Chapter 23

Chapter 23: Wish

“Uy, hala! Sayang no’ng itlog!” reklamo ni Gab sa kaklase naming si Bambie.

Birthday kasi noong isa pa naming kaklase tapos nagulat kami nang bigla niya na lang itong basagan ng itlog sa ulo pagkatapos ng pang-umaga naming kaklase. Imbes na matuwa ay naiyak ito dahil masakit daw ang paghampas sa ulo niya, ito namang si Gab ay iyong itlog ang inaalala.

“Palibhasa kasi hindi mo yata na-experience?” bato ni Bambie kay Gab.

Napasinghap naman si Second na nasa gilid ko at natigil sa pagsusulat ng kung ano sa notebook niya.

Natawa ako.

May bakante kasi kaming oras ngayong araw kaya naman lumipat muna ako ng upuan sa tabi niya habang pinanonood namin ang mga galaw ng mga kaklase.

“O, e, ano naman?”

Inirapan lang siya nito at umalis na. Padabog naman siyang naghila ng upuan sa harap namin ni Second saka umupo. “O, Second, kailan ba ang birthday mo at nang mabasagan ka ng bote sa ulo?”

Lalong lumakas ang halakhak ko at hindi na napigilang hampasin ito sa braso. “Lokong ’to!”

Second shook his head in amusement. “Dapat yata hindi ko na lang sabihin. Invited ka pa naman sana kaso huwag na lang.”

My lips formed O. Sumimangot si Gab sa sagot ng isa.

“Ah, ganoon? Sinasagot mo na ’ko?” kunwari’y nanenermong si Gab.

Second supressed a smile. “November 13.”

“Malapit na!” I exclaimed.

Nagkatinginan kami ni Second.

Unti-unting napawi ang ngiti ko nang makitang malungkot siya.

“Bakit?” marahang tanong ko.

“Flavio! Hinahanap ka sa faculty room ni Miss Kyla,” one of my classmates interrupted.

“Alis muna ako,” paalam ni Gab at tumayo na.

Tumango ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa nakalabas na. Classroom secretary kasi si Gab kaya siya ang pinapatawag ng mga guro namin dahil madalas nasa kaniya ang listahan ng kung ano.

Hinarap ko ulit ang katabi. “Sa birthday mo, maghahanda ka?” nakangiting tanong ko.

He sighed, tumitig muna siya sa akin bago nakasagot. “I’m not sure...”

“Bakit naman?”

He shrugged.

“Kung handa ang inaalala mo, huwag mo nang problemahin. Sagot ko na!” I offered.

His lips parted. Napalunok siya bago nag-iwas ng tingin. “No, it’s not that...” Parang may gusto siyang sabihin pero ayaw lumabas sa bibig.

I smiled and pinched his nose. “If you want to say something, don’t hesitate. Makikinig ako at iintindihin ka. What are friends for, ’di ba?”

He looked at me again. “Okay...”

The class hours went smoothly. Maayos din naman iyong lunch namin kasi marami kami dahil kasama namin si Chase at Caius kaya lang medyo awkward din talaga.

“Kain lang kayo,” si Gab nang ilapag niya ang bote ng Minute Maid sa harap ni Caius at Second.

Pinanonood ko lang siya at hinihintay na ilagay niya rin sa harap ni Chase ang inumin nito ngunit nagsimula na siyang kumain nang hindi iyon ginagawa.

Napatikhim ako dahil sa awkwardness. Sumulyap ako kay Caius na lihim na natatawa, kay Second naman na nakayuko lang sa pagkain at kay Gab na unbothered. Bumuntonghininga ako at tiningnan si Chase sa gilid ko na walang emosyon sa mukhang nakatanaw sa pagkain niya.

His phone beeped kaya nakuha nito ang mga atensyon namin. He looked at his phone without glancing at us. Tumayo siya. “Excuse me,” aniya at umalis nang ganoon lang.

Gab let out an exasperated sigh. “Buti naman at umalis!”

Tinaliman ko siya ng tingin. “Gab, huwag ka naman ganiyan!”

Pinanood lang kami ng dalawang kasama.

Umirap siya sa akin. “Deserve niya, huwag mo akong anuhin diyan!”

Caius arched a brow at me. “Oo nga naman?”

Inirapan ko siya at binalingan si Second sa kabilang gilid ko para maghanap ng kakampi ang kaso lang nakatingin lang siya sa akin at bahagyang nakasimangot. “No comment...” nahihiyang sambit niya.

Tumikhim si Caius. “Your opinion is a must, best friend.”

