Chapter 17

Chapter 17: Prom

Chase Yuan: Hey, I’m outside your classroom. Can I see you?

Napatayo ako nang wala sa oras pagkatapos mabasa ang mensahe na iyon. Napalunok din naman kaagad nang mapansing nagtinginan ang ibang kaklase sa agaran kong kilos.

I cleared my throat. Hindi ko pinansin ang mga mapanuring tingin ng mga kaklase at nagmadaling umalis para lumabas ng silid. Kakatapos lang namin mag-practice ng sayaw para sa prom sa gym kanina kaya kakarating lang din namin sa room nang mag-text si Chase.

“Uh, ba’t ka narito?” Siyempre kunwari ’di apektado, medyo masakit pa ring makita iyong white tattoo niya sa wrist noong isang araw, simula noon ay medyo ’di na ako masyadong makulit, saka ’di rin ako nakipag-date sa kaniya kahapon kaya ngayon shock ako na siya mismo ang nag-text at pumunta sa classroom.

He licked his lips and sighed. Napansin kong nakasuot siya ng sweatshirt kahit ang init naman at sa loob nito ang polo uniform. “Are you mad?” mapanuyong tanong niya.

Natameme ako sa tanong niya. Kung oo, ano naman? May pake ba siya sa feelings ko? Natawa ako. “Hindi, ah? Ba’t mo natanong?”

He sighed as he fiddled with his phone before showing it to me. “Ngayon ko lang napansin na you’re not following any of my social media accounts. Kailan pa?”

My lips parted. “Ah... iyan ba? Dati pa naman ’yan, ngayon mo lang pala napansin...” Mahina akong natawa. Buti naman napansin niya na after many months?

Siyempre kahit in good terms na kami noong mga nakaraan, I didn’t dare to follow him again. Huwag na siguro muna, naisip ko.

“I didn’t care before,” aniya.

“Tapos ngayon? You care na?” tanong ko.

He pursed his lips and looked away. “Wow, I look like an asshole seeking for an attention, don’t I?” bulong-bulong niya.

Lihim akong napangiti. Unti-unti mo na bang na-de-develop ang feelings mo para sa akin, Chase Yuan?

I pouted. “Follow po ba ulit kita? E, ’di ka-crush back mo na ako?”

“Huh?”

“I mean, i-pa-follow back mo na ako?”

He lazily rolled his eyes. “Okay.”

My lips formed O. “Seryoso?!”

He shrugged. “If that makes you happy and in peace, I will.”

Wow. “Grabe, ganiyan ka talaga ka-concern sa happiness ko?”

“Maybe... why? Don’t you like it?”

Napanguso ako. “Gusto...”

Napatitig ako sa kaniya nang marinig ang mahina nitong pagtawa.

“You silly. I now care for your happiness. We’re now friends, right?”

I stiffened. Friends? Nagsimulang tumibok nang mabilis ang puso ko lalo na nang mabasa ko ang sinsero sa mga mata niya.

Friends...

“Does it mean... I’m no longer stranger to you?”

“Well, you could say that. So?”

A small smile crept on my lips. “Friends... pero puwede na mang mag-level up?”

He shook his head in amusement. “Stop it.”

“Bakit, hindi ka pa rin nakaka-move on, ano?”

Hindi siya nakasagot.

“Yes or no lang naman. Honesty lang para iwas pain, hindi ba.” Natawa ako nang mahina.

He nodded.

Dahan-dahan akong tumango, naiintindihan ang ipinaparating niya. “E, para saan pa ’tong daily date natin?”

He massaged the bridge of his nose and sighed. “For your happiness?”

Tumikhim ako. My happiness... “Are you even happy dating me, though?”

Hindi na naman siya nakasagot.

Okay. He still hasn’t moved on, and he’s only dating me to make me happy. Nothing more, nothing less.

I smiled when I thought of something. “Okay lang ba kung suklian din kita? Kasi ’di ba you’re dating me for my happiness... what if go with the flow lang tayo, so I can make you move on? It’s like a win-win situation kaya. You, for my happiness, me, for you to move on.”

