Chapter 27

Chapter 27: Hospital

“Good morning...”

Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Ngumiti agad ako nang makita si Second ngunit unti-unti rin iyong napawi nang makita kung ano ang nilapag niya sa armrest ko.

A red rose.

What the... what’s happening? Liligawan niya na ba ako? “Ah, p-para saan ito?” nauutal kong tanong, ni hindi ko nagawang galawin ang rosas dahil sa kaba.

Second’s Adam’s apple moved. “May nagbebenta sa labas... tinulungan ko lang siyang kumita kaya bumili ako ng isa.” Sabay kamot niya sa batok.

Napangiwi ako. Akala ko liligawan niya ako! Walang hiya, paasa.

Tumango ako at kinuha na ang rosas na nilapag niya saka ko siya binalingan. “Salamat.” Nakasuot siya ng hoodie kaya ngumisi ako. “Pahiram ulit, ako naman ang taga-laba, e, ikaw taga-suot tapos papahiram mo sa akin.”

He licked his lower lip and nodded. “Oo... pupunta na ako sa upuan ko...” Hindi niya na ako hinintay na sumagot at humakbang na siya.

Sinundan ko siya ng tingin habang dinadala ang rosas sa ilong para amuyin. Hmm, mabango naman, pero mas bet ko pa rin amoy ni Second.

“Shucks, girl! Kayo ba?” usyuso kaagad ng kaklase ko.

I smirked. “Hindi pa.”

Namilog ang mata niya. “Hindi pa? E, ’di mo pa sinasagot?”

Nangunot ang noo ko. “Ha?”

“E, ’di ba sabi mo hindi pa?”

Natutop ko ang bibig. Sinabi ko ba iyon? “Sabi ko, hindi!”

Ngumiwi siya. “Weh? Tinatago niyo siguro, ’no? Halata kaya! Kahapon nga nakita ko siyang pinapanood ka habang natutulog doon sa katabi niyang upuan!” mariing sabi niya.

My heart leaped for a moment. “What do you mean?”

Umirap siya na parang inis na inis sa akin. “May pa-ganito pa nga siya, oh!” Bigla niya na lang isinukbit ang takas kong buhok sa aking tainga at nilapit ang mukha sa akin. “Such a beauty,” bulong niya.

I cringed kaya mahina ko siyang tinulak. “Ano ba pinagsasabi mo?”

“Iyan ginawa niya kahapon, ni-demonstrate ko lang ulit!”

Magtatanong pa sana ako nang pumasok na ang professor namin. Pero seryoso ba? Ginawa niya iyon kahapon?

Hindi ko alam, pero para yatang mamamatay ako sa kilig. I craned my neck to glance at Second, pero imbes na sa kaniya ang tumama ang paningin ko ay nahagip ito ni Gab.

Galing sa tingin ng kaibigan ay halatang may kung ano siyang iniisip na dapat ay kabahan na ako. Napalunok ako. Hindi pa alam ni Gab, pero alam kong may nahahalata siya sa mga nagdaang linggo.

Maingat ko na lang munang ipinasok ang rosas sa pinakagilid ng bag, napansin ko pa ang card doon pero naisip ko na sa bahay ko na lang iyon basahin.

“It’s been weeks since I instructed you to do your bucket lists. Marami na ba kayong na-cross out sa mga to-do list ninyo?” tanong ni Miss.

May isang nagtaas ng kamay. “Ma’am, puwede ba gawin iyon kapag malapit na talaga mamatay? Nakakahiya kasi magsabi ng I love you kay Mama kung pagkatapos noon buhay pa ako. Mas okay sana kung sure na patay ako pagkatapos para makatakas ako sa hiya.”

Nagsitawanan na naman ang ibang mga kaklase.

I heaved a sigh. Hindi ko alam bakit nila pinagtatawanan ang ganitong mga sitwasyon.

