Chapter 18

Chapter 18: Label

“Zairen, iyong boyfriend mo paparating na!” sigaw ng kaklase sa pintuan bago siya tumakbo papunta sa akin.

Natawa naman ako. “Baliw, sinong boyfriend ang tinutukoy mo?”

Pinandilatan niya ako ng mata. “Sino? Sino pa ba?! Huwag mo sabihin marami kang boyfriend?!”

Lalo akong humagalpak ng tawa. “Baliw, wala ako noon! Hindi pa ba dumarating si Gab?”

“Iyon nga, e! Kasama ng boyfriend mo!”

Pinagkunutan ko siya ng noo at tumayo. “Pinagsasabi mo!” Saka pumanhik sa pintuan para tingnan kung sino ang tinutukoy niya. Sira ulo, hindi ko naman ’to boyfriend, ah? Close lang kami.

“OMG! Second, Gab!” pahisteryang tawag ko nang makita na silang papasok.

“Ilang taon ba kami nawala, ha?” mataray na ani Gab.

“Tagal niyo kaya! Saan ba kayo galing? Absent pa kayo kahapon tapos hindi online sa FB!” reklamo ko.

Second chuckled. “Sorry, may inasikaso lang kami...”

Nagtaas ako ng kilay. “O? Tapos hindi ako informed? Akala ko ba trio tayo? Bakit biglang naging kayo na lang? Ano, tanggal na ako sa grupo?”

“OA nito! Huwag ka na magtampo, may maganda nga kaming balita, e!”

Napanguso naman ako. “Ano?”

“May laro raw mamaya sina cheese?”

Namilog ang mata ko. “O, talaga?! Hindi niya sinabi sa akin!”

Ngumisi si Gab. “Pero may bad news.”

Bumuntonghininga ako at humalukipkip. “Ano?”

“Hindi ka makakapanood kasi kailangan nating mag-practice sa speech choir!”

I gritted my teeth and glanced at Second. Nakataas na ang isang kilay nito sa akin.

Inirapan ko siya. “Ba’t ka ganiyan makatingin?” pagsusungit ko.

He chuckled. “Ang cute mo lang.”

Umismid ako at pareho silang tinalikuran para pumasok na sa loob. Grade 11 na kami, and it’s already months since the prom night happened. Ngayon, nasa kalagitnaan na kami ng 1st year sa SH, kaklase kami ni Gab at Second dahil napagdesisyonan naming magsama-sama.

Ewan ko rin ba sa dalawa, wala pa naman daw silang gustong pangarap kaya they’ll tag along na lang muna raw sa akin. As if naman hanggang sa mag-college kami ay bubuntot lang sila sa akin? Ano iyon?

Pagkatapos ng oras ng practice namin ay umalis na ang prof kaya naman nag-form kami ng circle ni Gab at Second dahil may pakulo yata itong isa.

“Laro tayo! Huwag ka na mag-alala, pupunta rin si Chase rito mamaya!” pangungumbinsi ni Gab nang makitang nakasimangot ako.

“Nagsimula na ba? Saan ba raw sila naglaro? Ba’t alam mo?” sunod-sunod na tanong ko.

“Narinig ko lang, chaka mo! Saka hindi rito sa school naglaro, nasa ibang lugar! Dali na, laro na tayo!” Nag-jack en poy kami tapos kung sino talo tatanungin ng kung ano o uutusan.

“Hoy, talo ka!” sigaw sa akin ni Gab.

Tumawa ako. “Ba’t ka galit?”

“Hindi, shunga! Truth or dare?”

“Truth,” sagot ko sa kanilang dalawa since natalo nila ako.

“What are the elements of communication?” si Gab.

Kumunot ang noo ko. “Quiz lang ang peg?”

“Dali na!”

Umirap ako. “The elements are speaker, message, encoding, channel, decoding, receiver, feedback, context and barrier.”

Pumalakpak siya. “Okay, tama! Ikaw naman!”

Tumango si Second at tumitig sa akin, ngumisi ako. “Dalian mo!”