Nang-aasar na naman.

“Hoy! Porke’t ayos na tayo, may karapatan ka nang mang-agaw ng best friend!” pagpoprotesta naman kaagad ni Gab kay Caius.

Humalakhak siya. “Relax. Hindi ba puwedeng best friend tayong lahat dito?”

Umismid si Gab. “Bawal ang letter C sa grupo namin.”

Nasamid ako.

Caius shook his head in amusement, inabutan niya kaagad ako ng tissue. “Napaka-uhugin mo talaga,” komento pa niya.

Sa inis ko ay inabot ko muna ang tissue bago siya hinampas sa kamay.

Second sighed beside me.

Natahimik din kami kalaunan nang natanaw naming paparating na si Chase.

“Tahimik na, parating na ang kanang kamay ni Hudas,” hirit na naman ng kaibigan.

I sighed. Napansin ko lang na hindi naman siya ganito noong mga nakaraan, siguro dahil nga sa mga nasaksihan niya sa amin ay lalong pumangit ang impression niya rito.

Dati pa naman kasi ay hindi na talaga bet ng kaibigan ko si Chase, noong naging crush ko siya ayos pa naman, pero simula nang ignorahin ako nito nang sadya at paminsan-minsang bigyan ng mixed signals ay kumulo na ang dugo niya para rito.

Nakakabanas na rin talaga noong mga panahong binibigyan niya ako ng false hopes. Paulit-ulit talaga akong napapatanong sa sarili na gusto ba talaga niya ako o trip lang? Kasi minsan hindi ko maintindihan iyong treatment niya sa akin.

Akala ko gusto niya na ako dahil sa kilos, pero natanto kong baka normal lang talaga para sa kaniya ang mga iyon.

But we’re now in a relationship, right?

Hindi ko lubos maisip kung may isang makikipaghiwalay sa amin kahit na... inaasahan ko na rin naman iyon.

Alam ko sa sarili kong mangyayari’t mangyayari iyon pero sa nagdaang mga araw ay hindi ko iyon iniisip dahil gusto kong maging masaya kahit saglit lang.

He was my happiness, but now... hindi ko na alam. He’s making me question my worth... my whole being.

And I know by now, I deserve better.

And that better isn’t him.

“Miss, comfort room muna po ako,” paalam ko sa professor naming kakapasok lang sa classroom.

She nodded. “Bilisan mo lang at may gagawin tayo.”

“Opo.”

Nang mga nagdaang araw ay nagsimula nang maging mas malamig pa si Chase sa akin, at hindi ko na iyon pinagtakhan. Sa ilang beses kong napansin ang pagiging busy niya sa cell phone ay iisang bagay lamang ang nasa isip ko.

Nag-uusap na ulit sila.

Gabi-gabi man umiyak ay naroon pa rin sa isip ko iyong... tanong na, bakit kaya hindi ako?

Pero nang tumagal ay natanto kong hindi ako karapat-dapat sa ganoong bagay. Kung kailan nagtagal, saka ko lang natanggap sa sarili iyong mga payo galing sa mga taong totoong pinapahalagahan ako.

And one of these days, I’ll make the first move. Ako na ang makikipaghiwalay sa kaniya. Ano pa naman kasing sense ng relasyon namin kung hindi ko pa rin naman siya maramdaman? Malayo siya... nandoon sa ex.

Pagkatapos kong magtungo ng comfort room ay bumalik na rin kaagad ako sa classroom. Dumating ako roong nagkakagulo na sila dahil sa kung anong activity.

“O, sino pang walang partner!”

“Ma’am, wala pang akin! Si Secundus na lang, wala pang kaniya, e!” sabi ng isa kong kaklase.

My brows furrowed. What’s happening?

“Okay. Secundus, partner mo si Ryza, ” anunsyo ng prof.

Umawang ang labi ko at sinundan ng tingin si Second na tahimik na nagtungo sa magiging partner.

My heart slightly throbbed at the sight of him holding my classmate’s hand.

“Hawak-kamay muna tapos linya nang maayos.”

Nag-iwas ako ng tingin at padabog na nagtungo sa upuan ko. Napansin agad ako ni Gab.

“Si Andy ka-partner ko, sensya ka na, hanap ka na lang iba,” pagtaboy agad niya sa kaklase.

Sumimangot si Mary. “Daya nitong baklang ’to! Wala nang iba, ikaw lang!”

“Paano si Andy? Walang kaniya kung kukunin mo ’ko!”

Tumikhim ako at sumulyap ulit sa direksyon ni Second kanina. Nang mahuli niya akong nakatingin ay mabilis agad akong nag-iwas.