Nabuntonghininga si Miss. “Hijo, habang maaga pa, ipakita mo kung gaano mo kamahal ang magulang mo. Hindi natin hawak ang oras at anytime puwede tayong mawala kaya as much as you can, simula ngayon iparamdam mo sa magulang mo na mahal mo sila. Walang dapat ikahiya sa pagsasabi ng I love you, siguro nga’t may mga boyfriend at girlfriend na kayo na oras-oras ninyo pa yata sinasabihan ng I love you, tapos sa magulang ninyo ay nahihiya kayo? Huwag ganoon.”

Dahil sa sinabi niya ay naalala ko ang mga magulang. Mahal ko sila pero tama si Miss, habang may oras pa ay ipadama sa mga magulang kung gaano natin sila kamahal. Ako kasi, naipapakita ko naman iyon, e, pero hindi nga lang lagi.

“I love you, Gab!” ani ko kay Gab lalo na’t napansin ko ang nanunuri niyang mata.

Sinimangutan niya ako. “Hindi mo ’ko nanay, tumigil ka.”

I laughed. “Bakit, nanay lang ba puwede sabihan ng I love you?”

“Iyon ang topic kanina kaya I assumed, duh.”

Niyakap ko siya nang tuluyan. “Mahal talaga kita!”

“Iw, love you too.”

Kumalas ako at napabaling naman kay Second na nasa gilid pala. Bigla akong kinabahan. “Uh... Second, I l-love —”

“Break time na,” putol ng kaklase kaya hindi ko na natapos.

Nang nasa cafeteria kami ay hindi ko mapigilang maalala sina Chase. Dahil college na sila ay naroon na sila sa university nag-aaral na malapit lang din naman sa Clark High. Pero ayos lang din para hindi na kami magkita.

“Ako mag-o-order ngayon, treat ko.”

Second cleared his throat. “Puwede bang ako naman? Uh... my treat today, ako na ang bibili.”

“Sure ka?”

Tumango siya. “Sure.”

“Gusto mo samahan kita?”

Umiling siya. “No, I’m fine. Hintayin ninyo na lang ako ni Gabbana rito sa mesa,” aniya at tumalikod na para tumungo sa counter.

Napakagat na lang ako sa labi habang pinanonood siyang maglakad. Grabe, habang tumatagal lalo yata akong nahuhulog. Parang mali.

“Haliparot talaga,” sabi ni Gab at hinila ako para paupuin sa upuan. Humalukipkip siya. “Tapatin mo nga ako, Arianndy,” aniya.

Kinabahan agad ako. “M-Magkatapat na tayo, ah...”

He gave me a frustrated look. “Nahuhumaling ka na ba kay Second?”

“Huh?”

Dinuro niya ako. “Huwag mo akong ma-huh-huh diyan, sumagot ka.”

I gulped and looked at him. “S-Siguro...” Oh, my!

Huminga siya nang malalim at tumango, biglang nagbago ang mood. “Wala akong problema roon, ni masaya akong hindi na si Chase ang nagugustuhan mo... at sa totoo lang, mas gusto ko pa si Secundus para sa iyo pero...” Umiling siya at pumikit. “Concerned lang ako sa iyo at ayaw kong masaktan ka na naman...”

I furrowed my brows. “Bakit... sasaktan ba ako ni Second? Mabait siya...” Nagbaba ako ng tingin saka lang din sumagi sa isip ko na magkapatid pala iyong nagustuhan ko. Si Chase na ex ko na... at ngayon nagkakaroon na naman ako ng kakaibang feelings para sa kapatid niya.

Why does it feel so wrong?

Tumango siya. “Oo, mabait siya, pero hindi mo alam kung sa anong paraan ka niya sasaktan...”

Nakinig lamang ako.

“Gusto kong masaya ka, Andy, pero... kung masasaktan ka rin naman pagkatapos sumaya ay huwag na lang. Sa lahat ng mga malalapit sa akin, ikaw ang pinakamahalaga... kaya hindi ko kayang makita ka ulit na masaktan...”

