Chapter 28

Chapter 28: Second

“Thank you, Chase, at pasensya sa abala. Wala kasing titingin sa kapatid mo kapag aalis ako...”

“No problem, Tita. You need to rest now.”

Nang makarating kami sa floor kung saan naka-admit si Second ay hindi ko na mapangalanan ang mga nararamdaman ko pero alam kong nananaig ang kaba, kaya ngayong papasok na kami sa kuwarto ay siyang paglabas naman ni Ate Rhiane; nanatili ako sa likuran ni Chase kaya hindi niya pa ako napapansin.

“Ayos lang. Nga pala, narito na si Gab sa loob at kagigising lang ni Second sa awa ng Diyos. Bababa lang ako saglit, ah? May aasikasuhin lang, please look after your brother...”

Tinapik niya ang balikat ni Chase at aalis na sana nang sa wakas ay mapansin niya ako. Unti-unting namilog ang mata niya.

“G-Good afternoon po...” kinakabahan kong bati.

“Andy...” Napasinghap siya at sinulyapan si Chase sa gilid. “Hindi ko alam na narito ka...” Hilaw siyang ngumiti at halatang nangangapa ng sasabihin.

“I apologize for bringing her here, Tita, but isn’t it unfair... she had no idea,” si Chase.

Nanatili akong nakatingin sa babaeng kaharap.

Dahan-dahan siyang napatango, sumusuko na. “Oo... pasensya na pero iyon kasi ang bilin ng kapatid mo sa akin na...” Sabay sulyap niya naman sa akin.

Chase breathed. “Don’t worry, I’ll handle this.”

Kalaunan ay umalis na si Ate Rhiane kaya naman tuluyan na kaming pumasok sa loob. Unang tumambad sa akin si Gab na ngayon ay nakaupo sa gilid ng hospital bed... dumapo ang tingin ko sa taong nakahiga roon at hindi ko napigilang makaramdam ng labis na lungkot.

He’s wearing a nasal cannula for oxygen, and by the sight of him... he looked weak. Bahagya siyang nakatagilid dahil sa pag-uusap nila ni Gab ngunit nang maramdamang may dumating ay dumapo rin kaagad ang mga mata nila sa amin.

Dahan-dahan akong humakbang habang ang mata’y nanatili sa kaniya. Nanghihina man ay hindi nakatakas sa akin ang gulat sa mukha nang sa wakas ay makumpirmang ako iyon.

My lips slightly trembled. Nakatitig lang kami sa isa’t isa, walang gustong magsalita.

Nakakatakot... natatakot ako sa maaaring mangyari at hindi ko alam kung... kung ano ang mangyayari sa akin kapag nangyari ang kinakatakutan ko.

I heard Chase clear his throat. “Gabbana, are you hungry?”

Saglit na nangunot ang noo ko at napasulyap kay Gabbana na halatang gulat din, saglit siyang sumulyap sa akin pero dahil sa guilty na nakita ko sa mga mata niya ay mabilis din siyang nag-iwas.

“H-Ha? Hindi!”

“Tss. Let’s go grab a food,” si Chase.

Nataranta si Gab. “Hindi nga ako gutom!”

He groaned. “Gutom si Second at Andy kaya samahan mo na ako,” aniya at tamad na hinila si Gab papalabas, poprotesta pa sana ang kaibigan nang taliman siya ng tingin ni Chase.

And now we’re alone in this room.

Nilapag ko ang bag sa at naupo sa gilid ng kama niya. Nasulyapan ko pa ang nakakabit sa kaniya. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” basag ko sa katahimikan.

He swallowed and looked at me wearily. “I’m sorry...”

Umiling ako. “Kumusta ka na?”

“I’m... fine,” pagkibot ng labi niya.

