Chapter 20
Chapter 20: Deserve
Kinabukasan ay halatang namamaga ang mata ko. At dahil ayaw ko namang ipahalata na magdamag akong umiyak ay gumawa ako ng kung anong ritwal para mabawasan ang pamamaga noon.
“Andy,” tawag ni Mama nang nasa hapag na kami at kumakain ng agahan.
“Po?” tanong ko, nasa pagkain ang tingin.
“Are you okay?”
I scoffed and drank my milk. “Opo...”
“Sure ka ba?”
Tumango ulit ako, ngayon ay nag-angat na ng tingin at ngumiti. “Opo.”
Mama didn’t prolong it anymore kaya nakahinga ako nang maluwag. Last night, I thought deeply about the relationship between Chase and me. At naisip ko nga na kung may masasaktan sa amin ay ako lang iyon. Ako iyong nagsabi sa kaniya na gawin akong girlfriend at wala akong pakialam kung naka-move on na ba siya o hindi, at kung hindi pa nga... ano naman? Ito naman iyong pinili ko.
Masakit iyon, kasi alam ko na wala pa rin ako para sa kaniya. Na kahit malayo si Ladyn at wala na sila, hindi ko pa rin siya mapapalitan sa puwesto.
Nakakatakot kasi... hindi ko kaya kung... bumalik na siya.
Napansin ko na sa nagdaang panahon ay hindi naman na gaya ng noon si Chase. Let’s say na naging better siya ngayon, kung nasaktan siya noon... ngayon ay nabawasan iyon. Sigurado ako.
I’m confident to say that I made him a bit better, I made him forget the pain... well, kahit papaano.
“A penny for your thoughts?”
I glanced at Second who sat beside me in the cafeteria. I was spacing out and wasn’t aware that we already arrived.
“Wala naman, boring lang,” palusot ko.
“How was the game yesterday?” he asked casually.
Bumuntonghininga ako at hinarap siya. Magkatabi man kami ay medyo may distansya sa pagitan namin, na alam kong sinadya niya lalo na nang hinarap ko siya ay napausog siya.
“Ayos lang naman, nanalo yata sila?”
“Yata? Hindi mo alam?”
I cleared my throat. “Nanalo pala.”
Naningkit pa ang mga mata niya tila hindi kumbinsido. I sighed, hindi ko na siya kinausap at nag-iwas na lamang ng tingin. Hinanap ko sa crowd si Gab at nakitang nandoon pa siya sa counter. Akma akong tatayo para puntahan siya at ilagan si Second kaso hindi natuloy nang nahagip ng tingin ko ang paninitig ng katabing lalaki.
I cleared my throat, feeling my heart took a leap at the sight of him intently staring at me.
“Tingin ka nang tingin sa akin. Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?” I asked smoothly.
He smiled a bit and looked down. “’Di ka naman nakakasasawang pagmasdan.”
My cheeks reddened at his response. Nagtaas ako ng kilay, kunwari ay hindi naapektuhan saka tumayo.
He moved on his seat. “Sa’n ka?”
“Pupuntahan ko si Gab.”
“Sama ako,” sabi ni Second.
I frowned. “Walang magbabantay ng table natin, diyan ka na lang.”
Hindi siya nakinig sa halip ay tumayo siya at kumuha ng sticky note sa bulsa ng suot na slacks. Wow, boy scout.
Nangunot ang noo ko habang pinanonood siya.
“May pen ka?” tanong niya at naglahad ng kamay.
Nalilito man ay nilahad ko sa kaniya ang ball pen na nakasabit sa ID lace ko.
Maya-maya pagkatapos niyang sumulat ay idinikit niya iyong papel sa table namin. Binasa ko ang nakasulat doon. 'Nasa counter po ang naunang nakaupo rito. Reserved. ^_^'
“Problem solved?” taas kilay na aniya nang lingunin ako.
