Chapter 29
Chapter 29: Cherish
Second: I wanna go to church with you. That’s the number one on my list.
Ako: hmmm, date ba iyan? 😗
Second: Hmm
Second: You could say that.
Ako: HAHAHAHAHA OKI PO, IDE-DATE MO BA AKO BUONG ARAW??? 'COS THAT’S THE 4TH ON MY LIST! date with youu (harot sorry huhu)
Second: It’s fine. Are you free the whole day?
Ako: Yes! Always. For you! 🤭
Second: Hahahaha! Sige, pupunta na lang ako sa inyo kasi gusto kong personal na magpaalam sa mga magulang mo na hihiramin kita.
Ako: ay hahaha akala ko personal na mamamanhikan, langya ang poor ng reading comprehension ko hahaha but sure, waiting ako! send ko address!
Second: Silly Andy ಠ︵ಠ
“Ma! Aalis po ako buong araw, ha?” sigaw ko habang bumababa ng hagdan. I just wore a white crop tee, beige buttoned skirt and a white shoes. I put my hair into a messy bun.
Kapag talaga hindi pa nagandahan si Second sa akin, ewan ko na lang. Pareho sila ni Chase na walang taste ang mata.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Mama at bahagya pang inayos ang skirt ko.
“Simba po with a friend.”
“Friend? Sure ka?”
Ngumuso ako. “Si Mama, nagdududa! Oo nga po, promise. Pupunta siya mamaya rito para ipaalam ako nang personal.” I checked my outfit. “Maganda na ba ako, Ma?”
Humalakhak siya. “Aba’t siyempre, nagmana ka sa ’kin!”
Sumimangot ako. “Kapag iyan hindi, ah!”
We heard a door bell.
“Ma, baka si Second na iyon! Saan ba si Papa?” tanong ko habang nagmamadaling umalis para ako na lang ang sasalubong kay Second.
Nang buksan ng guard ang pinto ng gate ay pinapasok niya kaagad si Second. I squealed when I saw him.
“Second! Shit, talagang pinaghandaan mo ang date natin, ah? Guwapo!”
He’s wearing a white polo, jeans and a sneakers. His new hair cut made him look younger and fresh.
He pursed his lips and scratched the back of his head. “Hello...”
“Dali! Papakilala kita sa parents ko!” Hinila ko siya papasok sa bahay namin at sakto namang nagkasalubong kami nina Mama.
“Ma, Pa! Si Second po,” sabi ko at sinulyapan si Second na parang gusto na lang umatras.
Napahagikhik ako.
“Magandang umaga po...”
“Good morning, hijo. Ikaw ba iyong friend ni Andy saka ni Gab?” si Mama.
Tumango naman ang lalaki.
“Saan kayo pupunta ng anak ko?” seryosong tanong ni Papa kaya medyo namutla si Second.
Napanguso ako. “Pa, easy-han mo lang...”
“Uhm... church po,” si Second.
“Oh? Ano ang gagawin ninyo sa simbahan?”
Mahinang hinampas ni Mama si Papa sa braso. “Jusko, Roen! Ano pa ba ang ginagawa sa simbahan? Malamang magsisimba, ano ang inaasahan mo? Magpa-party sila roon?” sarkastikong sagot ni Mama.
I gave Second an apologetic smile. “Pasensya ka na, minsan talaga ganiyan kami...”
Papa let out a bark of laughter. “Sige. Ingatan mo ang anak ko kung gusto mo pang umuwi na kumpleto ang katawan.”
“Papa, huwag mo naman takutin baka ayaw na ako yayain nito!” natatawang sambit ko.
We laughed.
“Mag-ingat kayo roon, ha? Andy, call me if something go wrong,” si Papa.
Tumango ako at hinalikan ang mga pisngi nila. “Magagabihan po ako, pero trust me,” pahabol na bulong ko kay Mama.
Tumango lang siya at pinalaya na kami. Actually, Mama already knew about his situation dahil na rin sa madalas na pagbisita namin ni Gab kaya ngayon... alam niya na ang gusto ko kaya pinapayagan niya na rin akong gabihin dahil alam niyang ma-sa-satisfy ako o magsisisi in the end.
“You brought car?” kunot noong tanong ko nang makita ang pamilyar na sasakyan sa labas.
