewan ko sa iyo, pasok na nga tayo!” Sabay hila sa akin, nagpatianod naman ako.
Break time na namin nang napansin ko si GV, ang isa sa mga kaklase namin na busy sa pagbibilang ng kita niya galing sa pagbebenta ng choco ball.
Naisipan ko siyang lapitan at kausapin kasama si Gab. “GV, ubos na lahat ng choco ball?” tanong ko.
Nag-angat naman siya ng tingin sa amin, bumaling sa isang plastik bago ulit sa akin. “Hindi pa nga, e. May dalawa pang tupperware,” aniya.
Ngumisi ako. “Talaga? Ibebenta mo pa rin iyan ngayon?”
Tumango naman siya.
Lalong lumawak ang ngisi ko sa labi nang may naisip. “Tulungan kitang magbenta,” pag-alok ko sa kaniya.
“Magkano ba isa nito, GV?” pagsingit ni Gab atsaka pinakialaman ang tupperware na naglalaman ng choco balls.
Tinampal ni GV ang kamay niya dahil sa pangingialam. “Limang piso, isa, Gabbana,” sagot naman nito, pairap.
“Ang mahal naman nito! Kaloka ka, e, ang liit-liit, tagpiso lang ito sa ’min, ah!”
Napailing na lang ako sa kaibigan dahil nang-aaway na naman siya.
“E, ’di roon ka bumili sa inyo,” pangbabara ni GV sa kaniya atsaka ulit ako binalingan. “True ba iyan? Ayos lang?”
Pumalakpak ako na parang bata. “Oo naman! Simulan ko na ba ngayon? Trust me, hindi ka malulugi.” I even raised my hand as a sign of promise.
Ngumiti siya. “Sige, baka naman dayain ako ni Gabbana, ha? Hindi pa naman sa akin ito,” aniya habang inaayos ang dalawang tupperware bago ilahad sa akin. “Salamat, Andy.”
Tinanggap ko iyon at hinila si Gab. “No problem! Alis na kami, kumain ka muna, tupperware na lang ibabalik namin sa iyo mamaya.”
Nasa hallway na kami ni Gab habang dala-dala ko sa isang kamay ang supot na pinaglagyan ng tupperware.
“Parang tanga, gipit ka na ba, ha? Bakit mo naman tutulungan ang GV na iyon?” pasinghal niyang tanong sa akin.
I tilted my head and smiled. “Tutulungan ko nga siyang magbenta! Trust me, this will work, okay? Lilibre kita ngayon dahil mukhang ang init ng ulo mo.”
Inirapan niya ako bago ako yugyugin sa balikat at agawin ang supot na hawak ko. “Kaya love kita, e, sige na nga!” aniya na parang napilitan pa.
Kasalukuyan na kaming nasa cafeteria, si Gab ngayon ang nag-order kaya naman nasa two-seat table na ako at naghihintay sa kaniya. Maya-maya pa ay may grupo ng mga tao ang pumasok sa cafeteria at dahil nakaharap ako sa entrance ay kitang-kita ko kung sino ang mga iyon.
Si Caius, ang kaibigan ni Chase, may dalawa pang lalaki na hindi ko kilala, at last... si Chase at ang girlfriend niya.
Kaagad akong nakaramdam ng paninibugho sa katawan, naalala ko tuloy iyong sinabi niya.
Don’t show up when I’m around, pero paano kung nasa maliit na lugar lang naman kami gumagalaw, at imposibleng hindi kami magtagpo kahit iwasan ko pa.
Lumipat na lang ako sa upuan na dapat kay Gab para nakatalikod ako sa entrance at hindi makita kung ano man ang dapat hindi makita.
Hinanap ng mata ko si Gab sa hindi kalayuan, at mukhang nakapila pa siya kaya naman tumungo na lang ako hanggang sa napaigtad ako nang may humampas sa aming table.
Pag-angat ko ng tingin ay kaagad din akong nakahinga nang maluwag, pero nakaramdam ng inis.
“Alam mo, bwisit ka talaga,” I murmured, glaring at Caius.
