Chapter 11

Chapter 11: Ready

“Uy, si crush, oh.”

“Kainis ka! Shut up nga, Gabbana!” maarteng suway ko sa kaniya nang ituro na naman nito si Chase sa ‘di kalayuan.

Since that day happened... something seemed like awakened in me. Basta kinabukasan noon ginawa ko talaga ang best ko para iwasan na siya.

And luckily... after almost two months... I did it.

Hindi ko lang maintindihan dahil itong si Gab ay nagsimula na akong asarin na hindi niya naman talaga ginagawa lalo na kung tungkol kay Chase.

In that two months, pinilit ko talaga na huwag nang makibalita sa kaniya. I unfollowed him in his social media accounts, hindi na rin ako pumupunta sa room nila at mas pinili kong magfocus sa dahil magse-senior na ako.

My daily routine ay papasok, laging kasama si Gab at uuwi rin na kasama ito. Tuwing weekends ay nakikipagbond ako sa mga pamangkin and it somewhat helped me to move forward.

Natawa na lang ako dahil akala mo ay malaki ang pinagdaanan para magmove-on.

Pero sa totoo lang... everyday, I was eager to check on him... pero sa loob din ng mga buwan na iyon ay natuto ako ng self-control. Nakakatuwa dahil nababawasan na ang pagiging marupok ko... given na wala rin naman talaga siyang pake sa akin.

He didn’t even dare to say sorry when he threw the cake I’ve made. Ayos na lang din siguro, hindi naman na kailangan.

“Kaya pala napapatingin ka minsan sa kaniya?” pang-aasar naman nito.

“Alam mo? Ang gulo mo rin, e! Dati ayaw mo sa kaniya at gustong-gusto mo akong lumayo...  tapos ngayon inaasar mo ako? Seryoso kasi, Gab!”

Natawa siya. “Okay, sabi mo. Basta ji-no-joke time lang kita! Happy ako kasi happy ka! Huwag ka na malungkot, bebs, ah? Sakit mo sa lungs, e.”

Ngumiti ako. “Try ko lang baka mamaya bumigay ulit kapag nagparamdam kung sakali!” pagbibiro ko.

Nagtatawanan kami ni Gab habang papasok sa cafeteria. Kita ko sa peripheral ko kung paano tumigil si Chase nang hindi sinasadyang maharang siya ni Gab.

But then... I didn’t glance until I noticed he’s gone.

Nagsalita ulit si Gab nang makaupo na kami at nagsimulang kumain. “Kaka-proud ka, Ands! Grabe, yakang-yaka mo iyong part na pag-ignore! To the highest level, ginalingan!”

Nginusuan ko na lang siya ay nagpatuloy sa pag kain ng lunch.

Nang maghapon ay ikinagulat ko ang pagpasok ni Chase at isang kaklase nito sa loob ng class room namin pagkatapos mag-excuse kay Sir. This was the first time I saw him inside our class room... for thw reasons I didn’t know why.

“We’re here to pick a student who’ll represent your section for the said program later,” ani Chase at inilibot ang paningin sa loob.

Bago pa man dumapo ang paningin niya sa akin ay kaagad na akong yumuko at pinaglaruan ang kuko.

Naririnig ko ng bungisngis at mga bulong galing sa mga kaklase marahil ay pinupuri nila kung gaano kaguwapo si Chase.

“Si Reistre na lang!”

Napaangat ako at mabilis na dumapo ang paningin sa kaibigan na trip na naman ako.

Pasimple ko siyang tinaasan ng kamao bago dahan-dahang humarap sa direksyon sa harap. “Ah, pasensya po, ayaw ko. Masakit pakiramdam ko,” pagsisinungaling ko habang nakikipaglabanan ng tingin kay Chase.

Nagtaas siya ng kilay at pinasadahan pa ng tingin ang kabuuan ko. “Why don’t you go to clinic if you’re not feeling well?” aniya na ikinaawang ng aking labi.

Pero kaagad kong ipinaalala sa sarili na huwag panghinaan ng loob, hindi p’wedeng sayangin iyong buwan na iginugol ko sa pag-iwas sa kaniya dahil lang sa isang tanong niyang iyon!

“Ah...” Nangapa pa ako ng sagot. “Wala ka pong pake,” medyo pabalang kong sagot na nakaani ng ingay sa ibang kaklase.

“Okay, I don’t care,” aniya at hindi na ulit ako pinansin. Nagtawag na sila ng iba at nang may napili ay umalis na mukhang bad trip pa!

Kinabukasan ay P.E time namin kaya nasa court kami at naglalaro ng badminton para sa activity namin ngayong araw.