“Dream job?”

I scoffed. “Interview ba ’to? Fine, I wanna be a doctor, pero kung ’di papalarin kriminal na lang.”

“Huh? Kriminal, why?”

I smirked. “Para lawyer ko si Chase.”

Nasamid si Gab sa gilid. “Tanga ka ba! Hindi ka niyan ipaglalaban, makukulong
ka lang!”

We bursted into laughter. “Harsh, ah!” Lumingon ulit ako kay Second. “Ikaw? Ano ba talaga dream job mo?”

He shook his head. “It’s still not my turn, no asking.”

“Daya! Game na nga ulit!”

Now, Montessori’s turn.

“Truth.”

I smirked and playfully lifted his chin. “Ano dream job mo?”

Sumimangot siya at pilit iniwas ang mukha sa hawak ko. I laughed knowing he’s this uneasy around me.

“Wala...”

“Wala?” si Gab na napansin kong nag-vi-video.

“Ano nga!” I probed.

“Hindi ko pa alam at wala rin akong balak alamin.”

“Luh?”

He looked at me wearily. “Sorry...”

Umawang ang labi ko. “Sigurado ka ba? Wala? Kahit isa?”

He sighed and looked up to think. “Pasyente?” aniya.

I cocked my head. “Pasyente? Pangarap mo maging pasyente? Sira ulo ka ba?”

Natawa si Gab, tinaliman naman ako ng tingin ni Second. Tumango siya na parang bata. “Yes, gusto ko maging pasyente.”

Ha? “Bakit?”

He wrinkled his nose. “Para ikaw iyong doctor ko?” nahihiyang sambit niya.

Nakagat ko ang labi, pinipigilang bugahan siya. Hindi ko talaga alam ano’ng pumasok sa kokote ng lalaki at bakit gusto niyang maging pasyente. Baliw.

On the other hand, Gab bursted into another batch of laughter. Hindi pa siya nakuntento at pinaghahampas kaming dalawa ni Second. “Mga bonak! Buti pa ako mas maganda ang pangarap!”

“Ano ba pangarap mo?” tanong ko.

“Maging santo, hehe.”

Napailing na lang ako sa kabaliwan namin, pero natutuwa ako lalo na kay Second. Ibang-iba siya ngayon kumpara noong mga nakaraang buwan. Kung noo ay too much shy type, ngayon ay medyo na lang. I mean, kung dati naglalaro lang sa isang emosyon ang ipinapakita ng mukha niya ngayon ay iba na rin. Madalas siyang ngumiti kahit palihim, sumimangot o ano. Dagdagan pa na, nagiging palaasar na rin siya sa akin minsan. Nakakatuwa dahil may improvement... at dahil alam kong kaya ganiyan siya dahil komportable na siya sa amin.

Nang maghapon ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Chase.

Chase Yuan: Hey, can I see you?

Ako: duh, oo! san ka ba? makakatikim ka talaga ng kaltok sa kin! grr

Chase Yuan: LOL. What have I done this time, my love?

Demonyo, amp. Napatili tuloy ako kaya pinagtitinginan ako ng mga kaklase.

Ako: ASDFGHJKL BWISIT KA MAMAYA KA SA AKIN!!

Kinagat ko ang labi at hinintay na lang na matapos ang klase bago lumabas. Binalingan ko sina Gab at Second na nasa bandang huli ng silid.

I stuck my tongue out when I saw Second looking at me, amused.

“Class dismissed.”

Tumayo ako at lumabas na, hinihintay muna ang dalawa.

“Pupuntahan ko si Chase,” balita ko nang makalabas sila.

“As if mapipigilan ka namin?” si Gab.

Right.

Kaya iyon ang nangyari, nauna na ako kanila Gab at Second para puntahan si Chase. Habang naglalakad sa gym ay nakita ko siya roon sa pinataas ng bleachers, nakaupo at mukhang busy sa cell phone.