Suminghap ako at lungkot na ngumiti. “Magpagaling ka na,” mahinang sambit ko. Imbis na magtampo sa kaniya dahil sa tinago niya ito at si Gab lang ang nakakaalam ay nawala ang lahat ng iyon dahil pakiramdam ko irrelevant lamang iyon. Mas mabuting huwag ko na ring iparamdam iyon dahil sa sitwasyon niya.

Hindi siya nagsalita.

“Kagigising mo lang daw?” I asked casually.

He slowly nodded and looked at me intently.

Ngumiti ako. “Buti naman...”

A moment of silence.

“Second.”

“Andy,” aniya.

We both stopped.

“Go on,” sabi ko.

“I’m sorry...”

Tinagilid ko ang ulo. “Hmm, para saan?”

Tumitig siya sa kisame. “For keeping a secret... ayaw ko lang na bigyan ka ng iisipin...”

“Pero si Gab puwede lang?” matabang kong sambit.

Umiling siya. “Hindi ko siya sinabihan... he just found out until I gave up and told him my situation,” tugon naman niya.

“How?”

“Nagkasalubong kami sa daan noong nakaraan tapos... kinulit niya ako kung bakit ako absent, ayaw kong magsinungaling kaya sinabi ko na lang hanggang sa binibisita niya na rin ako nang ma-admit ako rito.”

“You shouldn’t have lied to me... maintindihan ko naman.”

“I didn’t lie... lying and keeping a secret are different things,” paliwanag niya.

Napasimangot ako at pinunasan ang luha sa gilid ng mata. “Kahit ano pa iyan, pinag-alala mo pa rin ako,” sagot ko.

“Ano ang gagawin ko... para hindi ka na mag-alala?” mahinang sabi niya.

“Update me... let me see you often, anything basta malaman ko lang ang kalagayan mo.”

He nodded and slowly raised his hand.

Nagkasalubong ang kilay ko nang ipakita niya sa akin pinky finger niya.

“I’ll make a promise.”

Unti-unting umusli ang ngiti sa aking labi, pero nang matunugan niya iyon ay mabilis akong sumimangot at kunwari’y napipilitan pang tanggapin ang palabas niya.

“Promise iyan, ha? No secrets na,” wika ko.

He nodded. “Promise.” Then we did a pinky promise.

The next days na-discharge na si Second sa hospital, pero balita ko ay nagpapahinga pa rin siya pero sa bahay na nila kaya after class sabay kaming dumiretso sa bahay nila na may dalang basket ng prutas. Nagkaayos din kami ni Gab noong isang araw, paulit-ulit pa siyang nanghingi ng tawad dahil tinago niya rin pero naiintindihan ko naman kaya nagkaayos na rin kami kalaunan.

“Tao po!” si Gab na malakas ang loob na pumasok sa loob nang walang permiso.

“Hoy, mamaya na, hintayin muna natin si Ate Rhiane!” sita ko, pero hindi niya ako pinakinggan at hinila pa ako.

“Parang others, hindi iyan, tara na!”

Kakatapak pa lang sa loob ay may tahol na kaming naririnig kasabay noon ay ang yabag ng paa na papalapit sa amin.

“Hi, bebe!” si Gab na sinalubong agad si Second.

Hinayaan ko muna sila at nag-squat para pantayan ang lebel ng dalawang asong sumalubong sa akin. Si Thirdy ay kaagad ni-stretch ang katawan sa akin samantalang ang isa naman na sa tingin ko ay si Fourth, his ears and tail did an alert move.

Ngumuso ako at inabot iyon para suyuin kaso imbes na lumapit ay tinahulan pa ako.

Namilog ang mata ko. Ayaw niya ba sa akin?!

“Uy, Thirdy, halika nga!” Binuhat ni Gab si Thirdy kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya na ngayon ay paalis na.

Nilingon ko na naman ulit si Fourth na ganoon pa rin ang reaksyon sa akin. Unti-unting niluhod ni Second ang isang tuhod at kinarga ang aso niya para haplusin ang ulo nito tapos ayon kumalma na.

My lips protruded. “Looks like he doesn’t love me,” I murmured and looked at Second.

