Chapter 3

Chapter 3: Stranger

Para akong nalantang gulay nang pumanhik pabalik pagkatapos umorder ng pagkain.

Kailangan niya ba talagang gawin iyon?

Kaagad naman akong napasinghap sa naisip. Sino nga ba ako? E, ano namang paki ni Chase kung halikan niya ang kasintahan sa harap ko?

Ako lang naman iyong may gusto sa kaniya... at sa tingin ko hindi naman siya aware sa feelings ko sa kaniya.

I haven’t made a move yet.

“Kain na kayo,” saad ko at inilapag ang tray sa table namin.

“Uh... ayos ka lang?”

Napalingon ako kay Second nang tanungin niya iyon atsaka ako nagpatango-tango. “Naman! Sige na, kain na.”

“Ba‘t ito inorder mo kay bebe, Ands?” tanong ni Gab sabay ayos ng mga pagkain sa mga harap namin.

Nagpakurap-kurap ako at pagak na natawa. “Ano...” Sasabihin ko ba? Wala rin namang sense kong magsisinungaling ako, para saan pa? “Sabi ni Chase.” Atsaka ako tumitig kay Second na halatang nagulat sa sinabi ko. 

“S-Si Kuya?” hindi makapaniwalang aniya.

Tumango ako. “Bakit?”

Si Gab naman ay nagsimula nang nilantakan ang pagkain habang nakikinig sa amin.

“Sigurado ka ba na si Kuya?”

Tumango ulit ako.

Nagbaba siya ng tingin sa pagkain bago ulit sa akin. “Salamat, Andy.”

Nagsimula na kaming kumaing tatlo nang nahagip ng paningin ko sina Chase at ang girlfriend niyang si Ladyn.

Nagbaba na lang ulit ako ng tingin sa pagkain at doon ipinukol ang atensyon.

“Ay, ang sweet nila, bebs,” komento ni Gab.

Hindi ko napigilang mag-angat ng tingin at bumaling doon sa direksyon nilang malapit lang sa amin.

True to what Gabbana said, they‘re sweet. As in, magkadikit ang dalawa at nagsusubuan ng pagkain habang nagngingitian sa isa‘t isa.

“Kaya siguro nawalan ako ng gana kumain, need pala ng may jowa na susubo sa iyo,” si Gab ulit atsaka ako kinalabit.

Umismid na lang ako at napatingin kay Second na mukhang kanina pa pinapanood ang kilos ko.

“Ayos ka lang?” we asked in sync.

Tumikhim ako habang siya‘y napaiwas ng tingin.

“Hala, bebe, baka sabay kayong mamatay.”

Nangunot ang noo ko sa pahayag ng kaibigan.

“Sabi kasi kapag sabay at pareho ng sinabi ay sabay mamamatay.”

“Daming alam!” singhal ko.

“I don’t believe in that. For sure, Andy will live longer than I am,” sabat ni Second sa mababang boses.

Napanguso ako. “‘Di ka naman clairvoyant.”

“I wasn’t acting one. That’s the truth,” sagot nito.

“O, siya. Tama na iyan mga bebe, arat na baka mahuli pa tayo.”

Sumulyap pa ako ng isang beses sa puwesto nila at naabutan ang paghalik ni Chase sa labi nito.

That’s too much, Andy. Tsismosa ka kasi kaya ka nasasaktan.

Naalala ko tuloy na isa sa policy sa eskwelahan na bawal ang PDA o public display of affection dahil nga mga estudyante pa at ang layunin ay mag-aral nang mabuti at hindi lumandi.

Though, hindi naman iyon mapipigilan. May sari-sarili tayong buhay kaya ikaw ang magdedesisyon ng iyo, pero para rin naman iyon sa magandang imahe.

Maiwasan ang mga complications. Siguro, dapat sa private sila maging ganoon dahil sa totoo lang... ang sakit nila sa mata.

Lumipas ang mga minutong naghihintay kami sa na pumasok si Sir Javier para sa susunod na klase, pero mag-iisang oras na‘y wala pa rin kaya ang mga kaklase ay nagsilipat na sa kung saang upuan para makipagdaldalan sa kani-kaniyang kaibigan.

I looked over my shoulder just to catch Second looking at me. Nagbaba kaagad siya ng tingin at nagsulat sa notebook niya.

Nangunot ang noo ko.

Hindi ko na lang iyon pinansin at umayos na lang.