“No, it’s Kuya’s. He drove me here, and volunteered to send us wherever we go,” nahihiyang paliwanag niya.
Napaawang ang labi ko. “You mean... sasama siya sa lakad natin?” Bigla akong na-awkward.
“Uh, no. Ihahatid lang then he’ll go, but if you want... we can commute.”
“Okay lang, pag-uwi na lang natin tayo mag-commute.”
“You sure?”
Umirap ako. “Oo nga.”
Nalito tuloy ako kung saan ako sasakay, pero kalaunan ay sa backseat na lang at doon si Second sa front.
Aksidente akong napasulyap sa rear view mirror at nagtama ang paningin namin ni Chase. Tumaas ang kilay niya sa akin, tila nanunuya.
Inirapan ko siya.
Nang makarating kami sa Antipolo Cathedral—which is dito namin napiling magsimba para diretso lang sa gala—ay nagsimula na ang panibagong mass sa umaga kaya naman wala na kaming mauupuan dahil usually talaga maraming nagsisimba which is good. Paghatid namin ay umalis na rin si Chase.
Pareho kaming nakatayo ni Second sa gilid sa loob ng simbahan habang nakikinig sa misa.
“Magbigay kayo ng kapayaan sa isa’t isa,” ani pari.
“Peace be with you.”
I glanced at Second who was looking down at me. I smiled. “Peace,” sabi ko.
Nilahad niya ang palad. Nalilito man ay ipinatong ko ang kamay sa kaniya nang dalhin niya iyon sa labi para patakan ng malambot na halik. “Peace.”
Did he just... kiss my hand?!
I bit my lower lip as I looked away. Oh, my gosh! I didn’t see that one coming!
Pinaplano ba nitong lalaking ’to na ma-in love ako sa kaniya... tapos in the end iiwan din ako?
Napailing na lang ako sa naisip hanggang sa lumabas na kami pagkatapos ng misa.
“Kumain muna tayo bago pumunta sa kung saan,” aniya habang sinusuri ang paligid.
I nodded.
Pababa na kami sa mababang hagdan papalabas sa area ng cathedral.
“Saan mo gusto kumain?” tanong niya nang huminto kami sa gilid kung saan nakahilera ang mga sari-saring paninda gaya ng kandila, mga suman, at iba pa.
“Kahit saan,” tugon ko dahil hindi ko naman talaga alam kung saan.
“Huh? Sige na.”
“Kahit saan, ikaw na bahala.”
Sinimangutan niya ako. “Oh, gosh... just pick one.”
Sinimangutan ko rin siya. “Kulit. Ikaw na pumili, I can eat anywhere.”
Bumuntonghininga siya, hindi pa rin nawawala ang simangot sa mukha.
Natawa ako. “Stressed ka? Ikaw na kasi pumili!”
Tumaas ang kilay niya at sumilay ang ngiti sa labi. “Oh, I know I can handle this one.” He smirked.
“Huh?”
“Hmm, Andy.” He crouched a bit to level me. “Hulaan mo saan tayo kakain?”
Napatitig ako sa kaniya saglit bago inikot ang tingin sa paligid para makapag-isip. May McDo sa kanan malapit sa Victory Park, sa kaliwa naman may Jollibee tapos Mang Inasal.
“Sa Mang Inasal?”
He chuckled. “Got it.” Tapos hinawakan niya ang kamay ko at hinila na papaalis.
“Hmm, nakakagutom! Ang bango!” I exclaimed.
Dumating na ang order namin at napagpasyahan namin na kumain doon banda sa bintana.
“Uy, may challenge ako!” Sabik kong pinalakpak ang kamay sa isa’t isa at nakangisi siyang tiningnan.
“Ano?” aniya habang inaayos ang pagkain namin.
“Paramihan tayo ng rice na makakain!”
His lips parted. “Huh? What do you mean?”
Nginuso ko si Kuyang naka-green na may dala-dalang lalagyan ng unli rice.
“Nakikita mo ’yan? Tatawagin lang natin iyan tapos bibigyan niya tayo ng rice. Unlimited!”
“How much is it, then?”
I groaned. “That’s for free! At saka we ordered the unli rice one instead sa regular kaya no worries, ano! So, game ka ba?”
