Chapter 4
Chapter 4: Absent
"Lord, pahingi naman ng sign kung ako ba ang ibig sabihin ni Chase sa tweets niya," bulong ko, hindi pa rin makapaniwala sa nabasa.
I closed my eyes and silently prayed for a sign.
Kapag may nag-text sa akin... ako talaga iyong ibig sabihin sa tweets niya!
10, 9, 8, 7... my phone beeped!
Kabado akong kinuha ang phone at idinilat pa lalo ang mata para masiguradong makita ko kung ano man ang dahilan kung bakit ito tumunog.
But to my disappointment, walang bakas ng notification galing kay Chase.
Pero galing kay Second.
Nadismaya ako dahil hindi si Chase iyon, pero ayos lang naman na si Second... talagang umasa lang ako.
Salamat pa rin sa given sign, Lord.
Second Montessori: Hi, may sasabihin lang sana ako.
Ako: hi, ano yon
Second Montessori: Hindi yata ako makakapasok bukas, skl.
Ako: Skl?
Second Montessori: Sinasabi ko lang.
Ako: ah, hahaha! anyway, bat naman?
Second Montessori: May importanteng bagay lang.
Ako: o, sige! ingat ka. salamat kasi sinabi mo, mwa
Second Montessori: v(=∩_∩=)フ
Pagkatapos no'n ay hindi na ulit ako nagreply at bumaba na. Naabutan ko sina Mama at Papa na nilalaro ang mga apo kaya lumapit ako sa kanila para humalik.
"Kumusta ang pag-aaral?" tanong ni Mama.
Ngumiti ako. "Ayos lang po."
Atsaka ko lang napansin na narito rin pala si Ate Audrey kaya lumapit ako sa kaniya para makipagbeso.
"How are you?" seryosong tanong niya.
Ngumiti ako. "Been doing fine, Ate."
Nagtaas siya ng kilay at bahagyang yumuko para bumulong. "Bet you have a boyfriend."
Nanlaki ang mata ko. "Ate, wala po," mariing sagot ko.
Pero hindi siya nagpatinag hanggang sa nakita ko si Kuya Zian na kakapasok lang sa pinto at nakasuot pa ng suit.
Dumiretso siya sa asawa upang halikan ito sa labi.
"Kuya," sita ko dahil mukhang nakakalimutan niya yatang nasa living room kaming lahat.
"Yes, princess?" aniya at ako naman ang hinagkan. "How's your day?"
"Paulit-ulit naman ng tanong niyo. Ayos lang po!"
Ngumiti siya sa akin at pumunta na sa mga bata. Nag-uusap sina Papa at Kuya kaya naman may pagkakataon para usisain ulit ako ni Ate Audrey. "But why are you seemed guilty?"
Napanguso ako. "Nabigla lang sa tanong mo."
"Arianndy, bring your friend here on Saturday."
"Po?" Nilingon ko ang ama nang sabihin niya iyon. "We'll be having a party, double celebration dahil birthday rin ni Acee. Bring your friend, okay?"
"Sino pong friend?"
Ate Ariane showed up. "May iba ka pa bang friend maliban kay Gab? Kung mayroon, e, 'di mas maganda."
"Mayroon po," sagot ko nang sumagi si Second sa isip. "Second po ang name niya."
I used to open up with my family, even the smallest things ay ikinuwento ko minsan lalo na't kapag nagtatanong sila.
"Second?" si Ate Audrey.
Tumango ako habang siya'y nag-iisip. "Montessori?"
Tumango ulit ako. "Paano niyo po alam?"
"Yeah, he's my best friend's nephew."
Napaawang ang labi ko. What a small world.
"E, si Chase, Montessori rin iyon, ah?" sabat naman ni Ate Ariane.
Napanguso ako. "Opo..." Si Ate pa lang ang nakakaalam na may crush akong nagngangalang Chase, paano kasi kinukulit niya ako dati kung sino ba iyong tinitingnan ko sa social media kaya umamin na lang din ako.
At nagkataong si Chase ay anak din ng pinsan ni Kuya Jace na siya namang asawa ni Ate Ariane.
"E, 'di ibig sabihin, Audrey, magkapatid si Chase at iyong Second?"
"Half-siblings."