He gave me an alluring smile. “Good afternoon din,” pang-aasar niya.
I noticed from my peripheral vision that they passed by, so I maintained my eyes on Caius, mahirap na baka magalit si Chase sa akin.
“Ba’t ka ba narito?” mariing tanong ko sa kaniya na ngayon ay nakasandal na sa upuan ang likod, at tinatapik-tapik ang lamesa.
“Libre mo naman ako paminsan-minsan, tulungan kita kay Chase,” sabi niya.
Nagtiim-labi ako at sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa. “Baliw ka ba?”
“Ikaw.”
“Ano’ng ako?”
“Baliw ka ba?”
Natahimik ako.
“I don’t wanna meddle with other’s business, but...” He clicked his tongue and straightened his posture. “I’ve read your conversation with Chase this morning,” sabi niya.
I cleared my throat. “That’s invasion of privacy, Caius,” paalala ko sa kaniya.
Tumango-tango siya. “Hindi naman yata privacy iyon, he let me read it earlier, sa tingin mo?”
Para bang may nagbara sa lalamunan ko. Nagkasukatan pa kami ng tingin bago ako unang nag-iwas. “Layas na, Caius, naiinis ako sa ‘yo.”
“I don’t like Ladyn for my friend, Andy. Basta ayaw ko lang. Suplada noon sa akin.”
Napatingin ulit ako sa kaniya. “And what are you trying to imply?”
Ngumisi siya sa akin at akmang kukurutin ang pisngi ko nang ilayo ko ang mukha. “Sapakin kita r’yan,” banta ko.
“Sapakin kita r’yan,” panggagaya niya. “Gusto ko lang sabihin na may pag-asa ka pa, ikaw kaya manok ko.”
Inirapan ko siya at sinubukang itago ang ngiti na nagbabadyang sumilay, pero nang narinig ko ang 'ayie' niya ay hindi ko na napigilan pero kaagad ding bumusangot atsaka siya sinipa ulit sa ilalim ng lamesa. “Kung manok mo ako...” Inilapag ko sa lamesa ang supot at inilabas ang isang container ng choco ball. “Bili ka nito,” sabi ko.
“Ano ba iyan?” tanong niya at kinuha iyon.
“Choco ball,” sagot ko. Lumihis ang tingin ko sa kaniya nang nakita kong paparating na si Gab. “Dalian mo, Caius, nariyan na ang kaibigan ko wala siyang uupuan,” pangtataboy ko sa kaniya.
Kunot noo naman niyang sinundan ang tingin ko hanggang sa dumapo ang tingin nito kay Gab. “Okay, mamaya na lang. Punta ka sa room namin, ‘sus kunwari ka pa alam ko namang pupunta ka rin mamaya. Bentahan mo ako.” Kinindatan niya ako bago tumayo. He even helped Gab carrying the tray before politely excusing himself.
“Chaka, sarap no’n, ah? Iyan ba iyong kaibigan ni cheese? Guwapo pala sa malapitan, ba’t mo naman pinaalis?” sunod-sunod na talak ni Gab.
“Oo, si Caius iyon, pinaalis ko kasi wala kang uupuan, ‘no?” Kinuha ko ang lunch na inorder niya at nagsimulang kumain.
“True ba? Bagong bebe na naman, hindi na si Second akin, si Caius na,” paghalakhak pa nito.
Napailing na lang ako sa kaharutan niya pati sa pagbanggit ng pangalan ng isa.
I was fighting the urge not to look at their direction, pero hindi ko yata mapigilan kahit ngayong araw lang.
Lumingon ako sa table nila at hindi inaasahang dumapo ang tingin kay Chase... wala sa girlfriend ang tingin,nand to my horror, he’s freaking staring at me!
Dumagundong kaagad ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam bakit nakakakaba ang tingin niya.
“Gab, tubig, please...” Pagyugyog ko sa kaibigan na kaharap, hindi nilulubayan ng tingin si Chase. As if we had a staring contest, hindi kami nag-iwas kahit na ang layo naman namin.
