Chapter 25

Chapter 25: Choice

“Andy! Ano ’tong sinabi ni Gabbana na may boyfriend ka, ha?” pahisteryang bungad ni Mama nang natanaw niya ako papasok.

Napalunok ako nang makitang seryoso lamang na nakatingin si Papa sa akin. Hindi ko sinagot si Mama at lumapit muna sa kanila para magmano.

“Sagutin mo ako, Arianndy! Nagkita kami ng kaibigan mo kanina kasama iyong Second ba ’yon? At akala ko kasama ka nila kaya hinanap kita at itong si Gabbana ay sinabing baka ang boyfriend mo raw ang kasama mo!”

Hindi ko alam kung saan ibabaling ang atensyon ko sa mga sinabi niya. Dahil ba sa nalaman niyang may boyfriend ako o sa katotohanang magkasama ang dalawa nang hindi ko man lang alam?

“Sagutin mo akong bata ka! Kaya ba lagi kang umaalis, ha? Sino iyang boyfriend mo?”

Bumuntonghininga ako. “Late ka na po sa balita. Break na kami.”

Natigilan si Mama samantalang si Papa naman ay  nanliit ang mata sa akin. Napababa ako ng tingin. Hindi ko alam kung kaya ko ba ngayong tanggapin ang sermon ng mga magulang gayong pagod ako dahil sa pag-uusap namin kanina ni Chase. But somehow a burden lifted from my shoulder. Malaya na kami sa isa’t isa.

“Jusko! Nagkulang ba kami sa ’yo, anak? Bakit ’di mo man lang nagawang sabihin sa amin, ha? Oh, my gosh!” Halos sabunutan na ni Mama ang sarili dahil sa frustration. Pilit naman siyang ipinapakalma ni Papa.

“Bukod po kasi sa hindi pa ako handang sabihin ay pansin ko ring wala kayong pakialam,” mapait kong sabi. Naiintindihan kong tumatanda na ang mga magulang pero madalas silang wala sa bahay dahil sa negosyo o hindi naman kaya sa pagbabakasyon. Ganoon din ang ate at kuya, may mga sarili na silang pamilya at hindi naman na sila rito nakatira kaya hindi ko alam.

Sa nagdaang mga araw ay natuto akong isarili na lamang ang mga problema o mga bagay na tumatakbo sa isip ko para hindi ko na maabala ang mga tao sa paligid dahil gaya ko, may mga sarili rin silang suliranin na kinakaharap sa buhay... na mas mabigat.

“Andy, ano ang ibig mong sabihin? Handa kaming makinig sa iyo lagi kaya huwag mong isipin na wala kaming pake sa iyo,” ani Papa. 

Tumango ako. “I’m sorry po. Pahinga muna ako, mamaya na lang po ulit.”

Tinawag pa ako ni Mama pero hindi na ako lumingon at nagpatuloy na lang sa pag-akyat. Pagdating ko sa kuwarto ay nag-half bath ako saka umiyak na natulog. Masaya na ako, pero talagang posible palang maging masaya kahit may onting kirot sa puso.

Mga alas sais na ako nagising. Naghilamos ako pagkatapos ay bumaba na. Natigil nga lang sa gitna ng paglalakad nang may narinig akong mga pamilyar na boses.

“Kuya, gisingin mo na si Andy sa taas para makapaghapunan na tayo nang maaga.”

Si Ate Ariane!

Hindi pa kaagad ako nakakilos nang marinig ko ang yabag na papalapit na sa akin. At doon ko nakumpirma na narito ang mga kapatid ko!

“Narito po kayo. Hindi ba kayo busy?” kaswal kong tanong kaya natigil si Kuya Zian sa akmang pagyakap sa akin.

He sighed and finally pulled me for a hug. “Not really, baby. How are you? Nagtatampo ka ba kay Kuya?” masuyong tanong niya.

Umiling ako.

He just sighed before dragging me out of the corner.

“Andy!” Ate exclaimed and went to me for a hug. “I missed you so much, sis. Guess what? I cooked my specialty! Kumain na tayo!”

