Chapter 15

Chapter 15: Fit

“Sa’n ka pupunta?” tanong ni Mama nang bumaba akong nakapang-alis.

“Ma, birthday ni Gab bukas, bibili ako ng regalo para sa kaniya,” palusot ko. Hindi ko pa kayang sabihin na pupunta ako sa isang date! Baka mamaya pagalitan ako! Lalo na kapag nalaman ni Kuya na nakikipag-date na ako sa edad ko!

“O, birthday ni Gab? Kailan?”

“Bukas po.”

“Ganoon? Handaan kaya natin?” Mama offered with a smile.

Napaisip ako. Hindi ko naman puwedeng pangunahan si Gab dahil baka maghanda iyon sa bahay nila. “Baka maghanda ang nanay niya, Ma,” sabi ko na lang.

“Okay, then. I’ll send some food na lang for tomorrow. Is it okay?”

Tumango ako. “Oo naman po,” tugon ko at humalik na sa pisngi niya. “Alis na po ako...”

“What time will you go home?”

“Hindi pa nga nakakaalis, e, pero wala pong exact time basta hindi ako aabutin ng gabi. Promise.”

“Okay, ingat ka. Pahatid ka na sa driver.”

Tumango ako at tuluyan nang lumisan. Hapon na at kani-kanina lang ay ni-text ni Chase ang location kung saan kami magkikita. It’s somewhere in Antipolo.

Habang nasa sasakyan ay magkahalong kaba at pagkasabik ang nararamdaman ko. I could even feel my stomach churning because of this! But I know this will be worth it.

I don’t know but the address brought me to one of the nice cafè I’ve seen. It’s an underground cafè here in Antipolo. I couldn’t take my eyes off at the surrounding, prasing the place every now and then. Paano pa kaya kapag pumasok na ako sa mismong cafè sa pababang parte? Siyempre, underground nga, ’di ba?

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagmasid doon. Wala pa si Chase. Am I too early?

Napagpasyahan ko na lang na maupo muna sa gilid, hihintayin muna si Chase bago magpatuloy sa loob mismo. Minutes felt like year. Kinakabahan na ako na baka hindi ako siputin. It’s clearly that we should meet at 4 PM. 4:30 na lang at wala pa siya. What ifs quickly clouded my mind.

What if he stood me up? What if he realized he shouldn’t date me?

I was unconsciously tapping my foot on the ground constantly. Baka mamaya magsara na ang lugar dahil 5 PM ang closing nila dahil weekends. And for no reasons, nangingilid na ang aking luha.

Nahihiya man, nakipagdebatehan pa ako sa sarili ay ginawa ko pa rin. I texted him.

Ako: uh, saan ka na?

I looked up at the sky and the sun was ready to set now. A seconds later, my phone beeped.

Chase Yuan: Already here.

Pagkabasa noon ay may nakita akong pares ng sapatos sa harapan ko mismo. Lifting up my gaze, I saw Chase standing there smoothly.

Tila ay nabunutan ako ng tinik sa katawan para makahinga nang maluwag. Tumayo na ako nang nakangiti. He’s here... finally. Late siya? No, sinipot niya ako. A 40 minutes late isn’t a deal, siguro kung aabutin ako ng gabi rito kahihintay ay iyon ang basehan ko ng late para sa kaniya. Besides, he granted it. Dumating siya!

I felt something inside me hurt seeing him look at me boredly. Napatikhim ako. May mali ba sa suot ko? Pero ilang beses akong nag-ayos sa harap ng salamin! Wouldn’t it be enough?

When I was about to speak, he did.

“You look like someone going to a Christmas party,” he pointed out.

Napaawang ang labi ko at pinasadahan ang sariling suot. Is it ugly to wear a green dress? I slapped my forehead at the back of my head. Maybe it is.

Pero wala namang mali, ah? At ano, Christmas? Porke’t naka-green?

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagka-insulto roon. I gulped and tried to ignore the bitterness I felt. “Uh... medyo natagalan ka, saan ka galing?” nag-aalinlangan kong pag-iiba ng usapan.

