Chapter 19

Chapter 19: Text

Seize the moment ika nga nila. Kaya naman simula nang naging kami ay walang araw na hindi kami nagkikita o nag-uusap. May mga oras na busy siya, pero gumagawa ako ng paraan para masilayan siya kahit saglit lamang.

“Napapadalas yata ang alis mo. Saan ka na naman?” nakapamaywang na tanong ni Mama nang makita niyang pababa ako ng hagdan at nakabihis nang pang-alis.

“Gala lang po,” sagot ko. Until now, wala pa silang alam na may boyfriend ako. Bukod kasi sa kabado pa akong sabihin ay si Chase na mismo ang nagsabi na hindi pa siya handa sa mga ganoong bagay. Kumbaga meeting the parents stage.

“Sobrang kati ba ng paa mo, Arianndy, at araw-araw ka gumagala? Baka mamaya pinababayaan mo na ang pag-aaral mo?” si Mama ulit.

Bumuntonghininga ako. “Ma, hindi po. Sige, aalis na po ako,” paalam ko, hinalikan siya sa pisngi at dumiretso na papalabas.

“Doon naman tayo pumunta sa arcade!” saad ko at iniangkla ang kamay sa braso ni Chase.

He sighed. “No, huwag na roon.”

Napanguso ako. “Bakit? Lagi na lang tayong nasa floor ng mall na ’to. Gusto ko roon sa taas para naman mas masaya, bakit ba ayaw mo?” tanong ko.

Napansin ko ang biglang pagkairita sa mukha niya. He even swayed my hand on his arm and looked at me annoyed. I gulped.

“I said I don’t wanna go there. Hindi mo ba iyon maintindihan? At saka I’m not a kid anymore to play games,” sermon niya sa akin.

I lowered my gaze and nibbled with my lower lip. “Pero noong isang araw... nakita ko sa IG story ni Caius... naglalaro kayo ng basketball sa arcade...” mahina at mabagal na tugon ko.

“Oh, goodness gracious... huwag mong tingnan ang story ni Caius. Better unfollow him so you won’t see things, let’s go, umuwi na tayo.” Sabay patiuna niya ng lakad.

Huminga ako nang malalim at ipinilig ang ulo. Isinantabi ko muna ang naramdamaan at nagmadali sa paglalakad para maabutan siya. Our today’s date didn’t go well. Tahimik kami sa loob ng taxi, tango lang din ang ibinigay niya nang bumaba ako pagdating sa bahay.

Ako: good eve. i’m sorry, hindi na ulit ako mangungulit. don’t get mad, pls?

Napanguso ako pagkatapos kong i-send iyon, niyakap ko nang mahigpit ang unan ko habang hinihintay ang reply niya na hindi dumating hanggang kinabukasan. Ganunpaman, I received a message from someone.

Second: Psalm 94:19, “When anxiety was great within me, your consolation brought me joy.”

Good morning, Andy! Have a great day ahead, see you later! ༼ つ ◕‿◕ ༽つ

A smile formed on my lips. Thank you, Second.

Ako: good morning! thank you for the comforting verse you always give, i appreciate it a lot. see u later mwaaa <333

I composed a message for Chase.

Ako: good morning! >< u didn’t reply last night, i hope we’re good. i’m sorry, ily. ♡

I don’t know what’s up with him. Ganoon ba siya kainis kahapon? Gusto ko lang naman maglaro roon sa arcade, e. May problema ba roon?

“Bakit nakasimangot? Something wrong?” puna ni Second tanghali nang nasa cafeteria na kami.

Umiling ako at patuloy na nagpalinga-linga sa gilid. “Wala naman. Have you seen your brother?” Sabay tingin ko sa kaniya.

Hindi muna siya kaagad nakasagot nang dumating si Gabbana galing sa counter. Nagtaas ako ng kilay, naghihintay.

He slowly shook his head. “I’m sorry, hindi ko siya nakita ngayong araw.”

“Sino?” singit ni Gab, nilantakan na ang sisig.

“Si Chase...” sagot ko.

Lumihis ang tingin ni Gab. “O? Speaking of the devil, ayan na, o!”

Napalingon ako sa likod ko at totoo ngang si Chase iyon na may dalang tray! Naglalakad na siya papalapit sa direksyon ko. And yes, minsan ay sinasaluhan niya kami pero madalas ay hindi lalo na at hindi pa rin pala sila in good terms ni Second sa hindi ko alam na kadahilanan.

“D-Dito ka kakain?” nauutal kong tanong nang dumating siya sa table namin.
He clicked his tongue. Pinasadahan niya ng tingin si Gab, Second hanggang sa dumapo ang tingin nito sa akin. “I’ll borrow Andy,” sambit niya at kinuha ang pagkain ko sa lamesa at nilagay iyon sa kaniyang tray bago ako hawakan sa papulsuhan at hinila papatayo.