My lips parted. Unbelievable. “Nag-effort ka pa, e, kung may mauna man dito mamaya ay marami pa namang bakanteng upuan.” Sabay turo ko roon sa mga bakanteng lamesa sa loob ng cafeteria. Sinundan niya naman iyon ng tingin pagkatapos ay napasimangot.
“Well... I didn’t think of that. Alam ko kasi na... favorite spot mo ’to kaya...” He shrugged and looked away.
Hindi ko napigilang mapangisi at sundutin siya sa tagiliran.
“Aww, my Second is so attentive,” panunukso ko.
He frowned. “Stop it...”
Natawa ako lalo na nang suplado niya akong inunahan sa paglalakad. Naglakad naman kaagad ako para pantayan siya. “Pikon!” I exclaimed.
He remained the frown on his face until we arrived at the counter where Gab is.
“Uy, may available na pizza na! Libre ko kayo!” anunsyo ko nang makita ang kabilang station ng pagkain na bukas na.
“Pasama ka kay bebe, ako na rito!” si Gab.
Tumango ako at hinila na si Second patungo sa kabila. Habang pinapasadahan ng tingin ang iba’t ibang uri ng pizza ay nagsalita si Second sa likuran ko.
“Hindi kayo magsasabay ni Kuya kumain ngayon?”
Bahagya akong natigilan. Kumirot na naman ang puso ko at pasinghap na tumayo. “Uh... hindi ko alam, Second. Baka maya-maya pa break nila, pupunta naman iyon dito...” sagot ko.
Hindi na siya nagsalita.
“Tatlong slice nga po ng Hawaiian pizza,” sabi ko roon sa tindera at sinipat si Second. “Gusto mo ba ng pineapple sa pizza?” tanong ko.
Tipid naman siyang tumango. “Okay lang naman.”
My eyes twinkled. “O, talaga?! Si Gab kasi ayaw, ako gustong-gusto!” Humarap ulit ako roon sa tindera. “Puwede po piliin iyong mas maraming pineapple na toppings sa dalawang pizza? Tapos iyong isa po kahit konti lang kami na lang magtatanggal.” I giggled.
Pagkatapos naming bumili ay kinuha ni Second ang tray. Napatalon pa ako dahil sa takam nang maamoy ang pizza kaya nga hindi ko namalayan na may estudyante akong nakasalubong at nagkabangga pa kaming dalawa.
“Andy,” si Second sabay haklit sa siko ko pero huli na ang lahat.
Namilog ang mata ko nang bahagyang natapunan ang damit ko ng buko juice niya. “Hala, sorry!” sambit ko nang nangalahati ang inumin niya.
Kinabahan agad ako. Baka magalit siya!
Namutla naman iyong babae. “Hala, hindi po! Sorry kasi natapunan kita.”
I was confused.
“Sorry po, ito po panyo —”
“It’s fine, miss. Ako na magpupunas sa kaniya, you can go and eat your lunch,” agap ni Second sa babae.
Nakagat ko ang labi nang makita ang basa sa damit ko. Nailapag muna ni Second ang tray sa malapit na table at nilabas ang panyo niya. Pinanonood ko lang siyang seryosong pinupunasan ang parte ng uniporme ko na nabasa.
“What the fuck...”
Napatingin kami ni Second sa isa’t isa nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Akma na naming lilingunin iyon nang sakto ring dumating si Gab sa puwesto namin. “Ano nangyari?” he cluelessly asked, nagpalipat-lipat siya ng tingin sa amin hanggang sa lumihis ang tingin niya sa likod ko saka roon na napako.
“Tingin pa lang, nakaka-deds na...” he murmured that made me more nervous.
“Back off, Secundus,” ani Chase nang nakalapit na siya sa amin. Gulat pa rin ako hanggang sa nagawa niya pang itulak si Second para lang magkalayo kami.
“Chase!” mariing tawag ko, hindi nagustuhan ang ginawa niya kay Second.
His jaw clenched before gripping my wrist.
“Chase, ano ba!” sigaw ko at pilit na kumakalas sa hawak niya. Nagtinginan na ang ibang tao sa amin. Shit! He’s making a scene!