“Saan po iyong mga anak ninyo?”

Nagkatinginan ang ate at kuya ko, ganoon din si Mama at Papa.

“They’re fine, princess. Let’s have this dinner only the five of us,” Kuya said.

Nang makaupo ako ay nilingon ko ang mga magulang. “You summoned them to be here,” pahayag ko.

Tumango si Mama at hindi na iyon dinugtungan pa.

“Hindi ba favorite mo itong bulalo, kumain ka nang marami.” Sabay lagay ni Kuya nito sa aking pinggan.

Mapayapa kaming naghapunan at akma na ulit akong babalik sa taas nang tawagin ako ni Ate.

“Mag-usap tayo,” aniya sabay hila sa akin palabas patungo sa living area.

“I heard from Mama...” Nagtaas siya ng kilay at sakto ring kararating lang ni Kuya galing sa kusina na may dalang leche flan.

“Totoo po iyon,” amin ko nang ituon na nilang dalawa ang atensyon sa akin.

“Tapos nag-break na kayo? Bakit? At sino itong lalaking ’to?” singit ni Kuya.

Napabaling ako kay Ate. “Montessori po...”

“Pamangkin ni Rhiane?” si Kuya.

“Anak ng pinsan ni Jace,”  si Ate naman.

Dahil sabay silang sumagot ay nagkatinginan sila.

“Saan doon ang tinutukoy mo, Andy?” tanong ni Kuya.

Tumikhim ako. “Iyong sinabi po ni Ate... si Chase po.”

Kumunot ang noo ni Kuya. “Magkapatid iyon, ’di ba, Ari?”

Tumango naman si Ate na akala mo sobrang daming nalalaman.

Tila nasa isa akong interrogation room dahil sa krimeng paglilihim na may boyfriend ako. Sinagot ko lahat ng tanong nila tungkol sa pagpasok ko sa isang relasyon. Nagkuwento na rin ako at sinabi ko ang rason bakit ako nakipag-break. Hindi naman sila nagalit sa akin o kahit kay Chase, buong puso lamang silang nakinig.

“You’re just infatuated. Nawala ba ang thrill?” Ate giggled while Kuya scoffed.

“Maybe you’re not meant for each other or the world was just testing you both,” si Kuya.

I shook my head. “Hindi siguro talaga. Ayos lang, okay naman na kaming dalawa.”

“Wait! Did you kiss na ba?”

“Ari!” Kuya roared.

Pinamulahan agad ako ng mukha saka nag-iwas ng tingin.

Kuya groaned. “So, it’s true?”

“Kuya, hayaan mo na. Wala na sila kaya hindi na  masusundan iyon.” She then looked at me, grinning. “Where did you two kiss?”

Gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan dahil sa hiya. Kailangan ba talagang sabihin?

“Sa park po ng campus...” Nag-init ang pisngi ko nang maalala iyon. Lalo na’t may nakakita pala!

“Goodness...” Napahilamos ng mukha si Kuya at tinaliman kami ng tingin ni Ate. “Talagang magkapatid kayo, ano?”

“Huh?”

Humalakhak si Ate. “Noong high school pa kasi kami, Andy. Nahuli niya kami ni Jace na nag-kiss doon din sa bench ng park.”

Napasinghap ako at nakangusong bumaling kay Kuya. “Sorry po.”

“’Sus! Huwag kang mag-sorry! At least sa public iyon nangyari! Kay Kuya nga sa kuwarto —”

“Shut up!”

Inasar pa lalo ni Ate si Kuya kaya napikon ito at siya na naman ang inasar.

“Basta for me, you did the right thing. It’s right choosing yourself above everyone else. Cut the cords if needed for your own good. Self-love is the best kind of love. I am glad you learned your lesson. Think twice next time, baby,” paalala ni Kuya.

“Magkita na lang tayo sa bahay nila Second,” sabi ko sa tawag kinabukasan.

“Let me fetch you instead, please. Just this once.”

Huminga ako nang malalim. “Fine. Hintayin na lang kita.”