He pursed his lips. “But I do.”

“Huh?”

He shook his head in amusement. “Wala.” Tapos tumayo.

Napatayo rin ako. “Weh, ano nga!” pilit ko, natatawa.

Umiling siya at tinalikuran ako. “Nevermind,” aniya.

Hindi ako nagpatalo at sinundan siya sa likod at pilit na kinukulit hanggang sa makarating kami sa kusina nila. “E, may sinasabi ka! Ulitin mo iyon, pabitin ka!” panunuya ko.

Bumuntonghininga siya at tumigil sa kung anong kinukuha sa ref. Sinimangutan niya ako pagharap. “Wala. Just pretend you didn’t ear anything, please?” pagmamakaawa niya.

I laughed. “Pikon! May sinabi ka, e! Ano nga ulit iyon? Kasi ’di ba sabi ko looks like he doesn’t love me tapos sabi mo —”

Bigla na lang niya akong sinubuan ng sliced bread kaya natahimik ako. I frowned.

He chuckled. “That’t what you get for being nosy. Kumain ka na lang muna, we’ll talk later.”

Aalis na sana siya nang hilain ko ang braso niya. Nginuya ko muna iyong tinapay bago nagsalita. “Bakit mamaya pa, e, puwede naman tayong mag-usap ngayon? And please, get me a juice, pinapakain mo ako pero walang panulak,” I naughtily said.

He twisted his lips. “Right. I’m sorry,” aniya at tumalikod para salinan ako ng juice sa baso.

Pagkatapos ay inilapag niya iyon sa counter at naupo siya sa stool. Umupo na rin ako sa tapat niya.

I smiled. “Ayos na ba ang pakiramdam mo?”

Tumitig lang siya sa akin.

Naglaho ang ngiti sa labi ko at inilihis na lang ang atensyon sa pag-inom ng juice. Parang biglang kumirot iyong puso ko dahil sa hindi niya pagsagot.

Nagbara ang lalamunan ko kaya halos mabilaukan ako.

“Hey, ayos ka lang?” Dinaluhan niya ako at binigyan kaagad ng tissue.

Tinanggap ko iyon nang hindi siya binabalingan. Pakiramdam ko kasi ay nangingilid na naman ang luha ko at ayaw kong mapansin niya iyon.

“Andy,” tawag niya.

“Oh?” tugon ko at inabala ang sarili sa pag-inom ng juice kahit na tuluyan na talagang pumatak ang luha sa isang mata ko.

Nanahimik siya sa gilid ko, at dahil kuryosidad ay lumingon ako nang hindi inaalala ang pagluha ko.

Lumapit siya sa akin at maingat na pinunasan ang luha ko sa pisngi. “Bakit ka umiiyak?” bulong niya at yumuko para maglebel ang mata namin.

Umiling ako, nanginginig ang labi.

“Ano...” Nangapa siya ng sagot. “May nagawa ba akong mali? Please, tell me... I’m sorry.”

I didn’t respond.

“Hey, please talk to me...”

Tiningnan ko siya sa mata. “G-Gagaling ka pa naman... ’di ba?” Nanginig ang boses ko kaya lalong nagsiunahan sa pagtulo ang mga luha ko.

Hindi niya pa rin sinagot ang tanong ko sa halip ay nilibang niya na lamang ang sarili sa pagpunas ng mga luha ko. Suminghot ka.

“Ganoon ba kahirap ang tanong ko para hindi mo sagutin, Second?”

Natigilan siya sa pagpunas ng luha sa pisngi ko at ibinaba ang kamay sa counter. Napayuko siya at umiling. “Hindi ko alam...”

“Hindi mo alam?”

“Hindi ko alam kung... gagaling pa ako,” ulit niya sa malinaw na boses.

Sumikip ang dibdib ko. I felt my stomach’s doing a backflips.

“Pero gagaling ka, ’di ba kung gusto mo? Will you fight? No, you should fight,” pangungumbinsi ko.