Nang magswitch na ng player ay hingal na hingal akong naglakad patungo sa bleachers para uminom ng tubig. Hinanap ko pa iyong bag ko at naalala kong wala nga pala akong dala dahil nagmadali na ako kanina kaya nagpaalam muna ako sa teacher namin na bibili lang ako ng tubig sa cafeteria dahil nauuhaw na rin talaga ako.

Upon arriving at the cafeteria, dahil dire-diretso lang naman akong naglakad ay hindi ko napansing may iba rin palang tao sa counter.

Pag-angat ko ng tingin ay kaagad nagtama ang paningin namin ni Chase. He’s a bit sweaty at sa tingin ko ay galing yatang practice o ano dahil nakasuot siya ng jersey.

Hindi ko napansing matagal pala akong nakatitig sa kaniya. Ultimo, magpunas niya ng puting panyo sa noo at pagkuha niya ng bottled water sa counter ay nasaksihan ko.

“Thirsty?” aniya at saka inilahad ang bottled water na hawak nito.

Para ba akong naestatwa dahil sa simpleng kilos niya na iyon. Napatitig ako sa kaniya bago nagbaba ng tingin sa bote.

Huminga ako nang malalim at pakiramdam ko lalo akong hiningal dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Pumikit ako saglit, dumilat, iniangat ang kamay na handa nang tanggapin ang tubig pero tumigil din kalagitnaan at ibinagsak ang kamay. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya bago siya lagpasan para bumili ng sarili. “Bottled water nga po isa,” sambit ko sa tindera.

Kabado pa rin ako kahit narinig ko na ang pagbuntonghininga ni Chase sa likuran ko hanggang sa narinig ko ang yapak niyang papalayo na.

A part of me was guilty.

Hindi ko alam... pero parang ako mismo ang nasaktan sa ginawa. Naisip ko na dapat tinanggap ko na lang kasi alam ko iyong pakiramdam ng ni-re-reject, and now that he experienced it... hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil para ko lamang siyang ginantihan.

Bumalik na ako sa covered court na nakakunot ang noo dahil sa nangyari kanina. Napaisip din ako... saan naman kaya iyong girlfriend niya? I never saw Ladyn again after what happened.

Bahala sila, I should care less.

Kinabukasan ay nagtagpo na naman ang landas namin, at imbes na matuwa gaya ng reaksyon ko dati ay naiirita na ako dahil pakiramdam ko isang pagpaparamdam niya lang ulit ay rurupok na naman ako.

Barado ang comfort room sa floor namin kaya napagdesisyonan ko na doon na lang sa kabilang building ang gamitin, doon sa kanila kaya tumawid ako dahil mas madali lang kasi. Pagtawid ko ay comfort room na ang nasa gilid kaya mas madali.

Pero imbes na iihi ako ay parang umurong iyon dahil nakita ko si Chase sa gilid. Nakasandal siya sa pader at malayo ang tingin, halatang malalim ang iniisip.

Akma akong aalis nang magsalita ito. “Stranger,” pagbanggit niya na ikinatigil ko.

Bumuga ako ng hangin at napalingon sa kaniya. “Bakit?” tanong ko, pero ang tingin niya ay nasa malayo pa rin.

“How are you?” sambit niya pa at nagawa na akong lingunin.

Nakakagulat.

Hindi ko alam kung paano ba dapat ako magre-react. Masyado niya akong ginugulat sa mga kilos niya these days... it’s weird.

“Healthy pa naman po... kayo?”

He clicked his tongue saka umalis sa pagkakasandal para ibigay sa akin ang buong atensyon. “Will you stop using that talking to me?” medyo iritadong aniya.

Nagtiim-labi ako at nagsalubong ang kilay. “You’re years ahead of me... kaya bakit?” panunuya ko na.

His face darkened. “Seriously? Are you kidding me, huh? The last time I checked... you’re crushing on me... then now you’re treating me like I am old? Parang hindi ka nagkagusto sa akin no’n.” He sounded so demanding.

Ano ba problema niya?

“Bakit... I mean, why were you acting like this in a sudden? You’re weird, and you’re older than me kaya,” sabi ko.

Saglit siyang natigilan na parang narealize ang kilos bago umiling. “You’re confusing,” iritado niyang sabi.

“So you are,” ganti ko.

“Huh?”

“Mukha mo huh,” naiinis na saad ko. Why would he bring it out all of a sudden tapos biglang hindi yata siya aware sa gawain niya?

Kung sa tingin niya confusing ako... ano naman siya? Nakakalito rin siya! Hindi ko siya maintindihan.

“Nevermind, what brings you here?” pag-iiba niya ng usapan.