Napakamot siya ng batok. “Hindi ba iyon nakakahiya?”
Maarte kong pinaypayan ang sarili. “Bawal mahiya sa Mang Inasal! Dali na, gutom na ako! Please, payag ka na!”
He paused. “Okay, game.”
Napahalakhak ako at saka maayos na tinali ang buhok para walang sagabal, at pagkatapos kong maghugas ng kamay ay nagsimula na kami. I added sa challenge na magkakamay lang kami.
Kaya ngayon, may iilang pinanonood kami pero dapat mind their own business! Pumasok ba sila rito sa Mang Inasal para makiusyuso? Psh.
“Busog na ako,” mahinang sabi niya nang matapos kumain ng dalawang unli rice.
I tilted my head. “Hina mo naman, bestie!” mayabang kong sabi sabay bilang sa nakain kong rice. “Nakaka-apat pa lang ako. Sige ka, matatalo ka talaga.”
“What’s the consequences?”
“Ah, wala pa akong naiisip. Puwede rin kung sinong panalo siya magde-decide kung saan tayo pupunta after this!”
Obviously, in the end ay nanalo ako. Hanggang lima lang talaga ang kaya ko kaya ayon talo si Second kaya ngayon naghihintay na kami ng jeep para sa next destination namin.
“Cloud 9 tayo, Second,” sabi ko.
“Iyong may hanging bridge?”
Napatango ako, natigil nga lang nang maalalang may fear of heights nga pala siya. “Ay, sa iba na lang.”
He shook his head. “No, we’ll go there.”
“Pero...”
“No, it’s fine, really.”
Dahil hindi naman kami sanay sumakay ng jeep tapos mausok pa, we wore mask while waiting for a jeepney.
“O, Sumulong! Sumulong!” sigaw ng konduktor.
“Uy, tara na, dadaan ’to roon, e.” Hinila ko si Second papunta roon sa jeep. Inalalayan niya akong pumasok kaya roon ako sa bandang gilid, umusog lang ako dahil doon niya yata umupo sa pinakagilid malapit sa labas.
“Are you sure sa route nito? Baka maligaw tayo...”
I smirked. “Tama ito, ’no, saka nariyan si Kuyang konduktor.” Sabay turo roon sa lalaking nakasabit sa labas.
Napatitig siya roon bago ilapit nang kaonti ang mukha sa tainga ko para bumulong. “Hindi ba iyan delikado? He might fall but I hope he won’t.”
I giggled. “Hindi iyan, malakas katawan niyan. Anyway, is this your first time to commute by jeepney?” bulong ko pabalik.
Tumango siya.
Inilahad ko ang palad. Kinunutan niya naman akon ng noo. “Apir kasi,” ani ko. Nakipag-apir siya. “Naks, this is your first time with me then.”
“Ang sweet nila.”
“Sweet ka riyan, mamamatay rin naman.”
I was kinda offended after hearing it to the two girls in front of us. Hindi ko na lang sila pinansin.
“Grabe, naiiyak ako! Sobrang ganda rito, pero sigurado ka ba?”
“Yes. Facing my fears is included on my list,” he said cooly.
Napasipol ako. “Wow, that’s my bestie!”
Napataas ang isang kilay niya. “Bestie?”
I smirked. “Bakit, ano ba gusto mo? Boyfie?” biro ko.
Natahimik siya at nagpatiuna nang humakbang doon sa paakyat na hanging brigde rito sa Cloud 9. Tingnan natin iyang tapang mo.
Nang makita niya iyong ibaba ng hanging bridge ay hindi niya na itinuloy ang paghakbang pa at binalikan ako. “I’m scared,” amin niya.
“But you wanna face it, ’di ba? I’ll walk with you, no worries,” I assured. Iniangkla ko ang braso sa kaniya at mabagal kaming humakbang.
“God... I don’t think I can,” nininerbiyos niyang pahayag. Halata naman dahil nagsimulang manginig at manlamig ang katawan niya.
“We can. Try mo, you can overcome it, I assure you.”
Buti na lang at wala pang masyadong tao dahil baka maging sagabal lang kami sa daan patungo roon sa 360° View Deck.
Umihip ang sariwang hangin kaya napasinghap ako. “Malapit na tayo sa gitna! Let’s take a picture! Shems, sobrang ganda ng view!” I took my phone out and went to camera.