Nang mag-angat siya ng tingin ay lalo akong nadurog nang makitang namumula ang mata niya dahil sa luhang nagbabadya.

“S-Second... gagaling ka pa... basta hindi ka susuko, ’di ba? Uy... sumagot ka naman...” giit ko pa.

A lone tear from his eyes. Mabilis niya iyong pinalis at lungkot akong nginitian.

“Hmm, shall we watch a movie instead?” pagbabago niya ng usapan ngunit nanatili ang mata ko sa kaniya.

Inangat ko ang kamay at pinakita sa kaniya ang pinky finger ko. “You promise to me first,” saad ko.

He pressed his lips together and slowly showed his.

“Promise me na magpapagaling ka... for yourself, sa mamita mo, kay Chase, sa lahat ng mahal mo sa buhay pati sa amin ni Gab.”

Tila hirap na hirap siya sitwasyon kaya matagal pa bago siya makipag-pinky promise sa akin.

“Promise.”

“Yehey, crossed out na ang una sa bucket list ko!” Gab exclaimed.

Nasa kuwarto kami ngayon ni Second, naninibago nga ako dahil hindi ganitong kuwarto ang inaasahan ko. Paano kasi may mga apparatus sa gilid, may kabinet na puro gamot at mga reseta na nakadikit sa pader sa bandang gilid. Mahangin din sa kuwarto niya dahil may dalawang malaking bintana at nakabukas na pinto ng balcony na mukhang sinadya given sa sitwasyon niya. Pinatay namin ang ilaw para mas maging komportable kami sa panonood.

Nasa kama niya kami, siya ang nasa gitna at nasa magkabilang gilid naman kami nang ipakita ni Gab ang listahan niya.

Manood with my best friends ✓

Ngumiti ako. “Dapat before magpasko, matapos na natin iyong bucket list natin! Ikaw, Second, may na-cross out ka na ba sa iyo?”

Umiling siya. “Gagawin ko pa lang.”

Tumahimik na lang kami at bumalik na sa panonood ng Five Feet Apart.

Sa kalagitnaan ng palabas ay naiyak ako kaya inabutan ako ni Second ng tissue.

“Even if we can’t be together in the end, I’m glad that you were a part of my life,” sambit ko sa kawalan mayamaya, naalala ang scene na iyon sa palabas.

“I’m not going far, I’m always be here... I promise,” si Second sa gilid ko kaya napabaling ako sa kaniya.

He chuckled. “That was my favorite line from the movie,” agap niya.

Sinilip ko saglit si Gab sa gilid at nakitang nakahiga na siya at tulog na tulog na saka bumaling ulit kay Second. “Could you apply that line in real life?”

He smiled. “Yes.”

“Sabi sa movie... if you’re watching this, touch him, touch her...” Dahan-dahan kong kinuha ang isang kamay niya at ipinagsalikop iyon sa akin. Moves, eh?

“Life is too short to waste a second,” patuloy ko at nginitian siya.

Dumaan ang mga araw ay naging normal ang mga pangyayari sa buhay namin, paminsan-minsan mang sinusubukan ng buhay ay nagpapatuloy pa rin hanggang sa isang araw ay nag-react na naman ang katawan ni Second kaya ngayon ay nasa kuwarto niya siya habang may nakakabit na kung ano.

Gab and I slept over just because we wanted to. Kaya ayon, nagising akong inuuhaw kaya napagdesisyunan kong bumaba para pumasok sa kusina nila. Madilim doon pero may naaaninag akong kaunting ilaw pero hindi sapat kaya kinapa ko ang switch sa gilid para magbukas ang ilaw.

Unang napansin ko ay si Ate Rhiane sa counter, nakatakip ang dalawang palad niya sa mukha pero dahil sa pagbukas ko ng ilaw ay napaayos siya at tiningnan ako.

She’s crying.