Umiling lang ako at pinili na lang na talikuran siya at umalis, ni hindi na natuloy ang pag-ihi dahil naramdaman kong nawala na rin.

Nakakalito siya. Hindi ko maintindihan iyong mga kilos nito.

NASA bahay ako nina Ate nanatili ng ilang araw dahil nasa ibang bansa ngayon ang mga magulang dahil may inaasikaso. Pag-uwi ko pa lang galing eskwelahan nang sumunod na araw ay bumungad sa akin ang dalawang pamangkin na bihis na bihis.

“May lakad ba kayo? Where will you go, bebes?”

“Hi, Tita. We’re gonna go at Lolo’s house. Wanna join us?” Lumapit si Jairus sa akin at ipinulupot ang kamay sa aking leeg para yumakap.

“Can I?” nakangusong tanong ko.

“Yup, Tita!” sagot naman ni Acee at niyakap din ako.

Later on, nakita kong bumaba na si Ate Ariane galing sa taas at lumapit sa akin para bumeso. “Hey, buti naman umuwi ka na. Bihis ka na sa taas, you’ll be joining us.” Ngumiti ito nang nakakaloko at kumindat sa akin.

“Sige po,” pagsang-ayon ko na lang at hindi na nagtanong pa.

Nang matapos akong magbihis ay bumaba na ako at umalis na kami papunta sa bahay ng mga Prama— magulang ng asawa ni Ate na si Kuya Jace.

“Ano ba mayroon tonight?” tanong ko sa loob ng sasakyan.

“Just a dinner inviting most of the family,” sagot ni Ate na nasa front seat, si Kuya naman ang nagda-drive, at ako ang nasa likod kasama ang dalawa nilang anak.

“Hindi naman ako family, ba’t ako kasama?” tanong ko na naman.

Natawa lang si Kuya Jace nang makita kung paano ako sinimangutan ni Ate.

Nang makarating kami roon ay medyo maaliwalas dahil sa lights, at nang makapasok naman kami sa loob ay rinig ko na ang mga boses ng mga taong nag-uusap.

The dinner was simple, pero maraming handa. Nasa malayo pa lang ay kita ko na ang lawak ng lamesa at ayos ng mga hinanda rito.

Nasa likod lamang ako ni Ate dahil nahihiya ako dahil hindi naman kami close ng mga taong ito hanggang sa si Kuya Jace na mismo ang humila sa akin at inakay ako para maupo.

Binati muna kami ng pamilya nito bago kami naghandang magdasal para sa dinner. Nang nagsimula kaming kumain ay doon ko pa lang iniangat ang ulo para pasadahan ng tingin ang mga kasama sa lamesa na sana hindi ko na lang pala talaga ginawa.

I was shocked and couldn’t move on my seat when I saw him across.

What the— narito si Chase!

Halos mabulunan ako dahil hindi ko inaasahan iyon! Good thing, nabigyan agad ako ng tubig ni Ate na ngingisi-ngisi akong pinagmamasadan.

Naningkit pa ang mata ko rito hanggang sa sumagi sa akin na baka... sinadya niya talaga akong isama dahil narito si Chase! Of course, she’s aware kung ano ito para sa akin, pero hindi niya alam na iniiwasan ko na ito.

“You alright there, hija? How was the food?” usisa ni Tita Lyn na mama ni Kuya Jace.

Ngumiti ako. “Masarap po,” mahinang sagot ko.

Ngumiti naman siya at tumango bago kausapin ang ibang taong nasa lamesa.

As per Kuya Jace, anak nga ng pinsan niya si Chase kaya narito rin ito ngayon. Napansin kong ang babae na nasa tabi ni Chase ang tinutukoy na ina ni Chase dahil medyo magkahawig sila.

Ngayon ko lang nakita ang babae, pero she seemed familiar at nasagot ang tanong ko nang lumapit sa akin si Ate para bumulong. “She was a vlogger before, Andy. Ganda niya, ’no? Bait din iyan, yie, kita niya na future mother—”

Mahina kong tinapik sa hita si Ate sa ilalim ng lamesa at pasimple ring bumulong. “Ate naman... stop it.”

“Right. The second Montessori... your brother to be exact, how is he, Chase?”

Dahil sa tanong na iyon ni Tito Fernan ay nagawa ko ring mapatigil.

At doon ko agad naisip...

Si Second.

Pinagmasdan ko si Chase na tumigil sa pag-inom ng tubig bago balingan ang lolo nito. “Si Second... the last time I checked he’s doing good, Tito-Lolo,” sagot nito.

And now that he brought it up, bigla na naman akong nilamon ng curiousity.

Kumusta na kaya iyon?

