Chapter 8

Birthday Wish

I was in deep awe witnessing how magnificent the view was in front of me. I took all the liberty that I have and just stared at the structure built majestically for all our bare eyes could see.

I slept most hours of our travel that I haven't had the chance to look around and see where we could possibly be going. Ngunit hotel pa lang ang nasa harapan namin ay ipinakikilala na noon sa akin kung nasaan kami. Hindi iisang beses na s-in-earch ko sa google ang tungkol sa lugar na ito kaya pamilyar na ako sa mga landmarks at hotels.

Kaya kahit simbahal pa lang, kilala ko na agad.

Vigan.

"It's been ages," Don Emmanuel nostalgically whispered while staring at the towing height of Vigan Cathedral. "Let's head inside."

Pinangunahan ni Don Emmanuel ang pagpasok sa loob ng simbahan. Samantalang tahimik na sumunod lang naman kami sa bawat hakbang niya.

Don Emmanuel comfortably walked his way to reach the end of the center aisle as he was familiar with the path. Once in his life he set foot on this same spot for one blissful reason. And that moment became his most replayed memory in his head.

And everyone who knows him knows how special this place is. Kahit nga ako na sa mga kuwento lang naririnig ang bagay na iyon ay naiintindihan ang galak na mayroon si Don Emmanuel ngayon.

Sinundan ko ang daang tinatahak niya, ngunit nang marating ko ang ikalimang row mula sa pinakadulo ng simbahan ay naramdaman ko ang paghawak ni Señorito aa balikat ko.

Nagtataka ko siyang tiningnan. But even before I could ask, he immediately placed his forefinger close to my lips to stop me from making any sound.

"Dito na lang tayo," mahinang usal niya. "Let's give Dad his peace."

Agad kong naintindihan ang gusto niyang mangyari kaya walang kuwestiong naupo ako sa pinakamalapit na upuan sa tabi ko. Agad lang din naman siyang sumunod nang upo sa akin. The twin brother sat at the very last row not so far from us.

"My parents got married here," he narrated a tale that I already knew.

Hindi ako umimik, hinayaan ko lamang siya na magbalik tanaw sa kuwentong kinakakihan niya na mula sa kaniyang mga magulang.

"Look at my Dad, he's in his best condition today," he proudly said.

Sinundan ko ng tingin ang direksyong tinutumbok ng mga mata niya. Nakaramdam ako ng panghihinayang nang mapagmasdan siya.

Don Emmanuel was walking slowly while looking directly at the center of the altar. From his back, I'm positive that he's reminiscing about one of the best moments in his life that took place in this sanctuary.

"Do you miss her?" I asked.

Isang tanong na madalas naming iwasan ngunit hindi panghabangbuhay na malilimutan. Ilang beses na dumaan ang kagustuhan sa akin na isaboses iyon ngunit mas lumalamang sa akin ang takot.

It was an obvious question that needlessly voiced out. Dahil alam naman ng lahat ang sagot. Pero minsan, iba pa rin sa pakiramdam kapag natatanong ka. Naniniwala akong nagagawa no'n iparamdam sa tao na mahalaga siya.

"I do," he admitted. "But not as much as I did back when I just lost her."

Napatingala ako sa kaniya, inaaral ang ekspresyon ng kaniyang mukha. He's calm, unfazed by my question.

"I no longer cry remembering how she spent her last days with us trying to smile to hide her sufferings away. I can now think of her without feeling any pain." Señorito let out an audible sigh. "I miss Mom everyday. But having someone I could share my stories with makes it lighter for me."

Muling nanumbalik sa aking memorya ang mga araw, linggo, at buwan na dumaan sa buhay nilang mag-ama na puro luha ang aking nakikita. Buhay nilang dalawa si Donya Margarita kaya hindi katakatakang inabot ng matagal bago sila tuluyang nakausad.

The three of them were glued together. Never kong nakitang nag-away ang mag-asawa. May mga kaunting tampuhan pero nagagawang resolbahin agad. Si Tobias naman, siya iyong tipo ng anak na abot langit ang respeto sa ina. Kahit nga noong high school siya, tuwing may gimikan o selebrasyon sa kanila, hindi siya pumupunta. Kahit nga ang paglalaro ng dota sa computer shop hindi niya ginawa kahit na gusto niya.

Dahil hindi gusto ng Donya.

It even came to a point where I began to wish to be with a man as respectful as him. Kita kasi na hindi niya magagawang makasakit ng babae. His respect for his mom and the way he cared for him were enough reasons for me to pray for him to be mine.