Days went on. Everyday date gaya nga ng sabi niya, pero hindi na sa mall nag-de-date kasi siyempre nag-aaral din kami! Sasabay siya minsan sa cafeteria tapos pag-uwian din sasabay siya, kakain kami saglit sa malapit kasama si Gab bago kami umuwi. Siyempre, oo, kasama si Gab. Hindi siya puwedeng iwanan kasi sabay kaya kami umuuwi. Saka ayos lang naman kay Chase at sa akin.

And tonight’s finally our JS prom.

I was wearing a navy blue high low tulle dress with a pair of silver heels. Pinagtutulungan ng tatlo kong ate ang prom ko ngayon. Ate Ari did my make up, Ate Alli did my hair, at si Ate Audrey naman sa suot ko.

And having a big family like this... is a definition of happiness. I am grateful for having them, ang swerte ko dahil ang dami kong kuya, ate at pamangkin. At kumpleto pa ang pamilya ko.

👨‍👨‍👧🔺TATLOSUK🔺👨‍👨‍👧

Gabbana: bebs, su2nduin ba aq ng limowsin???? Hehehe

Arianndy: pfft hahahahaha crazy, wala tayong limousine.

Gabbana: may kalesa here,,, lezzgo ay san pala si bebe segundo @Secundus

Natutuwa na lang talaga ako kay Gab. Since then, lagi na siyang active sa social media. Ang dami na ring natutunan at isa pa siya sa gumawa nitong group chat naming tatlo ni Second. Aniya pa wala siyang maisip na pangalan kaya tatlosuk na lang dahil tatlo naman daw kami at binaliktad niya lang ang salitang tatsulok since three sides din naman din iyon. Witty.

As per the 👨‍👨‍👧 emoji, sila raw dalawa ni Second iyong lalaki ako naman daw iyong babae. Natawa na lang talaga ako. How cute.

Arianndy: hala? what if di pumunta si second? : (

Gabbana: magda2bog aq

Arianndy: magdatwobog?

Gabbana: bu2 mo naman bebs hahahahahahaha 2 tayms kasi edi dadabog -,-

Arianndy: hahaha di wow, hoy dadaanan ka na namin! omg so excited! second, punta ka ha? See u there, excited na me!

Paano? Napilit kasi namin si Second na pumunta sa prom since classmate pa rin namin siya kaya naman pumayag na siya, pero hindi siya sumali sa practice since pinagbawalan din siya dahil baka mapagod agad.

And... of course! Nakangit akong sumakay sa sasakyan habang iniisip na pupunta si Chase mamaya at makakasayaw ko. Yes, nagpaalam naman din ako kay Lolo na I will invite a grade 11, ayos lang naman daw.

The program started. Well-organized at decorated ang venue kung saan namin gaganapin ang prom. Talagang halos mabali na ang leeg ko habang isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga tao sa magaganda nilang suot.

Pero... sa iba talaga lumilipad ang isip ko.

Kay Second at Chase.

Wala pa rin silang dalawa.

Hanggang sa oras na ng sayawan...

My heart was pounding loudly as I felt a pain on my chest. I looked forward to this day and I don’t want it to be wasted. Dahil si Gab naman talaga ang partner ko, e, ’di nagsayaw na kami.

Masaya naman pero...

“Ghosted tayo, Ands,” ani Gab na parang mas babae pa kung kumilos habang nagsasayaw kami. Kulang na lang ay ako ang humawak sa baywang niya at siya naman sa balikat ko.

“Siguro nga...” Napasinghap ako at umaasa na dumating sila.

Yet, hindi yata narinig ang dasal ko. Natapos ang ilang sayawan hanggang sa naupo na lang muna ako sa table namin habang si Gab ay nakikipagsayaw sa ibang kaklase.

I texted Second first.

Ako: hi, makakapunta ka pa rin ba? dapat pala sinundo ka na namin... sana makapunta ka :'(

Kay Chase naman.