Dala-dala ang chocolate cake na ginawa para kay Second ay nagpaalam na ako na aalis na. Nagdala rin ako ng bag na may damit dahil sa isang resort ang pupuntahan namin. Naghintay ako nang ilang minuto sa labas hanggang sa may sasakyan na pumarada sa harap ko. Bumaba ang bintana sa shotgun seat at sumungaw galing doon si Chase.

I gaped in awe. “You have a car! Ngayon ko lang nakita ’to, ah? Bago?” Makipag-usap ako sa kaniya ay tila walang nangyari sa amin kahapon, ayos na kasi ako kaya hindi na apektado.

“Just got a student’s license,” aniya sabay bukas ng pinto galing sa loob. Pumasok ako at naupo na, nilapag ko sa hita ang box ng cake.

“What’s that?” tanong niya.

“Gawang cake,” sagot ko, natigilan lang nang may naalala.

Napatitig kami sa isa’t isa. Nang maramdaman ko ang awkwardness ay tumikhim ako. “I bet you remember something.”

“Uh, yeah...” At pinaandar niya na ang makina.

Nang nasa daan na kami ay tinanong ko iyong bagay na nagpalito sa akin noon. “Bakit mo nga pala tinapon iyong cake na binigay ko sa ’yo noon?”

Sumulyap siya sa akin saglit bago ibinalik ang tingin sa daan.

“Curious lang ako! No offense taken!” agap ko pa.

“I didn’t.”

“Huh?”

“I didn’t throw it,” paglilinaw niya.

Namilog ang mata ko. “What do you mean?”

“Ladyn did. Iniwan ko iyong bigay mo sa upuan ko kasi pinatawag ako ni coach. Pagkabalik ko sinabi sa akin ni Caius na kinuha raw ni Ladyn iyong nakalagay sa armrest ko... at saka ko lang nalaman na itinapon... nang aminin niya rin.”

My lips parted. Wow. Just wow. All along naniwala akong siya ang nagtapon. Grabe pa iyong hinagpis ko noon tapos malalaman kong hindi naman pala siya ang nagtapon.

I heard him chuckle. “Sayang. I wasn’t able to taste the cake you made for me,” aniya. Hindi ko alam pero totoong nahihimigan ko ang panghihinayang doon.

I gulped. “Ngayon, makakatikim ka na...”

Naaninag ko siyang nagtaas ng kilay. “But that’s for him.”

Sounded bitter!

“Ano naman? At saka, ’di ba hindi ka naman mahilig sa sweets?” inosenteng tanong ko.

Hindi na siya nagsalita ulit hanggang sa makarating kami sa Boso-Boso Highlands Resort sa Antipolo kung saan gaganapin ang kaarawan ni Second ayon sa tita nito.

Nang makarating kami sa entrance ay hinarang kami ng babae na sa tingin ko ay isa sa mga staff ng resort.

“Good afternoon, ma’am, sir. How may I help you?”

“Ah, ano po... reservation po under Rhiane Montessori. Mayroon po?” nagdadalawang-isip pa na sabi ko.

“Okay, ma’am. Wait a sec po,” anito at gumilid nang kaunti habang may kinakausap sa walkie talkie nito. Nang matapos ay hinarap niya kami at ngumiti. “Tara po, ma’am. Naroon na rin si Ms. Montessori. I’ll lead the way po.”

Sumunod kaming dalawa sa babae habang inililibot ko ang tingin sa kalakihan ng resort.

“Arianndy!” Impit na tili ang narinig ko mula sa isang cottage nang marating namin ang water park. Nasa taas ako noong tawagin ako galing sa baba. Ayaw ko pa sanang bumaba dahil naaliw ako sa tanawin lalo na’t kitang-kita galing dito ang Boso-Boso valley at Sierra Madre mountain ranges since over-looking view siya. Wari ko’y aabot naman sa 10 hectares ang lupa ng lugar na kinaroroonan ko ngayon.

“Ang daya mo talaga!” sabi ko nang sa halip ay salubungin ako ni Gab. Dapat talaga sabay kami kaso nauna na raw siya. Nakakatampo kasi napapansin ko na hindi na nila ako sinasabihan sa kung ano ang gagawin nila.