I tilted my head, confused. "Half po?"
"Yeah, they have the same father."
So... magkapatid lang sila sa ama?
E, saan ang mama ni Second?
"Did you know," si Ate Audrey. "You and Second used to play together before," aniya.
"Talaga?" Hindi ko alam, ni hindi ko nga siya kilala kung hindi ko pa kaklase.
She nodded. "We actually go to park several times para mapreskuhan din ang batang iyon..." She was smiling while reminiscing those days. It's rare to see Ate smile, she used to be fierce always.
"Sakitin si Secundus, e. Buti naman at magkaklase kayo? You should be friends with him, he seemed alone the last time I saw that kid."
"Sakitin?" kunot noong tanong ko.
"Didn't he tell you? He has a congenital heart disease since he was a kid... good thing he's still alive and somehow healthy." Bakas sa boses ni Ate ang awa at lungkot, pero hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
May sakit siya?
Kinabahan agad ako for no reasons.
Naputol ang pag-uusap namin nang dumating naman si Kuya Jace. Mukhang galing siya sa trip dahil may dala pa siyang duffel bag.
"Hello, Kuya! May souvenirs kang dala?" pangungurakot ko kaagad.
"Of course! These were just key chains and some stuff from Boracay," aniya at naglahad sa akin ng paper bag.
"Wow! Akin 'to lahat?"
He smiled and ruffled my hair. "P'wede."
"Thank you, Kuya!"
Nagpaalam muna ako para tingnan ang mga iyon. Naisip ko ang kaibigan... at si Chase. Maybe, I'll give him one.
Kinabukasan ay hindi muna ako lumabas para kumain, kinuha ko kaagad ang phone sa sidetable at nag-online sa isang social media para mang-stalk.
No posts from him since yesterday, sa Twitter naman iyon pa rin ang recent post niya, kinikilig pa rin talaga ako kapag naiisip kong ako ang ibig sabihin niya noon.
Sumagi sa isip ko ang girlfriend niya.
"Ano ba 'yan, bad trip tuloy," ani ko at iwinaksi na lang iyon.
Naghintay ako ng ilang minuto nang naalala si Second, nagbabakasakaling magtext ulit siya ng bible verse o 'good morning' sa akin.
Pero kumatok na lang si Mama para ayain akong kumain ay wala pa rin kaya sumuko na ako at bumaba.
"MAY ibibigay ako sa 'yo, Gab." Pagkapasok na pagkapasok ay iniabot ko agad sa kaibigan ang isang keychain at pen na may tatak Boracay.
"Taray, may pa-ayuda si mare, where you galing?" Kinuha niya iyon at pinagmasdan.
"Sa asawa ng ate ko galing iyan, pasalubong ganoon," sagot ko at dumiretso na sa upuan, sinundan niya naman ako. "Ba't wala sa mood ang bebs ko na iyan?"
Umiling lang ako at saglit pang sinulyapan ang upuan ni Second na ngayon ay bakante bago ako naupo.
"Bakla ka, hindi ka naman pinakain ng panis na agahan ni Auntie, 'di ba?" usisa pa nito at umupo sa harapan ko.
"Nope, absent si Second?" tanong ko kahit obvious na.
"Nakita mong wala rito, e, 'di absent nga."
Bumuntonghininga ako. "Bakit kaya?"
"May contact ka sa kaniya?"
Tumango ako.
"E, 'di i-text mo."
Kaya iyon ang ginawa ko.
Ako: hi, second, ayos ka lang ba? alam ko na nagpaalam ka na kahapon, pero gusto ko lang ng assurance, hehe. reply asap. thanks, mwa
"Lantod ka, bakit may pa-mwa?" Sabay hablot niya sa iilang hibla ng aking buhok.
"Nasanay lang, char-char lang naman iyan," pagrarason ko.
"Balik na ako, nararamdaman ko nang papalapit na ang panot," aniya at umalis na upang bumalik sa sariling upuan.
Habang nagka-klase ay lumulutang ang isip ko. Kay Chase at kay... Second.
Naalala ko ang sinabi ni Ate Audrey kahapon. May CHD daw ito, hindi kaya umatake iyon kaya absent siya?
Taga-saan kaya siya?
