Chapter 26
Chapter 26: Hoodie
Just like seasons, feelings change. Days went by that fast, sa loob ng ilang buwan ay marami ring nangyari.
Napailing na lang ako nang maalala ang mga nangyari noong mga nakaraang buwan.
“Ba’t ka narito?” marahang tanong ko nang makitang ilapag ni Chase ang tray niya sa table naming tatlo.
He shrugged. “Bawal?”
I shook my head. “Hindi naman, pero...” Nag-angat ako ng tingin sa dalawang kaibigan na pinanonood kami. Tumikhim ako.
Since we broke up, pakiramdam ko ay nagpapapansin siya kaya nababalisa ako. Hindi sa dahil may gusto pa ako sa kaniya kung hindi ay talagang hindi na ako komportable dahil may iba akong nararamdaman sa mga kilos niya. Pagkailang.
Totoo namang wala na akong nararamdaman sa kaniya romantically... at hindi ko alam kung bakit ang bilis maglaho noon na parang dati ay lunod na lunod ako sa kaniya.
“Saan na pala ang girlfriend mo?”
Isang araw nang sumabay na naman siya sa amin, nagkaroon lang ako ng lakas ng loob na magtanong dahil umalis saglit ang mga kasama.
“She went abroad,” tipid na sagot niya at pinagtaasan ako ng kilay.
Napatitig ako sa kaniya. “Why? Ang ibig kong sabihin ay... hindi siya nanatili? Hindi mo pinigilan o ano?”
Umiling siya. “Gusto niyang bumalik, why would I stop her? Besides, she needed to.”
Nanliit naman ang mata ko. “Nakipagbalikan ka ba?”
He clicked his tongue. “Yeah, I guess...” He sighed. “I... don’t really know but we’re fine. Now, stop asking questions like that.”
“Sungit,” I murmured and rolled my eyes.
Nangyari iyon ng mga ilang beses. Madalas na siyang nakikisalamuha sa akin hanggang sa isang araw ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin siya.
“Why are you doing this, huh?” medyo iritadong bulong ko nang punasan niya ang gilid ng aking labi sa harap ng mga kaibigan namin kanina sa cafeteria.
“May dumi sa gilid ng labi mo, I just wiped it off.”
I heaved as sigh. “Chase... ano na naman ba ’to? Break na tayo, ’di ba? Pero ano itong...” I groaned and hit him on his arm. “Ano ba talaga?”
Natahimik siya saka nag-iwas ng tingin.
“May feelings ka na ba sa akin, ’no? Kung kailan huli na? Sabihin mo nga sa akin ang totoo,” nakakahiya man ay dire-diretsong sambit ko.
Hindi siya nakasagot kaya kahit papaano ay naging tama ang kutob ko.
“Kung mayroon man, stop it. We already made it clear, isa pa, nagkabalikan na kayo kaya hindi puwede... bukod sa... wala na rin akong nararamdaman sa iyo,” pahina nang pahinang sabi ko.
“Wala na? Even a bit? Ba’t ang bilis? Are you crushing on someone else now? Does he deserve you more than I do?” Nataranta siya.
Kumunot ang noo ko. “Bakit? Kailangan bang mabagal? May schedule ba ang pagmo-move on? At saka ano naman kung mayroon? It’s not your business anymore.” irap ko.
Seryoso niya akong tiningnan. “Okay, whatever. I’ll... stop acting like shit, I’m sorry,” nanghihinayang na aniya at tumalikod.
Inirapan ko siya nang makatalikod na siya. Huli na, Chase, kung ngayon mo lang nadiskubre iyang nararamdaman mo sa akin. Sorry, pero wala na talaga, mabilis mang naglaho pero iyon ang totoo. At tanggap ko na past na kung ano iyong mayroon tayo.
Mabilis ang panahon, nasa huling taon na kami ng senior high at magka-college na. Kasalukuyang nagdi-discuss ang prof ng nagawi ang aking paningin sa sulok ng room kung saan nakapuwesto si Second, sakto rin ang pagtama ng tingin niya sa akin kaya kaagad akong umiwas.
“Shit, ano ’yon,” bulong ko sa sarili at mahinang hinampas ang dibdib nang maramdaman ang kung anong pintig ng puso.
“As what they say, life is short so enjoy while it lasts. Hindi ba’t sa kamatayan din ang hantungan natin kaya habang nabubuhay pa tayo sa mundong ibabaw... if possible, gawin ninyo ang mga bagay na gusto ninyo. Death is what makes life worth living.”
Napatango ako sa sinabi ng guro.
“Death makes us want to enjoy life because we all know it will come to its end eventually,” dagdag niya pa. “Kayo ba? Ano ba ang nais ninyong gawin bago kayo mawala? Anyone?”
