Chapter 2

Chapter 2: Order

“Challenges are meant to motivate you and see what you are capable of,” saad ni Sir Javier sa gitna ng klase.

“True,” rinig kong pagsang-ayon ni Gab galing sa kinauupuan niya.

Napakagat-labi ako dahil mukhang nakaturn-on na naman ang pang-aasar mode niya.

Bago ko pa ulit ituon ang atensyon sa harap ay nahagip ko muna si Second na nasa likuran, nakatungo siya pero nang nag-angat ay sa akin agad dumapo ang kaniyang tingin.

Sabay kaming nag-iwas ng tingin.

Habang nagsasalita si Sir Javier ay naglalakad-lakad siya sa gitna ng klase. “Your experiences give you significant lessons that can help you in dealing with future challenges...”

“Tumpak ka,” dugtong na naman ni Gab.

Bumuntonghininga ako at binalingan siya para sana sitahin, pero ang atensyon niya ay na kay Sir Javier na mukhang hindi siya narinig dahil sa hindi naman ganoon kalakas ang pagkasabi niya.

Napaigtad kami halos nang bigla na lang pumadyak si Sir dahilan para makalikha ito ng tunog. “Montessori, I don’t wanna interrupt your daydream, but we’re meant to study Life’s Challenges, and not Reistre.”

Awtomatikong umawang ang labi ko nang narinig ang sa sariling pangalan, tahimik ang buong klase dahil talagang strikto si Sir Javier kaya natatakot silang magpasaway, si Gabbana lang naman ’tong minsang mayroong lakas ng loob.

Kagat-kagat ang labi ay dahan-dahan akong lumingon sa likod at naabutang kakaiwas pa lamang ng tingin ni Second galing sa aking direksyon.

“You should take this lesson seriously, and not taking a glimpse of your classmate. Absent ka na nga lagi tapos papasok ka pang hindi nakikinig at nananaginip lang ng gising? Pwes, huwag ka na lang pumasok kung ganoon! Mga purwisyo!”

I was shocked of his sudden burst out. Kanina, nagbibiro lang naman siya tapos biglang sisigaw.

I suddenly felt bad for him.

The entire class hours seemed suffocating. Ngayon ko lang nakitang napagalitan si Second bukod nga kasi sa lagi siyang absent. Himala nga‘t pumasok siya ngayon kasi usually hindi siya present sa magkasunod na araw.

Today’s different.

“Nyemas talaga ang panot na iyon, pinagalitan pa si bebe,” pagra-rant ni Gab nang pumunta siya sa upuan ko pagkalabas ni Sir Javier.

“Kaya nga, e...”

Gabbana ran his fingers through his hair and womanly rolled his eyes at me. “Alam kong diyosa ako, huwag mo akong titigan baka isumpa kita,” aniya.

Natawa ako. “Kapal ng mukha mo.”

“Break na, uy. Gutom na ako,” pag-iiba niya ng topic.

Tumango ako at inilibot muna ang paningin sa loob ng class room at isa-isang napansin ang mga kaklaseng nagsisilabasan.

“Nahiya na tuloy ako yayain si Second maglunch... sabihan mo nga,” utos ko pa sa kaniya nang hindi tumingin sa likod, pero sigurado naman akong nandoon pa ang lalaki.

“Samahan mo ’ko malamang! Nahihiya rin kaya ako, lakas makapagpatiklop nitong si Secundus, bigla akong naconscious sa hininga ko baka mamaya maamoy niya.”

Once again, I laughed.

Hays, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung hindi ko naging kaibigan si Gabbana. He’s gay, and I love him. Ang saya kaya niya kasama.

I have friends too, pero hindi gaya ni Gab na pinakaclose ko. Siya lang talaga ang itinuturing kong best friend, at ang ibig kong sabihin na mga friends ay ang mga kakilala... s’yempre, I’d label them as my friends already.

Hila-hila ni Gab ang tela ng uniform ko patungo sa puwesto ni Second na ngayon ay may nakapasak na earphones sa magkabilang tainga at may kung anong sinusulat sa notebook niya.

“Secundus Montessori, sasama ka o ibibitay ka namin? You choose,” sabi ni Gab pagkatapos tanggalin ang nakakabit na earphone sa isang tainga.

“Ha?”

“Habi ko hahama ka ba ha amin,” si Gabbana.

I don’t wanna laugh because it’s rude to mock like that, knowing na may mga taong ganito magsalita dahil sa disability.

Pero hindi ko napigilang mapahagikhik at magtakip ng bibig upang magpigil.

My family taught me good manners, so I should take it seriously.

Hindi kaagad sumagot si Second at sinulyapan muna ako kaya dahan-dahan ding napawi ang ngisi sa aking mukha.