“Smile!” Pagkasabi ko noon ay tipid na ngumiti si Second. “Shet! Ang guwapo naman, pagaling ka na, ah? Sayang lahi mo!” sabi ko na kahit alam ko nang walang kasiguraduhan... pero ika nga nila, seize the moment while it lasts.
“O, isa-isa naman tayo ng picture! Teka, ikaw muna kukuhanan ko!” Pilit kong tinatanggal ang kamay niya na nasa braso ko, pero hinigpitan niya iyon sa paghawak. “Saglit lang, bitaw ka muna, clingy mo naman, bestie,” pagbibiro ko na naman na simangot lang ang natanggap galing sa kaniya.
Hindi na ako lumayo kaya half lang ang pagkakakuha sa kaniya pero it was nice capturing. Sunod naman ay ako ang kinuhanan niya gamit ang cell phone niya tapos akin. Namimilit kasi na dapat daw may picture ako sa kaniya, ayon hindi namin napansin na matagal pala kaming nasa gitna.
“Isipin mo na lang na nasa kalsada ka lang...” sabi ko nang magsimula na ulit kaming maglakad.
“Paano ko iisipin iyon, e, ang lawak-lawak nitong lugar, kitang-kita iyong mga kabahayan, puno sa baba... paano?” problemadong tanong niya.
“Cute mo talaga!”
And finally... we successfully arrived at the view deck, pero may problema pa rin pala ang kasama ko.
“Paano kapag pabalik na?”
“E, ’di tatawid ulit tayo?”
“Malamang, alangan namang lumipad na tayo pagbalik...” Lumukot ang mukha niya. “Okay, that was corny,” bawi ko, natatawa.
We just took a lot of pictures there especially the picturesque view of the mountain top. I was about to post some of our pictures on Instagram nang tumambad iyong post ni Second sa feed ko. Ang bilis niya naman.
I bit my lower lip when I realized it was all my photos. Noong nasa Mang Inasal kami, kanina sa hanging bridge tapos pinakahuling picture ay stolen shot ko na rito sa kinatatayuan ko na nakaharap doon sa over-looking view.
@secundusthesilent: In the future, I would be looking at these exquisite photos with a halcyon feeling. ICYF.
My lips quivered after reading his heart-warming caption. Ang hirap tuloy... alam kong mahirap siyang kalimutan pero mas lalong naging mahirap lang.
I posted our photos too with a caption ‘Let’s look back at these in the future and think of our halcyon days. ICYTF.’
Napangisi na naman tuloy ako sa kaharutan ko. Ha! Akala mo ba ikaw lang marunong, Second?
Sunod naman na pinuntahan namin ay ang Pinto Art Museum as his request. Sobrang saya ng araw ko, bukod sa mga magaganda at nakaka-enjoy na pinuntahan namin ay mas pinasaya lamang iyon ni Second. Gaya kanina ay kumuha kami ng maraming pictures habang naglilibot sa loob ng museum. May nadaanan din kaming activity na tree planting malapit doon, e, gusto mag-volunteer ni Second at hindi naman kaso iyon sa akin kaya tumulong kami nang buong puso, buti na lang ay may gamit para hindi kami ganoong marumihan.
Maggagabi na at buong maghapon kaming gumala ngunit wala man lang akong naramdaman na pagod. Ganoon talaga siguro kapag nag-i-enjoy ka nang sobra. Dumaan muna kami sa mall para kumain at magpahinga saglit pagkatapos ay tuloy pa rin kami sa paggala hanggang sa naggabi ay ang last destination namin ay sa Big Handy’s Grounds kung saan mag-i-star gazing kami. We rented some things since we didn’t bring anything other than ourselves.
Nakaupo na kaming dalawa sa mat at sa harap naman namin ang binili naming pizza na may maraming pineapple since favorite namin ang ganoon. Tahimik lang ako habang nakatitig sa kalangitan kung saan nagkalat ang mga nagkikinangang bituin.
“The stars look beautiful,” sambit ni Second.
I smiled. “Sobra.”
Minutes passed, we just found out ourselves lying on the mat. Just staring at the night sky and talking about life.