Ipinilig ko ang ulo. Hindi pa namin kami ganoon ka-close kaya dapat hindi ko siya isipin nang isipin.
But then after our morning class, my phone beeped.
Second Montessori: Hi, hindi kaagad ako nagreply kasi alam kong may klase, pero siguro mababasa mo na ito ngayon dahil sa tantya ko ay tapos na ang pang-umagang klase. Salamat sa message mo, pero ayos lang talaga ako. '(*∩_∩*)′
Napangiti ako dahil sa kaginhawaan.
Hindi ko kailangan mag-overthink dahil nakapagreply siya. Napanguso ako dahil napapansin kong nasa nature niya yata ang maglagay ng emoticon sa text.
Ako: hays, buti naman! papasok ka na ba bukas? huhu, pasok ka na, plet
Pagkatapos kong magreply ay ibinulsa ko na iyon para pumunta na kami ni Gab sa cafeteria... this time, may dala-dala akong box na ibibigay kay Chase. Friendly gift lang baka kasi ano isipin ng girlfriend niya.
"Relief goods?" usisa ni Gab at nagbaba ng tingin sa hawak-hawak kong wrapped box.
"Tangek, friendly gift."
He looked at me in disbelief. "Jusmiyo ka, lunod na lunod lang at naisipang magbigay? Baka mamaya sugurin tayo, ah?" Hinila niya ako para maupo sa upuan. "Ako na ang oorder, sahod ni Nanay kahapon, e."
"Luh, huwag na! Ako na, ito naman!" sita ko at tumayo.
Tumango naman siya. "Sige, sabi mo, e. Masunurin kaya ako." Tatawa-tawa siyang umupo sa katapat na upuan at inagaw sa hawak ko ang gift. "Hawakan ko muna, chupi."
"Ingatan mo, special iyan."
"Oki, sige na."
Inilibot ko ang paningin sa loob ng cafeteria at walang bakas ng katauhan ni Chase ang naroroon.
Huminga ako nang malalim at nag-order na. Mapayapang natapos ang lunch namin ni Gab, hindi ko man lang nakita si Chase at dahil din hindi ko na rin siya hinanap pa.
Pupunta na lang ako sa room nila mamaya.
Binasa ko na ang reply ni Second pagkatapos ng lunch.
Second Montessori: Sorry, pero hindi ako magpa-promise. Bakit, may problema ka ba? You can tell me. (∩︵∩)
Ako: wala naman, hahaha. ingat ka, ha? sige, bye na!
"Gab, una ka na. May daraanan lang ako," pagpaalam ko at bahagya pa siyang itinulak.
"Hays, bahala ka nga. Bumalik ka kaagad baka mamaya rumatatat na naman si panot."
"Oo, saglit lang 'to!"
Gaya ng ginawa kahapon ay dumaan ako sa tulay sa pagitan ng dalawang building para mapadali ang punta ko. Nasa hallway pa lamang ay napansin ko na ang mga senior na nagsisilabasan. Gumilid pa ako para hindi mabangga.
Tumingkayad pa ako para hanapin sa linya ang taong hinahanap ko, pero hindi siya ang nakita ko kung hindi si Caius kaya siya ang itinawag ko. "Caius!" pagtawag ko at kumaway pa para makita niya.
Lakad-takbo siyang lumapit sa akin at pinunasan pa ang pawis sa noo gamit ang towel na nasa balikat niya. "Bakit?"
"Saan si Chase?"
"Nasa loob pa, may event kami ngayon sa gymnasium at susunod na lang daw siya," aniya.
Ngumiti ako. "Salamat, sige, una ka na."
Akmang kukurutin niya ako sa pisngi nang hawiin ko ang kamay niya. "Epal ka po, alis na!"
"Epal ka po," panggagaya niya sa mas maarteng boses.
"Hoy, Caius, bata iyan! Pedophile!"
"Gara mo, 2 years lang gap namin!"
Sinamaan ko siya ng tingin kahit wala sa akin ang atensyon niya. Binangga ko na lang siya at umalis na patungo sa class room kung saan daw si Chase.
Sumilip ako sa bintana at hinanap ang tao roon hanggang sa may nakita akong dalawa.