Tumikhim ako. “We made a deal yesterday, right? Alam ko naman na hindi ka nagpromise, pero dahil narito ka...” Naglahad ako ng kamay. “Shall we?”

Mukhang nagulat pa siya dahil hindi siya kaagad nakagalaw at mukhang estatwang nakatitig sa kamay ko na nasa ere.

Lumunok siya at ilang beses na huminga nang malalim. “Salamat sa kamay mo, pero kaya ko na tumayo,” sambit niya at dahan-dahang tumango.

Tumango ako at ibinaba ang kamay.

“Hindi naman ibinibigay ni Andy iyong kamay niya sa ’yo. Assuming ka rin, bebe,” komento ni Gab at sigang sinapak nang mahina ang huli sa braso.

A small smile crept on his lips.

“Bebe kita, kayong dalawa ni Andy bebs. Huwag ka na umangal baka bukas sunog na bahay niyo.” Iniangkla niya sa akin ang isang braso at ganoon din ang ginawa niya kay Second.

We’re now currently inside the cafeteria. Through the years, unti-unting nag-a-upgrade ang Clark High, pero walang pinagbago sa tuition fee. Afford ito kahit walang business ang pamilya mo.

It looks more prestigious unlike before as far as I remember. May mga litrato noon na ipinapakita sa akin ni Lolo o kaya ng mga kuya.

Layunin ni Lolo, bigyan ng pag-asa ang iilang kabataan na sakop ng lugar sa pamamagitan ng edukasyon. Kaya ito, pantay-pantay ang tingin sa lahat ng estudyante rito. Bawal ang bias, ni favoritism.

Dahil nga si Lolo ang may-ari ng eskwelahan, may iilan ang nakakaalam no’n, at as possible huwag sanang ikalat.

Lolo always wanted to be lowkey.

Gaya ng pamilya, gusto ko rin nang ganoon. Hindi sa gaya-gaya, pero dahil ayaw kong maging iba ang tingin sa akin kung sakaling alam nila na mataas ang antas namin.

Ayaw kong maging uncomfortable ang iilan sa akin dito sa eskwelahan, at lalong ayaw kong makatanggap ng special treatment.

And that’s how I am living my life. Here, there’s equality, walang discrimination at judgements na maaaring madalas marinig, at kung ano pa. At kung mayroon man, iilan lang din dahil kapag narinig ito ng iba ay maninita o hindi kaya isusumbong.

At ito ang nakakahanga para sa akin.

Pero minsan natutuwa kasi ako kay Gab kapag ganoon ang ugali niya kay Sir. Alam ko naman ding biro lang iyon kaya siguro ayos na rin basta huwag niya lang iparinig kung ayaw niya ma-drop-out.

As per Sir Javier, his attitude was fit in his role as a professor. It’s his way of disciplining students, and teach them to be good as they could be.

Pero minsan... he’s crossing the line. Hindi naman tama iyon, e. Siguro sa nangyari kahapon na pagpapalabas sa akin ay ayos lang, pero noong sabihan niya ang lalaki na sana hindi na lang pumasok at purwisyo pa raw.

I felt guilty... kahit alam kong wala naman akong kasalanan sa nangyari.

“Dito na tayo sa four-seat, Ands,” pag-aya ni Gab at hinila ulit kami ni Second papunta roon.

The cafeteria was pretty huge. Ang spacious niya kaya minsan ay malabong magkasiksikan kahit pa magsabay-sabay pa sa pagpasok ang mga estudyante.

Even the seniors were allowed to come in this cafeteria. Dati raw kasi ani Kuya Zian ay may division sa pagitan ng junior at senior, kaya may sarili rin silang hall kung tawagin, pero iisang eskwelahan lang din naman. Ngayon ay mas pinalaki ito para maaari na ring makapasok halos lahat ng estudyante ng Clark High.

Heck, this cafeteria even has a second floor! Plus, may mini library pa for students na gustong mag-aral habang nag-i-snack.

Lolo Owen just made me more proud of him. He’s an inspiration, and hoping he’d live a longer life pa.

He’s old now, and somehow... weak, and the thought of losing him makes me want to vomit. Posible, pero nakakatakot isipin!

I grew fond of him so much. And we, his grandchildren kahit pa apo sa tuhod, ay mahal na mahal siya.

We learned a lot of things... that make us think that everything’s meaningful and worth it.

“Treat ko ngayon... so, ano sa inyo?” tanong ko sa dalawang lalaking katapat.

“Sisig sa akin, bebs. Sayo, bebe?” Sabay baling ni Gab sa katabing si Second na mukhang hindi komportable.