Ba’t ka tumingin sa akin? Diyan ka tumutok sa partner mo!

“Ako naman nauna sa ’yo, ah? Unfair naman!”

“People at the back, anong kaguluhan na naman iyan?”

Sabay-sabay naming nilingon ang prof.

“Pinag-aagawan ako, Ma’am,” sumbong ni Gab.

Ngumiwi ako.

“Sino bang walang partner?”

Unfair naman kung si Mary ang mawawalan ng partner gayong ako ang nahuli. Nagtaas ako ng kamay. “Ako po.”

Hinanapan ako niya ako ng partner ngunit talagang odd number ang attendance namin ngayon kaya wala talagang akin. May iilan kasing um-absent.

“Ayos lang po, manonood na lang po muna ako sa gagawin para kapag may partner na alam ko na po gagawin.”

“Sige, maya-maya ay makikipagsalitan ka para makasali ka pa rin sa practice.”

Tumango ako at tahimik na lang na naupo sa gilid habang pinapanood ang mga kaklase. It was a Latin American type of dance— cha-cha.

Hindi ko namalayang nakakuyom na pala ang panga ko habang matalim na pinapanood si Second at ang kaklaseng si Ryza.

Nakakainis lang. Alam ko namang kailangan talagang mag-sway ng hips dahil required iyon mismo sa klase ng sayaw, pero kasi ang mas kinakainis ko ay iyong kantang Shut up and dance with me. Lalo na sa linyang, “This woman is my destiny”. Nakakatuwa ba iyon?

Pinukpok ko na lang ang arm rest para roon ibuntong ang inis. Buong kanta ay nakasimangot ako dahil hindi ko naman i-de-deny na magaling umindayog ang kaklase. Ni sa lahat nga ay sila ni Second ang mas nakakasunod sa mga steps! Galing sa masalimuot na paggalaw ng mga paa nila, sa mabilis na pag-ikot at sa masiglang kanta  ay talagang dapat manahimik na lang ako sa gilid.

Tss. Naalala ko tuloy noon prom namin.

Napairap na lang ako.

“Arianndy, ikaw na,” tawag ng prof.

Tumayo agad ako at nagtungo malapit sa kaniya. Itinuro niya naman sina Second.

“Palitan mo si Ryza dahil gamay niya na ang steps.”

Napasinghap ako at kalaunan ay pumayag na.

Umalis si Ryza sa tabi ni Second at ako ang pumalit. Pinagtaasan ko ng kilay ang kaharap nang mag-iwas siya ng tingin.

The song started playing again. “Ready na! 1, 2, 3! 1, 2, 3!” Miss Kyla counted while tapping her feet on the floor.

I sighed. Pumulupot ang kamay ni Second sa aking baywang bilang parte ng sayaw, ipinatong ko naman ang isang kamay sa balikat niya.

Nakagat ko ang labi nang aksidente kong natapakan ang paa niya.

“Dito ka dapat na side humakbang,” bulong niya sa akin.

I cleared my throat and looked up at him. “So, sinasabi mong hindi ako marunong?”

Tuluyan na kaming humintong dalawa.

“I didn’t say that...” marahang sabi naman niya.

I scoffed and let go. “Sabagay, mas magaling naman iyong partner mo kaysa sa akin. Doon ka na lang sa kaniya at huwag mo na akong turuan. Tutal ay madali siyang matuto, isang turo pa lang kabisado na agad kaysa naman sa akin na nagsisimula pa lang ay nakatapak na.” Huminto ako saglit nang makitang nangingiti siya lalo akong nairita. “Sorry, ha? Ito lang kasi ako! Ganitong klase lang ako kaya huwag na, mukhang naiinis ka pa yata na ako ang partner mo —”

Natigil ako nang iangat niya ang aking baba para magkatinginan kami.

“Hey... what are you saying?” boses nanlalambing na tanong niya.

Pinagkunutan ko siya ng noo saka iniwas ang mukha. “Huwag mo nga ako hawakan!”

Umawang ang labi niya at mabilis niyang ibinaba ang kamay at umatras nang konti. Yumuko siya. “Pasensiya na...”

Umawang din ang labi ko. Hala! Dinibdib niya ba? E, hindi naman talaga ako galit, ano lang... medyo naiinis.

Magsasalita na sana ako nang nasermunan ako ni Miss dahil kanina pa raw ako nakikipagdaldalan.

“Tss. Sorry na!” mariing wika ko saka siya tinalikuran dahil babalik na iyong ka-partner niya.

