Chapter 10
Chapter 10: Cake
Later that night, I couldn’t help but to shed tears because of what happened.
Masyado siguro akong nasaktan dahil sa pag-ignora niya sa akin. Umiyak lang ako saglit tapos naging magaan na ulit ang damdamin ko.
Gusto ko na ulit siya — no, gusto ko pa rin talaga siya.
Inisip ko na lang iyong mga magagandang bagay na dulot niya sa akin kaya naman kaagad bumalik ang mood ko, at naisipan kong magtweet.
zairen arianndy @zandyreistre
ket masakit, crush pa rin kitaaa, huhu
zairen arianndy @zandyreistre
when kaya makakapunas ng pawis mo during laro? aaaa haha joke patay ako kay kuya!!!
Natawa na lang ako sa sariling kabaliwan. Sakto namang nagvibrate ang phone ko dahil sa isang notification. At madalas yatang timing! Nagtweet si Chase!
Huminga muna ako nang malalim bago basahin ang tweet niya.
montessori @chaseyuan
congrats, brothers! that was a good game!
Napanguso ako at napangiti rin nang natanto na baka nanalo nga sila. Umalis na kasi kaagad ako pagkatapos ng nangyari kaya hindi ko alam.
Nahihiya man ay nagreply pa rin ako sa tweet niya.
zairen arianndy @zandyreistre
congrats po sa inyo!!! your #1 fan here ^^
Mukhang wala siyang balak pansinin ang reply ko kaya nagtweet na lang ulit ako.
zairen arianndy @zandyreistre
ket di na crushback, followback na lang hahaha beke nemen, crush
zairen arianndy @zandyreistre
or pwede hingin ng jersey mo? omg!!! ganda, e!
zairen arianndy @zandyreistre
ganda ng apelyido mo sa basketball jersey, crush ^^
And it shocked me when in no time... he replied to my latest tweet! As in iyong huli iyong ni-replyan niya!
montessori @chaseyuan
you want it?
Parang gusto ko na lang bumulagta ngayon. Ano ang ibig niyang sabihin? Iyong jersey ba o iyong apelyido niya?!
At saka... halatang confident siya na siya ang pinariringgan ko!
zairen arianndy @zandyreistre
medj slow po kasi ako, wdym po ba? iyong jersey o iyong surname mo? ๏_๏
Lumipas ang ilang minutong paghihintay ay hindi na nasundan iyon.
Minsan talaga hindi ko siya maintindihan. Sobrang labo niya. Minsan nakikisabay, minsan hindi. Pero ayos lang, at least kahit minsan nararamdaman ko na interesado siya sa akin kahit ang totoo ay hindi naman talaga.
He tweeted something again.
montessori @chaseyuan
confused. why are u being like that?
montessori @chaseyuan
though, couldn’t deny the fact that i found...
montessori @chaseyuan
u cute
Weeks passed and it went on. Malabo si Chase at talagang nasasaktan ako dahil sa ganoon niyang pag-uugali.
Tuloy pa rin ako sa pinaggagagawa sa buhay. May one time pa na may pasalubong na dala si Lolo at ni-wrap ko iyon para ibigay sa kaniya kaso... harap-harapan niya rin akong hindi pinansin at nilagpasan na lang.
Ang ending... kay Gab ko ibinigay, bali doble na iyong nasa kaniya dahil mayroon naman talagang nakalaan doon, hindi ko maaaring kalimutan ang isang iyon dahil baka magtampo, mahirap na.
Naitanong ko rin kay Caius out of nowhere kung kailan ang birthday ni Chase. Marami na akong information na na-fish tungkol sa kaniya at tandang-tanda ko ang mga iyon.
Sa susunod na araw na ang kaarawan nito kaya nagpaalam na agad ako kanila Mama na pupunta sa bahay nina Ate para magpatulong sa pagbe-bake ng cake.