“How ’bout you, Flavio?”
Tumayo si Gab at napakamot ng ulo. “Gusto ko makakain sa isang mamahaling restaurant nang hindi inaalala ang bills po, ma’am,” sagot nito.
Malungkot akong napangiti, napawi pa iyon nang marinig ang iilang hagikhik ng mga kaklase.
Bumuntonghininga ako. Wala namang nakakatawa sa sinabi ng kaibigan ko.
“What’s funny, class?”
“E, siyempre, ma’am, ang babaw ng gusto niya bago mamatay! Nagagawa naman iyan anytime!” sagot ng isa sa mga kaklase ko.
Napatiim labi ako at hindi napigilang taliman iyon ng tingin. Nakakainis lang kasi mag-isip ang mga ito. Hindi naman porke’t iyon ang gusto ni Gab, e, mababaw na. Siguro para sa kanila.
Hindi naman lahat ng tao afford ang ganoon, pare-pareho man na tao... hindi pa rin talaga pantay-pantay ang antas. It’s sad to think na iyong wish ng iba ay normal na pangyayari lamang sa gaya ng mga taong ito.
If only I’ve known, ililibre ko siya kahit saan at kahit ano ang gusto niya. Besides, malaki naman ang allowance ko and spending a penny won’t make us bankrupt. Maraming business ang pamilya ko kaya imposible lalo na’t hindi naman kami ganoon ka-gastador, namumuhay lamang nang simple.
“Kapal nito. Kung ikaw tanungin, ha, ano ang gusto mo mangyari o gawin bago mamatay?” si Gab sa kaklase namin.
“Makasama iyong parents ko,” simple naman na sagot nito.
“Bakit, hijo, saan ba ang parents mo?” tanong ni Ma’am.
“Lagi pong busy sa negosyo kaya madalang ko lang po silang makasama...”
“Funny ka. Tingnan mo, magkaiba tayo. Wala man kaming sapat na pera gaya mo, at least lagi kong nakakasama magulang ko, masaya pa. Mayaman ka, pero hindi ka naman matutukan ng magulang mo, wala rin. Napapasaya ka ba niyan? Kung oo, pansamantala lang hindi gaya ng kasiyahan galing sa mga magulang mo na maaaring tumatak hanggang sa huling hininga. O, ano ka ngayon? Papalag ka pa, ha,” mahabang litanya ni Gab na halos hingalin na.
Doon bumalik ang ngiti ko.
“Shh, tama na iyan. You can sit down, Flavio. Hindi tayo pare-pareho kaya hindi rin magandang pagtawanan ang hiling ng iba kesyo mababaw o ano pa man iyan, dahil gaya nga ng sabi ko, hindi naman tayo iisa. Lahat tayo ay may sari-sariling suliranin na kinakaharap kaya hindi maganda ang basta-bastang humusga. Anyway, let’s move forward. As a task, I want you all to make a bucket list... write down the things you wanna do while you’re still alive... or before God takes our borrowed life.” She smiled at us. “At aasahan kong gagawin ninyo iyan para walang pagsisisi kung sakaling dumating man ang oras ng bawat isa. I’ll give you the remaining time to do the task, that’s all for today. Goodbye, class.”
Kagat-kagat ang labi ay halos sumakit ang ulo ko sa kaiisip kung ano nga ba ang mga gusto kong gawin kung sakaling mamatay na ako bukas.
Hmm...
Uminom ng alak?
Napangiwi ako. Huling oras na nga lang sa buhay, hindi pa ako gumawa nang maganda’t matino.
Magsimba kasama ang pamilya o kaibigan!
Ginugol ko ang buong araw kakaisip at sulat ng bucket list kung sakaling mawala na lang ako bigla sa mundo. Nahihiya nga lang ako nang matanto kung ano ang ibang isinulat kaso hinayaan ko na lang din.
Nang sumunod na mga araw ay naging busy halos lahat ng mga estudyante; nagkaroon ng program ang mga class officers at iyong iba naman ay excused dahil athletes kaya ngayon kaunti na lang kaming nasa klase at wala pang guro dahil busy rin.
I stretched my arms before I decided to stand and fixed my hair. Napasulyap ako kay Second na nag-iisa sa bandang dulo habang nakatanaw sa labas ng bintana sa gilid niya.
Nagtungo ako palapit sa kaniya at maingay na sumalampak sa upuang katabi. Wala naman akong magawa ngayon kaya rito na lang ako sa kaniya, kasi isa rin si Gab sa officers kaya nasa labas din siya.
He flinched. Napahawak pa siya saglit sa dibdib at napanguso. “Nagulat ako sa ’yo,” pahayag niya.
I smiled. “Talaga? Paano ka nagulat?”
