Chapter 21

Chapter 21: Home

“Wala si Second?”

Gab shook his head. “Hindi ba obvious?”

I sighed. “Ba’t mo ba ’ko binabara?” tanong ko sa kaniya.

Bago pa ako makapagsalita ulit ay nagsipag-unahan na ang ibang kaklase sa pag-upo sa kani-kanilang upuan tanda na dumating na ang professor. Tumayo ako sa upuan na katabi ni Gab at nagtungo na sa sariling upuan.

Walang sinabi si Second na liliban siya ng klase ngayon kaya nagtataka ako kung bakit wala pa siya. Ni hindi siya nag-chat o text man lang, hindi rin siya nag-reply sa akin.

At dahil may quiz kami ngayong araw ay sinubukan kong mag-focus talaga sa reviewer at i-set aside muna lahat ng mga distraction sa pag-aaral ko.

I felt drained the whole morning kaya naman marami akong in-order na pagkain para sa aming dalawa ni Gab habang nagpalinga-linga upang hanapin si Chase.

I still can’t believe we kissed yesterday. At hindi ko alam kung gusto ko pa bang tumuloy sa lakad namin mamaya o hindi. Ewan, kasi sa totoo lang buong gabi rin akong binagabag sa pangaral ni Gab kahapon. Magpanggap man ako na hindi naapektuhan, my system was telling me otherwise.

Sa totoo lang... I accepted half of it... hindi buo kasi nananaig pa rin iyong pagkahumaling ko sa lalaki. Well, if this won’t turn out as a happy ending, then I guess... lesson learned na lang?

Naisip ko rin kasi buong magdamag... na talagang hindi imposible at magkita ulit sila ni Ladyn.

Natatakot ako pero hindi gaya noong mga nakaraang araw... na sobrang takot. Hindi kaya dahil naging kampante ako kahit papaano dahil sa sinabi niyang may gusto rin siya sa akin? Hindi man mahal, at least gusto. It can level up, right?

Ipinilig ko ang ulo at sinulyapan ang kaibigan na seryosong kumakain.

“Pst,” tawag ko sa kaniya.

Kunot noo niya naman akong tiningnan. “Ano? Gutom na gutom na ang cells sa utak ko kaya huwag mo akong istorbohin.”

Napanguso ako at sumuko na lamang.

Habang iniikot-ikot ang pansit sa tinidor ay namataan ko si Chase at Caius na sabay na pumasok ng cafeteria. Napanguso agad ako lalo na nang dumapo ang tingin ng dalawa sa table namin.

Hindi pa muna sila dumiretso rito nang napansin kong may sinabi si Caius sa kaniya, pagkatapos ay sabay na ulit silang pumanhik patungo sa puwesto namin.

“Sa’n ka pupunta?” tanong ko nang napansin kong inilahad niya lang kay Caius ang iilang gamit, saglit akong sinulyapan at tatalikod na sana.

“I’ll just order,” sagot niya sabay talikod ulit.

Caius’ chuckle filled my ears. Pairap ko siyang nilingon na ngayon ay kakaupo lang sa tabi ko. Nasulyapan ko naman si Gab na saglit kaming pinanonood bago ulit itinuon ang atensyon sa pagkain.

“Ba’t ’di mo siya samahan?” tanong ko, patukoy kay Chase.

He smirked and rested his elbow on the table, nilapag niya rin doon ang cell phone na sa tingin ko ay kay Chase. Saglit ko iyong tiningnan bago ulit binalik sa kaniya.

“Just a dare. Mas mataas ang score ko sa kaniya ngayon sa Basic Calculus, e. Medyo hirap daw ngayon para sa kaniya.”

Napataas ako ng kilay. “O? Basic pero mahirap?”

Parehong nakuha ng tunog ng cell phone na nasa lamesa ang atensyon naming dalawa. Kinuha niya iyon at tiningnan, sumilip naman ako.

Nang napansin niyang nakasilip ako roon ay kaagad niya iyong pinatay at ibinalik sa lamesa.