Kaya naman kinabukasan ay pupungas-pungas kong kinuha ang cell phone para i-check muna ang social medias nito bago mag-ayos papunta sa bahay ni Ate Ari.
Recent Tweet from chaseyuan
montessori @chaseyuan
you’re getting colder, babe
should i lit up a fire?
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko roon. Seryoso ba siya o hindi?
montessori @chaseyuan
i do love you, but why does it...
montessori @chaseyuan
feel like it’s not gonna hurt if you decide to leave me?
montessori @chaseyuan
no, that would surely be hurt. i love u so bad, ladyn
Huminga ako nang malalim, dahil sa pagmention pa lang ng pangalan ay talong-talo na ako... even I’m not in a competition.
Pero... I wonder if they’re doing okay? Based on his recent tweets... seemed like something’s off.
But whatever.
“ATE, can you help me bake a cake?” Niyugyog ko si Ate na ngayon ay nakaupo sa couch at tinatalian ang buhok ng anak.
Nasa bahay na nila ako ngayon para manggulo, buti na lang ay day-off nila ngayon kaya free si Ate para turuan ako.
“Bakit? Para saan?”
I frowned. “Basta, Ate! Please...” Isinandal ko ang ulo sa balikat niya para maglambing.
“Go to your Daddy, okay? I’ll talk to Tita first.” Binigyan niya nang malaking ngiti si Acee bago ibinaba iyon sa pagkakakandong sa kaniya.
“Bebe, pakiss muna nga ’ko!” tawag ko sa kaniya, lumapit naman ang bata at ngumuso.
I smiled and kissed her. “Cute talaga, sige na, alis na.”
“Bakit ka magpapaturo?” taas kilay na tanong ni Ate maya-maya.
“Birthday gift lang, Ate. Gusto ko kasi special iyong ako ang gagawa.”
Nanliit ang mata niya. “Sino’ng bibigyan mo?”
Natanga ako. “A-Ate naman! Ang daming tanong hindi na lang ako pagbigyan...”
Hindi pa rin siya nagpatinag hangga’t hindi ko sinasagot ang tanong niya.
“Fine... si Gab lang naman bibigyan ko, e!”
“Si Gab lang naman pala bibigyan mo, bakit ang tagal mo pang sumagot? May gusto ka kay Gab?”
Hinampas ko si Ate Ariane. “Ate! Nakakadiri ka! Kaibigan ko iyon si Gab, parang ewan ka naman!”
Inirapan niya ako at tumayo. “Siguraduhin mo lang at malilintikan ka talaga sa ’kin...”
“Ba’t naman, Ate?” tanong ko at sinundan na siya patungong kusina.
“Huwag na huwag kang masisekreto sa ’kin, Andy, sinasabi ko sa ’yo.”
Napanguso ako at nagbaba ng tingin. “Sorry na nga...” Dahan-dahan ko itong nginitian. “Fine, sa... crush ko iyan ibibigay,” pag-amin ko.
“Oh? Sino naman iyan?”
“Si ano, Ate...”
Nakahalukipkip siyang naghintay ng sagot. “Ano?”
“Si Chase...”
She gave me a menacing smile. “Crush mo pa rin iyon? ”
Sumimangot ako lalo.
Lumapit na siya sa kabinet at kumuha ng mga kakailanganing gamit habang ako ay nasa kabilang kabinet para kunin ang mga ingredients.
“Oh, ihalo mo lahat ng dry ingredients tapos make a well in the center,” turo ni ate.
Tumango ako at sinunod ang iniutos niya, inilagay ko ang lahat ng dry ingredients sa mixing bowl at pinaghalo iyon bago gumawa ng malalim na bilog sa gitna para sa wet ingredients.
“Heavy to light ang paglalagay mo ng wet ingredients, gamitin mo ’tong wooden ladle.” Inilahad niya sa ’kin ang sandok at pinanonood lang ako sa pinaggagagawa ko.
“Tama ba ’tong ginagawa ko, Ate?”