“If you’ve given a chance to choose, what thing do you want to symbolize you?” I started. Saglit ko siyang sinulyapan na seryoso lang din na nakatitig sa kalangitan.
“Oras. Gusto ko maging orasan.”
“Ba’t naman?”
“Time is gold.”
“You mean, gusto mong maging gold?” nakangisi kong tanong.
“No.”
“E, bakit?”
“Orasan. Gusto kong ipaalala sa mga tao na sa lahat ng bagay ay oras ang pinakamahalaga kasi hindi na iyon puwedeng ibalik kapag dumaan na...” he paused. “Gusto kong pahalagahan nila bawat segundo ng buhay dahil hindi natin alam kung anong bukas ang naghihintay. Para sa huli ay walang bagay na pagsisihan na dapat pala talaga ginawa ng mga oras na iyon...” Tumagilid siya at itinukod ang siko. Ginawa niya ring suporta ang kamay sa ulo at tumitig sa akin.
“Mahirap kalaban ang oras, kung lumipas na hindi na talaga babalik. How ’bout you?”
“Ako? Feel ko maging araw.”
“Bakit?”
“Kasi para ipaalala rin sa mga tao na may bukas pa? Na ayos lang maging mahina ngayon, magpahinga ka kasi bukas panibagong hamon na naman ng buhay ang kahaharapin mo. Puro bukas lang kasi hangga’t may oras, may pag-asa.”
He smiled. “I love your answer.”
Bumangon siya at may kinuha sa bulsa kaya naman bumangon din ako at pinanood siyang buksan ang isang maliit na box. Nilabas niya ang isang necklace roon at ipinakita sa akin. It is a tiny ornate silver clock necklace.
“My present for you.”
Umawang ang labi ko. “H-Hindi ko naman birthday... sa May 19 pa.”
He chuckled. “It’s not a birthday gift. Just a gift... gusto mo ba?”
Sinimangutan ko siya. “Malamang, duh!”
Ngumiti lang siya at lumapit sa akin para ikabit iyon at nang matapos ay tiningnan niya iyong pendant. “It’s a clock that symbolizes time,” he murmured.
Napatingin din ako roon at hinaplos. “Ang ganda... hmm, bakit ito ang naisipan mong pendant?”
“I chose that one because like the time... you’re precious, valued, and worthy. You’re like a time that shouldn’t be wasted... because a wasted time is a loss.”
Namula ang buong pisngi ko. Shet, kinikilig ako...
“Ibig sabihin niyan kapag sinayang ako ay kawalan?”
“Yes.”
Napanguso ako. “Thank you...”
“You’re welcome.”
Hindi ko na napigilang yakapin siya. Halatang nagulat pa siya sa ginawa ko pero kalaunan ay sumuko na rin siya at dahan-dahang ipinulupot ang braso sa akin. My hug tightened so as his.
“Ang suwerte ko saya, Second. Masaya akong nakilala kita...”
“Me too.”
I smiled as he kissed my forehead.
“Wala ba sa lips?” biro ko kaya napakalas siya.
Umiling siya.
“Bakit? Bad breath ba ako?” Inamoy ko pa ang hininga ko para i-check.
“No, not that.”
“E, ano?”
“We’re just friends... they don’t kiss.”
“Ah... e, ’di tayo na?” Ngumisi ako.
“No... we can’t.”
“Aray, ha! Hindi mo yata ako gusto, e...”
“That’s not what I meant.” He heaved a sigh. “We can’t... I’m not the one for you...”
“Paano mo naman nasabi?” mahinang tanong ko.
“We’re not meant to be together. You don’t deserve me.”
“So, hindi mo ako kayang ligawan kasi you think I don’t deserve you?” I probed hurtly.
“Kung mabubuhay lang ako nang matagal... why not?”
Halcyon days came. Another struggle occured.
Second was once again rushed in a hospital, and this felt a nightmare I badly wanna escape.
“Second’s looking for you,” mahinang sabi ni Ate Rhiane pagkalabas niya ng kuwarto.
Nagsimula nang manlamig ang kamay ko ganoon din ang panginginig ng labi. Sunod na lumabas ang hindi pamilyar na lalaki, pero kamukha ito ng magkapatid na Montessori.
“Kuya, mag-usap muna tayo. Hayaan mo muna ang mga bata sa loob,” si Ate ulit sa lalaki.