“Hoy, bitawan mo nga siya!” reklamo ni Gab at hinampas si Chase ng panyo.
“Kuya,” tawag ni Second kay Chase pero na sa akin ang tingin.
“Shut up,” anito at tuluyan na nga akong hinila palabas ng cafeteria.
“Ano ba ang problema mo, ha?!” buong pusong sigaw ko nang bitawan niya ang kamay ko nang makarating kami sa park ng campus.
“Why are you with him?” tanong niya.
The rage in my system increased. Namula ako sa iritasyon sa kaniya. “Ano ba ang pake mo kung kasama ko siya?!” God knows I’ve never been this mad my whole life. Nakakainis! Hindi ko siya maintindihan at hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang din ang galit ko. Well, may rason ako! Bukod sa nasaktan pa ako sa nakita sa cell phone niya at tinulak niya pa si Second kanina na wala namang ginawang masama! He’s being unreasonable!
“Are you flirting with him, huh? I don’t want you near him again —”
Hindi ko na napigilang hampasin siya sa dibdib niya. “Punyeta ka, alam mo ba ’yon?!”
“Unang-una sa lahat, hindi mo ako puwedeng diktahan! Huwag mo akong sabihan kung sino dapat ang kasama ko! Sino ka ba sa tingin mo?!”
His lips parted in shock. Tila hindi inaasahan ang pagsabog ko.
“I’m your... boyfriend,” kalmadong tugon niya.
Ako naman ang natigilan, pero saglit lang iyon dahil lalo lang yatang na-trigger ang sistema ko. “Boyfriend...” I mockingly repeated.
Nanatili siyang seryosong nakatingin sa akin.
Tumingala naman ako para salubungin ang tingin niya. “Boyfriend, huh? But you’re not acting like one! And for your information, you hypocrite asshole! I’m not flirting with Second!” galit na galit na sigaw ko sa mukha niya.
Walang nagsalita sa pagitan namin hanggang sa marinig ko na lang ang sariling hikbi. What a frustrating love life!
“Ayaw kong magalit sa ’yo, Chase Yuan, pero sa inaasta mo ngayon binibigyan mo lang ako ng maraming dahilan para patunayan na gago ka, ” pagpatuloy ko sa nanginginig na boses.
Itinago ko ang dalawang kamay sa likod at doon pinisil ang daliri. Tuluyan nang bumuhos ang mga luha habang nilalabas ko lahat ng sama ng loob ko sa kaniya.
“For the past months, I never felt of us being together, maliban na lang siguro physically kasi alam mo ’yon... kahit pakiramdam ko na abot-kamay na kita pero hindi pala... kasi I know someone still occupy your heart and mind. Na kahit anong effort ang gawin ko, kahit anong pilit ko na palitan siya sa puwestong iyon... hindi pa rin mapapalitan kasi ikaw mismo ayaw siyang kalimutan at tanggalin sa puwesto riyan sa puso’t isipan mo.” Tumigil ako saglit para punasan ang luha sa aking pisngi.
I then lifted my eyes on him. “I like you for years, Chase. I’ve been hurt for like many times because of you, but I didn’t... couldn’t blame you because it’s my choice. Ngayon... alam kong hindi kailanman siya naalis sa sistema mo, kahit na nasa tabi mo ako kahit ako na iyong kasama mo... siya pa rin, siya lang.”
That thought only gives me excruciating pain in my heart. How can he make me the happiest but at the same time can hurt me like there’s no tomorrow?
“Kaya huwag mong baliktarin ngayon, don’t make me feel guilty... huwag mo akong utusan na umiwas kay Second kasi kahit totoong mahal mo pa ako, hindi kita susundin, hindi ko iiwasan iyong taong nariyan lagi, naghihintay lang lagi sa tabi para kumustahin ako... lalo na tuwing pinamumukha mo sa aking wala lang talaga ako... like I will always be just a stranger to you.”