Ako: good evening po, busy ka? makakapunta ka pa ba o hindi? Hehe just asking ^^

Huminga ako nang malalim at pinilit na lang munang ngumiti dahil ang out of place naman ng feelings ko sa kasalukuyang nangyayari.

Some of my classmates and even schoolmates asked me for a dance, so for me to somehow enjoy the night I gladly accepted it until I got tired and went back to my seat. Energetic pa rin si Gab at kung sino-sino ang niyayaya ng sayaw kaya ewan ko kung saang dako na naman iyon napadpad.

Kumakain ako ng cupcake sa table sa gilid nang mag-vibrate ang phone ko. Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Second.

Second Montessori ☆: I really am sorry, but I’m almost there. Something just came up, please, wait for me?

Napaawang ang labi ko at halos mabitawan ang cupcake. Tumikhim ako at umayos ng upo, hindi ko na siya ni-reply-an at tumayo na para hintaying ang pagdating nito.

Naglalakad ako patungo sa labasan para sana hintayin siya sa labas nang mapahinto ako dahil biglang nanahimik ang buong paligid iyon naman pala ay dahil sa mas mahinahong kanta... kasabay rin noon ay ang pagpasok ng isang lalaki.

Naramdaman kong nag-init ang sulok ng mga mata pati ang ilong ko ay sigurong namumula na habang tanaw-tanaw ang inaasahang tao.

“Andy...”

I pursed my lips and couldn’t help myself to close our gap for a hug. “Oh, my gosh... thank you so much for being here, Second.”

He exhaled before chuckling. “I promised... and I’m sorry for being late.” At dahan-dahan akong itinulak dahil mukhang naiilang yata sa pagyakap ko.

Tumikhim naman ako, nahiya. Akmang magsasalita nang tumugtog ang kantang Prom ng Sugarfree sa mabagal at malamyos na bersiyon, at medyo dumilim ang paligid. Nagsimula na namang magsayaw ang mga tao sa gitna.

Nanginginig na mga kamay
Puso kong ’di mapalagay
Pwede ba kitang tabihan
Kahit na may iba ka nang kasama?

Nagkatitigan kami ni Second kaso biglang sumagi sa isip ko si Chase... at doon ako napatanong... pupunta pa rin ba siya?

Ito na ang gabing ’di malilimutan Dahan-dahan tayong nagtinginan

I smiled at Second as I extended my hand. “Sayaw tayo?”

He hesistant at first but then gave up. Slowly, he reached for my hand and nodded. “Sayaw...” banggit niya sa kawalan.

Siya na mismo ang naghila sa akin papunta sa puwesto ko kanina. Wala kami sa gitna, nasa bandang gilid lang at mas ayos na iyon para mas matuunan ko siya ng pansin.

He slowly wrapped his cold and bit shaking hand on my waist while I am smiling when I put my hands on his shoulder. We slowly swayed our bodies and got along with the mellow music. Just staring at each other’s eyes.

Parang atin ang gabi
Para bang wala tayong katabi
At tayo’y sumayaw
Na parang ’di na tayo bibitaw
Bibitaw

Na-awkward yata siya kaya naunang magsalita. “Uh... buti na lang pagdating ko wala ka pang kasayaw...” Tumikhim siya. “Kasi... nakakahiya naman kung magsasayaw ako ng iba habang hinihintay ka... hindi ako kumportable... sa ’yo lang...”

Nangunot ang noo ko. “Sa ’kin lang?” wika ko sa mapanuyang boses.

Nakita kong mamula ang mukha niya kahit medyo madilim. Humigpit tuloy iyong hawak niya sa baywang ko.

He stared at me intently. “Sa ’yo lang ako kumportable... at gustong makipagsayaw...”

Nalalasing sa iyong tingin
’Di malaman-laman ang gagawin Habang lumalalim ang gabi
Ay lumalapit ang ating mga labi
Ito na ang gabing ’di malilimutan
Tayo’y naglakad nang dahan-dahan

Napangisi ako. Ako rin sana... kaso hindi, may inaasahan akong kasayaw. Masaya akong si Second ang kasayaw ko ngayon pero mas sasaya siguro ako kung si...