Inabot sa akin ni Gab ang tubig na kaagad ko namang itinungga. Ngumisi siya bago nag-iwas ng tingin. And hell, dahil doon ay naibuga ko ang tubig na iniinom!
“Ay! Diyos, espiritu, at santo, please lang kunin niyo na si Andy!” Dali-dali akong inabutan ng tissue ni Gab bago ako hampasin sa braso. “Bwisit ka, kumain ka na kasi, ang dugyot mo!” panenermon niya.
Nang natapos nang kumain ay para akong nakalutang sa ulap habang naglalakad. Kagaya ng sabi ni Caius kanina, hinatid ko muna si Gab at nagpaalam na magbebenta, gusto niya pang sumama pero sabi ko na huwag na baka kasi dumating si Sir Javier at pareho pa kaming malintikan.
Dumaan ako sa tulay sa pagitan ng building, dala-dala ang supot para magbenta, hindi naman nakakahiya dahil win-win situation ito, bukod kasi sa makakatulong na ako, makakasulyap pa ako.
“Sino ang hanap, be?” tanong ng isang babae nang napansin akong sumisilip-silip sa silid nila.
“Ah, si ano po sana... Caius.”
“Caius Faustino, tawag ka!”
Kaagad akong umayos ng tayo ay bahagyang nagtago sa pader nang nakita kong tumayo si Caius sa kinauupuan niya. Nang lumabas siya ay kaagad ko siyang hinila para walang makakita sa amin. “Nariyan si Chase sa loob?” pabulong na tanong ko.
A smirk made its way on his lips. “Wala pa, hinatid iyong girlfriend sa auditorium dahil may practice,” nakangising sagot niya.
I frowned. “Nakakainis iyang ngisi mo! Pinaglalaruan mo ba ako, ha?”
Umiling siya. “Tinutulungan kita,” pagtatama niya. Kunot noo siyang bumaling sa likuran ko bago ako hinarap, dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin na ikinalaki ng mata ko. “Caius, nasisiraan ka na ba, huwag mo akong lapitan.” Idinuro ko pa siya hanggang sa nagpaatras-atras din.
Dahil sa kaba ay napapikit ako hanggang sa naramdaman kong inilapit niya ang mukha. “Saglit lang ito, magbibilang ako, and magic will happen,” bulong niya at nagsimulang magbilang. “3... 2... 1—”
“What the fuck are you doing, Caius?”
Napamulagat ako nang narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Kaagad kong itinulak ang mukha ni Caius na malapit sa akin atsaka nanlalaki ang mata na lumingon sa gilid.
Salubong ang kilay, at tiim-labing nakatingin si Chase sa akin bago kay Caius. “What the hell are you doing to her, Caius? Leave her alone.”
Nakapamulsa na si Caius nang humarap kay Chase. “Good luck, dude,” aniya bago humarap sa akin. “Thank me later,” he mouthed.
Sinundan ko ng tingin si Caius hanggang sa naglakad na siya papalayo at mawala na sa paningin ko.
Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko lalo na’t nararamdaman kong nariyan siya at matalim ang tingin sa akin.
“What are you doing here? Didn’t I tell you to not show up when I’m around?”
Nag-angat ako ng tingin kay Chase at ilang beses na iwinasiwas ang isang kamay sa likod para kumalma. “N-Nagbebenta...” I stuttered.
“Nagbebenta what?”
Dahan-dahan kong iniangat ang supot. “Bili ka?” kagat-labing tanong ko.
Naningkit ang mata niya sa akin bago inagaw ang supot. “I’ll buy all of these in one condition...” Seryoso siyang yumuko para pantayan ako, our faces were just inch away from each other, but no one did flinch.
Tinitigan niya ako sa mata kaya nilabanan ko rin ang titig niya kahit ramdam ko na ang bahagyang panginginig ng kamay na ngayon ay nakakuyom na.
“Crush mo talaga ako, ’no?” he confidently stated. Akma akong tatango nang ilagay niya ang hintuturo sa labi ko para patigilin, unti-unting umangat ang gilid ng kaniyang labi. “Don’t need an answer, halata naman.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top