His eyes turned bloodshot, but I don’t care at all.
“Alam natin na simula pa lamang ay pinagtutulakan ko lang naman ang sarili ko sa ’yo...” Bahagya pa akong natawa nang maalalang bakit ko nga ba siya nagustuhan. “Bakit kasi ang galing mo sa debate?” I joked yet he remained stoic. “Kung sana hindi ako napasilip sa room ninyo noon, hindi naman siguro kita magugustuhan... masyado mong ginalingan sa debate kaya pati ako napasuko sa ’yo.”
Kinakalma ko na ang sarili. “Ewan pero nakakapagod kang gustuhin, nalalabuan ako sa ’yo. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano nga ba ako sa ’yo kasi minsan kumikilos ka na parang may gusto sa akin pero most of the time you’re cold, like you’re not interested at my presence at all. Sabihin mo nga... nagustuhan mo ba ako kahit katiting lang —”
But before I could even finish my sentence he crouched to touch my lips with his.
Nagulantang ako sa ginawa niya.
Lumayo siya nang konti pagkatapos akong patakan ng mababaw na halik sa labi. Akma akong magsasalita nang hindi niya ulit ako hinayaan. For the second time, his lips touched mine... this time, it wasn’t just a swift kiss... he tilted his head to kiss me... kinda deep.
I didn’t respond. Bukod kasi sa biglang nablanko ang isip ko ay hindi ko rin alam paano.
“Forgive me...” he whispered when our lips separated.
Bumilis ang paghinga ko nang dumapo ang aking tingin sa mapula-pula’t medyo basa niyang labi.
Napalunok ako. Parang lahat ng sama ng loob ko ay biglang naglaho. Lahat ng hinanakit ay nabaon lahat sa lupa dahil sa halik niya lamang.
“I’m sorry. I like you... but I’m just fooling myself if I tell you I don’t love her anymore.”
Parang tumalon iyong puso ko sa narinig. He likes me... tama ba ang narinig ko?
I nodded slowly, giving in.
Nagtaas siya ng kilay.
I cleared my throat and looked at his lips again. Nag-iwas ako ng tingin kahit ang lapit pa rin ng mukha niya sa akin dahil magka-level na ang mata naming dalawa.
“Uhm...” Pinapatawad na kita?
“Go on, think about it.”
Huminga ako nang malalim at pinagdiskitahan na lang ang mga kuko habang nag-iisip. I unconsciously licked my lips when the kiss crossed my mind.
Namula ang mukha ko dahil doon. I seemed so distracted about the kiss! Iyon na nga lang yata ang nasa isip ko!
“Date tayo bukas. Pupuntahan at gagawin natin lahat ng gusto ko,” sabi ko, nasa damuhan ang tingin.
I heard him chuckle. Nairita ako roon kaya hinarap ko siya.
“May nakakatawa ba?”
He shook his head and stood properly. Tiningala ko siya.
He sighed and reached for my cheeks. He gently wiped it and licked his lower lip. “I am very sorry, Andy.”
I pouted and tried to avoid his touch, but he held my face in place. “We will tomorrow, okay? Sorry for my behavior earlier.”
I didn’t question him anymore. Dahan-dahan kong itinanggal ang kamay niya sa mukha ko at hinarap siya nang maayos.
“Pero totoo ba talaga iyong sinabi mo kanina? Na gusto mo rin ako?” Nakakainis! Bakit kasi ang bilis kong kiligin?
He nodded, amused. Hindi ko na napigilang mapangisi. I pinched his cheek before tiptoing to plant a kiss on his cheek. “I love you!”
He just smiled.
Wow, how can he easily erase the pain, huh?
Bumalik kami sa cafeteria at hinanap ang dalawang kaibigan ko, pero hindi ko na sila makita at sa tingin ko’y nasa room na sila kaya naman kaming dalawa na lang ni Chase ang nagsabay kumain bago niya ako ihatid sa room ko.