He frowned.
Humalakhak ako at pinagtaasan siya ng kilay nang makita ang kalagayan niya. He’s wearing a hoodie, may naka-plug na earbuds sa tainga na kakatanggal lang at ngayo’y nakahalukipkip na akong tiningnan.
Napanguso ako at napatitig sa kaniya ngunit nang hindi na kaya makipaglabanan ng tingin ay nilihis ko ang tingin sa langit sa labas ng bintana at nakitang makulimlim.
Saka ko lang tuloy naramdaman ang lamig nang magsimula nang umihip ang malakas na hangin. I shivered as I looked at the air-con.
“Ang lamig!” Akma na akong tatayo para sana hinaan iyonnang maunahan ako ni Second na tumayo.
Kumunot ang noo ko lalo na nang makita kong hawakan niya ang dulo ng hoodie na parang huhubarin kaya sinita ko siya agad.
“Hoy! Ano ba! Maraming tao, huwag mo sabihing maghuhubad ka?!” mariing sabi ko at hinigpitan ang hawak sa hoodie pababa para pigilan siya sa balak niyang paghuhubad.
His brows furrowed as he looked down on me. Tinaliman ko siya ng tingin. “Pangarap mo na bang maging macho dancer, ha? Ba’t ka ba naghuhubad?” naiinis kong tanong, hindi pa rin binibitawan ang dulo ng suot niya kahit ramdam ko na ang paghawak niya sa kamay ko para alisin iyon doon.
“Hey, I won’t do anything bad...” He pursed his lips as he pouted. “Ito lang ang huhubarin ko, may polo ako sa loob,” patukoy niya sa hoodie.
I squinted my eyes, duda man ay binitawan ko na iyon hanggang sa tuluyan niya nang hubarin ang hoodie, inilapag niya iyon sa armrest ng kinauupuan ko at saka inayos ang gusot ng polo uniform niya.
Pinanood ko rin siyang talikuran ko para hinaan ang temperature ng air-con na nasa tapat namin, pagkatapos noon ay bumalik na siya sa harap ko, kinuha ang hoodie niya at inilahad sa akin. “Suotin mo, alam kong lamigin ka,” wika niya.
My lips parted. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kaniya at sa hoodie. Hindi ko alam na matagal pa akong nakatunganga roon kung hindi lang kumulog ay hindi pa ako mababalik sa ulirat.
Gumalaw si Second at laking gulat ko nang isuot niya sa ulo ko ang hoodie, balak niya pa yata akong bihisan kung hindi ko lang hinawakan ang kamay niya para patigilin.
I glared at him. “Kaya ko, puwede ba...” Inirapan ko siya at iwas ang tinging sinuot nang tuluyan ang hoodie niya. Ang awkward!
Tuluyan nang bumagsak ang malakas na ulan sa labas kaya nanahimik na rin ang iba kong mga kaklase, ang iba naman ay nagtitipon-tipon at ginagawa ang business nila samantalang kaming dalawa ni Second ay nasa gilid at tahimik.
Sinuot ko sa ulo ang hood niya at saka lang nanuot sa akin ang bango ng suot kaya hinila ko iyong tali ng hoodie para sumikip banda sa hoodie. I glanced at Second beside me who was busy writing something.
I groaned inwardly. Isa talaga ito sa mga lagi niyang ginagawa! Tuwing titingnan ko siya simula noong grade 10 pa kami lagi siyang may sinusulat sa notebook niya kahit minsan ay wala namang pinapasulat!
Tumayo ako at naghila ng upuan para tuluyan nang pumuwesto sa harap niya mismo kaya ngayon ay magkaharap na talaga kami. Halos itago ko ang mukha sa hoodie para amoy-amuyin iyong bango. Nakaka-addict iyong bango ni Second!
Tumikhim ako habang pinanonood siyang busy sa pagsusulat. “Hi, Mister, I’m sorry to interrupt, pero ano po iyang pinagkakaabalahan mo?” biro ko kaya napatingin siya sa akin.
Ngumiti ako kahit hindi niya makita iyon dahil nakatago ang kalahati ng mukha ko sa hoodie. Akma kong kukunin iyong kakaibang klase ng notebook na ngayon ko lang napansin, hardbound yata iyon kung hindi niya lang iniwas iyon.
“Damot! Patingin nga, ano ba sinusulat mo?”
Umiling siya, bahagyang nakanguso.
Ngumuso ako at inirapan siya. Hindi ko na siya kinausap sa halip ay patuloy ko na lang na inamoy ang hoodie niya habang siya ay nakatuon na sa akin nang tuluyan; nanliliit ang mata.
“Are you seriously... sniffing that?” mabagal na tanong niya.