He crossed his arms. And even with his bored look on me, I still can’t help complimenting him inwardly. He’s wearing a white polo and a jeans. Looking so good and fresh. “Sa bahay... I just felt a little boring, I wasn’t in the mood to go somewhere but then I remember someone’s waiting.”

Dahan-dahan akong tumango bago iniwas ang tingin sa kaniya. I breathed. He felt bored and he wasn’t in the mood to meet me, then? Dapat ba maging masaya ako na sumipot siya ngunit kung tingnan ako ay parang mas pipiliin niya na lang matulog?

Itinawa ko na lang ang kung anong naramdaman sa kaloob-looban. “Uh... dapat pala hindi na lang natin... itinuloy,” I trailed off, looking at him again in apology. “You could’ve told me earlier if you’re not in the mood... a-ayos lang naman.” Pumiyok ako.

Nang mapansin niya iyon ay siya naman ang nag-iwas ng tingin.

“Nah, narito na tayo. Let’s just go somewhere magsasarado na sila maya-maya.”

Ganunpaman, tumango ako at sinundan siya sa likod. Walang dalang sasakyan si Chase at hula ko ay wala pa yata siyang sasakyan o hindi pinayagan marahil ay walang driver’s license. Pinauwi ko na rin ang driver namin, kabado baka makita akong may kasamang lalaki. Doon lang kasi ako nagpababa sa ’di kalayuan para hindi masyadong suspicious. Sabi ko kasi bibili ng regalo, at baka ’pag nakita ako rito ay kuwestiyunin.

In the end, mall ang bagsak namin. Medyo sumasakit na rin ang paa ko dahil halos lakad-takbo ang ginagawa ko para lang mahabol si Chase. Nasa likuran niya kasi ako at bumubuntot lang. Kung paano naman kasi ay ang laki ng mga hakbang niya! Mahaba ang legs niya, e, paano naman iyong akin?!

I wasn’t enjoying anymore. This date is making me suffer. Worse, giving me pain. I wonder is Chase’s like this on their dates with Ladyn before? I bet, no. Dati pa man ay saksi ako kung paano siya maging sweet kay Ladyn.

Siguro sa akin lang siya ganito.

Bigo akong naupo sa isang upuan nang magyaya siyang kumain muna sa isang restaurant. Actually, wala akong maramdamang gutom kun’ ’di lamig lang sa tiyan.

I didn’t expect our first date would be like this. Gone all the expectations and dreams I had. I thought this one would be memorable... well, I guess it would but not as a good memory.

Saan na iyong inaasahan kong Chase? Iyong Chase na ideal sa paningin ko. I know he’s gentle and sweet plus that dark aura he has sometimes. Saan na iyon? Bakit parang ibang-iba?

Tumawag siya ng waiter para um-order habang ako ay awkward na nagmamasid. Napansin ko na lang na umalis na ang waiter kaya naman taka ko iyong sinundan ng tingin.

Wala pa akong order, ah?

Napatingin ako kay Chase na ngayon ay mukhang inaasahan talaga na titingin ako. Tumaas ang kilay niya.

Hindi niya ako tinanong kung ano iyong gusto kong pagkain... ganito ba talaga iyon? Pero hindi naman ako outdated sa pangyayari sa mundo. Siyempre alam ko na dapat tatanungin ng lalaki kung ano’ng order ng babae. Ba’t ’di ginawa ni Chase?

Matagal pa kaming nagkatinginan bago nito basagin ang katahimikan. Tumikhim siya. “Sorry for being an asshole a while ago. I was just really not in the mood.”

Tumango ako. “Okay lang...”

His face darkened in an instant. “Ha! So, you’re really admitting I was being an asshole, hmm?”

Napatikhim ako nang matanto iyon. “H-Hindi naman sa ganoon...”

He shook his head, looking pissed. “Tss, whatever. You just admitted it.”

I don’t know if I should feel bad or what, looking at him this pissed is making me amused. I mean, ang cute at guwapo niya ’pag galit, e!

“Funny?”

Mabilis akong umiling at kinagat ang labi para pigilan ang nagbabadyang ngiti. “Hindi, ah...”

Naningkit ang mata niya sa akin; humalukipkip at sumandal sa upuan. “I’m sorry, and it’s true... I was being an asshole.”