I was smiling the whole afternoon... until I noticed Gab seemed indifferent. Nang lingunin ko naman si Second ay nanibago ako nang hindi siya nakatingin sa akin. Usually kasi talaga ay kapag babaling ako sa direksyon niya ay lagi ko siyang nahuhuli, pero ngayon ay ang buong atensyon niya ay nasa notebook niya.
I sighed.
Nang mag-uwian naman ay kating-kati na ang dila kong magsalita kaso wala akong lakas ng loob. Hindi ko alam kung bakit biglang ganito ang mood nila.
Nang madaanan namin ang room nila Chase ay magpapaalam sana ako na pupuntahan muna ang lalaki kaso nasa ganitong mood sila at baka kapag gagawin ko iyon ay iiwanan nila ako kaya naman hindi ko na lang itinuloy.
Bago pa kami maghiwalay ng daan ni Second ay nagawa niya na akong kausapin sa gilid.
“You good?”
I was shocked but still remained normal. “Oo naman, ikaw?”
He just smiled a bit.
“Gab, may problema ba tayo?” tanong ko sa kaibigan nang nasa loob na kami ng SUV.
Hinarap niya ako at umirap nang todo. “Dekada akong naghintay sa tanong na iyan, Zairen Arianndy,” aniya sa seryosong boses.
Kinabahan ako. “Sorry, bakit?”
Umirap ulit siya bago sumandal sa kinauupuan.
“Real talk lang, Andy, ha? Pero, bebs, natatangahan ako sa ’yo. Matalino ka pero hindi mo ginagamit iyang utak mo.”
I was kinda offended. “Huh?”
He glared at me. “Huh? Huh mo mukha mo,” he sarcastically replied.
Lalong nangunot ang noo ko. “Uy... may nagawa ba ako?” Sabay mahinang yugyog ko sa balikat niya.
“Oo, katangahan.”
“Gabbana, seryoso kasi!”
Huminga siya nang malalim at hinarap ulit ako.
“Puwede bang... huwag na lang si Chase?”
Taka ko siyang tiningnan.
“Ang ibig kong sabihin ay...” Hinilot niya ang sentido at umirap na naman. “Nyemas, ba’t kasi kailangan ko pang mamroblema sa love life mo, hindi nga ako nag-jowa para walang sakit sa ulo tapos jowa mo lang pala magpapa-stress sa akin,” he murmured. Buti at mahina ang boses niya baka marinig kami ng driver at maisumbong pa ako kung sakali.
Hindi ako nagsalita at pinakinggan lamang siya.
“Ganito kasi iyan, bebs. May lalaking mas pahahalagahan ka, iyong lalaking ipaparamdam na worth it ka, iyong hindi ka babalewalain. Iyong lalaking mag-so-sorry at hindi na ulit gagawin iyong mali hindi gaya niyang cheese na iyan —”
“Gab, you’re badmouthing him.”
Inirapan niya na naman ako baka mamaya kakairap niya ay manatili na ang puti.
“Badmouth-badmouth, e, mas masahol pa nga siya. Hindi nga siya pumatay ng tao, pero para sa akin hayop siya dahil sa trato niya sa ’yo —”
“Gab!” saway ko.
“Hindi kita maintindihan. Alam kong hindi kontrolado ang feelings, pero gusto ko lang sabihin sa ’yo na wala kang mapapalang maganda sa Chase Montessori na iyon, at sa tingin ko’y hindi kayo ang para sa isa’t isa. Hindi mo siya deserve, Andy, may deserving na tao na kayang maging best para sa ’yo. Don’t settle for less, hindi ka nababagay sa ganoon. Mas okay pang si Second na lang. Ipapaubaya ko ang isang ’yon sa ’yo basta huwag lang si Chase.”
I scoffed at his last sentence. As if naman sa kaniya si Second. Well, Second... I don’t know my feelings for him or I just chose not to entertain it since my attention’s only for Chase. Pero...
Is Chase really undeserving? But why I feel like... he deserves endless chances? Nasa tama pa ba akong pag-iisip?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top