I twisted my lips. “Sino nag-text sa phone ni Chase?” tanong ko, nasa cell phone ang tingin.

“Wala...”

I noticed Gab looked at Caius from my peripheral vision.

“Hindi naman iyan tutunog kung wala, Caius,” I reasoned.

“Fine. TNT iyong nag-text, expired na raw load niya,” aniya.

I groaned. “Parang sira ’to, seryoso kasi!”

He chuckled. Ambang mamimisil na naman ng ilong kung hindi lang ako mabilis na umilag. Sisinghalan ko na sana siya nang baguhin niya ang usapan.

“’Di ba tatlo kayo? Saan iyong isa?” Sabay lipat niya ng tingin sa aming dalawa ni Gab.

“Absent si Second,” sagot ko, tuluyan nang bumigay sa usapan tungkol doon sa nag-text.

Tumango-tango naman siya. “Chase should look after his brother, wala ring pakialam ’tong isa, e,” bulong-bulong niya na narinig ko.

“Bakit? Kailangan ba ng bantay ni Second?” usisa ko. Napaangat naman ng tingin si Gab kay Caius, naghihintay ng sagot.

He shrugged and looked at the other direction. Umayos ako ng upo nang makitang papalapit na si Chase sa puwesto namin.

Siniko ko nang mahina si Caius habang papalapit na ang isa. “Lipat ka ng upuan, tabi kami,” sabi ko nang hindi siya nililingon.

Caius cleared his throat and gently touched my elbow to make me stop. Nakasalubong ang kilay ko at inis siyang hinarap. “Ano?”

He smirked at me then lifted his gaze in front. Gumuho ang kung ano sa loob ko nang mapansing wala yatang pakialam si Chase kung maglampungan pa kami ni Caius dito. He didn’t even spare a glance!

He just lazily pulled a chair beside Gab kung hindi lang umalma ang aking kaibigan ay tuluyan na sana siyang uupo.

“Close ba tayo? Hindi, ’di ba? Kaya huwag kang tumabi sa akin,” supladong ani Gab sabay hila roon sa bakanteng upuan, ipinagdadamot.

My lips parted at his crudity. Parang wala lang sa kaniya iyon at nagpatuloy na ulit siya sa pagkain. On the other hand, Chase was left dumbfounded after what my best friend did to him.

“Oh...” si Caius sa mapang-asar na boses.

“Shh!” saway ko sabay hampas sa hita niya.

Nagkatinginan kami ni Caius dahil doon. I cleared my throat after realizing what I did, siya naman ay nawala na ang ngisi sa mukha at napalitan na ito ng seryosong aura. Tumikhim siya saka nag-iwas ng tingin sa akin.

Maya-maya pa ay tuluyan na siyang tumayo at iminuwestra ang kamay sa inupuan niya kanina sabay tingin kay Chase. “Upo ka na, alipin,” anito kay Chase pagkatapos ay siya na mismo ang kumuha sa tray na hawak nito at inilapag iyon sa lamesa.

Mukhang naka-recover naman na si Chase kaya gumalaw na siya sa kinatatayuan at halatang napilitan lang na umupo sa tabi ko. My chest hurt.

Sumulyap muna ako kay Gab na ngayon ay inalok pa si Caius ng upuan, na buong puso namang tinanggap ng isa.

I sighed as I looked at Chase. Tahimik siya... at hindi man sabihin ay alam kong napahiya siya.

“Date natin mamaya, ah?” paalala ko nang hindi man lang siya umimik.

He nodded boredly and continued eating.

“I’ll go now,” si Caius nang halos matapos na kaming kumain.

Tumango naman ako.

Nang tumayo si Caius ay sinundan siya ng tingin ni Gab. Gusto ko na nga ring lapitan si Gab para pagsabihan sa inasal niya kanina kaso wala pa akong oras para roon lalo na’t narito si Chase.

“Una na ’ko,” malamig na sambit ni Gab, hindi niya na hinintay ang sagot ko at tumayo na siya. Nagmamadali pa ngang umalis.