“Hindi kita sinaway, malamang tama iyan.”
Nang natapos ako sa pagbatter ay kumuha naman ako ng isa pang bowl para sa meringue mixture na sinasabi ni Ate.
“Egg whites lang, ihiwalay mo ang yolk at ilagay sa ibang lalagyan. Pagbubbly na ang egg whites iadd mo ’tong cream of tartar at ’pag naging foam na lagyan mo ng white sugar para may lasa.” Habang nagpapaliwanag siya ay inilalagay niya sa harapan ko ang mga ingredients at gamit na kinakailanganin.
Nakangiti lang ako habang ginagawa ang itinuturo ni Ate. Hindi p’wedeng masama ang loob ko dahil baka hindi sumarap, hindi pa magustuhan ni Chase.
Nang natapos ay medyo nangalay ang kamay ko sa paghahalo kahit naman ay may whisker, hinihintay na lang namin maluto ang cake na ginawa ko sa loob ng oven. Medyo pumalpak pa ako sa pagform kaya si Ate na ang tumapos.
“Salamat, Ate, Kuya. Uuwi na po ako!” paalam ko sa kanila, bitbit ang cake na ngayon ay komportableng nakalagay na sa kahon.
“Bye, ’ta!” maliit na boses na sambit ng isa.
Yumuko ako para pantayan ang mata ni Jai. “Bye, bebe.” Kinurot ko siya sa pisngi at saka bumaling pa sa isang bulilit na may hawak na manika. “Ba-bye!”
“Ang cute talaga nitong mga pamangkin ko, manang-mana sa Daddy!” pagbibiro ko at inirapan si Kuya Jace na nagthumbs up sa ’kin.
“Una na ako, salamat po!”
“Ingat ka, Andy! Uwi agad, ha!”
Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa dining room para ilagay sa ref ang cake na dala. “Ma, bumalik na po ako! May cake akong nilagay sa ref baka pumunta ang mga kuya rito huwag mong ipakain, akin ’to!”
“Ano ba’ng pinagsasasabi mo riyan?”
Bumaling ako kay Mama na nakapamaywang sa bukana ng dining room.
“Iyong cake po na nasa ref, akin po iyon. May pagbibigyan ako kaya huwag niyo pong ipakain sa iba.”
“Hindi naman iyan pakikialam ng mga kuya mo ni hindi tayo sigurado kung bibisita ’yon, at hindi naman sa kanila iyan. Hindi inuugali ang pakikialam ng bagay na hindi naman sa ’yo,” sermon niya.
Bumuntonghininga ako. “Naninigurado lang, Ma. Ito naman, high blood agad.” Lumapit ako sa kaniya at nagmano bago humalik sa pisngi niya.
Kinabukasan ay abot-abot ang tahip ng dibdib ko nang pumasok na ako dala-dala ang kahon ng cake. There’s actually curious looks I saw while walking on the hallway, medyo nahiya ako pero s’yempre nandito na ’to at saka wala namang masama.
“Oh, Ands, ano iyan? Wala namang usapang magpe-pledge tayo. Bakla ka, matagal pa ang christmas party,” salubong ni Gab sa ’kin.
Inirapan ko siya at inilahad ang kahon. “Itago mo muna iyan tapos samahan mo ’ko mamaya, ha? Ibibigay ko kay Chase iyan, ’di ba sabi ko birthday niya ngayon?”
Maarte niyang hinawi ang invisible na buhok. “Echosera, daming alam. E, ayaw nga ng tao sa ’yo, magreregalo ka pa?”
“Ang ingay mo, nauurat ako. Tumahimik ka na lang, okay?”
Kinurot niya ako sa tagiliran bago nagpatiuna sa upuan.
“Class dismissed.”
Pagkatayo ko pa lang ay parang lalabas na sa dibdib ko iyong puso ko.
“Dali na, samahan na kita, tapos maglunch na tayo para matapos na rin itong kaharutan mo.”