Natigil ako at tinuro ang suot. “Ito? Oo? Bango kasi! Ano gamit mo? Marami ka pa bang hoodie na ganito amoy? Binubuhos mo siguro iyong pabango sa damit mo, ’no?” talak ko.
He chuckled. “I only use cologne... mayroon pa akong mga hoodie, at...” Umiling siya. “Hindi ko nilalagyan ng pabango ang sinusuot ko... iyong katawan ko nilalagyan ko,” medyo nahihiyang tugon naman niya.
My eyes twinkled. Saglit pa akong napabaling sa bintana nang mapansing kumidlat bago lumipat na naman sa tabi niya at tuluyan nang isiniksik ang upuan sa kaniya. “Talaga? Ibig sabihin, e, ikaw iyong mabango at nahawa lang ang suot mo! Paamoy nga!” Hindi ko na siya hinayaang makasagot nang bahagya akong umangat para amuyin ang leeg niya.
Out of shock from my impulsive act, he moved making my lips touched his neck.
Namilog ang mata ko pati siya ay nataranta kaya bahagya niyang itinulak ang upuan ko. “Hala, sorry! Ikaw kasi gumalaw, e!” paninisi ko kaagad dahil ramdam ko na ang init sa buong mukha.
Siya naman ay napahawak sa leeg niya at nang magtama ang paningin namin ay mabilis pa sa alas kuwatrong tinalikdan niya ako.
Napahilamos ako sa mukha at mariing pumikit. Nakakainis! Ano ba ang ginawa ko? Baka isipin ni Second na hina-harass ko siya!
Nang lumipas ang ilang minutong hindi man lang siya kumibo ay naglakas loob na akong umupo sa harapan niya na naman. Kinalabit ko siya sa braso at mabilis naman siyang lumingon sa akin, nakasimangot na.
Imbis na ma-awkward ay napahalakhak ako kasi ang cute niya!
“Sorry na, gumalaw ka kasi na-kiss ko tuloy iyong leeg mo, pero huwag ka magalit! Accident iyon, hindi kita hina-harass!” agap ko.
He bit his lower lip, trying to stifle a smile.
“Galit ka ba?”
Unti-unti siyang umiling.
Nakahinga naman ako nang maluwag. “Akala ko, e. Inamoy lang naman kita, ang bango kasi! Puwede ba next time magsuot ka lagi ng hoodie tapos ipahiram mo sa akin?” nakangisi kong sabi.
“Uh... I can give you one instead.”
Umiling ako. “Gusto ko iyong suot mo para maiwan iyong bango, hiram lang, puwede?”
“Kung gusto mo bibigyan kita noong cologne na ginagamit ko kung gusto mo iyong amoy...”
I groaned. “Huwag na, next time na iyon! Sige na, please! Tingnan mo, oh! Bagyo! Siguro hanggang ilang araw pa iyan! Bukas pasuot mo ulit sa akin...” Bumagal ang pagdadaldal ko nang may maalala. Napatingin ako sa kaniya. “Kaso ikaw, wala kang hoodie ngayon. I felt warm na, hindi ka ba nilalamig?” nag-aalala kong tanong.
He let out a reassuring smile. “No, I am fine.”
“Weh? Gusto mo yakapin kita?” alok ko.
His lips parted.
Ngumisi ako. “Para mainitan ka! Ano kasi ang tawag diyan...” I looked up to think. “Ah, body heat! I’ll give you heat!” Akma akong tatayo para lumipat at yakapin siya kung hindi niya lang iniharang ang paa niya sa gilid sa daanan ko pati ang kamay na iniharang sa armrest ko. Now, I’m trapped.
“Please, huwag na... ayos lang talaga ako, hindi ako nilalamig,” bulong niya.
Hinawakan ko ang kamay niya. “Malamig nga kamay mo!” puna ko.
“I swear if you won’t stop insisting...” He sighed.
“Ano?” Dinungaw ko siya, nakanguso.
Saglit na bumaba ang tingin niya sa labi ko bago ulit ako tingnan sa mata.
“I’ll hug you ’til I can’t let go anymore.”
Saglit akong natigilan dahil sa reaksyon ng puso pero kalaunan ay tamis pa akong ngumiti. “Subukan mo nga,” tuya ko at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. “Bilis na, nilalamig pa naman ako. Hindi kaya ng hoodie, need ko na ng kayakap.” Saka ako tumawa sa harap niya habang siya’y naestatwa pa sa ginawa ko.
Napabuntonghininga ako nang matanto ang kilos. I looked away even when we’re this close. Saglit akong sumulyap at nang mahuling nakatingin siya sa akin ay tuluyan na akong nahulog figuratively.
I don’t know what I’m feeling right now but... one thing’s for sure.
I’m happy everytime I take a glimpse of him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top