My brows furrowed and looked at Chase. Wala rin siyang imik at nakatingin lang sa akin.

Huminga ako nang malalim. “I’m sorry, pero puwede bang mauna na ako? Puntahan ko lang si Gab,” I pleaded.

He straightened his posture and nodded attentively. Nagtaka ako sa kilos niya. Napaisip tuloy ako. Hinihintay niya lang kaya na ako na mismo ang umalis at lubayan siya? Hindi niya lang masabi? Dahil ba sa pinipigilan niya lang ang sarili na makasakit pa sa akin lalo na’t kahihingi niya lang ng tawad kahapon?

I shrugged the thoughts off. I hope I’m wrong.

Tumalikod na ako. I brisk walked to chase after Gab. Liliko na sana ako dahil baka naroon na talaga siya sa classroom dumiretso, pero nang makita ko ang pamilyar na tao ay napahinto rin ako. Sa direksyon ko ay kita ko si Caius na nakatagilid ’di kalayuan sa akin.

Halatang may patago siyang kinakausap kaya magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang saglit kong naaninag ang kaibigan na siya palang kausap nito!

My eyes widened in shock. Confusion made its way on my face. Naglakad ako pagilid para hindi nila mahalata at nang tagumpay akong nakalapit sa puwesto nila ay nagtago ako sa pader ng building.

“Sira ba ang mga ulo ninyo! Mukhang wala na yatang matino sa panahon ngayon, ano?”

Boses iyon ni Gab!

“I’m sorry. It wasn’t really my intention to lie to her... I... I don’t wanna hurt her —”

“Huwag mo akong ma-English-English dahil kahit mag-intsik ka pa, hindi magbabagong niloloko mo rin ang kaibigan ko! Magkaibigan nga kayo ng kesong iyon!”

Mas lalo pa akong nalito. Ano ang ibig sabihin ni Gab?

“Hindi ko niloloko si Andy,” matigas na sabi ni Caius.

“Hindi mo niloko? O, e, ano lang? Pinagsinungalingan? Hoy, hindi mo ba alam na nangangalmot ako, ha?! Huwag mo irason sa aking ayaw mong masaktan ang kaibigan ko kaya nagsinungaling ka kasi kung concern ka talaga sa kaniya, masasaktan man siya, ay sasabihin mo iyong totoo! Isampal mo iyong katotohanan sa kaniya para magising siya, hindi iyong tinutulungan mo pa yata siyang lalong magbulag-bulagan diyan sa walang hiya mong kaibigan!” mahabang litanya ni Gab.

Namilog ang mata ko.

“Okay...”

“Ha? Sa haba ng sinabi ko, okay lang isasagot mo?!”

“Ayaw kong isipin mong pinagtatakpan ko si Chase... believe me when I said it’s for Andy, ayaw ko siyang masaktan... and to tell you honestly, sasabihin ko rin naman sa kaniya... hindi nga lang ngayon.”

“E, kailan mo pa balak sabihin? Kapag mismong si Andy na makakita? Sira ka pala, e!”

“Fine... I’ll tell her later.”

“Sabihin mo lahat! Huwag mong idamay ang TNT sa kalokohan mo, sabihin mong ex niya ang nag-text sa kaniya na may balak makipag-meet up mamaya! Panonoorin ko na iyang kilos mo simula ngayon, Caius, huwag na huwag mong saktan si Andy kung hindi isusumbong kita sa pamilya niya.”

I stiffened on my spot. Parang nabingi ako sa narinig.

“I can’t promise you. Siyempre ay masasaktan siya kapag sinabi ko sa kaniya iyon... sige nga, paano ko sasabihin sa kaniya iyon nang hindi siya masasaktan?”

“Sabihin mong... 7 years of bad luck kapag nasaktan ka sa sasabihin ko.”

Napalunok ako. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako na pinagtatanggol ako ni Gab, na kapakanan ko ang iniisip niya o masasaktan dahil... bumalik na ang ex ni Chase.