I saw longing in Señorito's eyes while watching his father from a distance. Señorito was right when he said it wasn't the same as before. Bagaman naroon pa rin ang lungkot at pagka-miss sa mga mata niya, ang sakit ay hindi ko na makita.

"I often hear confidence in my Mom's voice whenever she's sharing with me how their story went. It was something I couldn't really understand before, but when she fell sick, I came to know why she said those words," Señorito shared. "Mom was Dad's greatest love."

Napagmasdan ko ang pagsilay ng isang magandang ngiti sa mga labi ni Señorito habang ibinabahagi ang kuwento niyang iyon.

"He adored Mom more than anything, dotted her every single day. He only has his eyes on Mom. And so did I," he continued. "Ang sabi ko pa nga sa kaniya noong bata ako na hindi ako magpapakasal dahil para sa akin, siya lang ang kailangan ko. But time and circumstances changed my views in life."

"In what way?" I urged.

Hindi siya tumingin sa akin, nanatili lamang siyang nakamasid sa kaniyang ama na narating na ang unang row ng nga upuan.

In his baritone voice Señorito continued, "I realized that there was this kind of affection that I could only share with one person. And mind you, that wasn't directed towards my mom."

A moment of silence passed us. Hindi ko alam kung paano mo susundan ang mga salitang iyon ni Señorito. Gustuhin ko man na mag-react, tanging ang pakinggan lang siya ang kaya kong gawin.

Kung sino man ang tinutukoy niya sa mga salita niya, ayaw ko ng bigyan ng lugar ang kuryosidad sa puso ko. Hindi ako gano'n katapang para marinig mismo sa kaniya na mayroon na siyang gusto.

Isang babaeng malabong maging ako.

"I have only visited this place twice but I feel like I've seen it multiple times because of how Mom told me their wedding here. Tapos isang araw nasabi ko na lang, dadalhin ko rito ang babaeng pakakasalan ko. Papangakuan ko siya sa harap ng Diyos dito mismo kung saan nagpalitan ng pangako ang mga magulang ko."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nawalan ako ng kakayahan na magsatinig ng kahit na anong salita nang sa isang iglap ay hawakan niya ang aking kamay. Napatitig ako roon habang dinadama ang nagpapakilalang init ng kamay ni Señorito.

Inasahan ko na ang biglaang pagwawala ng puso ko dahil sa ginawa niya. Ngunit hindi ko inasaan ang pagbalot sa aking seguridad. I don't want to know what his actions may mean nor want to be curious of what he's probably thinking.

Wala rin sa intensyon ko ang magbawi ng kamay mula sa pagkakahawak niya. Because the truth is... I like its warmth. I like how tight he held me. But one inevitable fact slapped me at the same time.

Our hands don't fit.

"You're not even seeing any girl, Señorito," I pointed out, trying to act indifferent.

Señorito tightened his hold on my hand as he dropped his gaze on me. He effortlessly caught my eyes and stared deep as if reading my soul. "I'm not but I might. That depends on how this day would end." Tobias finally let go of my hand only for him to caress my hair in his gentlest way. "Let's pray, Torianna."

For about a minute, I only looked at him and watched him descend on his knees with clasped hands and closed eyes. Mataman ko siyang pinagmasdan habang tila lunod sa pagdadasal.

Bahagyang nakakunot ang kaniyang noo tanda ng mataimtim na pagdarasal. Naroon din ang paminsan-minsang paghigpit ng magkahawak niyang mga kamay.

An automatic smile formed on my lips as I looked at him from his back. Kinuha ko ang phone ko para kuhanan siya ng litrato. His body occupied the majority of the space in the picture while the rest shows the altar and a glimpse of a blurry image of Don Emmanuel's figure.

Kuntentong ibinalik ko iyon sa bulsa ko at ginaya ang kaniyang posisyon. Tahimik kong ibinulong sa aking isipan ang ilang pirasong dasal na mayroon ako. Having gotten the chance to live a more comfortable life than the one I had before being part of the Ramiscal made me content with everything.

Kaya palagi kong pinapaalala sa sarili ko na hindi ko na kailangan pang humiling ng sobra.

Nang matapos sa maiksing pasasalamat at dasal, muli akong umupo at hinintay matapos si Señorito. Hindi rin naman nagtagal nang muli niya akong tabihan ng upo.

"Torianna," mahinang sambit niya sa pangalan ko.

Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Ano iyon, Señorito?"

"Grant me one of my wishes."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa hindi maipaliwanag ng gulat na ipinaramdam niya sa akin. Bukod doon ay nilukob din ako ng kalituhan at kaunting kaba kung ano ang posibleng hilingin niya.

"Be my muse, tonight. Have a date with me," he requested.