“I forgot to say you’re more than beautiful tonight, Arianndy...”

Nagpakurap-kurap ako sa sinabi ni Second. “We? Sure ka?”

He nodded and let out a small smile. “Sa ganda mo... nakatitig lang ako kaya nakalimutan kong sabihin, uhm...” Bigla na lang siyang nag-iwas ng tingin na para bang nakakahiya iyong sinabi niya.

I cupped his face to look at me. Shock evident on his face when I did that, pero hindi ako nagpatinag dahil masydong cute kumilos ngayon si Second.

“Ikaw rin... guwapo mo tapos cute,” hirit ko at pinisil pa ang magkabilang pisngi nito.

Lalo siyang namula na ikinatawa ko.

Parang atin ang gabi
Para bang wala tayong katabi
At tayo’y sumayaw
Na parang ’di na tayo bibitaw
Bibitaw

While being drowned to my feelings right now, dinagdagan pa ng malaanghel na mukha ng kasayaw. Hindi ko napigilang haplusin ang mukha niya saka ngumiti.

“Hindi ko inaasahang makakasayaw kita ngayon...” panimula ko. “Ni hindi ko inaasahan na magiging malapit ako sa ’yo... I’m glad having you as my friend, Second. Stay ka lang, hmm?” mapanuyong sabi ko.

Hindi ko kasi alam, e. But at this moment, his eyes were telling me otherwise. Kahit mukhang masaya parang may tinatago?

Ewan din bakit iyon ang lumabas sa bibig ko, pero one thing’s for sure... it’s my feelings who spoke up.

Parang atin ang gabi
Para bang wala tayong katabi
At tayo’y sumayaw
Na parang ’di na tayo bibitaw
’Di na tayo bibitaw

I was about to hug him again when Gabbana interrupted. “Walangjo ka, bebe! Buti naman dumating ka pa?!” Sabay hila nito kay Second para kausapin.

Second looked at me helplessly. It’s as if he’s asking for a help. Natawa ako. “Usap muna kayo, ’wag mo awayin, Gab, ha! Inom lang ako water,” paalam ko at bumalik na sa table.

Napabuga ako ng hangin. What was that?

Habang tulala ay nabalik ako sa huwisyo dahil lang sa pag-ring ng phone ko.

A call from an unknown number.

“Hello po?” I answered.

I heard a sob on the other line. “Si A-Andy ba ’to?”

It was quick to recognize her voice. Ate Rhiane.

Biglang sumibol ang kaba sa aking dibdib. “Po? Napatawag ka po? May nangyari ho ba?” Tumayo ako para lumabas muna para mas marinig ko ang boses ng katawagan.

Nakarating ako sa mini garden sa labas habang yakap-yakap ang sarili gamit ang isang kamay, ang isa naman nasa phone na nasa tainga.

“Kasama mo ba si Second?”

“Opo, bakit po?”

I heard her sniff and let out another sob. “Hay naku... Second, bata ka...” Her voice broke.

“Ate? Ano po ang nangyayari?”

“Don’t tell him I called, okay? Pero kasi... sinumpong siya ng hika kanina... nagmamadali pa kasi nga baka ma-late na raw siya. I tried to stop him and asked him to rest but he’s too persistent, ayaw ka raw niyang ma-disappoint kung hindi siya sisipot...”

My heart started to beat wildly. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko sa kasalukuyan, ni hindi alam kung ano ang dapat gawin.

“Andy... nag-aalala ako kay Second, pero mukhang pagdating sa ’yo hindi yata siya aatras kahit hadlang ang sakit niya... p-pero mahal ko siya, he’s my family too and I can’t bear it if something...” Hindi niya maituloy.

I felt my eyes watered. “Sorry po... ano ba ang...” gagawin ko?

“Can you... sorry talaga... but can you ask him to go home? Sorry, pero...”

I nodded attentively. “Sorry po and I will. Titingnan ko po siya...”