Tumango ako kay Gab at kinuha ang cake na hawak niya. “Maayos ba mukha ko, Gab?” tanong ko.
Itinagilid niya ang ulo at tinitigan ako. “Oo, maayos naman. Nasa puwesto pa rin naman iyong ilong mo.”
“Sira ka talaga! Tara na nga!”
Habang naglalakad kami pababa at papunta sa kabilang building ay tahimik lang ako. “Nariyan na siya!” Nataranta ako kaya bahagya pa akong umatras, pababa siya ng building nila at mukhang papunta siyang cafeteria.
Huminga ako nang malalim. Ibibigay ko lang naman ’to tapos aalis na ako, wala rin naman siyang kasama ngayon kaya ayos lang.
“Diyan ka lang. Wait mo ’ko,” paalam ko kay Gab.
Inirapan niya ako bago tumango. “Go, malanding Andy.”
Hindi ko na siya pinansin at nagtungo na sa direksyon ni Chase. Nahagip ako ng paningin niya pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad nang humarang ako.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya napalunok ako.
“H-Happy birthday, Chase,” sambit ko at dahan-dahang inilahad ang kahon ng cake na pinagtulungan namin ni Ate.
Kunot noo niya iyong binalingan nang hindi tinatanggap. “What’s that?”
Kinabahan kaagad ako dahil baka i-reject niya agad ako. “Gift...”
I heard him sigh and massaged his temple. “Thanks,” sagot niya nang hindi ako binabalingan bago tinanggap ang cake at umalis na lang nang ganoon.
Nagpakawala ako ng hangin bago hinanap si Gab. “He accepted it! Nag-improve na ba?” anunsyo ko kay Gab na ngayon ay nakangiwi akong pinanonood.
“Ginawa niya lang ’yon para this time hindi ka namn mapahiya, ’no. Assuming ka.”
Sinapak ko siya sa braso niya bago siya inagawan ng burger.
“Sa ’yo iyan?” sarkastikong aniya at itinuro ang burger na inagaw ko.
“Hindi mo kasi ako inorderan, e!” depensa ko nang masama ang iginawad niyang tingin sa ’kin.
“Malamang po, ano? Nagugutom ako kahihintay matapos iyang kalandian mo.”
Tumawa ako.
Natapos ang lunch namin na may malaki akong ngiti sa labi. He maybe ignores me sometimes, but at least he accepted the cake I made for him. It’s enough. Pakiramdam ko nga ay ako pa ang niregaluhan.
I dreamily sighed when Gab snapped at me. “Bakla, na-ji-jingle ako! Samahan mo ’ko, dali!”
“Mukha naman ’tong sira, e! Sa ’kin ka pa talaga magpapasama?”
“Dali na, itatapon din natin ’tong mga basura sa MRF, ano? Tayo kaya ang naka-assign ngayon kasi wala iyong janitor ngayon sa building natin.”
Tumango ako at tumayo na.
Hawak-hawak ni Gab ang trash bag habang ako naman ay nakangiting nakasunod lang sa kaniya.
“Mapunit sana iyang labi mo kakangisi,” puna niya.
Pagkatapos niyang umihi sa male’s comfort room habang ako ay naghihintay lang sa kaniya sa labas ay dumiretso na kami sa MRF para itapon ang basura namin.
“Buksan mo nga iyong takip ng drum, bebs.”
Binuksan ko ang takip ng basurahan, bahagya pa akong napatakip sa ilong dahil sa singaw ng baho. Lumapit si Gab at itatapon na sana ang basura sa loob nang may sinilip muna siya roon sa loob.
“Hoy, may pera ka bang nakita riyan?” natatawang tanong ko.
Napatanga siya at paulit-ulit na umiling sa ‘kin. “Tanga, Ands, huwag kang titingin sa loob ng basurahan na ito kung ayaw mo umiyak.”
Nangunot ang noo ko. “Bakit, ano ba mayroon?”
“Huwag mo na alamin.”