Alam ni Caius... at ang nag-text kanina ay paniguradong si Ladyn... na makikipagkita sa kaniya mamaya.

Mamaya...

Date namin, ’di ba?

Does it mean... postponed ang amin o hindi niya sisiputin si Ladyn at pipiliing makipag-date sa akin?

Napasinghap ako sa naisip. Hello, Andy? Kahit ikaw ang girlfriend ngayon, huwag ka nang umasang ikaw ang pipiliin. Kasi kumpara sa inyong dalawa... si Ladyn ang mahal ni Chase at hindi ikaw.

I swallowed the lump on my throat as my eyes went blurry from the unshed tears.

Bago pa nila malamang may nakikinig sa pinag-uusapan nilang dalawa ay tuluyan ko nang nilisan ang lugar. Pumasok ako ng classroom na parang wala lang. I was all numb.

Dumating na iyong kinatatakutan ko.

Inaasahan ko na rin namang... mag-iiba na ulit ang tingin niya sa akin ngayong bumalik na ang taong hindi ko kailanman mapapalitan sa puwesto.

But yesterday, he admitted he likes me...

But then...

Natawa ako.

Shunga ka talaga, Andy.

Naalala kong sinabi niya palang gusto niya ako ngunit mahal niya pa rin si Ladyn.

Malamang mas matimbang iyon.

At wala akong magagawa.

“Ako iyong dapat nagtatampo sa ating dalawa, bakit parang ikaw pa ang hindi namamansin ngayon, ha?” saad ni Gab nang magkaroon kami ng bakanteng oras sa hapon.

“Huh? Wala naman... uh, ba’t ka pala nagtatampo sa akin?” tanong ko. Nilagay ko na lang din sa limot ang pangaral na dapat ay sasabihin ko sa kaniya dahil sa ginawa nito kay Chase.

Ngunit sumagi na sa akin na... nararapat lang iyon kay Chase.

Hinampas niya ako sa braso. “Haliparot ka! Hindi ko sana sasabihin ’to sa ’yo, pero haler? Narinig ko— ay namin pala ni Second iyong pag-uusap niyo noong cheese na iyon kahapon! At hindi lang iyon kitang-kita ng apat na mata iyong —”

“Oh, my gosh, Gabbana!” agap ko sabay tampal sa maingay niyang bunganga.

Dinamba ng kaba ang dibdib ko. Don’t tell me nakita niya iyong kiss kahapon?! No! Silang dalawa ni Second ang nakakita!

Oh, my gosh!

Namula ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan. Hindi ko lubos naisip na maaari ngang may makakita noon dahil public nga!

At... kaya ba ganito kumilos si Gab dahil narinig niya nga?!

“Pero, bebs, gusto ko lang malaman mo na natuwa ako nang makitang mapahiya si cheese kanina. Huwag ka magalit, pinaghihiganti lang kita —”

Hindi niya na natapos ang sasabihin nang dambain ko siya ng mahigpit na yakap. “Gosh! Mahal talaga kita, Gab! Thank you very much...” I whispered.

It all made sense. Gabbana’s treatment wasn’t really bad. In fact, he did all of those for me. He’s concerned and that’s why he’s protecting me from the people who he thinks will hurt me. And that includes Caius earlier.

I swear, I’ve got the best among the best.

“Yuck, kadiri ka! Isipin pa ng mga kaklase natin na pumatol ako sa ’yo, iww,” maarteng wika niya nang kumalas ako.

I glared at him. “Bakit? Hindi na ba talaga ako kapatol-patol, ha?”

He laughed. “Kapatol-patol... sa away nga lang.”

Mas lalong umasim ang mukha ko.

Gone all the pain I’ve felt earlier, one joke from Gabbana it vanished.

Nang mag-uwian, just like what I expected, nasa labas ng room si Caius at naghihintay.

Sumulyap ako sa kaibigan at nagpatay malisya naman ito. “Hanap ka yata.” Sabay nguso niya kay Caius na mariin akong pinanonood.

