Chapter 13

Chapter 13: Try

“Ngayon ko lang natantong... miss na miss pala kita,” nahihiyang pag-amin ko kay Second at kalaunan ay nag-iwas ng tingin.

I cleared my throat to cover the awkwardness building between us. Kasalukuyan kaming nakaupo sa gilid ng park, nasa tabi ko ang pamangkin na tahimik na kumakain ng ice cream at sa kabila naman ay si Second na hawak-hawak ang tali ng aso.

“Ako rin...” tugon nito.

Nanigas ako sa kinauupuan bago siya nilingon. “Talaga?”

Marahan siyang tumango, pero ang atensyon ay nasa aso habang hinahaplos ang ulo nito.

“Mahilig ka pala sa aso?” kaswal na pag-iiba ko ng tanong, as if seeing him right now wasn’t that shocking anymore.

“Ngayon, oo... bigay kasi ito ni Tita Audrey, cute, ’no?” aniya patukoy sa aso.

Napangiti ako. “Si Ate Audrey? Wow, at oo... cute nga,” sambit ko at bahagyang hinaplos din ang katawan ng aso nito. “Thirdy ang pangalan, ’di ba?” Sabay baling ko sa kaniya.

Tumango siya at bahagyang umusli ang ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aking mukha. “You look prettier, Andy,” biglaang sabi niya na ikinagulat ko.

I scoffed. “A-Ano ba ’yan! Huwag kang ganiyan...” Pahina nang pahina ang boses ko nang sabihin iyon.

Naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Itinuon ko na lang pasamantala ang atensyon sa paligid dahil sa hiyang nararamdaman ngayon.

Now that I accidentally bumped into him here in a park... a lot of questions clouded my mind. Kating-kati akong magtanong at itanong ang mga bagay-bagay, ngunit tila nawalan yata ako ng boses para magsalita.

Tanaw ang kabuuan ng lugar, saka ko naalala na kasama pala ang mga ate na nasa hindi kalayuan. Napansin ko pa ang pagharap ni Ate Audrey sa direksyon namin, nanliliit ang mata at tila napagpasyahan na lumapit.

I gasped and quickly looked at Second. Baka kasi isipin ni Ate na may ka-date ako! “Second... uh, sino ang kasama mo rito? I mean, malapit lang ba ang tirahan niyo rito?”

He licked his lower lip, and with his furrowed brows, his eyes met mine.

“Nakatira kami sa malapit... at kasama ko ang mamita —”

“Oh, my! Tama nga ako! It’s fucking Second... with you, Andy!” Ate exclaimed.

Nagitla ako sa bungad nito hanggang sa napagpasyahan nang tumayo, hinayaan muna ang pamangkin na kumain ng ice cream na tila walang pakialam sa paligid.

“Ah, Ate... nakita ko lang po siya!” mabilis pa sa alas kuwatro na bulalas ko, takot na maasar.

She playfully smirked at me before lifting her eyes on Second... who’s now standing right beside me; he’s holding his dog’s leash as he bowed his head a little.

“Good afternoon, Tita Audrey.”

“Oh, gosh, you kid! How the fuck are you and Rhiane?!”

Napapikit na ako. “Ate, may bata, o...” Inginuso ko si Clinton na ngayon ay nakatingala na sa amin.

Ate cleared her throat and ruffled Clinton’s hair. “Sorry, don’t mind me, dear,” aniya rito bago ulit ituon sa amin ang atensyon.

Humalukipkip siya at naningkit ang mga mata. “How did you two end up here? Nagplano kayong magkita, ’no?”

“Ate! N-Nakita ko lang po siya,” tugon ko.

“Why are you acting like I just caught you doing a crime, my little Andy?” she sneered, now turning to Second with a scowl on her face. “Anyway, Second, it’s been ages, buti naman at lumitaw ka na? Tinatago ka ba niyang si Rhiane? Where’s that bitch?”

“Pasensya na, Tita... medyo may nangyari lang noong mga nakaraang buwan kaya ganoon...”

“Even so! Sana man lang i-update ako ng bruha mong tita na ’yan — Oh, you brought, Thirdy!” she squealed, nahati tuloy ang atensyon niya lalo na nang yumuko siya upang hagkan ang aso. “Oh, nevermind, nawala iyong tampo ko. Glad you like my gift, Secundus,” si Ate at tumayo na nang maayos.

“Always, Tita. Your gifts are always appreciated.”

Nalito tuloy ako, halatang hindi na ako kasali sa usapan nila. Pero one’s for sure, Ate Audrey is really fond of Second, sobrang bait niya rito... at base sa usapan nila, maraming beses na siya binigyan ng regalo at isa na roon ang aso na si Thirdy.