Sumunod naman si Ate Rhiane na naka-summer dress.

“Chase?” Laglag ang panga ni Ate Rhiane nang makita ang pamangkin sa aking gilid. Siguro ay hindi niya rin inaasahan na dadalo si Chase lalo na’t may personal na problema sa isa’t isa ang mga pamangkin niya.

“Good afternoon, Tita,” matamang bati ng katabi ko.

Tulala pa ang babae at nang mabalik sa katinuan ay mabilis niyang inakap si Chase. “Oh, my! Totoo ba ’to? You came? Gosh, hindi mo alam kung gaano mo mapapasaya ang kapatid mo ngayong araw pati ako!” maemosyonal na wika nito.

Awkward kaming nagkatinginan ni Gab kaya naman hinila niya na ako para iwanan ang dalawa.

“Sa’n si Second?” tanong ko pagkatapos agawin ng kaibigan ang bitbit kong cake.

“Nagbibihis pa,” tugon naman niya hanggang sa nakarating kami sa cottage. Napa O ang aking bibig nang makita kung gaano simple ngunit kaakit-akit ang decorations ng cottage na nirentahan. May balloon na letters at numbers na nakalagay ‘Happy 17th birthday, Second’ sa palibot nito ay mga itim at gold na mga dekorasyon pa. Sa lamesa ay may mga handa na rin, nahiya iyong kahon ng cake ko. Ang daming handa para sa iilang tao pero nasisiguro ko rin naman na sinadya ito ni Ate Rhiane lalo’t deserve naman ng lalaki.

“Hala, Ate, narito ka po?!” gulat kong saad nang makita si Ate Audrey na sumulpot sa puwesto namin.

She frowned. “Maka-react ka parang bawal ako rito!”

Umiling ako at natutuwang lumapit sa kaniya. “Hindi, ’no!” Yumakap ako na sinuklian niya naman.

“I smell something fishy, huh?”

Nangunot ang noo ko.

She smiled at me, lumihis lang din ang tingin sa likuran ko kalaunan. “Oh, my! Second!” she exclaimed. Nilagpasan niya ako kaya lumingon din ako sa likod para makitang pinaulanan niya ng halik sa pisngi si Second.

“Happy birthday, our big boy!”

Nahihiyang ngumiti si Second. “Thank you po, Tita Audrey.”

“I’m sorry, hindi ako nakabili ng gift mo. I’ve been busy these days. Ano ba gusto mo? I’ll buy you anything!”

Sumulyap si Second sa akin saglit bago ulit binalik kay Ate. “Hindi na po kailangan, ayos na po ang narito kayo.”

Napangiti ako.

“Ah, hindi puwede! I’d still give you one! Saan na si Thirdy?” tanong nito at natanto kong iyong aso ni Second ang tinutukoy nito.

“No pets allowed po.”

“Oh? Hindi ko alam. Gusto mo ba masundan si Thirdy? Your Tito Zian brought a maltese one again in the house, e, and our son isn’t fond of dogs so...” She shrugged. “Perhaps, you want it?”

Sumulyap na naman siya sa akin kaya pati si Ate Audrey ay napabaling sa akin. “Or maybe, si Andy ang gusto mong regalo? Should I wrap her now?”

Nasamid ako.

Namumulang nag-iwas naman ng tingin ang isa.

“Kidding. Anyway, let’s start! Rhiane, come on!” tawag niya roon sa kaibigan at iniwan muna kami saglit.

Kaagad akong dinapuan ng hiya nang kami na lang dalawa ang naiwan kaya hinanap ng mata ko si Gab at natagpuan siya roon sa cottage na pasimpleng kumukurot sa lechon. Mahina akong natawa.

“Dumating ka.”

Napaangat ako ng tingin kay Second na naka-polo shirt. “Huh?”

He looked at me. Saka ko naaala bakit nga pala kami narito.