Napanguso ako, tinitimbang ang sitwasyon.

Umiling siya at umayos ng upo. “You’re being too adorable, stop it,” iritadong wika niya hanggang sa dumating na rin ang waiter dala ang in-order.

Nilamon na naman ako ng awkwardness. Paano kung sarili lang niya iyong in-order-an niya? E, ’di, tutunganga lang ako habang kumakain siya, ganoon ba?

“Here’s yours.” Sabay lagay ng plato na may dish sa harap ko. He even put the utensils in their right place before he arched his brow at me. “Let’s eat.”

Umawang ang labi ko.

Did he just... serve me food?

Kinuyom ko ang kamao na nasa hita dahil sa naramdaman. Masyado akong gulantang sa ginawa niya! Nawala tuloy lahat ng negativities ko! Akala ko na, e! Um-order pala siya para sa aming dalawa... pero bakit hindi niya ako tinanong?

I shook the thoughts off and just focused on my plate. Malaki na ang ngiti na ngayon.

“You look so happy.”

Nabitin sa ere ang pagsubo ko nang sabihin niya iyon. Ibinaba ko na lang ang kubyertos at uminom ng tubig, nagpunas ng bibig at nakangiti siyang hinarap. “I am.”

“Hmm, why?”

Sumimangot ako. “Basta!”

Dumaan ang iritasyon sa mukha niya kaya naman sumuko na ako. “Fine... kasi... we’re dating? I never expected this one, though, I often wish for it but didn’t expect it to be a dream come true. Ayon, masaya ako.”

He also wiped the side of his lips using the table napkin. Sinundan ko iyon ng tingin at medyo may napansing kakaiba sa papulsuhan niya. Susuriin ko pa sanang mabuti kaso ibinaba niya na ang kamay.

“You’re saying... na masaya ka sa date natin?”

“Oo naman!”

He smirked. “Okay, then. Let’s date everyday.”

Namilog ang mata ko. “Everyday?!” gulantang na saad ko.

Tamad siyang tumango ngunit may multo ng ngiti sa labi.

Hindi ko napigilang mapahawak sa sariling dibdib. Nababaliw na ba ako o siya ang baliw? I-de-date niya ako araw-araw. Hibang ba siya o... “Baliw ka ba?”

He scoffed. “Seriously?”

Tumikhim ako. “Ay, hindi iyan ang ibig kong sabihin... I-I mean... bakit naman?” I stammered.

“If dating me is making you happy, then I’ll date you everyday.”

I was speechless. Nakalabas na kami ng restaurant at naglalakad-lakad na lang pero iyong isip ko ay naiwan sa sinabi niya roon sa loob. He’ll date me everyday... because that’s making me happy?

Wow.

I’m falling harder and deeper, huh?

Sana lang ay saluhin.

Nasa gilid niya na ako nang mahinto siya sa isang shop. Taka ko siyang binalingan pero nasa loob ng shop ang tingin niya kaya dumapo na rin tuloy ang tingin ko roon.

Tattoo shop?

Akma akong magtatanong pero bago ko pa man magawa ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Habang nagpalinga-linga ay naalala ko iyong regalo na dapat kong bilhin para kay Gab.

Nangangapa ako kung ano ba dapat ang sasabihin ko sa kaniya. Bibili ako ng regalo pero narito si Chase... paano iyon?

“Uh, Chase —”

“Wait, someone’s calling.”

He showed me his phone and it’s true. Tumango ako kaya naman lumayo-layo muna siya para sa privacy. Napatingin ako sa tindahan ng phones at kaagad sumagi si Gab sa isip ko.

Phone na lang kaya regalo ko sa kaniya? Naalala ko na wala siyang cell phone, e, at kahit hindi ko alam ay pakiramdam ko gusto niyang magkaroon kaya lang wala pa silang sapat na pera para sa bagay na iyon.

Nakapag-isip na ako nang maayos at maya-maya lang ay sasabihin ko na kay Chase kaya lang bumalik siya sa akin na parang nagmamadali.

“May problema ba?” tanong ko.