Gab eyed me suspiciously when I passed by him. Nang matapos ang klase sa hapon ay lumabas muna ako saglit para magpahangin. I really can’t believe them! Nakakainis kasi bagay sila as partners, samantalang ako ay kahiya-hiya dahil hindi agad nakukuha ang mga steps, nakakapanakit pa.

Itinukod ko ang siko sa railings habang tinatanaw ang kalangitan.

I heard someone clearing his throat. Napalingon ako sa likod at nakita si Second na sinundan pala ako.

He smiled a bit. “Andy... did I do something wrong?”

Nagmaang-maangan ako. “Ha?”

He heaved a sigh. “I’m sorry... but can you tell me what’s upsetting you?”

Pinagsalubong ko ang kilay. “What? Upset? Tigilan mo nga ako! Pinagsasabi mong upset diyan, ha! Pake ko ba sa inyo ng magaling mong ka-partner?!” singhal ko.

He pursed his lips and let out a shy smile. “Cute mo.”

Ano?! Uminit ang pisngi ko at mahina siyang kinurot sa tagiliran. “Secundus, para kang ewan!” pairap kong sabi.

He chuckled and pulled me for a hug. “Sorry. Ano ba ang nagawa ko? I promise, hindi na mauulit kung ano man iyon,” bulong niya.

Namilog ang mata ko, hindi dahil sa sinabi niya kung hindi sa yakap!

My heart pounded loudly, but I ignored that feeling as I sniffed his scent. “Bango mo,” nakangiti ko nang sambit.

He nodded tauntingly. “Hmm. What’s the problem now, huh?” Saka siya kumalas para harapin ulit ako.

Ngayon lang ako nakadama ng kahihiyan. Napaisip ako. Why did I act like that?!

Bakit nga ba galit ako?

I smiled shyly. “Kasi... mas pinili mo siyang partner kaysa sa akin, e, ’di ba mas close naman tayo?”

He pouted a bit. “Hindi sa ganoon...”

“Gano’n ’yon!”

He bit his lower lip. “Nahihiya akong tumanggi kanina... at totoong gusto ko ikaw ang kapareha ko pero nahihiya nga ako...”

My mouth gave a slight twitch. “Oo na, ayos na tayo.”

Days went by. Nalalapit na ang kaarawan ni Second at ang desisyon kong makipaghiwalay. Hindi ko alam kung bakit ko pa ito pinapatagal gayong dito rin naman patungo. Alam ko kasi na one of these days, baka siya na mismo ang gumawa.

At ang pride ko na hindi ko alam na mayroon pala ako ay ayaw akong hayaan kaya naisip ko na bago pa siya makipaghiwalay sa akin ay dapat unahan ko na siya.

Huminga ako nang malalim at sinulyapan si Second sa gilid ko na may nakapasak na earbuds sa tainga. Dahil half-day lang kami ay nagpunta kami sa bahay nina Gab.

Second seemed too occupied kaya naman kinuha ko ang isang earbud at nilagay sa tainga ko. I instantly recognized the song. It was Like you lots by LANY.

Napalingon siya sa akin nang naramdaman iyon. I smiled. “Malapit na birthday mo. Ano wish mo?” I casually asked and rested my head at the concrete wall behind me while waiting.

Ginaya niya ang position ko saka tumingala sa kisame. Kasalukuyang nasa kusina si Gab kaya kami muna ang nag-uusap.

“Marami...”

“Enumerate mo nga.”

He looked at me. “Una... I wish everybody to be happy, especially Mamita... and you...” After that, he looked down. “I wish to have a good health...” His voice slightly shook.

Napasinghap ko nang maalala ang kalagayan niya. These days hindi ko naman napansin iyon kaya nawala rin sa isip ko, ang hindi ko alam ay anytime maaaring atakihin na naman siya noon.

Kinabahan ako.

I rested my head on his shoulder. “I wish that too...”

He slightly nodded. “Last... I wanna celebrate one of my birthdays with Kuya...”

Napaahon ako para matingnan siya nang maayos. “Hindi mo pa ba iyon nagagawa sa lahat ng naging birthday mo?”

Tipid siyang tumango. “He... doesn’t like the idea of being with me,” pag-amin niya.

My lips parted even I already knew it. Ayaw ko munang manghimasok kahit medyo naguguluhan pa ako kasi personal na iyon.

“Wala akong kapangyarihan o ano, pero gusto kitang tulungan na matupad iyang mga hiling mo,” sabi ko.

I then gave him a genuine smile. “We’ll make your day special and unforgettable. That’s my promise.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top