Sabagay, naalala ko ngang nasabi ni Ate na pamangkin daw ng kaibigan niya si Second kaya that explains it.

Kung pareho sila ng ama ni Chase, may ina ang huli, pero si Second ay wala akong matandaang mayroon dahil hindi niya kailanman iyon nabanggit.

Mamita... ito raw ang kasama niya ngayon sa park. E, baka iyong Rhiane na tinutukoy ni Ate Audrey ay iyong mamita ni Second na kaibigan niya?

A yell broke my reverie, kaagad akong napaayos ng tayo nang may dumating na babae kasing edad lamang ni Ate Audrey.

“Audrey, oh my!”

“You fucking bitch, where the hell have you been?” singhal ni Ate rito.

“Gara mo, Aud! N-Nagbakasyon lang kami ng pamangkin ko!” sagot nito sa may pag-aalinlangan na boses.

Hindi ko namuna sila napagtuonan ng pansin nang makitang tumayo si Clinton kaya naman hudyat iyon para kunin ang pamangkin at ipaalam muna ang sarili na aalis saglit.

Kita ko pa ang pag-aalinlangan sa mata ni Second, ngunit nginitian ko siya at sinabing babalik lang kaagad.

Ibinalik ko si Clinton sa puwesto kung saan nagkumpulan ang mga pamangkin. Nagpaalam naman ako kay Ate Ariane at Ate Allison na babalik lang sa pinuntahan ko kanina, may kakausapin lang kasama si Ate Audrey.

“Oh, Andy?! Ikaw nga!”

Tipid akong napangiti. “Uh... hello po,” pagbati ko.

Napanguso ang babae at pabiro akong hinampas sa braso bago ako yakapin patagilid. “Ang laki mo na! Dati, nilalaro ka pa namin nina Marga tapos ngayon dalagang-dalaga ka na!”

“Tss, how stupid you are, Rhiane. Tumatakbo ang panahon, malamang tatanda rin, stupid talaga,” si Ate.

“’Di wow! Andy, ako si Rhiane. Tita ako ni Second, kilala mo naman siguro, ’di ba?” Sabay sulyap sa pamangkin na prente lamang na nakatayo.

Tumango ako.

“Mamita ang tawag nito sa akin, dahil anak na rin ang turing ko sa kaniya at ako ang nagpalaki... share ko lang.”

“Mamita...”

Umusli ang ngiti sa aking labi at kuminang ang mga mata nang sulyapan si Second na mukhang nahihiya.

Pero... kung siya ang kumupkop, e, ’di walang ina si Second? At dahil pamangkin niya ito... posibleng ang ama ng dalawang Montessori ay kapatid ni Ate Rhiane, hindi ba?

“We have to go, Andy. We’re going to prepare a dinner for the boys later, and you, Rhiane, tawagan mo naman ako.”

“Sorry na! Oo, tatawag na ako!” agap ng huli.

Akma akong hihilain ni Ate para umalis na, pero may sarili yatang buhay ang paa nang hindi man lang ito nagpatinag.

I swallowed the lump in my throat; tinatagan ko ang loob para magsalita. “Uh, can I have a minute, mga Ate? Ano... gusto ko lang sana kausapin si Second... kahit saglit lang po,” pabor ko.

Hindi na pinatagal ay sumang-ayon ang mga ito at lumayo nang bahagya para bigyan kami ng privacy dala na rin ang aso.

Kalaunan ay nakipaglabanan na ako ng tingin kay Second. I couldn’t help, but to deeply stare on his deep-set eyes, as if trying to read his soul in that way.

Pinagmamasadan ko nang maiigi ang kabuuan ng kaniyang mala-anghel na mukha. Ni mga nunal sa mukha ay napansin ko rin. Mayroon siya sa ibabaw ng kanang kilay, sa tungki ng ilong, at sa gilid ng baba. Ginawa ko iyon dahil... baka mawala na lang ulit siya bigla.

“You owe a friend an explanation, Secundus,” panimula ko nang ibalik na ang tingin sa mga mata niya.

Tumikhim siya, pero hindi iyon hadlang para matinag ako.

“It’s been a months, I appreciated the poem you gave... but why does it feel like it isn’t enough? I know I was just a friend —”

“You still are... and you’re not just a friend, Andy,” pagputol nito sa akin.

Pagak akong natawa. “Best friend, then? Tss, you didn’t even bid a personal goodbye... kaya paanong kaibigan? Kung kaibigan mo nga ako, kami ni Gab, e ’ di sana kahit sa text man lang. You have my number then, Second —”

“I still have it in me,” he cut off again.