Sinuway ko si Gab sa pamamagitan nang mahinang pagsipa sa kaniya sa ilalim ng lamesa.

“Bakit?”

“Huwag ka masyadong feeling close, uneasy si Second, oh.”

He tilted his head to examine the latter. “Hehe, sorry, be.” He even had the guts to pinch Second’s arm, napahaplos tuloy ang lalaki roon.

Napapikit ako. “Gabbana naman, don’t cross the invisible line,” suway ko at kunwaring gumuhit ng linya sa pagitan nila.

“Tse. So, ano order mo, bebe? Is it me or ako?”

Napasinghap ako sa ugali ni Gab. Gusto kong matawa, pero nag-aalala kasi ako sa isang lalaki na mukhang gusto na lang umalis kaysa kumain kasama kami.

“Gab, isa pa,” banta ko.

Nginusuan niya ako at maarteng hinawi ang kunwaring mahabang buhok saka nilubayan si Second na ngayon ay mukhang nakahinga na nang maluwag.

“Uh... ako na lang mag-o-order, Arianndy...” saad ng lalaki.

Napangisi ako. “You’re too formal. Baka mamaya isipin kong ayaw mong makipagkaibigan sa amin. Andy na lang, nickname mo kaya tawag ko sa ’yo.”

“Oo nga naman, tapos sa ’kin bebe itawag mo, ha? Iyan na pangalan ko ngayon, kagagaling ko lang para magpa-register sa PSA kanina.”

Namalikmata yata ako nang makita ko siyang mahinang tumawa. “Weird mo, Gabbana...”

“Ay, ang hot ng Gabbana! Sige, ikaw si Dolce ng buhay ko.”

Hindi ko na mapigilang matawa pa nang malakas. “Uy, ano? Wala ba kayong balak kumain? Order muna tayo, aba.”

“Secundus nga ang order ko!” singhal ng kaibigan.

Umirap ako. “Sisig kamo.”

“Ako na lang talaga... Andy.”

I frowned. “Hays, Secundus. Ako nagyaya sa ‘yo kahapon kaya treat ko ngayon.”

“Oo nga! Choosy ka pa, e, libre na iyan. Masamang tinatanggihan ang grasya, bebe,” si Gab.

“Pero kasi... ako iyong may atraso sa iyo, ’di ba?”

Huminga ako nang malalim. “Alam mo, tama ka, pero treat ko nga kasi muna ngayon. Gusto mo ba makabawi?”

Tumango siya.

Ngumiti ako. “Sige, treat mo naman bukas.”

Doon nawalan ng emosyon ang kaniyang mukha.

“Bakit?”

Agaran siyang umiling. “Hindi ako sigurado kung papasok ako bukas...”

Ngumuso ako at nag-isip-isip. “Hindi ko alam kung bakit ka absent madalas, ha? Gusto ko malaman, pero sa ’yo naman ang desisyon kung sasabihin mo... hindi kita pipilitin kasi ayaw kong maging uncomfortable ka.”

Tumango si Gab sa gilid.

“Susubukan ko... samahan na lang kita?”

Agad umalma si Gab. “Ay, cheater! Ano, iiwan mo ako para samahan siya? No, bebe, Gabbana won’t let Dolce go with Andy!” parang tangang aniya sabay hawak sa braso nito.

“Gabbana, susmaryosep,” naiusal ko na lang.

Tumayo na ako habang pailing-iling. “Ako na bahala, diyan muna kayo, ha.”

We argued a bit, dahil gustong sumama ni Second, pero si Gab ay mukhang ginaganahan pa sa pang-aasar dito.

Nang nasa counter na ako ay atsaka ko pa lang naalala na hindi pala naibanggit ni Second kung ano ang gusto niyang pagkain.

I-ti-text ko na sana siya para hindi na ako pabalik-balik, since I have his number, pero may nagsalita sa gilid ko.

“Order him a vegetable food, fruit excluding grapes, a yogurt and water will do.”

Kumabog kaagad ang dibdib ko sa napamilyarang boses.

Dahan-dahan akong bumaling sa gilid at parang lumubog ang puso ko nang nakita si Chase.

Gusto kong ngumiti, pero nang nakita ko ang kamay na nakapulupot sa kaniyang braso ay hindi na lamang ako umimik.

He’s with his girlfriend, of course.

“P-Paano mo... nalaman?”

Hindi muna siya umimik para halikan sa noo ang girlfriend bago humarap sa akin. “I overheard your conversation back there because you guys were too loud.”

Nagbaba ako ng tingin.

Hindi dahil sa sinabi niya, pero dahil sa nakita kong paghalik nito sa noo ng babae.

“Hurry up, my girlfriend’s hungry,” dagdag niya pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top