Pagkarating na pagkarating ko sa tabi niya ay sumimangot agad ako. “You didn’t tell me na may laro pala kayo!” bungad ko.

Binaling niya muna sa akin ang atensyon bago sa cell phone at ibinalik ulit sa akin, medyo matalim ang tingin.

Eh? May nagawa ba ako?

“O? Bakit parang may kasalanan ako?” sabi ko sabay turo sa sarili.

Umirap siya bago ibinaba ang tingin sa cell phone, napansin kong kanina pa siya busy roon kaya tinignan ko rin iyon. He’s watching a video.

“Ano ’yan?”

“Ano ’yan?” he repeated in a mocking tone before showing me the video. “Watch it yourself,” aniya na ginawa ko naman.

Ah, this was earlier. Ni-post pala ni Gab iyong video namin noong naglalaro kami kanina nina Second, naka-tag kasi sa aming dalawa ni Second kaya siguro napadaan sa newsfeed ni Chase.

Kita sa video ang pagtawa ko pagkatapos kong tuksuhin si Second lalo na noong hawakan ko siya sa mukha. Natawa tuloy ulit ako, ang cute kasi.

“Ang saya-saya mo yata?” si Chase na busangot na ang mukha ngayon.

Natauhan naman kaagad ako at ibinalik sa kaniya ang cell phone. Ngumiti ako. “Ayaw mo ba?” I wiggled my brows.

He snorted and continued scrolling on his phone, a seconds later he showed it to me again. “Looks like Secundus’ very fond of you, huh? Ginawa ka pang Facebook cover?”

Napaawang naman ang labi ko. “Kami kaya ni Gab iyan!” turo ko roon sa picture namin ni Gab na naka-uniform, si Second ang nag-picture noon.

“Kunwari kayong dalawa, pero ang gusto naman noon ay picture mo lang talaga. Tss.”

Nangunot naman ang noo ko. Why did it sound bitter? “Why? Ano naman? Selos ka?” natatawa kong tanong. As if. “E, ’di i-flex mo rin ako sa social media?”

He arched a brow and sighed. Inagaw niya ang cell phone sa akin at hinapit ako papalapit.

“Ginagawa mo?” nalilitong tanong ko.

“We’ll take a photo, so I could post it too?”

Kaagad akong pinamulahan ng pisngi. “T-Totoo ba?”

Kumunot ang noo niya. “I wasn’t kidding, was I?”

Umiling ako saka tumango. “Picture na tayo para ’di ka na magselos,” panunukso ko na inismiran niya lang.

We both smiled at the camera. Pagkatapos noon ay busy na ulit siya sa cell phone niya habang ako ay nakadungaw. Wow, we’re this close now, huh? Hindi ko inaasahan, pero ito na nga. Nakakalapit na ako sa kaniya, naaasar ko na rin.

“Done,” he announced and showed me the phone.

He posted our picture on his Instagram with a caption... @chaseyuan: If love is a heartache, then you’re my solace.

My heart throbbed in pleasure. Solace...

Nagsasabi ba siya ng totoo?

I cleared my throat, trying to wash off the thoughts in my head. “May nag-comment, o...” I pointed out.

Bumaling siya roon at tumango. Sabay naming binasa iyong comments.

@freshcaius: KAYO NA BA? 😢

Napalunok ako. “Ano naman isasagot mo?” pabulong kong tanong.

He clicked his tongue and looked at me. Nagkatinginan tuloy kami. “Ano nga ba dapat ang isagot?” he teasingly asked.

I frowned. “Ewan ko sa ’yo ’di mo naman ako girlfriend!”

He chuckled and pinched my cheek. “E, ’di girlfriend na kita?”

Nagsualubong ang kilay ko at bahagyang umatras. “At bakit? Naka-move on ka na ba, ha?” hamon ko.

Nagpatango-tango siya, tinatago ang ngisi. “You could say that... ikaw pa naman desidido akong pag-move on-in, sinong hindi uusad?”

I pouted and looked away. “Gusto kita kaso huwag mo naman ako biglain,” bulong ko sa kawalan.