Nagulat man ay hindi ko iyon ipinahalata. For some unknown reasons, umusbong ang inis at iritasyon ko para sa kaniya. What the heck? Nasa kaniya pa pala iyong number ko, pero bakit hindi man lang siya nag-abala na mag-text man lang noon kahit tuldok?!

Right. Baka mas lalo akong mainis kapag nag-text nga siya, pero tuldok naman.

“Nasa sa ’yo pala... hindi mo man lang naisip na mangamusta kahit isang beses. S’yempre, kaibigan na tayo, ’di ba?”

He bit his lower lip and looked down at me a bit. Napansin kong... mas healthy at matikas siyang pagmasdan ngayon kaysa noon. At kahit ilang buwan lamang iyon ay hindi maitatanggi ang katotohanang nadagdagan ang tangkad at timbang nito.

G’wapo rin siya! It’s not that hindi siya g’wapo noon, naging g’wapo siya lalo.

“I’m afraid... I knew I probably made you hate me after leaving without any notice. I didn’t have the time to properly say goodbye, so I asked a favor to Kuya to hand you the piece of paper with words in it.”

Kuya... si Chase! At saka lang ulit sumagi si Chase sa isip ko! I was too occupied in Second’s presence that I forgot about Chase’s existence a moment!

Gayon pa man ay tumango ako,  guilt crept into me when I felt the sadness in his voice.

“Sige na nga... naiintindihan ko na, pero alam mo namang tao rin ako,” sabi ko.

Kunot noo niya akong tiningnan.

Kinagat ko ang labi bago nagpatuloy. “Tao rin ako... nagiging kuryoso sa bagay-bagay kaya gusto kong may ikuwento ka sa akin sa tamang panahon.”

He pursed his lips and looked away. After practicing proper breathing, he looked at me again and finally... a smile crept on his lips. “Sure, you deserve hearing something from me after all, Andy.”

Doon na ako napangiti nang tuluyan. Hindi na pinansin ang tila nagbabadyang mga luha sa sulok ng mga mata. “Pahingi naman ng number mo, Second.” Nag-alinlangan pa ako dahil baka magtaka siya bakit ako nanghihingi. S’yempre, ni-delete ko lang naman iyong numero niya sa akin simula noon! Ano pang saysay, e, hindi naman ito nag-re-reply.

At gaya niya, nalilito man ay dinukot niya pa rin ang cell phone sa bulsa at humarap sa akin. “Let me text you, instead,” he said and didn’t wait for my answer as he fiddled with his phone.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagtitipa siya ng kung ano sa cell phone niya. Maya-maya pa ay ramdam ko ang pag-vibrate ng sariling cell phone sa loob ng sling bag na suot kaya naman walang pagdadalawang isip ko iyong kinuha at hindi nagkamaling may mensahe nga roon.

Unknown number: P’wedeng bumawi? Kasi kung oo man o hindi ang sagot mo, babawi pa rin ako.

My lips parted in mixed emotions. Hindi ko alam kung paano kikilos lalo na nang nagtama ang mga mata namin.

Unti-unting sumilay ang ngiting iyon ni Second. “Finally saw you again after months of being gone, Andy. I’m back.”

NANG mag-umaga ay para akong uod na hindi mapakali. I was pacing back and forth after reading a message from Second before I could even go downstairs.

Second: Romans 15:13, “May the God of hope fill you with all joy and peace as you trust in him, so that you may overflow with hope by the power of the Holy Spirit.”

Good morning. Have a great day ahead of you, Andy! (^^)

Hindi ako mapakali kasi naalala ko noong unang text niya sa akin ay bible verse rin at umaga iyon paggising ko. Ang sarap sa pakiramdam dahil bumalik na ulit siya.

“Gabbana! May balita ako!” Paulit-ulit kong niyuyugyog ang balikat ng kaibigan habang nasa sasakyan kami patungong paaralan.

“Ano?”

“Si Second! I saw him yesterday —”

“Si bebe?!”

Malawak na ngisi ang nakausli sa aking labi habang kinukuwento sa kaniya nang buo ang pagkikita namin ni Second.

“Hoy, inday! True ba talaga?! Shit ka, e, ’di saan na siya ngayon?!”

Malakas ang boses naming dalawa habang nag-uusap pa rin sa hallway patungo na sa aming classroom.

Napasimangot ako. “Iyon nga, e! Nakalimutan ko tanungin sa’n siya nakatira, pero may number niya naman ako, ’no!”

Napatango siya at parang balisa pa rin sa balitang hatid ko.

Nang makapasok na kami sa loob at awtomatikong dumapo ang tingin ko sa naging upuan ni Second noon. At doon ako napaisip... nag-aaral pa rin ba siya o tumigil na?

Napabuga ako ng hangin. We really need a time to talk! Marami akong gustong itanong sa kaniya!