Sigurado akong si Chase at Ladyn iyon. Nakatalikod si Chase sa direksyon ko, nakaupo naman ang girlfriend nito sa upuan habang siya'y nasa baba, naka-angat ang tingin na para bang nanunuyo.
May parte sa puso ko ang kumirot, ngunit hindi ko pa rin sila nilulubayan ng tingin.
Kita ko ang paghawak ng lalaki sa baba ng kasintahan at dahan-dahan niyang inabot ang mukha nito upang halikan.
1, 2, 3, 4, 5... limang segundo yata ang itinagal ng halik nila. Bago pa man nila ako makita ay umalis na ako roon na mabigat ang loob.
Buti na lang nang pagka-upo ko ay saka pa ang pagdating ni Sir, hindi ako masesermunan ngayon na maaaring maging dahilan pa nang pagbagsak ng grado.
Binalingan ko si Gab at naabutan itong papikit-pikit na, halatang gusto nang bumagsak ng talukap ng mga mata nito.
"Gabbana Flavio!"
Napatakip ako ng bibig para magpigil ng tawa nang nasaksihan kung paano malapit mahulog si Gab sa kinauupuan dahil sa gulat. "Ay, panot!" naibulalas nito.
"At ramdam na ramdam mo yata ang pagtulog sa gitna ng klase ko, Flavio?" sarkastikong saad ni Sir.
"Akala ko kasi ikalawang tahanan ang eskwelahan, Sir," kamot-batok na sagot ni Gab.
"Nauubos na ang pasensiya ko sa iyo, isang-isa ka na lang talagang ikululong kita sa detention room," banta ni Sir.
Natameme ang kaibigan dahil sa seryosong boses nito.
Natapos ang klase nang matiwasay. Gaya ng nakagawian ay sabay kami ni Gab.
Lumipas ang ilang araw, si Gab lamang ang naimbitihan ko sa birthday ng pamangkin ni Acee, gusto ko nga sanang imbitahin si Second kaso bukod sa hindi na siya nagreply sa message ko ay ilang araw na rin siyang absent.
Gusto ko nga puntahan, pero hindi ko naman alam kung saan nakatira. Ayaw ko namang magtanong kay Chase, at isa pa... pakiramdam ko ay nanghihimasok na ako kung mamimilit pa.
"Nakaka-miss ang bebe na iyon. Hindi pa rin nagreply sa iyo, bebs?" tanong ni Gab habang kumakain kami sa cafeteria.
"Hindi, e. Out of reach na rin."
Napabaling ako sa kabilang direksyon nang nakita kong pumasok si Chase sa cafeteria kasama ang mga kaibigan at malamang ang girlfriend.
Naalala ko tuloy iyong ibibigay ko sa kaniya, nakikipagdebate ang kaloob-looban ko kung ibibigay ko pa ba o hindi na.
But in the end, I decided not to.
Sa susunod na lang siguro ulit.
Isang beses na nagtama ang paningin namin na kinakailangan yatang mabitin sa ere ang pagkaing isusubo ko dahil sa aksidenteng pagkakatinginan namin.
Pero dahan-dahang nanlaki ang mata ko, at nagsimulang dumagundong ang kaba sa dibdib nang maglakad siya patungo sa direksyon namin nang hindi pinuputol ang tingin sa akin. Para bang siya lang iyong nakikita ng mata ko, kahit ang totoo ay kasama nito ang kasintahan.
"Second asked me to give you this," panimula niya at ipinadausdos ang isang papel sa lamesa ko.
"H-Ha?" nauutal na ani ko, nakatitig pa rin sa kaniya.
He glared at me and tapped the table three times. "Just read it, stranger," anito atsaka umalis.
Napatitig ako sa maliit na envelope sa lamesa bago nag-angat ng tingin kay Gab na ngayon ay nagmamasid lang sa akin. "Basahin mo, bebs."
Tumango-tango ako kay Gab at kinuha ang envelop bago buksan at isa-isang tinanggal ang pagkakatupi ng papel na nasa loob nito.
See you again
The first time you caught me staring at you
Heart wanted to jump within the ribcage
It wasn't normal,
Had to practice proper breathing
Days you guys spent with me,
Were the days I treasured the most
Would bring it till the end
See you again, my friend
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top