“Saan tayo?” gulat ko pa ring tanong, saglit na binalingan ang dalawang kaibigan. Si Gab na lukot ang mukha at si Second na walang emosyon.

“We’ll eat together,” he shortly answered.

“E, bakit hindi sa table namin?”

He sighed and put the tray on the vacant table. Humalukipkip siya at tamad akong binalingan. “I don’t wanna be around Secundus.”

I nodded, hindi na pinahaba ang usapan at naupo na lang.

“Hindi mo ako ni-reply-an,” I pointed out later on. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita kong napainom siya ng tubig saka nag-iwas ng tingin.

“I got busy, I haven’t checked my phone yet. Sorry,” sagot niya.

Tumango ako at ngumiti. “Okay lang. Update is fine.”

Natigilan siya at napapikit muna saglit bago ulit ako tingnan nang diretso. He reached for my hand and squeezed it a little. “I’m sorry, I will.”

Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan siyang ganito. I knew he’s trying his best, and I appreciate it... so much.

“Pero... bakit nga ba hindi kayo magkasundo ni Second?” I asked.

He pursed his lips and shook his head, umayos siya ng upo. “Long story.”

“I’m all ears,” I probed.

“I... I don’t wanna tell it.”

Tumango ako kalaunan. “Okay, sorry.”

Nang matapos kaming kumain ay nakita kong papalapit na ang dalawang kaibigan sa amin. Akma akong magpapaalam kay Chase na aalis na nang magsalita siya.

“Tell your friends I’ll send you in your room later.”

Kaya ayon ang sinabi ko sa kanilang dalawa. Hindi rin nakaligtas sa akin ang labag sa loob nilang pag-alis ng cafeteria. Hindi ko alam kung masaya ba sila na kami na ni Chase o napipilitan lang para hindi ako magtampo.

May ilang minuto pa naman bago matapos ang break kaya nag-ikot-ikot muna kami saglit ni Chase sa campus. Habang tinatanaw ang mga gusali ay napaisip ako.

“Last year mo na nga pala sa senior...” puna ko, medyo malungkot dahil hindi ko na siya makikita sa loob ng campus next year.

He nodded and smiled a bit. “Yes, I’m kinda excited, though.”

Napaawang ang labi ko. “Excited sa ano?” Umalis sa school na ’to?

“Siyempre, college na ako next year. Who wouldn’t be excited?”

I gulped and smiled. “Oo nga naman. Anyway, ba’t nga ba rito ka nag-aral?” Sa pagkakaalam ko kasi ay malayo naman ang bahay nila rito sa Rizal. Sa Makati yata iyon kung saan nakatira si Ate Audrey dati kasi siyempre iyong kaibigan ni Ate na tita ni Chase at Second ay taga roon. Taga roon naman talaga sila kaya nagtataka ako kung paanong napadpad sila rito sa Rizal at hindi pa sa university nag-aral.

“Confidential. I can’t tell you much about those things,” sagot niya.

Tumango na lang ulit ako. Kailan kaya siya mag-o-open up sa akin? Naalala ko pa kung gaano siya ka-vocal nang magsabi siya sa akin tungkol kay Ladyn noon.

“Thank you...” Nakatitig lang ako sa kaniya ganoon din siya nang nasa labas na kami ng classroom ko. Akma na siyang tatalikod nang magsalita ulit ako na nakapagpatigil sa kaniya.

“I love you... Chase,” habol ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi pagkatapos sabihin iyon. Saka lang ako nakaramdam ng hiya!

Humarap siya sa akin at binigyan ako ng tipid na ngiti saka tumalikod ulit at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. I don’t mind if I didn’t receive a response from him, at least nasabi ko iyong nararamdaman ko. That’s a relief for me.

“Ah!” Napatili ako nang pagharap ko sa room ay tumambad sa akin si Second. Napahawak ako sa dibdib at pinukulan siya ng masamang tingin. “You’re giving me a heart attack!” singhal ko.

He stifled a smile by biting his lower lip. Nang makitang masama pa rin ang tingin ko sa kaniya ay tumikhim siya. “Uh, sorry... I was about to find you... pero narito ka na pala.”

“Bakit mo naman ako hahanapin?”

“Baka pagalitan ka ng prof kapag na-late ka.”

Tumango ako. “Pero hindi ako late! Salamat.”

He smiled. “You looked so happy, good for you.”

I wrinkled my nose. “Ito naman! Masyado kang mapuna!”

He chuckled. “Maybe, pero halata naman kasi.”

I just shrugged.