Habang nasa gitna ng klase ay okupado ang isipan ko... iniisip kung kailan at saan kami magkikita ni Second kung sakaling mag-uusap na kami. I felt excited at that thought.

Naisip ko rin na siguro pagkatapos ko kay Second ay magiging abala na rin kaming mga grade 10 at 12 para sa JS prom. Napasimangot tuloy ako. Si Chase ang gusto kong ka-partner, pero hindi naman sila kasama ngayong taon! Gusto ko siyang kausapin na mang-gate crash siya at isayaw niya ako sa prom!

Nang sumunod na araw ay ganoon pa rin ang naging gawi. Nag-text si Second as usual ay may baon siyang bible verse, nakakatuwa lang. Ang kinaibahan nga lang ngayong araw ay wala si Gab, huminto ang sasakyan sa bahay nila at kinausap ko siya kung bakit siya liliban ng klase.

“Sensya na, bebs! Wala kasi akong cell phone para sabihan ka na hindi ako papasok, isa pa, hindi ko rin naman alam ang number mo.”

“Ayos lang, ba’t ’di ka papasok?” tanong ko.

“Sasama ako kay Nanay para manglako sa talipapa! Haliparot ka, kaarawan ko na sa susunod na araw kaya magpapakabait ako para handaan!”

Nakagat ko ang labi bago natawa. “Lang hiya ka!” Medyo na-guilty tuloy ako kasi hindi pumasok sa isip ko na kaarawan niya na nga sa susunod na araw. “Sure ka talaga? Sige na nga, ako na bahala magsabi kay Sir. Love you, Gab!”

“Love you more, bebs! Pahingi na nga lang ng number mo in advance para ma-text kita, makiki-text ako sa keypad ni Nanay!”

Kaya ganoon ang nangyari. Pagkatapos ko ibigay ang numero ay bumiyahe na kami patungong Clark High. During breaktime, I felt so lonely. Paano kasi wala si Gab! Siya lang naman iyong lagi kong kasama, pero iwinaksi ko na lang iyon at nag-order na.

Habang kumakain nang mag-isa ay nag-iisip ako kung ano ang maaaring iregalo sa kaibigan nang mabalik ako sa ulirat pagkatapos marinig ang pagbagsak ng tray sa harapan ko mismo.

“Alone?”

Napaangat ako ng tingin at kaagad nagtama ang paningin namin ni Chase.

Napalunok ako at nabalisa. “Uh... wala ka namang nakikitang kakaibang nilalang sa table, ’di ba? E, ’di... mag-isa lang ako.”

He scoffed, tuluyan na rin siyang naghila ng upuan sa aking harapan at umupo roon.

“Bakit ka narito?” tanong ko, nagtataka.

“I just wanna accompany someone who’s eating alone,” taas kilay na sagot niya at ipinatong ang siko sa lamesa.

Tumikhim ako, kinabahan at ramdam ang pintig ng puso. Pagkatapos nang nangyari roon sa park ay ako na mismo ang nahiya nang maalala ko kung ano ang pinagsasabi ko, pero naisip ko rin na mas ayos na iyon dahil nailabas ko na rin ang saloobin.

Akma ulit siyang magsasalita nang nagambala ako dahil sa pag-vibrate ng cell phone ko na ngayon ay nasa ibabaw ng lamesa.

Kinuha ko iyon at binasa ang mensahe na galing kay Second.

Second: Hi, pasensya sa biglaang mensahe, siguro ay kumakain ka ngayon, pero p’wede ba tayong magkita bukas?

Napaawang ang labi ko. Gulat man ay ramdam ko ang pagkasabik sa akin kaya wala ako sa tamang pag-iisip nang bigla ko na lang pinindot ang call button hanggang sa sinagot niya ang tawag.

“Second...” sabi ko.

“Tumawag ka... may mali ba?” he answered on the other line in his soothing voice.

“Wala naman... sige, magkita tayo bukas, Second,” marahang wika ko at nang ilipat ang tingin sa harap ay saka ko naalala na may kasama pala ako kaya taranta kong naibaba ang tawag.

“Sorry...” sabi ko pagkatapos ibaba ang cell phone sa hita ko.

His face darkened, and with his jaw clenching, eyes seemed like throwing daggers on me, he smirked mockingly. “Second, huh? Bet you already saw each other,” aniya sa iritadong boses.

Nalilito man sa asal nito ay tumango ako. “Nakita ko siya noong nakaraang araw.”

He licked his lower lip and arched a brow. “Hindi mo na ba ako gusto?” tanong niya.

Napasinghap ako dahil hindi iyon inaasahan, hindi pa man ako nakakasagot ay nagpatuloy siya.

“Let’s give each other a try, stranger. Let’s date.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top