I heard her sigh on the other line. “Salamat, glad to get your number on Audrey, nagmadali kasi si Second at hindi niya sinagot ang tawag ko...”

I was about to turn my back to go back inside and find Second when a guy was now in front of me.

Napatili tuloy ako sa gulat.

“Please, call me back. I’ll be waiting for Second, Andy...”

“A-Ah, opo!” Then dropped the call.

Napalunok ako nang makita si Chase sa harapan ko mismo. Wearing a tux, he still has this air of making you attract in a swift.

I breathed. “Narito ka...” Hindi ko napigilan ang pait sa boses.

“Sorry, I was late... I forgot —”

“Ayos lang,” I cut him off and passed by. “Malapit na rin yata matapos, sana ’di ka na lang tumuloy...” dagdag ko pa, naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa likuran ko.

Nagtatampo ba ako? Pero mas importante iyong tawag ng tita nitong dalawang Montessori! At really? Pinaiyak ni Second iyong tita niya para lang puntahan ako?

Hindi ko magawang maging masaya sa ginawa nito dahil... halos mamatay sa pag-alala iyong tita niya, tapos tatakasan niya para rito? I appreciated it, alright, pero mas maganda siguro kung nagpaalam na lang siya sa akin na sinumpong siya at magpahinga na lang... maiintindihan ko kasi iyon.

“Hey, stranger —”

Hindi ko siya pinansin at tinawag si Second. “Lumapit ka nga sa ’kin!”

Para naman silang tuta ni Gab na sumunod nang makita ang seryoso kong aura. “Uuwi na tayo...”

“Stranger —”

Napaharap agad ako sa likod dahil sa tawag ni Chase. “Chase... huwag muna ngayon. May gagawin ako... at hindi na yata ako makakapagsayaw dahil uuwi na kami...”

He looked at me in guilt. “I’m sorry.”

I smiled. “Ayos lang, at least Gab and Second were there to dance me. Ayos lang na wala ka, hindi naman iyon big deal...”

“Kuya —”

“Shut up. Why the fuck are you here, anyway?” singhal niya kay Second.

Napalunok ako. Napabaling ako sa loob at mukhang mas nagkakasiyahan na sila roon, marahil ay nagsalo-salo na.

“Bebs, ano mayroon?” bulong ni Gab sa gilid ko.

I sighed and told him about Second’s state.

“Hala... iuwi na natin!”

Tumango ako at dinapuan ng tingin si Chase bago si Second.

“Umuwi na tayo.”

“Huh? Pero... hindi pa tapos,” nanghihinayang na tugon nito.

Inirapan ko siya. “Umuwi na sabi tayo, Secundus!”

“Ihahatid ko na —”

“Hindi namin kailangan, Chase,” putol ko at hinila na ang dalawa sa braso at nilagpasan siya roon.

Siguro kaya ganito na lang ang trato ko sa kanila dahil una, ang tagal kong naghintay kay Chase, pangalawa sa kaba nang tumawag si Ate Rhiane.

“Andy.”

Sabay-sabay kaming huminto nang magsalita ang pamilyar na boses.

Andy... he called me Andy?

Dahan-dahan akong humarap. “Ano...”

He clenched his jaw and sighed. “Please, I’m sorry. Can we talk?”

Umiling ako. “Sa susunod na. Kailangan na naming iuwi si Second...”

Taka naman siyang bumaling sa kapatid. “Hindi mo ba kayang umuwi mag-isa, Secundus?” he sarcastically said.

“Kuya —”

“Tara na!” Hinila ni Gab si Second at nagpaalam sa akin na hihintayin na lang ako sa labas. Wala akong nagawa kung hindi pumayag na lamang.

A moment of silence.

“Sorry for keeping you wait.”

Tumango ako at huminga nang malalim. “Okay?” Medyo bumibigay na. Tinawag niya ako sa pangalan ko kanina, ’di ba?

He sighed again and looked down on me. “Babawi ako, promise. I won’t ever make you wait again. I’ll do my best to treat you right and maybe... to deserve a girl like you.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top