Humapdi ang mata ko sa hindi alam na rason.

“Hindi ko alam, Ands... hindi ko kayang makita ka ulit na iiyak... dahil lang sa Montessori. Una ang panganay at kung sakali man na maging kayo ni Second o lumalim pa iyang nararamdaman mo... hindi ko alam kung makakayanan mo pa bang indain ang sakit na maaaring iparanas niya sa ’yo.” Nanginig ang boses niya sa huling pangungusap.

Suminghap ako. Iyon pa lamang ang sinasabi niya pero para na akong sinasaksak nang paulit-ulit. “Pero paano... paano kung hindi ko mapigilang gustuhin siya?” mahinang wika ko.

Buntonghininga lang ang natanggap ko galing sa kaniya hanggang sa dumating na rin si Second na may tipid na ngiti sa labi bago kami daluhan.

Habang kumakain ay nakatitig lang ako sa kaniya at naisip kong...

Hindi naman siya iyong tipong sasaktan ako.

Oo. Hindi ako sasaktan ni Second...

Sana.

Kinagabihan pagkatapos maglinis ng katawan ay imbes na pajamas ang isuot ko ay iyong hoodie ni Second na hiniram ko kanina ang pinili ko. Sumalampak ako sa kama at padapang inabot ang rosas na nasa side table para iyon na ang pagkaabalahan.

Kinuha ko ang card at nang buksan ko iyon ay napabalikwas ako ng bangon.

I cherish you forever. -SM

Napatili ako at kahit walang kaalam-alam ang unan sa nangyayari ay ibinato ko siya sa pader. Kawawang unan.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko, ni bahagya pa ngang nanginginig ang kamay ko dahil sa nabasa sa card!

I cherish you forever? Really, Second? Is this your own way to say you love me, ha?

“Baliw ka na...” bulong ko sa sarili. Bakit ko naman iisiping mahal niya ako? Let alone gusto?

Sa sobrang kilig ko ay kinuha ko ang cell phone at kinuhanan ang rosas ng litrato sa kama habang hawak-hawak ko iyon.

Naglagay ako ng caption na ‘Thank you. I cherish you too. 💘’

Pagka-post ko noon ay pumikit muna ako nang ilang minuto hanggang sa marinig ko ang tunog ng cell phone dahil sa notification.

@secundusthesilent commented: IVU : )

IVU? Dahil hindi ko naman alam ang meaning ng IVU ay nag-text na lang ako sa kaniya.

Ako: hiii <333 ano pala iyong IVU? hehe IlaVU ba iyon?

Second: Hahaha!

Second: Hindi, pero kung gusto mong isipin na ganoon...

Second: Puwede rin... jk!

Ako: shut up nga kinililig ako errr, pero serious mode kasi! ano meaning???

Second:. I value you.

Ako: awwww 😚 I value you too, Second!

Ngumuso ako nang hindi pa siya nagre-reply kaya naman inabot ko na lang ang rosas at padapang inaamoy iyon habang hinihintay ang reply niya.

Hays, ang comfy tuloy ngayon dahil naaamoy ko si Second kahit wala siya rito kung hindi dahil sa hoodie niya na suot ko.

My phone beeped.

Second: Kumain ka na?

Ako: ihhh, concerned yarn??? anw, yeeep! how ’bout yah?

Second: Yes, kanina pa. Ano ang ginagawa mo ngayon?

Ako: hmm

Wala tuloy akong ma-reply dahil kinikilig pa ako!

Second: hmmm

Ako: tse! gaya-gaya hmp hahaha nakahiga na ako now.

Second: Hindi kita ginaya. Sobra ng isang m iyong  text ko. Hahaha. Pareho pala tayo. : )

Ako: yieee

Second: aeidbsl,,

Ako: ha???

Second: Pasensya na! Nangialam si Thirdy, hindi ko na siya napigilan. Sorry!

