Chapter 12

Chapter 12: Park

"Kita mo 'yan? Iyan ang karma niya sa pagiging harsh sa 'yo." Gamit ang tinidor, itinuro ni Gab ang direksyon ni Chase na ngayon ay kumakaing mag-isa malayo sa table na kinaroroonan namin.

Sinimangutan ko siya. "Ang bad mo! Ayos na kami, 'no!" pagtatanggol ko.

Umismid siya at umiling na tila dismayado. "Ewan ko ba, sumasakit ulo ko dahil sa iyo, bahala ka."

Nang ibinalik niya na ulit ang atensyon sa pagkain ay napalingon ako sa puwesto ni Chase. Nagtataka rin ako dahil wala siyang kasama ngayong araw.

Pinagmamasdan ko lang siya, at napansing parang wala siyang ganang kumain hanggang sa ibagsak niya ang tissue sa tabi ng pagkain na mukhang hindi pa nagagalaw bago tumayo dala-dala ang pagkain. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa itapon niya sa basurahan ang pagkain at diretsong lumabas ng cafeteria.

Napaawang ang aking labi. Ano ang nangyari roon?

It's been a week since the event happened back in the sidepool. Ayos naman kami ni Chase, pero hindi na gaya dati na para akong obsessed sa kaniya at halos sundan siya kung saan man ito pupunta, ngayon kasi... hindi naman sa pagmamayabang pero napapansin kong medyo komportable na siya sa akin kaya hindi ko na kailangan itong lapitan dahil kusang nagku-krus ang aming landas.

Nakakapagtaka, pero ang sarap sa pakiramdam.

Ilang linggo na lang din ay prom na namin, at nakakalungkot isipin na hindi makakasama ang batch nina Chase ngayon dahil sa 1st year siya sa senior at next year pa ang prom nila. Samantalang ako, kasali dahil last na ng junior at sa next year ay naman ang hindi makakasali kaya nakakainis dahil nagkakasalisihan.

Pero ika nga nila... kung ayaw may dahilan, kung gusto maraming paraan.

Nangangati iyong paa ko na tumayo para sundan siya at alam kong napansin iyon ni Gab na nasa harap ko dahil tumigil siya sa pagnguya ng pagkain para lang ituon sa akin ang buong atensyon. "Alam ko namang kating-kati ka na kaya alis! Sundan mo na iyon," labag sa kaloobang aniya.

Tumikhim ako at inayos ang postura. "Huwag na rito lang ako," sabi ko pa.

Pinanliitan niya ako ng mata. "Huwag mo akong ji-no-joke time, hindi ako pinanganak kahapon. Tayo na!"

Umiling ako. Gusto kong sundan iyong isa, pero ayaw ko namang iwan si Gab dito.

"Hindi ako magtatampo, promise, kahit ikamatay pa ni cheese."

"Gabbana!" asik ko.

"Seryoso, umalis ka na," aniya sa mahinahong boses. "Baka mamatay ka kakaisip kung ano nangyari sa cheese na iyon."

Pero dahil matigas ako, at alam ko sa sarili na mas importante si Gab kaysa sa kaniya ay nanatili ako roon hanggang sa matapos siyang kumain.

"Wala si Sir dahil sumama sa team!" anunsyo ng isa naming kaklase nang pumasok kami.

"Anong team?"

"Para sa tournament kuno kaya wala siya ngayon."

Imbes na magreklamo ang mga kaklase na walang magaganap na klase ay naghiyawan pa ang mga ito, s'yempre kahit nga ako ay natutuwa sa kaloob-looban.

"Yes, wala si panot!" si Gab sa pilit na malalim na boses bago umikot sa ere at nagkunwaring prinsipe na yumuko.

Nagsitawanan kami.

"O, sayang-saya 'yan? Alam ko namang tatakas ka maya-maya kaya huwag mo nang patagalin. Shoo!" pagtataboy ni Gab sa akin.

"P'wede?" tanong ko.

"Hindi mo naman ako nanay para pagbawalan ka at saka kapag ba umayaw ako, susundin mo? Hindi pa rin naman kaya huwag ka na magpaalam!"

Nalaglag ang aking balikat. "Galit ka ba, Gab?" tanong ko sa mababang boses.

Awtomatikong nangunot ang noo niya. "Uy, bebs, hindi! Alis ka na nga kasi, support na nga ako ayaw mo pa!"

"Huwag na rito na lang ako..."

"Arianndy, parang tanga! Sad girl ka?! Sige, huwag mo na siya puntahan!"