Nag-picture lang kami kanina tapos biglang napunta sa girlfriend iyong usapan! Minsan talaga epal si Caius, e! I mean, gusto ko naman iyon kaso bigla yata akong pressured ngayon! Lakas pa ng pintig ng puso ko.

Hindi na yata niya napigilan at nagpakawala na siya ng tawa. Lalo akong napasimangot. “Pag-iisipan ko muna!” Siyempre, gusto ko pero iba pa rin kapag hindi nagpapadalos-dalos.

“Hmm, okay. Take your time, girl. Maybe we could click, right?”

Nahihirapan man ay tumango ako bilang pagsang-ayon. “Click na click.”

“May tanong ako, Second,” sambit ko isang araw nang lumapit ako sa upuan ni Second dahil wala naman kaming subject sa oras na ito.

Napaangat siya ng tingin sa akin bago sa notebook na kanina niya pa pinagtutuunan ng pansin. Isinara niya iyon at tumikhim bago tumango sa akin. “Go ahead.”

“Kunwari tinanong ka ng crush mo kung puwede ka ba niyang maging girlfriend...” Nahinto ako nang makita kong ngumiwi siya.

“Oh, Andy... I’m not gay...”

Natutop ko ang labi nang natanto ko ang pinili kong mga salita. Sumimangot ako. “Fine, ganito! Kunwari babae ka.” Naasiwa ang mukha niya kaya umirap ako. “Kunwari lang naman!” patuloy ko pa. “Tapos may long time crush ka at nagbigay siya ng hint or even tinanong ka kung p’wede ka ba maging girlfriend, ano’ng gagawin mo?”

“Ikaw ’yong babae tapos si Kuya ang lalaki? Andy?”

Namilog ang mata ko. “Hoy! Wala naman akong sinabi!”

Nagkibit-balikat siya. “It’s obvious, though.”

Bumuntonghininga ako at tumango. “Uhm, yeah, I guess. So, what advice could you give me?”

“Go and follow what your heart desires, Arianndy. If you think saying yes to him will send heavens to you, then go for it. We’re behind you... I’m just behind... to support.” Seryoso siya na tila isang professor na nag-le-lecture.

Napaisip ako. Will I really be happy? But... Napatingin ako kay Second. Nagkatitigan kami. If I would be happy and sure about this... why am I having a second thought, then? What happened?

Pinilig ko ang ulo at pumangalumbaba sa armrest ni Second. Tumikhim naman siya at nagtaas ng kilay sa akin. “Why? A penny for your thoughts?”

I sighed and reached for his hand. Akma niyang babawiin iyon pero pinigilan ko at pinaglaruan ang daliri niya gamit ang libre kong isang kamay. “Is it too early, though? High school pa ako...” sabi ko, ang paningin ay naroon sa kamay niyang pinaglalaruan ko.

“Well, for me, walang pinipiling oras ang pagmamahal.”

“Do you think it’s pagmamahal?”

Narinig ko ang paghinga niya. “I honestly don’t know, Andy. But one thing’s for sure, if it makes you happy then do it.”

Tumango ako. I will.

“What’s with the look, baby?”

Inismiran ko si Kuya Zian at nagpatuloy sa pagsawsaw ng manggang hilaw sa kape. “Wala po.”

“Hmm, but are you seriously dipping that mango in a coffee?” kunot noong tanong niya sabay baba ng tingin sa kape ko. Nasa bahay nila ako, and obviously may sadya ako kay Ate Audrey since pakiramdam ko ay may ambag siya at solusyon sa problema ko.

“Ang sarap kaya, Kuya!” sabi ko. I know I have a weird food combination, but trust me, ang sarap kaya! I tried it  two years ago hanggang sa nakasanayan ko na dahil masarap naman.

He scoffed. “You’re weird, princess.”

“Whatever po.”

“Ano nga pala ang sadya mo sa ate mo?” tanong niya maya-maya.

“Secret, girls only.”