Minsan ay wala talaga si Sir Javier, pero hindi naman maaaring umalis kami dahil baka mamaya ay bigla na lang iyong lumitaw at baka mapalabas na naman kami. Magaling siyang manakot lalo na sa mga salita, hindi mo alam kung tototohanin niya ba o nananakot lang.

“O, saan ka pupunta?”

“Labas lang ako saglit,” paalam ko kay Gab nang napansin niyang tumayo ako.

Naningkit ang mata niya. “At saan ka pupuntang haliparot ka?”

Natawa ako. “Diyan nga lang, ito naman!”

“Samahan kita?”

Umiling ako. “Huwag na...”

Nagkibit-balikat siya. “Oki, balik ka kaagad, ha? Baka kasi mamaya nandito na iyong panot,” pabulong na aniya.

“Oo na.”

Senior na si Chase habang ako ay nasa huling taon ng junior, malapit lang ang building nila sa amin kaya dumaan ako sa tulay sa pagitan ng dalawang building para mas mapadali akong pumunta roon.

Hobby ko na yatang sumulyap kapag wala akong ginagawa. Naisip ko rin na baka sa susunod na lang ako magbigay ng mga bagay-bagay kung sakaling maghiwalay sila ng girlfriend niya.

Hindi ko naman pinagdadasal na maghiwalay sila, gusto ko lang na malaya akong makapagbigay ng regalo o kung anong bagay sa kaniya nang hindi nakakarinig ng mga masasamang salita galing sa iba.

Dahan-dahan akong sumilip sa class room nila at mukhang nagkaklase na sila.

Hinanap ng mata ko si Chase sa loob nito, panay ang paglinga ko at nag-iingat na hindi mahalata ng professor na nagtuturo sa harap.

“Huli ka!”

Napaigtad ako nang may gumulat sa akin.

“Ano ba!” singhal ko dahil sa gulat.

“Cutting class para sa sulyap? That’s not a typical Reistre I know.”

“Shut up, Caius.”

Caius is a friend, mas naging komportable lang kami sa isa‘t isa nang nalaman kong kaklase niya si Chase at nang nalaman niyang may pagtingin ako rito.

“Bata ka, gusto mo isumbong kita kay Dean?”

I gritted my teeth. “E, ba’t ikaw nasa labas? Nagkaklase kayo, ‘di ba?”

Ngumisi siya. “Galing akong comfort room, bata.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Teenager na ako, Kuya Caius,” pang-aasar ko sa kaniya dahil alam kong mas matanda siya ng dalawang taon sa akin.

Ambang kukurutin niya ang pisngi ko nang umilag ako kasabay rin sa yapak ng sapatos na narinig namin sa gilid.

Pareho kaming napatingin doon.

“Are you seriously flirting with her, Caius?” May bahid na pagkainis sa boses na iyon ni Chase.

Oo, si Chase ang nagsalita.

Napalunok ako dahil parang ngayon lang nangyari ang ganito.

“Kung crush ako nito, bakit hindi?”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Hoy!” sita ko at hinampas siya sa braso.

Halata namang inaasar niya si Chase dahil napansin ko ang pagtangis ng bagang ng huli.

Nalulunod na naman tuloy ako.

Bakit ganito ang reaksyon niya?

Ayaw ko namang umasa kasi alam ko hindi niya rin ako pinapaasa.

Pero kasi... bakit parang galit siya?

“Get inside, Caius.” Dumapo ang tingin niya sa akin atsaka siya umirap. “And you, go back to the place where you belong.”

Tatawa-tawa si Caius nang tapikin niya ako at si Chase bago kami iwan sa labas upang pumasok na sa loob.

“Hindi naman ikaw iyong... masusunod,” pagmamatigas ko pa.

He tsked. “What are you doing here, anyway?” pag-irap niya.

Ewan ko kung matatakot ako sa kasungitan niya o kikiligin na lang. Paano kasi, lalo siyang gumaguwapo kapag nagagalit.

Magkaibang-magkaiba sila ng kapatid.

Maamo at mala-anghel ang mukha ni Second, ganoon din naman ang ugali. Opposite sila dahil itong isa ay suplado pero guwapo pa rin... he‘s the devilish type while Second’s the angelic one.

“Naglalakad-lakad lang.”

“Inabot ka sa building namin?”

Tumango ako. “Exercise na rin,” kagat-labing pagpapalusot ko.

Suminghap siya at humakbang papalapit sa akin, napaatras ako. “I could sense that you‘re smart, so...” He smirked that made my heart sank in delight.

Inilapit niya pa ang mukha sa akin at tinitigan ako sa mata. “Don’t give me that lame excuses, stranger. Go back to your class room now before I report you.”