Inirapan ko siya at lumapit doon sa basurahan na sinilip niya kanina. “Curiousity kills kaya...” Hindi ko na natapos ang sasabihin nang may nakita akong pamilyar sa loob ng basurahan.
“Curiousity hurts kamo, iyan tigas ng ulo, e.”
Nakagat ko ang labi at iwinasiwas ang isang kamay dahil pakiramdam ko maiiyak ako.
Iyong cake na ibinigay ko kay Chase kanina...
Nanginginig ang labi ko nang dahan-dahang kuhanin ang kahon ng cake para masiguradong sa ’kin ba talaga galing iyon.
Para akong lumubog nang nakumpirmang iyon nga ang cake na ibinigay ko kanina.
“Gab...” nanginginig kong tinawag ang kaibigan.
“Sira ulo talaga ang cheese na iyon, bwisit siya! Ipaghihiganti kita, bebs, huwag kang iiyak!”
Umiling lang ako nang umiling habang pinagmamasdan ang kahon ng cake na ngayon ay madumi na. Transparent ang bandang gitna noon kaya nakita ko na gulo na dahil sa nadikit na icing sa cellophane.
“Huwag ka iiyak, babatukan kita, Arianndy!”
Nag-angat ako ng tingin kay Gab habang iwinawasiwas ang isang kamay, umiling ako. “Itinapon niya...”
May dumaang lungkot sa mata ni Gab nang balingan ang kahon ng cake bago ako.
Isang kalabit na lang ay bubuhos na ang luha ko.
“Ands, itigil mo na kasi...”
At doon na nag-unahang bumuhos ang mga luha ko. Nabitawan ko na ang cake at yumakap kay Gab.
“Sabi ko naman sa ’yo, e. Ang tanga mo talaga.”
Mahigpit ang kapit ko sa polo ni Gab habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Sobrang sakit ng dibdib ko at pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga dahil sa paghagulgol.
Paulit-ulit naman akong tinatapik ni Gab at kung ano-ano ang ibinubulong. “Hayaan mo, maghihiganti tayo... ano gusto mong gawin natin? Ipahiya natin siya sa gym, o ’di kaya sabihan natin si grandfather Owen mo na ipa-expel iyong cheese na ’yon?”
Humiwalay ako sa kaniya at hinampas siya sa braso. “Chase iyon hindi cheese, ano ba!” natatawang reklamo ko.
Sumeryoso naman ang mukha niya at humalukipkip. “Tigilan mo na kasi iyang cheese na iyan, hindi na ako natutuwa.”
Bahagya akong natawa, pero bakas doon ang hinanakit. Malungkot kong kinuha ang cake at dumiretso ulit sa basurahan para itapon iyon.
I exerted an effort for it, pumunta ako sa bahay nina Ate Ariane para magpatulong sa paggawa niyan, pero ito... tinanggap niya nga pero itinapon din naman pala.
Sana na lang hindi niya na tinanggap kasi mas masakit iyong tinanggap niya nga na labag sa loob tapos makikita ko lang na nasa basurahan. He’s giving me false hopes...
“Marami namang mas better diyan, Ands.” Inayos ni Gab ang buhok ko habang pinagmamasdan ako.
Huminga ako nang malalim.
“Kung gusto mo sa ’yo na crush ko...”
Natawa ako sa sinabi niya.
Mahirap magkagusto sa taong wala ni katiting na interes sa iyo. Ako iyong may gusto sa kaniya kaya ako lang din ang may karapatang masaktan, hindi naman niya obligasyon na gustuhin ako pabalik, e.
Bumalik na lang kaya ako sa dating gawi? Tutal, doon naman ako nasanay.
Iyong pasulyap-sulyap lang sa kaniya kahit may kasama siyang iba. Huwag na lang siguro akong lumapit at magbigay ng kung ano-ano.
A glimpse of him can make my day complete, but at the same time... can make my heart shatter into pieces.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top