Bigla akong dinapuan ng hiya at gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa lahat ng oras bakit ngayon ko pa naisipang uhawin? But I couldn’t back down anymore so I went near her.

Inayos niya ang buhok at pinunasan ang luha saka ngumiti sa akin. “Gising ka pa, hindi ka ba makatulog sa kuwarto ni Second? Puwedeng doon ka na muna sa kuwarto ko at dito na lang ako sa sala since hindi rin naman ako makatulog...”

“May problema po ba kayo? I’m sorry... pero...” Hindi ko madugtungan.

She sniffed and turned her back to busy herself. Nagsalin siya ng gatas sa baso at inalok iyon sa akin. “Here, drink this for you to sleep.”

Nag-aalinlangan man ay tinanggap ko iyon.

“Don’t tell Second I cried, ha? Mangungulit na naman iyong batang iyon,” she jokingly said and sat on the stool. Nanatili akong nakatayo sa harap niya hawak ang baso ng gatas.

Malungkot niya akong nginitian. “Thank you,” biglaang aniya.

“Po?”

“Thank you so much for being with Second.”

“Ah... wala po iyon.”

“Masaya akong mayroon siyang Gab at ikaw maliban sa akin.”

“Kahit wala naman po siguro kami ay sapat ka na para sa kaniya,” sabi ko.

Napahilamos siya sa mukha at umiling. Umayos ulit siya ng tindig. Bakas sa mukha niya ang pagod at lungkot lalo na sa pamamaga ng mata at ang mga itim sa ilalim nito. My heart ached.

“Buong buhay ni Second, ako ang nariyan pero alam kong kulang ako. Ibigay ko man lahat sa kaniya, maging kaibigan, kapatid, nanay o ano pa man niya ako... hindi ako sapat. Kailangan niya pa rin ng ibang tao na magpaparamdam na mahalaga siya... at sobrang saya ko tuwing nagkukuwento siya tungkol sa iyo at kay Gab.”

Napangiti ako sa huling pangungusap, pero kung ako siguro si Second ay maiinis ako sa sinasabi ng tita niya. Tuluyan na akong umupo sa stool para makipag-usap sa kaniya.

“Hindi man po sinasabi ni Second, alam at ramdam ko na sobra-sobra ang pasasalamat niya na nariyan kayo, sapat na po kayo sa kaniya at alam kong wala na siyang hihilingin pa... baka nga nasosobrahan na iyon, e. Hindi ko po alam kung tama itong sasabihin ko, pero huwag ninyo pong isipin ang ganiyan dahil... you did great enough na po. Ikaw po iyong pinaka-best na nangyari sa buhay ni Second.”

She sniffed and wiped her unshed tears. “Naku kang bata ka, pinapaiyak mo ako. Maraming salamat, Andy. You’re too sweet... kung puwede lang sana, e, ay uutusan ko na si Second na ligawan ka,” biro niya.

Natawa ako. “Why not po?”

Nagulat siya sinabi ko kaya nagtawanan kami.

“I don’t think Second’s interested to the things like that. For me, gusto kong magpagaling muna siya bago siya pumasok sa ganiya o puwede ring pagsabayin,” aniya sabay tawa ulit.

Napangiti ako. “You looked okay na po.”

She grinned. “Glad I looked like. Stressed na kasi ako, nakakapagod pero worth it.”

“Wala ka po bang boyfriend?”

Her brows furrowed. “Huh? Wala, ba’t mo natanong?”

Umiling ako. “Naisip ko lang po. NBSB ka po?”

She shrugged. “Yeah, back in college puro landi lang tapos walang pumasa sa taste ko kaya ayon balak ko na lang na tumanda ng dalaga.”

“How come po? I mean, no offense po pero may mga anak na po ang friends ninyo like Ate Audrey,” sabi ko.

“May anak na rin naman ako, ah.”

“Huh? Sino po?”

“Si Second.”

“Hindi po iyan... iyong as in anak mo po talaga.”