Ako: oh? iyong aso mo? send ka nga pic ninyo hihi

Second: Sige. Sandali lang, ha? : )

Later on, he sent a photo.

I blushed when I saw the photo. It was him and the dog. Mas malapit ang aso na nakatingin sa camera samantalang siya namay nasa bandang likod nito; bahagyang nagtatago kaya kalahati lang ng mukha ang nakikita.

Second: Thirdy just said hi (◕ᴥ◕)

Ako: ang cute namaaaan ng nasa pic!!!

Second: Which one? 🤔

Ako: 2nd, 3rdy 😅

Second: Hahaha! Thirdy and I said thank you. Ikaw, can you send a photo?

Inayos ko ang buhok saka bumangon para sumandal sa head board, I then smiled on the camera before sending it to him.

Ako: I have no one with me : (

Second: You’re wearing the hoodie : ))) Looks good on you, beautiful. (. ❛ ᴗ ❛.)

Second: Should I give you one? I have Fourth!

Ako: Fourth???

Second: Yes, the new one Tita Audrey gave me. He’s sleeping downstairs since he’s still not used to sleep in my room.

Ako: cutie, dog lover ka talaga! arf arf ako rin

Second: Hahaha, you don’t need to be a dog.

Ako: hmm, bakitttt

Second: ’Cos you are already barking on my mind too often.

Ako: ha??? edi ginawa mo pa rin akong aso?

Second: Uh, no. You are always disturbing my mind... but I like it.

Ako: 😳😳😳

Second: Did I make you speechless? 😲 Sorry.

Ako: hays secundus ☹️☹️☹️ is it wrong to fall?

Second: Sa ano?

Ako:  sa 'yo 🤓

Second: I’m sorry...

Ako: why?

Second: You might get hurt if I wouldn’t able to catch you. I have a weak body. : (

Ako: huy ano ba 😭 hahahahaha nvm, bestie. Good night na nga. IVU & ICYF. 😘

Second: Okay. Good night, Andy. Let’s pray before we sleep. I value and cherish you always. ˘ ³˘

Time flies quickly, and as usual things have kinda  changed.

“May problema ka ba?” tanong ko kay Gab nang isang araw ay tila wala siya sa sariling pumasok ng klase.

Nagulantang pa siya dahil mukhang hindi yata ako napansing lumapit sa kaniya.

“Wala, bakit?”

I squinted my eyes at him. I knew Gabbana for years kaya alam ko rin kung kailan siya okay at hindi. At sure ako ngayong may bumabagabag sa kaniya.

“Gab, kausapin mo naman ako.”

Umiling siya at nag-iwas ng tingin. “Ayos lang ako, huwag mo na akong abalahin.”

Yet, I didn’t move. “Nami-miss mo na ba si Second? Hindi ba’t sabi ko sa ’yo na may biglaan silang bakasyon ng mamita niya kaya siya absent?” paliwanag ko.

Wala na kasi akong alam kung ano ang maaaring bumabagabag sa kaniya at sa tingin ko ay si Second iyon since ako lang naman ang ni-text noon noong nakaraan dahil may biglaan daw silang alis ng mamita niya kaya absent siya. I just hope na mag-enjoy siya.

Hindi nagsalita si Gab.

“Hmm, huwag ka na malungkot, please? Gawin na lang natin iyong bucket list natin. Tagal na noon, pero hindi pa natin nagagalaw.”

Still, no response until I heard him sob.

Naestatwa ako.

“Gab... ano nangyayari sa ’yo? Hoy, huwag ka namang ganito... kinakabahan ako...” Hinawakan ko na siya sa balikat para paharapin sa akin at hindi na siya pumalag pa at umiyak na lang sa akin.

Hindi ko napigilang pangiliran na rin ng luha dahil sa kalagayan niya. I never witnessed him cry and it’s a heartbreaking sight for me.

“Ands... pasensya na, nalulungkot lang ako...” bulong niya mayamaya.