He sighed. “I have to go somewhere,” aniya.

Gusto ko pang magtanong dahil hindi ko alam kung saan at bakit. Pero naisip ko na bakit ko naman gagawin iyon baka mainis pa siya sa akin.

“Sige.”

Hindi na ako nakapagsalita nang magpatiuna siyang maglakad. Gusto kong sabihin na may bibilhin pa sana ako kaso hindi ko alam kung paano.

“I’ll find you cab to go home,” sambit niya nang makalabas na ako.

“Huh? Ikaw?”

“A friend will give me a lift, pupunta na iyon dito kaya mauna ka na.”

Napalunok ako. “So, hindi tayo sabay uuwi?”

Kunot noo siyang nagbaba ng tingin sa akin. “What?”

Nag-iwas ako ng tingin. “W-Wala...”

I heard him sigh. “Look, I’m on a rush. Hindi na kita masasabayan sa pag-uwi —”

“Montessori!”

“Shit,” ani Chase, nagtungo siya sa sasakyan na huminto malapit sa amin.

Sinundan ko iyon ng tingin at may nakitang may mga lalaki. Iyong dalawa ay nasa back seat, nakadungaw sa labas. Iyong isa naman ay nasa front seat at ngayon ay kinakausap na si Chase.

Nakagat ko ang labi nang dumapo ang tingin ng kausap niya sa akin bago ibinalik kay Chase ang atensyon. Hindi pamilyar ang mga iyon sa akin at naisip na baka sa ibang eskwelahan nag-aaral.

“Oh, sa’n ka pupunta?!”

I saw how Chase raised his middle finger at the guy before turning around to go to me.

Sumikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

“Stranger, you have to go home,” bungad niya pagkarating sa harap ko.

Tumango ako. “Sige... hihintayin ko na lang iyong driver namin...” Lumihis ang tingin ko sa mga kaibigan niyang nakamasid sa amin. “Naghihintay na sila, oh. Ayos lang,” sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

“Okay. Get home safe,” aniya saka tumalikod nang walang pag-aalinlangan.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan hanggang sa namalayan ko na lang na naglaho na iyong sasakyan na sinakyan niya.

Aalis na sana ako ngunit napatigil din nang maramdaman ang pag-ring ng phone ko sa sling bag na dala.

I was confused when I answered his call. “Second?”

“Hi, nasaan ka?”

“Huh, bakit?”

“I just thought I saw you... o baka namalikmata lang,” sagot niya sa kabilang linya.

“Nasa mall ako ngayon. Ikaw ba?”

“Mall? Are you wearing an olive green dress?”

Napatingin agad ako sa kabilang direksyon. “Luh, ba’t alam mo?”

“Oh, ikaw nga. Are you alone?”

Sinuyod ko ng tingin ang palibot, hinahanap ang bakas ni Second. “Sa’n ka?”

“Magpapakita ba ako?” alinlangang tanong  niya.

“Uh... please,” medyo desperado na tugon ko.

“Okay, I was actually with Mamita.”

Narinig ko ang munting ingay sa background niya habang hinahanap pa rin siya sa palibot hanggang may natanaw na akong dalawang bulto na patungo sa direksyon ko; lumabas galing sa loob.

Hindi ko alam kung ano ang tamang pakiramdam, pero sumaya at gumaan ang loob ko nang makita si Second. What a coincidence!

“Hello po,” bati ko kay Ate Rhiane na nakangiti sa akin bago binalingan si Second. “Galing din kayo rito?”

Ipinakita niya sa akin ang isang brown envelope. “We got an appointment earlier,” aniya.

Tumango ako. Kahit hindi niya sabihin lahat naintindihan ko kaagad lalo na nang mapansin ko ang logo ng hospital na naka-stamp sa envelope. Sa hospital sila galing. That thought brought uneasiness to my system.

Simula nang malaman ko galing kay Second iyon kaninang madaling araw ay parang automatic na yata akong matatakot sa hospital. Gusto ko pa namang mag-doctor, childhood dream ko iyon pero ngayon? Hindi ko na alam.

“E, ikaw, Andy? Sino kasama mo rito?” si Ate Rhiane.