And then reality dawned on me. He’s Second and Chase’s father!
Napasulyap saglit ang lalaki sa akin na walang emosyon ang mukha bago sumunod kay Ate Rhiane.
Sumilip ako sa salaming bintana at nakita ang mga apparatus na nasa gilid at kung anong mga nakakabit sa katawan ni Second. Kakalabas lang ni Gab... sinadya kong magpahuli ng dating dahil ayaw kong maging mabilis ang oras.
“Gab...” My voice broke as I saw his swollen eyes.
Malungkot siyang ngumiti sa akin. “Alis muna ako saglit, pasok ka na... kanina ka pa niya hinihintay.”
Hindi ako nakapagsalita hanggang sa umalis na siya. Hindi ko alam. Naging blanko ang isipan ko. Parang ayaw kong gumalaw, ngunit ginawa ko pa rin. Nasa bukana pa lang ako ay naririnig ko nang mag-usap ang magkapatid.
“Hey, it’s fine... you’ll get through this, okay?” It was Chase.
I heard him sob... and it was the first time I witnessed it.
“You wanna celebrate your birthdays with me, right? Okay, let’s do that. Malapit na ulit iyong birthday mo, I’ll treat you just please... please live.”
“Kuya...”
“We’ll travel, dude. I’ll buy you anything, I promise... I’ll eat dinner with you starting from now on... just don’t leave yet.” Nanginig ang boses ni Chase.
My tears fell like a river.
“I’m sorry, Kuya...” si Second.
“No. I won’t accept that fucking sorry. I want you alive, Second... that’s all I’m asking! You want to be in good terms with me, right? Then I’ll give you a chance! Live... and we’ll be okay!”
“Kuya...”
“Bullshit, Secundus! I thought you’re strong, huh? Why can’t you defeat that demon who made you suffer since you were born?! Ilang beses ka nang naka-survive... tapos ngayon ka pa susuko?”
“I can’t...”
“What the hell are you talking about?”
“Pagod na ako, Kuya... hindi ko na kaya...”
I bit my lower lip. Lumabas na lang ulit ako at naupo sa waiting area habang mahinang umiiyak.
Hindi ko matanggap... hindi ko inaasahang darating pala itong araw na ito. O talagang hindi ko lang inalala dahil alam kong darating talaga.
At ngayong narito na ako sa sitwasyon na ito... parang... gusto ko na lang hilingin na sana hindi ko na lang siya nakilala.
But still a part of me was happy meeting him. Masyado lang ba akong duwag masaktan kaya naiisip ko na sana hindi ko na lang siya nakilala? Knowing na in the end... sasaktan niya rin ako.
Ayaw kong isipin iyong bukas.
Kasi... paano kung mawala na siya? Hindi ko alam.
Mabilis akong nagpunas ng luha nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa harap. Lumabas doon si Chase na namumula ang mata at hindi ako tanga para isiping hindi iyon dahil sa pag-iyak.
Tumigil siya saglit sa harap ko. “He wanna rest... and I can’t do anything about it. Please, talk to him. Maybe you can able to make him fight and live longer.” Iyon lang at umalis na siya.
Ilang segundo pa akong nakatulala sa labas nang sa wakas ay pumasok na rin ako sa loob. I have to face this... kaya ko, pero parang gusto ko na lang umatras lalo na nang magtama ang paningin namin.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at palihim na pinunasan ang luha niya sa mata. Nakahiga siya sa kama, maraming nakakabit sa katawan... at halatang mahina na siya.
Lumapit ako at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama. “I wanna spend Christmas with you,” sabi ko. “I added that on my list,” dagdag ko.
Pagod siyang bumaling sa akin at parang punyal iyon na itinarak sa aking puso. Sobrang sakit.
“I can’t.”
“A-Anong hindi?” kabado kong wika.
Dahan-dahan siyang bumangon at pipigilan ko na sana dahil baka kung mapaano siya pero itinuloy niya pa rin. He reached for my cheek and gently wiped it.
“Don’t cry too much, I can’t wipe it anymore once I’m gone,” he whispered.
I cried. “No... please? Huwag muna...”
“Kailan? Kailan ako puwedeng mawala?” masuyong aniya.