I pursed my lips and wiped his tears. “Ano ang problema? Sabihin mo naman sa akin. Kaibigan mo ako at hindi ba’t ang kaibigan ay masasandalan mo sa oras ng kalungkutan?”

Tumango siya. “Ayos na akong narito ka... pero sorry kung hindi ko pa kayang sabihin ngayon.”

I swallowed hard and nodded. “Naiintindihan ko, basta kapag handa ka na... huwag kang mag-atubiling sabihan ako. Love kita.”

He leaned on my shoulder. “Love you more, bebs.”

Napangiti ako. “Iyong bucket list mo, nasimulan mo na bang gawin? May nagawa na ako, dalawa pa lang, ” sabi ko.

Ramdam ko ang iling niya. “Hindi ko pa alam.”

Tumango ako at tumahimik na. Maybe, next time ko na lang gagawin ang ikatatlo sa bucket list ko.

Kinabukasan ay ramdam ko na rin ang lungkot. Wala na naman akong text na natanggap galing kay Second tapos itong si Gab gaya kahapon ay wala pa rin sa usual na sarili niya. Para akong mababaliw dahil naging ganito ang nasasaksihan ko.

Huminga ako nang malalim at tiningnan na lang ang sariling bucket list.

Andy’s to-do list before she dies:
1. Have a feast with my whole family ✓
2. Bonding with my nieces and nephews ✓
3. Shopping with Gab and let him eat all he wants
4. Romantic date with Second anywhere
5. Get married at 25 if I’m still alive

The past days, I already did the two on my list, balak ko sanang yayain si Gab pero mukhang wala siya sa mood kaya huwag na muna, hindi pa naman siguro ako mawawala.

Nang mag-uwian ay nagtaka ako nang hindi pumasok sa sasakyan si Gab, at nang tanungin ko siya ay sinabihan akong pupunta siya ng talipapa kaya hindi na siya sasabay. Nagtataka ako dahil malapit lang naman sa kanila iyong talipapa kaya bakit hindi siya sasabay?

Kaya ngayon, nasa parking lot pa ako at hindi pa pumapasok ng sasakyan dahil iniisip ko pang saan siya pupunta lalo na nang sundan ko siya ng tingin ay sa ibang direksyon siya nagtungo.

Huminga ako nang malalim. Maybe, napa-paranoid na ako. Tatalikod na sana ako para sumakay na nang may nahagip akong pamilyar na tao.

“Chase?” bulalas ko nang makita ko siyang kakatawid lang patungo rito sa parking lot at galing pa yata sa loob ng campus. He’s wearing his college uniform.

Huminto siya saglit nang marinig ako, magpapatuloy na nga yata siyang maglakad lalo na’t mukhang nagmamadali siya pero nang makita ako ay tuluyan nang tumigil.

“Hey, nice seeing you again, Andy.”

Lumapit ako sa kaniya. “Yeah, you too. If you won’t mind me asking, ano ang ginagawa mo rito?”

He twisted his lips. “Naghatid lang ako ng documents sa council.”

“Na ano?”

“It’s Second’s.”

Namilog ang mata ko. “Second? Bakit? Mai-extend ba ang bakasyon niya? E, para saan ang documents?”

His brows shot up. “What? Bakasyon? What are you talking about?”

“Sabi ni Second nasa bakasyon siya kaya siya absent...”

He let out a breathe and groaned. “What the hell...” he uttered.

Sumimangot ako. “Bakit?”

Kunot noo niya akong pinagmasdan. “Are you seriously clueless?” Umirap siya. “He’s not on a vacation.”

“A-Ano ang ibig mong sabihin?”

He cursed under his breath. “Hospital. He’s been admitted there since last week. I don’t know why he’s keeping it to you while that Gabbana’s always there.”

Nagpantig ang tainga ko, hindi ko maproseso ang sinabi niya kaya kailangan ko pang matulala saglit nang dugtungan niya pa ulit.

“You wanna come? I’ll go there too and I really think your presence is needed.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top