Pagak akong natawa. “Uy, happy birthday, ha? Sana happy ka!” Nawala iyong tapang ko. Saan kaya napunta? Ah, baka nauna na roon sa Church Ruins.

He smiled. “I really am.”

“Nga pala. I have a surprise for you!” I announced and slowly pointed my finger on Chase’s direction. “A wish granted!”

His gaze darted at Chase and his smile instantly vanished, halata sa reaksyon niya ang gulat at tila napako sa kinatatayuan.

Lihim akong napangiti.

“Tennis ball, dali!” pag-aya ni Gab at hinila ako sa papasok sa billiard hall ng lugar kung saan ay may tennis table. Sinundan naman kami ni Chase at Second. Actually, kanina ay tahimik lang sila at alam kong hindi inaasahan iyon ni Second kaya hindi na lang namin pinapansin para hindi makaramdam ng awkward ang dalawa. I’m glad na magkasundo sila ngayon... well, that’s what I thought.

“Ang daya ng paddle ayaw tamaan iyong bola!” reklamo ni Gab.

Tumawa ako. “Ulit kasi! Saka tanggalin mo nga iyang kamay mo riyan sa mesa, bawal iyan!” sita ko nang makitang ginawa niyang suporta ang isang kamay sa table, e, isa iyon sa mga bawal sa rules.

Kami munang dalawa ni Gab ang naglaro habang ang magkapatid ay nasa gilid at pinanonood kami.

“Kaloka naman ’to! Inom muna ako, nakakauhaw!” he stated and dropped the paddle on the table.

Tumango ako at sinundan siya ng tingin na lumabas ng hall. Bumaling ako sa dalawa na ngayon ay pumanhik na papalapit sa table.

“Tayo muna habang wala pa si Gab,” sabi ko, ni hindi sigurado kung sino ang sinabihan sa kanila.

Sabay silang tumango ganoon din sa pag-abot ng isang paddle. Kapwa nga lang natigil nang mapansin nila ang ginawa.

I bit my lower lip awkwardly. Seconds later, wala pa ring kumukuha ng paddle at mukhang gustong magpaubaya ng dalawa kaya tumikhim ako.

“Kayo na lang maglaro,” suhestiyon ko sabay lapag ng hawak na paddle. Baka magkagulo pa kung sino makakalaro ko, e, puwede nga naman palang silang dalawa.

Chase groaned and nodded, siya ang pumalit sa puwesto ko kaya gumilid na ako. Pinanood lamang siya ni Second na parang walang balak kumilos.

“Dude, position,” Chase uttered to Second.

“Yes, Kuya,” sagot naman ng isa at mabilis na pumwesto.

Unang nag-serve si Second kaso tumama ang bola sa net kaya kinakailangan niyang mag-serve ulit. I heard Chase scoff on the side.

Nagpatuloy ang laro at pareho namang nakaka-strike kaya nalibang ako sa panonood at hindi namalayang nakabalik na pala si Gab na ngayon ay nasa gilid ko na. “Yie, sibling bonding,” impit na bulong niya sa akin.

Mahina ko siyang siniko dahil baka marinig ng isa sa kanila. “Hayaan mo na, ngayon lang iyan.”

“O, balik sa una! Ang maraming puntos, panalo!”

I groaned when Gabbana interrupted.

“What’s the prize?” pakikisakay ni Chase.

Ngumisi nang nakakaloko si Gab. “Si Andy.”

Namilog ang mata ko saka siya pinaghahampas. “Paepal!” For some reasons, narinig ko ang boses ni Caius sa isipan ko na inuulit ang salita ko sa nakakairitang paraan.

Sa kalagitnaan ng laro ng dalawa ay bigla na lamang natigil si Second sa paglalaro at dinala ang kamay sa dibdib. Saglit siyang napapikit at nag-practice breathing bago napahawak sa dulo ng mesa.

My pupils dilated. Akma ko siyang lalapitan nang maunahan naman ako ni Chase.

“Let’s go,” sambit ni Chase at sinubukang alalayan si Second ngunit umiling ito at inayos ang tindig na parang walang nangyari.

“Ayos lang, Kuya.”