Natigil ako sa tanong niya. “Ah, si ano po...”

“Ma, hayaan mo na si Andy,” saway ni Second.

Huminga ako nang malalim at ngumiti. “Ako lang po mag-isa, balak ko kasi bilhan ng regalo iyong kaibigan ko...” sabi ko na lang.

Ate Rhiane’s face lit up. “Talaga? Nakabili ka na kung ganoon?”

Umiling ako.

Nagtaka naman ako nang tapikin niya ang balikat ng pamangkin at kinuha sa kamay nito ang envelope. “Secundus, samahan mo siya.”

Nagkatinginan kami ni Second, at as usual siya ang unang nag-iwas ng tingin. “Mamita...”

“O, bakit? Ayaw mo bang kasama si Andy?”

“Gusto pero...”

“Pero ano?”

“Paano ka?”

“Muntanga ’tong batang ’to! Alam ko naman iyong address ng bahay natin! Uuwi na ako, samahan mo muna si Andy para naman...” She smiled teasingly and shrugged.

They argued a bit hanggang sa sumuko na rin si Second at hinayaan nang mauna sa pag-uwi ang tiyahin.

Napanguso ako. “Sorry, ha? Naabala ko pa tuloy iyong bonding niyo...”

“No, it’s fine, really. Medyo nag-alala lang ako na umuwi siyang mag-isa... at saka inaasar niya kasi ako... uh, sa ’yo.”

I chuckled. “Inaasar sa akin? Ba’t naman daw?”

He shrugged. “Ewan. Anyway, ganda mo.” Pagkatapos niyang sabihin iyon sa pagmumukha ko ay naka-iwas ang tinging hinila ang siko ko papasok sa mall.

Nag-init ang pisngi ko. Second, para kang tanga! Kailan ka pa nagkaroon ng ganiyang confidence? Tuloy, ako na nga ang pinuri ako pa ang nahiya.

“Birthday ni Gabbana?” tanong niya nang matapos niya akong tulungan maghanap ng cell phone para regalo kay Gab.

Ngumiti ako. “Oo! Magpakita ka naman kay Gab, miss ka na no’n kahit iyon na lang gift mo sa kaniya!”

I giggled but when I saw how he stared at me intently, my smile faded. I pinched his nose. “Uy!”

Nabalik siya sa ulirat at bumuntonghininga. “I will... pero nahihiya ako baka galit din siya sa akin...”

Natawa ako at bahagya siyang tinampal sa braso na ikinagitla niya, hindi ko na iyon pinansin.

“Hindi, promise! Kasama mo naman ako kung hindi mo na carry si Gab! Ako bahala sa ’yo!” I assured.

“Promise?”

I pouted. Inilahad ko pa ang kamay sa kaniya, nag-alinlangan pa siya kung tatanggapin iyon kaya naman ako na mismo ang kumuha sa kamay niya at pinagsalikop iyon sa akin. He’s bit stunned.

“Promise, I got your back, Second. Always,” sagot ko at apangiti nang makita ang kamay namin. “Our hands look fit together, ’no?” puna ko, namamangha. Siyempre maliit iyong akin per nagkasya sa kaniya na malaki at mahahaba ang daliri.

And for some reason, nakitaan ko ng lungkot at takot sa mata ni Second nang tumingin ako sa kaniya.

Dahan-dahan niyang kinalas ang kamay niya sa akin at kinuha na lang paper bag sa akin. He flashed a small smile. “Sana hindi lang kamay, ’no?”

“Huh?”

He shook his head. “You know, there are things that won’t fit together no matter how hard you try. Iyong... talagang wala kang magagawa kasi iyon na iyon? You can’t insist something for it’s already destined to the way that it should be.”

I titled my head. He’s spitting weird words. May pinaghuhugutan ba siya?

Ngumiti ako at hinawakan siya sa balikat. “Yeah, but you know, too? Ikaw naman kasi ang gagawa ng kapalaran mo... kung may bagay ka na gustong baguhin at sa tingin mo wala kang magagawa dahil nakatadhana na... why won’t you try to create your own fate for you to have your own desired destiny, then?”

He smiled. “I’ll try.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top