I pursed my lips. "Aalis na nga ako, e."

"Tingnan mo! Kanina pinayagan kita, ayaw mo? Tapos ngayong pinagbabawalan ka, pupunta ka? Minsan talaga hindi ko maintindihan ang hormones mo."

Natawa ako at hinampas siya sa braso. "Pinagsasabi mo? Bye na nga, e! Love you, Gab!" Niyakap ko siya patagilid bago kumaway at nagmadaling lumabas.

Dumaan ako sa tulay, at gaya ng nakagawian ay sumilip ako sa classroom nila kaso hindi ko siya nakita roon kaya naman inikot ko pa ang buong building nila para hanapin siya pero ni anino ay wala.

Nagtataka talaga ako bakit wala siyang kasama kanina, at sa totoo lang madalas ko na siyang napapansin na tahimik at parang walang energy.

Hindi kaya... apektado pa rin siya sa break-up nila ng ex niya?

Ex...

Ex niya na si Ladyn!

Parang nakalutang ako sa ulap nang isipin iyon. Nakakatuwa lang dahil wala na talagang ibang dahilan para hindi niya ako pansinin! Desperada kung desperada, pero gustong-gusto ko siya.

Bumaba na ako at inikot ang campus. Kung saan-saan ako nakarating. Pumunta pa ako sa cafeteria at sa second floor nito at hinanap siya roon, at sobrang nakakapagod talaga kaya naman nang makita ko ang bench sa Rizal's park ng campus ay naupo ako roon at nagpahinga saglit.

My hair was blown by the wind, tahimik ang buong paligid marahil ay halos may klase. Inilibot ko ang tingin sa area hanggang sa may napansing kung ano sa hindi kalayuan, likod ng isang building.

Tumayo ako at naglakad patungo roon, at dahil likod iyon ng building ay tago talaga, pero kung galing sa puwesto ko kanina ay bahagya mong makikita kung ano ang mayroon doon.

May mga sako ng recycled bottle roon sa gilid kaya maingat akong dumaan sa gilid para hindi iyon matumba hanggang sa tagumpay akong nakapunta sa gilid.

Pag-angat ko ng tingin ay naestatwa ako sa kinatatayuan at napaawang ang labi.

Hindi ko alam iyong gagawin ko, pero dahil narito naman na ako ay tumikhim ako. Awkward it is.

"A-Anong... ginagawa mo rito?" Pagkatanong ko no'n ay nag-iwas agad ako ng tingin at sumandal sa pader ng building.

It was Chase.

Nagulat ako nang makita siya roon hindi dahil sa kadalasang dahilan, pero dahil sa panibago...

He was holding a stick of cigarette in between his fingers while smoking it like an expert.

Doon ako nagulat.

Naninigarilyo siya?

I mean... I've never seen him smoking before... bukod kasi sa hindi naman kami close ay... I can't picture him as a smoker or... vicious?

O baka dahil may problema siya?

Narinig ko kasi sa kung saan na kaya naninigarilyo ang iilan dahil pangpakalma, pangpawala raw ng stress.

"Should I be the one who'd ask that?" sagot nito pabalik.

Pinagtuonan ko na lang ng pansin iyong sapatos ko kaysa tingnan siya dahil sa kahihiyan. Bakit nga ba hindi na lang ako umatras kanina? Tumakbo na lang dapat ako!

"May problema ka ba?" pag-iiba ko ng usapan at naglakas loob na mag-angat na ng tingin sa kaniya bago sa hawak na stick ng sigarilyo. "At bawal kaya manigarilyo rito... anytime p'wede kitang isumbong..." Pero dahil may gusto ako sa iyo ay pagtatakpan na lang kita at aastang parang walang nakita.

Eww, Andy, favoritism!

"I don't mind getting punished, though," aniya, humithit muna bago ibuga ang usok noon.

Napalunok ako habang pinagmamasdan siyang ganoon. Pinanood ko kung paano nagtaas-baba ang Adam's apple kanina dahil sa paglunok.

Hindi ko alam, pero... dapat turned off na ako sa kaniya ngayon, pero bakit parang... lalo siyang gumwapo sa paningin ko para maging dahilan para lalo pa akong magkagusto?

"Matagal ka na bang... nag-i-smoke?" nag-aalangan kong tanong.

"These past few months," maikling sagot nito.

"Dahil ba kay... Ladyn?"

Dumaan ang ilang segundo nang hindi siya sumagot, at doon ko nakumpirma na siguro ay dahil nga sa kaniya.