Chase’s jaw tightened. “I said, let’s go,” mariing aniya ulit.

Napahugot ng malalim si Second at walang nagawa kung hindi sundin ang nakakatandang kapatid. Binalingan nila kami saglit at tuluyan nang nilisan ang hall.

Nagkatinginan kami ni Gab.

“Shet, beb, kinabahan ako!”

I pursed my lips and nodded. “Ako rin...” Sabay tingin sa bukanang nilabasan nila.

What if...

Umiling ako sa sarili at hinila si Gab. “Sundan na natin,” sabi ko, pinapangunahan na ng kaba sa dibdib.

The day went on smoothly somehow. Pagkatapos naming maglaro sa hall ay nagpahinga muna kami saglit bago namin nilibot ang buong lugar at naligo sa pool lalo na’t naging okay na rin si Second. They even have a zipline kaso knowing Second’s situation, we didn’t push it through. Unfair naman kasi na kami lang ang magsaya, even when it’s fine for him, I still find it unfair. Dapat kung nag-i-enjoy kami, he should too.

“Tita, I’m sorry but I have to go now.”

Napahinto kaming tatlo sa paglalakad sa loob ng Boso-Boso Church nang marinig iyon galing kay Chase na kasama si Ate Rhiane sa likuran lamang namin. Kinabukasan kasi simula ng kaarawan ni Second ay napagpasyahan namin na i-extend ang celebration at dito naman pumunta sa lumang simbahan.

“Ganoon ba? Sige, ayos lang naman sa akin. Magpaalam ka na sa kanilang tatlo.”

Lumapit sa amin si Chase habang isinisilid ang cell phone sa loob ng bulsa. “I need to go first,” panimula niya.

Tumango si Second. “Sige po. Maraming salamat, Kuya,” aniya.

Tumango si Gab kaya sa akin na naman dumapo ang tingin ni Chase. I smiled. “Thank you so much, take care...”

The side of his lips rose. “Okay, you too.” Then turned his back.

“Hay naku, saan ba pupunta iyang boyfriend mo?” Gab hissed. Lumabas na ulit kami at inikot na naman ang lugar.

According to the staff who guided us earlier, this church is a Spanish colonial era one. Mas lalong nakamamangha kumpara sa Antipolo Cathedral na ni-renovate; ang simbahan na ito ay na-preserve sa pagiging luma dahil balita ko ay noon pa nakatayo ang simbahan na ito, may digmaan pa. That’s why seeing bullet holes in the old blocks, and the unplastered brick interior walls remind me of ancient and the history.

“Hindi ko alam, at hindi ko na siya boyfriend,” sagot ko, si Mama Mary na naman na nasa door way ng simbahan ang pinagtuunan.

“Hindi na boyfriend?” Si Second ang unang naka-recover.

Hinarap ko silang dalawa at humalukipkip, pansin ko naman na naroon si Ate Rhiane sa malayong parte at busy sa pag-picture kaya confident akong umamin sa kanila.

“We broke up the other day.”

“Huh? Paano?” si Gab na hindi makapaniwala.

“I was the one who broke up with him... pumayag din siya at nagkaayos na rin naman kami. Alam mo, I realized kasi na we’re better off as friends. Mas maganda pa ang trato niya sa akin kung kaibigan lang kaysa sa girlfriend.” I shrugged.

Nagulat na lang ako nang bigla akong dambain ng yakap ni Gabbana. “Naiiyak ako. Finally, after a year of being tanga, bumalik ka na sa sarili mo.”

I frowned. Napatingin naman ako kay Second na nakatingin lang sa akin. Ngumuso ako.

“I hope you’re happy after choosing the thing you thought was right,” he murmured.

I smiled. “I am and I won’t regret it. It was the best choice I’ve made so far, I guess.” Kumalas ako kay Gab at hinarap si Second nang maayos.

I wrinkled my nose before shyly looked up at him again.

He chuckled. “I’m just glad you chose self-worth than settling for less now. I love Kuya... but I don’t want him treating you like that... you deserve nothing but the best things life could offer.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top