Umiling ako. “Can you stay forever, please? I love you, Second... please...”
His lips parted from what he heard, but seemed like he already knew how to handle this.
“I’m sorry but things aren’t permanent in this world... not even me.”
“T-Then... can you stay longer?” Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko para kumbinsihin siya.
“This is a borrowed life, Andy. At kung dumating man ang oras ko, tatanggapin ko iyon nang buong puso. I know He is doing this for a reason.”
“Paano kami? Ako?”
He smiled sadly and kissed my forehead. “You can live without me.”
“Pero...” Napahikbi na naman ako dahil pakiramdam ko ito na ang huli, pero sa kaibuturan ay taimtim kong ipinagdarasal na sana bigyan pa siya ng mahabang panahon para manatili sa mundong ito.
“Andy...” he called. Hindi ko siya sinagot at patuloy lang sa pag-iyak nang ipulupot niya ang braso sa akin at dinala ang ulo ko sa dibdib niya. “Masakit para sa akin... ayaw ko pa sana, pero alam mo? Last night, I dreamt. He’s calling me and told me that I already did my part in this world. It’s already time for me to go...” He caressed my hair.
“Since birth I was already suffering... may sakit na ako noong pinagbubuntis pa lang dahil hindi ako maayos na naalagaan ng mama ko sa sinapupunan niya. But you know what? I’m forever thankful because she brought me in this world amidst the pain it’s giving me. He also let me live for more than 18 years and it’s enough. Masuwerte ako dahil nasilayan ko ang mundo hindi gaya ng iba na hindi na nagkaroon ng pagkakataong mabuhay. I suffered but it’s worth the pain. It’s a bittersweet feeling.”
I cried more.
“Nothing in this life stays the same, but my utmost love for you will.”
“Mahal kita, Second...” bulong ko.
“I may not be able to stay longer with you in this lifetime... but I’ll promise you when He let us meet in the right time... I won’t ever leave your side again. I love you always and forever, Andy.”
Tinitigan ko siya sa mukha. I wanna memorize every bit of him. Ayaw kong sayangin ang oras na narito pa siya kasi kung dumating man ang araw... hindi ko na ulit ito magagawa.
“You still have a long day ahead of you, Andy. You should sleep, I’ll be watching you all night long.”
I dozed off to sleep with his arms wrapped around me and him singing me ‘Tears in Heaven’.
I woke up clueless until I processed everything. Parang anytime lalabas iyong puso ko galing sa dibdib nang hindi ko makita sa paligid si Second. Nasa isang kuwarto ako at nasisiguro kong hindi ito ang room ni Second kanina!
Bumangon ako at nagmadaling bumaba ng kama ngunit pagbukas ko ng pinto ay si Kuya Archie na nakasuot ng doctor suit ang bumungad sa akin.
He smiled at me sadly. “Gising ka na...” Naglakad siya papasok at kinuha ang stethoscope sa lamesa at doon ko lang natanto na nasa office niya ako rito sa hospital!
“Kuya... bakit po ako narito?” Namawis na ang kamay ko at halos hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa nerbiyos.
“He was happy, Andy...” aniya habang inaayos ang suot.
Kumunot ang noo ko. “Ano po ang ibig ninyong sabihin?”
“Hindi ko masabi kaya sumama ka na lang sa akin.”
Pagkalabas na pagkalabas namin ay una kong nakita si Gab at Chase. Si Chase na tulala sa kawalan, si Gab naman na nakasubsob ang mukha sa palad. Tumingin din ako sa paligid at natanto kong mag-uumaga na!
Hinanap ko ang cell phone ko at may isang mensahe roon na galing kay Second. Nanginginig kong pinindot iyon.
Second: 1 Corinthians 13 4-8: Love is patient and kind. Love is not jealous or boastful or proud or rude. It does not demand its own way. It is not irritable, and it keeps no record of being wronged. It does not rejoice about injustice but rejoices whenever the truth wins out.
Second: I pray you find this type of love in the future. I cherish you forever, Arianndy. 👋
Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Ate Audrey na mugto ang mata. Mabilis niya akong ikinulong para sa yakap at nagsimula na namang umiyak. A lone tear fell from my eye.
“December 14 at 11:46 in the midnight, he was smiling before us when he drew his last breath...” she stated, voice shaking.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top