“Go, Chase Yuan!” I screamed on top of my lungs. May laro sila sa Cainta kaya naman narito ako at todo cheer sa kaniya. Ayaw niya pa akong isama, pero nagpumilit ako kaya wala siyang nagawa kung hindi pumayag.

Pinagtitinginan man ay hindi ko sila pinansin at kahit mapaos pa ay patuloy pa rin ako sa pag-cheer sa team nila lalo na sa kaniya. Nang mag-break saglit ay kinalabit ako ng mga babae sa gilid ko.

“Boyfriend mo?”

I grinned. “Opo!”

Napawi ang ngiti noon isa. “Sure ka? Sabi niya kanina kaibigan ka lang daw?”

Naglaho na rin ang ngiti ko. “Sure po ako... at saka baka naman na-mis-interpret lang.” Tumawa pa ako para tabunan ang pait sa boses.

Kinulit pa ako noong mga babae pero bumaba na ako para lapitan si Chase. I handed him the Gatorade.

He arched a brow at me and accepted the drink. I sighed in relief. Not bad.

“May towel akong dala! Do you want me to wipe your sweats off?” nakangisi kong tanong.

His brows shot up. “No, I’m good.”

Nalaglag ang balikat ko at walang nagawa kung hindi ibigay na lang din iyong towel sa kaniya at siya na mismo ang nagpunas sa pawisan niyang katawan.

Bumalik na ulit siya sa laro ngunit hindi gaya kanina ay medyo nawalan na ako ng gana.

Someone cleared his throat. Napabaling tuloy ako sa hilera ng upuan sa harapan ko at nakita si Caius sa gilid na nakatanaw sa akin.

Inirapan ko siya.

“Woah! Taray nito wala naman akong ginagawa,” aniya at tumayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa umakyat siya at umupo sa tabi ko.

“Wala ako sa mood, puwede ba?”

He chuckled. When I glanced at him, his manly scent attacked my nostrils. Napasinghap ako dahil doon. “Lumayo ka nga, Caius...”

Kumunot ang noo niya. “Bakit? Mabaho ba ako?” Sabay angat ng kili-kili niya para amuyin iyon. “Hindi naman, ah?”

Umiling ako. “Ewan ko sa ’yo.”

“Bakit ’di mo na chi-ni-cheer si Chase? Pagod na ba iyang lalamunan mo?” tanong nito.

Umiling ulit ako.

Nawala tuloy ang atensyon ko sa court nang kulitin na naman ako nitong si Caius!

“I’ve been wanting someone to yell my name on the bleachers, hand me a bottled water and volunteer to wipe my sweats off whenever I have a game like this,” nakangising aniya.

Natawa ako. “Bangko ka nga lang today!”

His smile faded, napalitan ito ng simangot. “You have your own way to shut me up, eh?”

Hindi ko na napigilang humalakhak. Hinampas ko pa siya sa braso. “Sorry na! Ikaw kasi, e! Kung gusto mo ng ganoon, e, ’di, maghanap ka ng girlfriend.” I winked.

He pouted a bit. “Wala nga, e...”

Ngumuso rin ako para asarin siya. “Wala? Kawawa ka naman...”

He clicked his tongue and pinched my nose. “Kapag ikaw inasar ko...”

Namilog ang mata ko at hinampas ulit siya. “Caius!” saway ko at hinimas ang ilong. “Paepal.”

“Paepal,” he mocked.

My face reddened. “Nakakainis ka!”

He smirked. “O, pikon ka naman pala.”

Inirapan ko siya. Sarap burahin ng ngisi nito!

“What the fuck? Leave her alone, Faustino.”

Pareho kaming napalingon ni Caius sa galit na boses. My lips parted at the sight of Chase in front of us, looking so annoyed.

Caius didn’t even flinch, and guess what? He even had the guts to smile tauntingly! “Why? Threatened much, Montessori?”

Akmang susugod si Chase kay Caius nang sa kaba ko ay mabilis kong itinabon kay Caius ang katawan.

“What the hell...”

Uh-oh. Wrong move, Andy. Dapat kay Chase ka lumapit at hindi kay Caius na balak mo yatang sagipin sa kung anong sakuna! Nagalit pa tuloy lalo!

“So protective, huh?” Caius whispered at me.

Namula ang pisngi ko at hindi ko napigilang hampasin siya sa dibdib bago tumayo nang maayos.

Tumayo na rin siya at binalingan si Chase sa tabi ko na nakakuyom ang panga.

“Ingatan para hindi dumulas sa hawak mo,” sambit nito at tiningnan ako saglit. Ngumisi siya sa akin bago umalis.

Nalito tuloy ako. Para kanino ba ’yon? Sa akin o kay Chase.