I was left dumbfounded, heart‘s beating erratically.

That was... sobrang lapit niya sa akin kanina! We never had a conversation before, and today‘s the first time in front of their class room!

I was so happy... ni hindi ko inintindi iyong pagtawag niya sa aking stranger. Dahil totoo naman, hindi niya ako kilala sa pangalan.

Parang nanginginig pa ako habang naglalakad palayo sa silid nila dahil baka mamaya ay isumbong niya nga ako.

Hindi naman ako takot... pero kailangan ko siyang sundin. Parang kailagan ko lang talaga.

My phone beeped inside my skirt so I took it out and read a message.

Second Montessori: bebs!!! d2 na si panot patay kang malandi ka!!! -gabbana diyosa

Hindi pa nagsink-in sa akin ang message hanggang sa natanto ko na si Gab nga ang nagtext sa akin gamit ang phone ni Second. Saved na ang number niya sa akin dahil nagtext nga ito kaninang umaga na hindi ko naman nareplyan.

Parang hindi ako kinabahan habang pabalik na sa klase. Masyado akong kinikilig at masaya ngayon at sa isip ko ay walang makakabasag noon.

Well, except Sir Javier.

“At saan ka galing Reistre?! Hindi ka si Dora para maglakwatsa kung kailan mo gusto! Hala, sige, labas! 0 ka sa akin ngayon!” bulyaw niya hindi pa man ako nakakahakbang sa loob.

Yumuko ako. “Apologies, Sir.”

“Apology doesn’t change anything! Labas, huwag ka muna magpakita sa akin at nagngingitngit ako sa galit! Kakapal ng mukha para balewalain lang ang klase ko!”

“Excuse me, panot—este Sir Javier!”

Awtomatikong nakuha noon ang atensyon ko at ng iilang kaklase, may ibang nagpipigil ng tawa dahil talagang dinig ang pagbanggit niya no’n.

“Sinisigawan mo ba ako, Flavio?!”

“Lakas naman maka-ginoo ng Flavio, Sir, Gabby na lang para naman modernong dalaga pakinggan.”

Napailing na lang ako sa kalokohan niya, pero alam ko namang ginagawa niya lang iyon para hindi na ako buntungan pa ng galit ni Sir.

“Kung nasa unang panahon pa tayo, Flavio, baka pinabaril na kita sa mga guardia civil.”

“Shala, harsh naman buti na lang nasa 20s na tayo,” sabat pa nito.

Nagsaaagutan pa sila. No one dares to interrupt, hinayaan ko na lang din dahil sanay naman na kami kapag nagkakabangga si Sir Javier at Gabbana.

Buti na lang at hindi pa ito nada-drop-out kakasagot niya kay Sir.

Para akong estatwa na nakatayo sa gilid ng pintuan dahil nga ayaw akong papasukin ni Sir.

Nahagip ng paningin ko si Second... at hindi ako nagkakamali nang nahuli ko na naman siyang nakatingin sa akin.

He‘s starting to creep me out.

Baka kasi may masamang balak ito kahit alam ko naman na imposible dahil mabait at tahimik ito. Medyo weird lang kasi halatang nakatitig siya sa akin lalo na ngayong araw.

Sana nga rin ay tuloy-tuloy na ang pagpasok niya.

Nasa labas ako at tunganga hanggang sa natapos ang klase.

“Saan ka ba kasing lupalop nagpupupunta,  inggrata ka!” si Gab nang nakita ako sa labas. Bitbit niya ang bag ko at pabalang na ibinigay sa akin, sa gilid niya naman ay si Second na nakatingin sa akin, medyo nakanguso pa siya.

“Galing ako sa building nila, malay ko ba kasing papasok siya... e, ‘di sana hindi na ako umalis.”

Umirap siya at iniangkla ang kamay sa braso ng katabi. “Sabay ka sa ‘min ngayon, bebe.”

Nginitian ko na lamang si Second para iparating na ganoon talaga ang kaibigan.

Sabay kaming naglakad sa hallway para umuwi na. Nasa gitna namin si Gab at parehong naka-angkla ang kamay nito sa aming braso.

Halos magkasingtangkad lang si Gab at Second habang ako ay maliit. Hindi ako katangkaran, sa totoo lang. At kung susukatin ay hanggang balikat lang nila ako.

“Ingat, bebe! Pasok ka bukas, ha? Libre ulit ni Ands kaya ayos lang!” pagpaalam ni Gab sa lalaki na papalihis na ng direksyon.