“That’s good to hear.”

Nag-usap pa ang matatanda nang mapansin kong tumayo si Chase ay tumayo na rin ako. S’yempre hindi naman ako maaaring maiwan sa lamesa dahil puro na iyon mga adult kaya naman saglit ko munang binantayan ang mga pamangkin at saka ito ipinaubaya sa katulong bago napagdesisyunang sundan sa kung saan man pumunta ang lalaki.

Naabutan ko siya sa kitchen at huminto ako sa bukana para panoorin kung ano ang ginagawa niya roon.

“Can I have a bottle of wine, please?”

“Opo, Sir. Saglit lang,” sagot ng isang katulong.

Nang matapos siyang bigyan ng wine at glass ay pumihit na siya para sana lumabas, pero nakita niya ako sa bukana. Akala ko ay kakausapin niya ako nang akmang bubuka ang bibig, pero hindi nito itinuloy at nilagpasan na lang ako.

Dahil may sadya ako sa kaniya ay sinundan ko pa rin siya hanggang sa makarating kami sa likod ng bahay at naupo siya roon sa side pool na ngayon ay walang tubig kaya malaya niyang ibinaba ang dalawang paa at tumingin sa malayo.

Dahan-dahan akong naupo sa tabi niya, pero may safe space pa rin kami sa isa’t isa. “P’wede naman po umupo, ’di ba?”

He glanced at me a bit before downing the liquid on his throat. “Naupo ka na, ipagtatabuyan pa ba kita?” sagot niya pagkatapos. 

Bahagya akong napanguso at itinukod ang dalawang kamay sa sahig sa bandang likuran ko. “Chase, may tanong ako.”

Hindi pa niya ako sinagot para uminom ulit ng wine, pero this time tinungga niya na iyon na ipinagtaka ko. “May problema ka ba?”

Napapikit siya bago tumango at sa wakas ay dinapuan na ako ng tingin. “I wanna let this one out, can I?”

Dahan-dahan akong tumango. I then realized na this was the closer we got. Nag-usap kami ng medyo maraming salita na nasabi.

“I feel like... instead na malungkot ka sa sasabihin ko ay parang mas ikatutuwa mo pa ito,” panimula niya.

“Huh, bakit? Ano ba iyon?”

“Ladyn and I already broke up,” pag-amin niya na ikinatigil ko talaga.

Hindi pa muna ako nakagalaw ng ilang segundo hanggang sa nagsink-in sa akin ang sinabi nito. “Hoy, talaga, as in?!” I exclaimed.

He groaned. “You look happy,” puna niya.

Kaagad ko namang itinikom ang bibig at tumango.

“Masaya ka?” tanong niya.

Ngumuso naman ako. “Medyo lang,” sabi ko sa malungkot na boses, pineke para naman hindi halatang masaya talaga ako sa narinig.

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. “I know you’re not asking, but... she’s now in NYC with her family, personal reasons so we decided to break up.”

It felt like unreal. Chase was talking to me, more like opening up and it really made me nervous and confused. Gusto ko, pero nakakapagtaka.

Nawala tuloy sa isip ko na dapat iiwasan ko siya, pati iyong sadya ko nakalimutan ko na.

“Kaya ba umiinom ka? Mukhang hindi ka po masaya...”

He rolled his eyes in manly way. “Stop that po, will you?”

Natikom ko ulit ang bibig.

“And yeah, hindi talaga ako masaya.”

“Kailan kayo nagbreak?”

“Last two months.”

So, matagal na rin.

“Buti naman,” naibulalas ko nang hindi nalalaman.

“Pardon?”

“Ah... ano,” nangapa na naman ako ng isasagot. “Buti naman umiinom ka ng wine, sabi kasi nila hindi naman daw nakakasama sa health ang minsanang pagtungga ng wine. Ipagpatuloy mo iyan,” nasabi ko na lang.

He chuckled that it felt like a music in my ears. “You’re so weird, stranger.”

Ngumuso na lang ako at nagbaba ng tingin nang may naalala na naman. “Nga pala, may tanong ako.”

“Hmm?”

“Si Second... saan siya ngayon?” Saka ako nag-angat ng tingin sa kaniya na ngayon ay naniningkit na ang mata sa akin.

“Curious lang,” agap ko kaagad dahil sa nakitang suspiscion sa mga mata nito.

“He’s good, I guess.” Tumayo siya nang walang kahirap-hirap at naglahad ng kamay sa akin.

Naninibago man ay tinanggap ko iyon at inalalayan niya akong tumayo. “Ready yourself. Secundus might show up in no time,” aniya, binitawan ang aking kamay at tumalikod na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top