Humalukipkip na siya. “Wala, e. Niretuhan na ako ni Marga at Audrey nang ilang beses kaso laging olats. May crush ako dati, love ay first sight ganoon, pero reserved na kaya ayon...”

“Talaga po? Sino?”

Natawa siya. “Tsismosa ka pala. Anyway, iyong pinsan ni Audrey. Si Archie? Ang cute noon, e, kaso hindi ko na nilandi baka magalit si Audrey sa akin, taken na raw.”

Namilog ang mata ko. “Si Kuya Archie po? Totoo?” Kuya Archie is one of my siblings’ friends since high school.

“Ay, grabe siya, oh! Unbelievable ba? Oo, totoo. May anak na rin iyon, ’di ba? Well, good for them.”

Nagkuwentuhan pa kami hanggang sa maubos ko ang gatas pero may naalala ako kaya tinanong ko na lang din.

“Ate, if you won’t mind me asking po... saan na iyong totoong mama ni Second at saka iyong papa niya ba’t wala rito?”

“Ah... her mom died years ago. Suicide. Hindi raw nakayanan iyong mga pangungutya kesyo pokpok o kabit daw dahil nga nabuntis ni Kuya...” She shook her head in disappointment. “Masyadong mababaw sa akin iyong rason niya para magpakamatay... pero hindi ko rin naman siya masisisi, pangit ang mang-invalidate ng feelings ng iba kaya tinanggap ko na. Ako ang nag-alaga kay Second, hindi dahil responsibility siya na iniwan, pero dahil gusto ko.”

Napatango ako. “Iyan din po ba ang reason bakit ayaw ni Chase sa kaniya?”

She smiled sadly. “Sad but true. Before, no one in my family accepted Secundus, Chase’s mom was poisoning his mind kaya he grew hating Second. Na dahil kay Second nasira ang pamilya nila, na... bastardo si S-Second. Hindi ko nakayanan iyong mga panghuhusga ng mismo kong pamilya kaya kalaunan lumayas ako ng bahay at dinala ko iyong bata. Nakakabuwisit kasi si Kuya na ama ni Second? Mukhang walang pakialam, pero hinayaan ko na rin kasi alam kong wala naman akong magagawa pa.” Huminga siya nang malalim at pinunasan na naman ang luhang tumulo.

“Lumayas ako kasi noong mga panahon na iyon, kahit ngayon... iyong mararamdaman ni Second lang lagi kong iniisip. Kasi deserve niya. Deserve niya mahalin, alagaan at pahalagahan kaya hangga’t kaya ko... mananatili ako sa tabi niya. I won’t let anyone hurt him again, ni nabigyan ko rin ng cold treatment si Chase noon pero nanghingi siya ng tawad at sinubukang makisama kahit alam kong awkward na para sa kaniya, pero natanto ko rin kasing immature pa siya ng mga panahon na iyon pero ngayon... natutuwa ako kasi unti-unti niya nang natanto ang mga maling ginawa niya.”

Napasinghot ako habang nakikinig sa kuwento ng naging buhay nila ni Second. It was almost a tragic story to tell.

“And now this, I don’t wanna tell you this but...”

Nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko sa kaba.

“Kung hindi na kayang lumaban pa nang tuluyan ni Second ngayon... siguro huwag na natin siyang pahirapan? S-Siguro hayaan na lang natin siyang magpahinga... kasi alam mo lagi niyang sinasabi sa akin? Kung hindi ko kayang magpahinga dahil kaaalaga sa kaniya, siya na lang ang unang magpapahinga para wala na akong aalagaan pa.”

Hindi ko alam... pero ayaw kong pumayag at kung may pag-asa pa... gusto kong lumaban pa siya dahil sa dami niya nang napagdaanan... I don’t think this is the right time for him to give up...

But if fate leads him to his path... given na wala na akong magagawa kung mismong kapalaran na ang magdedesisyon... I guess, I have to spend my every second with him.

Because time spend with him is worth every second.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top