Hindi ko tuloy mapigilang mairita dahil sa ideyang iyon. Iniwan na nga niya si Chase, nasaktan iyong tao at ngayon nagbibisyo dahil din sa kaniya? Ganoon ba talaga kaapektado si Chase at parang hindi siya mabubuhay nang maayos kapag wala si Ladyn?

And by the thought of that... I felt a pang on my chest.

Hindi dahil sa naaawa ako kay Chase kun' 'di naaawa ako sa sarili dahil alam kong kahit yata mawala si Ladyn ay wala pa rin akong laban... hindi pa rin ako makikita ni Chase bilang... isang babae na magugustuhan niya.

Pero dahil gusto ko siya, gusto kong pilitin!

Pipilitin ko kung kailangan, masyado na akong lugmok at nakakasawang maging malungkot.

It can be a win-win situation. Kung gagawa ako ng paraan na magustuhan niya ako ay sasaya pa ako lalo and as per Chase, makaka-move on na siya.

Minsan talaga mas matalino ako sa mga ganitong bagay kaysa sa acads!

Huminga ako nang malalim at hinarap siya. "Anong lasa niyan?"

Nagsalubong ang kilay niya sa tanong ko sabay baling sa hawak niya. "This?"

Tumango ako.

He chuckled and rolled his eyes. "Don't you ever think of trying this, stranger. It is no good for you."

"E, bakit ka naninigarilyo kung hindi naman pala makabubuti?"

Bumuntonghininga siya. "Okay, whatever you say..." Tinapon niya ang upos ng sigarilyo at tinapakan ito. "Happy?" tanong niya at nagtaas ng kilay sa akin.

Kumalabog ang puso ko. "Wala naman akong sinabing itigil mo."

"Tss. Don't act as if you're not worried. Hmm, are you even worried, though?" He's now smirking.

"Oo... alam mo, you can talk to someone naman, hindi iyong sinasarili mo."

"And that someone is you, am I right?"

"P'wede rin naman."

"Okay..." Umayos siya ng tayo, isinandal ang sarili sa pader ngunit nakaharap sa akin ang katawan. "I do still love her... so bad," mariing pag-amin niya, nakatitig sa mga mata ko.

Kusang nagtago ang mga kamay ko sa likod at doon ko pasimpleng pinaglaruan ang mga kuko bago ilihis ang aking tingin sa ibang bagay pagkatapos niyang aminin iyon.

Ang sakit, ah?

"My feelings for her grew stronger than before even we're now over. Funny, isn't it?"

Pagak akong natawa at suminghap. "May kanta niyan," sambit ko. "How can I move on when I'm still in love with you," pagkanta ko sa lyrics ng The Man Who Can't Be Moved ng The Script. Ewan, pero gusto ko lang pagaanin iyong loob ko.

"And you're now singing, stranger. Can't deny you have a sweet voice, but..."

"Pero mas hanap mo iyong boses niya, you're longing for her voice ganoon?" dugtong ko.

He shook his head and chuckled without humor. "You're saying it as if it's not hurting you," puna niya.

"Masakit naman talaga," straightforward na sabi ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Pero alam mo? This is the kind of pain I wanna feel every single day, the pain I don't wanna get rid of... masyado kitang gusto na kahit ang harsh mo sa akin... mas lalo pa kitang nagugustuhan. Pitiful, 'no?"

Natahimik siya.

"Bata pa naman ako, Chase. Marami pang taon at alam kong hindi mananatili ang lahat sa kung ano ito ngayon... may panahon pa, malay mo... dumating na lang iyong oras na unti-unti mo na rin pala akong nagugustuhan? Don't wanna assume, but... I am kinda sure you'll like me in no time," pinal na sabi ko bago siya tinalikuran doon at umalis na.

Grabe, hugot ba iyon? Parang na-suffocate ako sa lugar na iyon kaya nag-practice breathing pa ako pagkarating sa park.

Kinabukasan ay weekend kaya naman kasama ko ang mga ate at pamangkin para mamasyal sa park.

"AJ, Jai, ano ba nangyayari sa inyo?" Lumuhod ako para lebelan ang tingin ng dalawang pamangkin na nag-aaway.

"Tita, nauna si AJ, kanina pa ako inaaway!" pagsusumbong ni Jairus sa akin nang nakabusangot ang mukha.

"What happened, AJ?" tanong ko rito.