Ngumiti siya sa amin at bahagyang kumaway. “Salamat,” anito.

A small smile crept on my lips as I saw how beautiful his eyes were when it got hit by the sun’s ray. “Ingat, Second,” pahabol ko.

Nasa loob na kami ng SUV para umuwi na. “Manong, binisita ba ng mga kuya at ate ang bahay kanina?” tanong ko sa aming driver.

“Dumaan sina Sir Kent kanina para mangamusta, pero umalis din kaagad dahil may hearing pa raw na pupuntahan.”

Tumango ako at sumandal sa upuan. “E, sina Ate po?”

“Bago ako umalis nandoon pa sila pati na rin iyong mga bata.”

Awtomatikong dinapuan ako ng pagkasabik dahil nandiyan ang mga pamangkin.

“Gab, sa weekend puntahan kita sa inyo, gala tayo. Ayos lang ba kay Nanay Beth?” sabi ko sa kaibigang katabi.

“Ay, bet na bet ko talaga iyan! Sige, puntahan mo ako, wala namang magagawa ang mudra kung nandoon ka na. Mas anak pa nga ang turing sa iyo kaysa sa akin!” pagmamaktol niya.

Natawa ako.

Tuwing dinadaanan kasi namin ang bahay nila para kunin siya para pumasok at ibababa pag-uwian ay minsan nakakausap ko ang nanay niya. Mabait iyon at noong pumunta ako roon ay mukhang ayaw na ako pauwiin dahil nawiwili raw siya sa akin.

Huminto ang sasakyan nang nasa tapat na kami ng bahay nina Gab. Hindi na ako bumaba at sumilip na lang sa bintana at kumaway. “Ikumusta mo na lang ako sa nanay at tatay mo! Nandoon kasi ang mga pamangkin ko sa bahay, e!”

“Oo naman, sige! Salamuch, bebs! Salamat din, Manongs!”

PAGKAPASOK ko pa lang ng bahay ay rinig ko na ang mga boses at ingay ng mga bata.

“Tita’s here! Won’t you guys give Tita a hug and kisses?” anunsyo ko.

Awtomatikong tumigil sa paglalaro ang mga ito nang natunugan ako.

Nag-unahan sa paglapit si Jairus at Carlisle akin, sa kanilang lahat itong dalawang lalaki ang pinakamalapit sa akin dahil talagang dikit na dikit din ang mga ito.

“I’ve missed you, ‘ta!” Jai exclaimed and kissed me on the cheek.

I bend over to level the kids. “Me too, baby.” Bumaling naman ako kay Carlisle na kanina pa hinihila ang damit ko. “How are you, Carl?”

“Carlisle’s fine,” sagot naman nito at humalik sa pisngi ko.

Natawa ako at pinalapit naman ang ibang mga pamangkin. “AJ, Clinton, Acee, and Avril! Give Tita a hug!”

Nagsilapitan sila maliban kay Clinton na ngayon ay nasa tabi lang ng kakambal na si Carlisle.

“Tita, guess what?” si AJ, ang anak ni Kuya Zian at Ate Audrey. “Clinton’s jealous.”

“Huh? Why?” kunot noong tanong ko pagkatapos yakapin ang dalawang babae.

“He wants to hug you first, but the two guys over there.” Itinuro niya si Jairus at Carlisle bago ulit bumaling sa akin. “They didn’t let him, they’re so mean and I felt bad.”

“Aww, don’t worry, Tita loves you all. Now, Clinton, come here.” I opened my arms to welcome him as he ran and hugged me tight.

I giggled. “My jealous baby boy. How are you, buddy?”

“Not okay.”

“And why’s that?”

He pouted and blinked. “Papa didn’t play with me... Jai and Carl betrayed me too while AJ doesn’t want to play guitar... lagi siyang basa-basa ng assignments niya,” pagsusumbong niya at nabulol pa.

“How ‘bout the two girls? Why don’t you play with them?”

He cutely frowned and pinched my nose. “Tita! I don’t dress up dolls! I’m a boy!”

“How ‘bout... you play with Tita?”

“No, thanks. You‘re busy.”

I made a face.

Lumabas naman si Ate Allison at Ate Ariane na mukhang galing yata sa kitchen dahil may dala silang pagkain.

I kissed them both in cheeks bago ipinaubaya ang mga pamangkin para magbihis muna sa itaas.

I checked my phone first when a notification poppep up.

Tweets ni Chase!

montessori @chaseyuan

why did i feel like i just saw the entire universe in your eyes

montessori @chaseyuan

stranger

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top