He scoffed. “Are you keeping a secret now, huh?”

“Hindi, ah! Confidential lang po talaga at bawal for you...”

“Hey there, little Andy! What made you come here? Got some teas, dear?”

Napalingon ako kay Ate Audrey na eleganteng pumasok ng dining room habang suot-suot ang pulang dress na tila dadalo sa isang dinner party.

“Chika lang po, Ate.” Sabay sulyap ko kay Kuya na kunot noo na kaming pinanonood ng kaniyang asawa.

“What are you girls talking about?” aniya at lumapit kay Ate para hagkan ito.

“Not for you, Zian. Doon ka na lang sa babae mo!” supladang ani Ate at nilapitan ako.

“Babae?” litong tanong ko.

Umirap si Ate Audrey kapagkuwan ay tumango. “Yeah, whatever. Mas maganda naman ako, tingnan mo nga itong suot ko bongga kahit nasa bahay, e, iyong babae niya? Parang basahan —”

Namilog ang mata ko. “May babae po si Kuya?!”

“Talaga namang may babae ako,” iritadong sabat ni Kuya at tumabi kay Ate sa tapat ko.

“Ha? Kuya, sino?” Kinabahan ako.

“Si Persian, ikaw, si Ari, Mama, iyong mga pamangkin —”

“E, iyong employee mo! Kasama iyon!” putol ni Ate.

Bumuntonghininga si Kuya. “Hindi ko siya babae —”

Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano.

“Shut up! Dami mo ngang babae!”

Kuya chuckled while narrowing his eyes towards Ate. “Hmm, pero iisa lang iyong pinakamamahal kong babae. Sobrang ganda, sexy, talino, tapang, sungit —”

“The fuck? Sino naman iyan, Zirdy Ivan?!”

“Katabi ko siya ngayon, naka-red dress at mukhang sinusumpong na naman.”

Natahimik si Ate at inirapan na lang si Kuya bago padarag na tumayo. “Let’s go, Andy. Ang pangit ng kuya mo ngayon, nasusuka ako sa mukha niya.”

Naguguluhan man ay sumunod pa rin ako sa utos niya.

“So, ano ang chika?”

Nanahimik pa ako ng ilang minuto bago pinasabog ang bomba. “Kapag ba tinanong ka ng crush mo po na maging girlfriend niya, ano isasagot mo?”

“Wala.”

“Wala?”

“May asawa na ako, bakit pa ako magka-crush ng iba? Kahit sobrang pangit ng kuya mo ngayon, siya lang, ’no!”

Tumikhim ako. “That’s not what I meant po. I mean, kunwari lang.”

“Okay. Sino bang nangahas na magtanong niyan sa ’yo at nang madaan siya sa kamay ng angkan natin.”

Napanguso ako. “Wala po, ’no! Answer me na lang po, please.”

“Well... you shouldn’t have asked me that. Alam mo na dapat iyong gawin mo, pero I suggest magpakipot ka muna.”

“Po?”

“Siyempre, kunwari hard to get ka. Ganoon dapat, test the patience, pero kung ’di ka makatiis e, ’di enjoy now, iyak later.”

Napaisip ako. Naguguluhan. Wala yata akong makukuhang maayos na sagot kay Ate.

“Pero minsan, go lang before it’s too late. Saka ka na mag-worry sa future, seize the moment muna. Sino ba ’yan?”

Umiling ako, takot umamin. Maybe, I need a little bit time to decide. Until the day came. Natatakot ako na baka kapag pinatagal ko pa, magbago ang isip niya. E, ’di sising-sisi ako noon? Besides, I fully made up my mind. Sure na ako.

“Have you already decided, Andy?”

Oh, boy. Naninibago pa rin talaga ako sa tawag niya. Kumalabog ang puso ko sa magkahalong sabik at saya.

“Uhm, yes.”

“What’s your final decision, then?”

“Gawin mo na akong girlfriend, Chase. I don’t care if you’ve already moved on or not. Please, let’s now put a label.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top