"Tita... I didn't do anything wrong, pinagsabihan ko lang po," sagot nito sa maliit na boses.

"Sa ano?"

"He stole the hair clip of Azi earlier in our house."

"Azi? Who's Azi, baby?" kunot noo kong tanong.

"Azi's a friend of mine po... baby girl ni Tita Marga, my mom's best friend."

Nagpatango-tango ako at binalingan naman si Jai na masama ang tingin sa pinsan. "I hate you, Arhys!"

"Why would you hate him, Jai? You know it's bad to get something you don't own, 'di ba?"

"But I didn't steal it! That girl willingly gave her clip to me!" pasigaw na sagot nito.

Napabuga ako ng hangin at hinaplos ang ulo nilang dalawa. "Bad ang nag-aaway, okay? Magbati na kayo. Where's the hair clip now?"

"Ayaw ibigay ni Jai, Tita..."

"I'll keep it, AJ! I-Indi ko naman wawalain, e!"

Natawa na lang ako. "Okay, okay, tama na iyan. Basta itago mo lang iyong binigay no'ng baby girl, ha? Huwag mo walain kasi someday kukunin niya ulit iyan sa iyo."

"She gave it to me... tapos kukunin niya ulit? It's bad, 'di ba?"

Natawa ulit ako, hindi alam kung paano ipapaliwanag.

"As if you can wear that," komento ni AJ.

"So what? I'll let Acee wear this, then!" sabat nito, itinutukoy ang kapatid na babae.

"Okay, fine. I won't meddle na. Friends?" AJ offered his hand.

"Hindi tayo friends, we're cousins, are you stupid, AJ?"

"Baby, that's bad!" saway ko. "Huwag mo sasabihan ng stupid si AJ, ha? Where did you learn that?"

"I heard it from AJ's mom, sabi ni Tita Audrey kay Tito Archie stupid idiot daw siya..."

Pabuntonghininga akong tumawa. "Oh, my... ano ba 'yan! Huwag ka makikinig sa usapan ng matatanda, okay?"

"But Tita! Their voices were loud, how could I not hear it?"

Napailing ako. "Sige na, basta bati na kayo, ha? Tara, mag-join na tayo sa laro ng mga pinsan." Tumayo ako at lumapit sa kanila na naroon sa ilalim ng puno.

Nakipaglaro na ulit ang dalawa sa mga pinsan habang ang tatlong ate naman ay naroon din at binabantayan ang mga anak.

"Mama, ice cream!" pagturo ni Clinton sa ice cream vendor sa 'di kalayuan.

"Opo, we'll buy okay? Teka lang, punasan muna ni Mama sa Avril -"

"But Mama!" reklamo ni Clinton sa mama na si Ate Allison.

Hay nako, minsan talaga ang sakit sa ulo kapag nagsabay-sabay na topakin ang mga ito.

"Ate, ako na. Isama ko si Clinton, ah?"

Tumango naman si Ate Allison at pinuntahan na ang dalawa pang anak.

"Baby, huwag matigas ang ulo, ah? Kapag sinabi ni Mama, susundin mo kasi tatlo kayong baby niya, mahirap pagsabayin ngayon kasi inaasikaso niya si Carl at Avril, e, ikaw mas kuya ka ni Carl, e. Huwag na pasaway, ah?" pagpapaalala ko habang hawak-hawak ko ang isang kamay nito patungo sa ice cream vendor.

"Kambal naman kami ni Carlisle, Tita, kaya pareho kaming kuya..." nakanguso niya iyong sinabi habang nakatingala sa akin. "Pero sorry po."

"Nakung bata ka! Okay po, mag-sorry ka kay Mama later, ah?"

Akma na siyang tatango kung hindi lang naagaw ng isang puting Maltese ang atensyon niya. Patungo sa amin ang aso at bahagya pang nakalabas ang dila nito.

"Thirdy!"

Dahil medyo nataranta ako dahil hyper ang aso kaya naman hinila ko si Clinton kasabay nang pag-angat ko ng tingin sa taong nagtatawag, na siguro ay amo ng aso.

"Thirdy, come here!"

Pagkasabi niya no'n ay kaagad siyang bumaling sa akin dahilan para magtama ang paningin naming dalawa.

And with that... we both stiffened on our ground.

Masyado akong gulat at naestatwa sa kinatatayuan. Nanlalaki ang mga mata, nakaawang ang labi, at pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang makilala kung sino ito.

"Second..." usal ko habang tanaw-tanaw ang lalaking kaharap na naestatwa rin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top