Months went on. Just like before, laging nagbabago ang mood ni Chase. Hindi ko alam kung ano ba talagang problema noon. He’s sometimes gentle but most of the time he’s being an asshole. Pero dahil ayaw ko namang mag-away kami ay lagi na lang akong sumasang-ayon sa gusto niya.

“Gusto ko ng ice cream,” sabi ko nang isang araw at tanungin niya ako kung ano’ng gusto ko.

“No.”

Kunot-noo ko siyang tiningala. “Bakit?”

“Basta. Besides, I don’t eat sweets.”

I twisted my lips. “Ako naman ang kakain, hindi ikaw.” Hindi ko na napigilang iparamdam ang iritasyon.

He rolled his eyes. “Whatever you want then. Stay here, I’ll buy,” iritableng aniya rin at iniwan ako roon sa bench na kinauupuan namin.

I made a face when he turned his back at me. Nakakainis talaga siya minsan! I was pulled out from my reverie when a phone beeped beside me.

Kinuha ko ang phone ni Chase at binuksan iyon para tingnan kung may message ba. Natigil pa ako saglit dahil natanto kong ngayon ko pa lang nahahawakan ang phone niya.

Pagkabukas pa lang ay tumambad na sa akin ang isang silhouette ng babae sa kaniyang lockscreen. Naningkit ang mata ko at sinuri iyong mabuti. At doon ko naisip na... hindi ako iyon.

Bukod kasi sa hindi naman ako matangkad ay hindi pa kami nagsasama sa isang dagat. Ang anino ng babaeng matangkad ay kuha sa isang dagat habang papalubog ang araw.

My throat ran dry. Para naman akong binagsakan ng langit nang makita naman ang text message na nasa screen.

Chrislyn: Today’s update. Your ex is doing good. May balak nga iyong bumalik dito pero temporary lang. Thank me, Chase Yuan. : )

Natulala pa ako saglit pero nang makita kong papalapit na siya sa direksyon ko ay mabilis kong ibinalik ang phone sa gilid at nagpanggap na walang nangyari.

I bit the inside of my cheeks to prevent my lips from trembling. Mahigpit na rin ang hawak ko sa sling bag ko habang pinaglalaruan na lang ang bato gamit ang paa.

Naramdaman kong nag-init ang magkabilang sulok ng aking mata at konting galaw lang ay sasabog na ang luha ko... which is ayaw kong mangyari, well, at least not in front of this fucking asshole.

“Here’s your ice cream.”

Yet, nanatili akong nakayuko dahil ayaw kong makita niya ang emosyong naglalaro sa aking mukha. “A-Ayaw ko na niyan...”

Parang pinipiga ang puso ko, hindi rin makaligtaan ang pagkirot nito. Isang silip lang sa cell phone niya ay binigyan na ako ng sari-saring sakit.

Una, iyong anino na ngayon ay nasisiguro kong sa ex niya niya. Pangalawa, iyong message na galing kay Chrislyn na sa pagkakaalala ko ay kaibigan ni Ladyn.

Pagak akong natawa sa kaloob-looban ko. So, all along nakikibalita at kinukumusta niya pa rin pala ang ex niya sa kaibigan nito? I wonder kung araw-araw ba iyon? Kasi parang oo. Ibig sabihin no’n alam niya lagi kung ano ang ganap ni Ladyn sa ibang bansa.

“Are you okay? Bakit ayaw mo na nitong ice cream?” tanong niya, dinungaw ako kaya mabilis akong humarap sa ibang direksyon.

“Uuwi na ako... sorry, pero ayaw ko na niyan... uh, bukas na lang tayo mag-usap,” sambit ko at tumayo na.

Later that night, I cried hard. Bigla akong nilamon ng what ifs at insecurities. Paano kung... bumalik na iyong ex niya? Paano ako?

Ako: good evening, chase. what are u doing now?

I still managed to text him in the midst of my own breakdown. Paano kasi mas lalo akong natakot nang hindi man lang niya ako ni-text?

Chase Yuan: Nothing. Why are you still awake?

I sighed as a sob escaped on my lips. Pinunasan ko rin ang tumulong luha bago nagtipa ng reply.

Ako: di ako makatulog. ikaw ba?

Chase Yuan: Nothing. Something wrong?

Ako: wala naman. sige, tulog na ako. i love you : )

Chase Yuan: Good night.

Bumuntonghininga ako nang ilang minuto pa akong naghintay ay wala na siyang dinugtong. I was hurt... but then I realized it’s my choice. It’s my choice to get hurt like this. Kaya wala akong karapatang manumbat o magreklamo dahil umpisa pa lang ako naman iyong may gusto, binigyan ako ng oras para magdesisyon at pinili ko ito. Pain was involved in my choice.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top