I scoffed. Okay, just pretend, Gabbana. Magpapanggap na rin akong walang alam. Mamaya, kunwari ay magugulat pa ako.

“Hintayin kita sa sasakyan natin,” bilin niya at nilipat ang tingin kay Caius. Using his two fingers, he formed a V-shape and pointed it near his eyes before pointing it to Caius. “Binabalaan kita,” he mouthed and turned his back smoothly.

Nagpakawala ako ng hininga nang kami na lamang ni Caius ang naiwan. “Bakit?” Kunwari ay hindi ako naki-tsismis kanina.

“I have something to tell you,” he said.

“Huh?” Kunwari naguguluhan dapat.

He pursed his lips and looked at me seriously. “Promise me... you won’t get hurt.”

I pouted a bit. “Paano kung masaktan ako?”

He clicked his tongue and looked away. “7 years of bad luck,” sagot niya sa mababang boses.

Hindi ko na tuloy napigilang humagikhik. What the? Talagang sinunod niya ang sinabi ni Gabbana! This is ridiculous!

“Hindi ko alam na bukod sa pagiging estudyante ay Feng Shui expert ka na rin pala?” tukso ko sa kaniya.

Imbes na sungitan ako ay sumilay na rin ang tipid na ngisi niya sa labi. “For goodness’ sake, Andy, I’m trying to be serious, alright?”

Napanguso na naman ako. “Wala naman akong ginagawa, ah! Sabihin mo na kasi!”

One sigh, he gulped and looked at me. “About the text earlier...” he started.

I looked at him patiently.

“It was really... uhm, his ex...” He examined my face, seemed like his waiting for a reaction but to no avail.

I remained normal.

“Ladyn... she’s now home based on what I’ve heard.”

Tumango ako. “Tapos?”

Kumunot ang noo niya. “Hindi mo ba ako bibigyan ng reaksyon or something?”

Napatiim labi ako at inirapan siya. “Ano ang gusto mo? Maglupasay ako sa tuwa kasi sa wakas magkakabalikan na sila ni Chase?” sarkastikong sabi ko.

He closed his eyes out of frustration. “Tatanda yata ako nang maaga dahil sa ’yo.”

Sinisi pa sa akin ang pagdagdag ng edad niya!

Sasagot na sana ulit ako nang maunahan niya ako.

“And I’ve read from his phone earlier... Ladyn wants to see him later.”

Doon na ako tuluyang natahimik. Napayuko ako. “Ano ang sabi ni Chase? Sinabihan ka na rin ba niya na hindi na tuloy ang lakad namin mamaya?”

“I don’t know...”

Tumango ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. “Ayos lang. Alam ko namang hindi talaga ako... at saka hindi yata talaga kami bagay...”

“Buti alam mo.”

I threw him dagger looks. “Epal!”

He stifled a smile. “Sorry, I was just slapping you the truth.”

Napailing na lang talaga ako. Ibig sabihin talaga ay sineryoso niya lahat ng payo ni Gab!

“Ewan ko sa ’yo! Pasabi kay Chase na kung mas pipiliin niya makipagkita kay Ladyn mamaya kaysa ituloy ang lakad namin... ayos lang at... susubukan kong intindihin at isaksak sa aking kokote na talagang hindi ko na dapat ipinipilit ang mga bagay na simula pa lamang ay hindi na talaga para sa isa’t isa.”

Pero hindi roon natatapos. Nang makarinig kami ng tikhim ay napabaling ako sa kabilang direksyon. Hawak-hawak ang strap ng bag na nakasabit sa kanang balikat ay tumaas kilay ni Chase sa akin.

At nasisiguro kong narinig niya iyong sinabi ko!

Nakakahiya!

“Don’t worry, our date won’t be delayed. As you can see, I am here to fetch you, so...” Lumipat ang tingin niya kay Caius na ngayon ay nagtiim bagang na. “Can I get my girlfriend now?” Sabay hila niya sa akin nang hindi nilulubayan ng tingin si Caius.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top