Nalaglag ang panga ko sa hindi pagkapaniwala. Mas lalo ring nanlaki ang mga mata ko habang siya naman ay nananatiling kalmado.

"T-Tama ba ang narinig ko?" utal kong tanong.

"Hmm, I'm asking you out on a date," he confirmed.

***

La Casa Blanca de Vigan Hotel.

Manghang hinayaan ko ang sarili ko na malunod sa panonood doon. Parang kahit na saang hotel ako dalhin basta dito sa Vigan ay gugustuhin ko. This is my dream place to be, after all.

"Ang ganda naman dito," bilib na papuri ni 'Nay Lydia habang iginagala ang mga mata sa paligid.

"Kaya nga po, 'Nay Lydia. Pang sinauna at makaluma," segunda ni Ate Jade na kadalasang sa kusina kumikilos kasama si 'Nay Lydia.

Nakarinig pa ako ng mahihinang bulong mula sa excited na tinig ng mga kasama namin ngunit hindi na iyon rumerehistro ng buo sa isip ko.

All that I could think of was finally stepping into this dream place of mine. All that could register in my mind was the beautiful scenery that I would not get tired of seeing. I was only seeing this image on my phone's screen and it feels surreal having to stand in front of it.

I am at my dream place.

"Señorito..." I breathed in awe.

"Surprise, I guess?" he unsurely responded.

Dahil sa laki ng agwat namin dahil sa taas niya at sa liit ko ay naging bulong na lamang iyon sa aking pandinig.

Tiningala ko si Señorito ngunit agad din akong napapikit nang masinagan ng araw ang aking mga mata. I squinted my eyes to see him and at the same time placed my hand as a shield to cover my lids.

"I know how you always liked to be in this place," he voiced out.

Naaninag ko ang paggalaw ng kamay niya ngunit dahil sa nakasisilaw na liwanag ng araw ay hindi ko siya maayos na makita. Only when I felt him put his shades on me did I realize what he wanted to do.

Dahil sa ginawa niyang iyon ay nabigyan ako ng pagkakataon na makita siya sa mas maayos na paraan. Nakayuko siya at nakatingin sa akin habang may maliit na ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi.

"P-Paano mo nalaman?" hindi makapaniwalang tanong ko nang makabawi.

"Nabanggit mo sa akin, remember?" simpleng tugon niya, ayaw nang dugtungan pa ang usapan.

"Ang tagal na no'n, Señorito," pagbabalik-tanaw ko. High school pa lang yata ako nang maisatinig ko ang bagay na iyon sa kaniya. Halos hindi ko na nga tanda kung paanong narating namin ang usapan na iyon.

Pero ito siya, tanda pa rin ang isang bagay na halos limot ko na.

I could remember saying it as a passing thought one time when he asked me where my dream destination was. Tamang catch up lang kami that time dahil sobrang naging busy siya sa trabaho since kasisimula pa lang niya sa. Samantalang, ako naman ay masyadong busy sa school dahil last grade ko na sa senior high. Pagkatapos ng isang pagkakataon na iyon ay hindi ko na nabanggit pa ulit.

And that was years ago. I was still a senior in high school at that time, and I am graduating college now if God would permit me to.

Kaya para maaalala niya ang bagay na iyon ay nakakagulat sa parte ko lalo na at hindi naman iyon gano'n kaimportante talaga. And knowing that he remembers such trivial things warms my heart knowing that my words weigh value after all.

At least to him.

"It was something that involves you, kaya tanda ko," kumpiyansa niyang sagot.

Tila tinakasan ng katinuan na napangiti ako na agad kong sinibukang ikubli gamit ang pagyuko. But it was too late to hide for I heard him let out a chuckle because of it.

"The rooms are ready, Sir," Kuya Rhett butted in.

"Let's head inside and rest for a few minutes before hitting the road again," Don Emmanuel instructed. "Let's take our time exploring the magnificence of this city."

Pinangunahan niya ang pagpasok namin sa loob. May ilang helper na nakasunod sa amin para samahan kaming marating ang floor ng kuwarto namin. Dahil sa dami ng luggages ay sila na rin ang nagbuhat no'n sakay ang luggage cart.

Kuntentong pinagmasdan ko ang lahat ng mga taong nasa harapan ko. Señorito and I were walking side by side at the back, which allowed me to witness all the people who were happily chatting with one another in front of us.

Sila kasi iyong mga taong naging pamilya ko na sa kabila ng katotohanang ni isa sa kanila ay hindi ko direktang kadugo. They allowed me to be a part of them and sheltered me as if I was with them all along.

"Kayo na ang bahala kung sino ang gusto niyong makasama sa kuwarto. Tobias booked enough rooms for us," paliwanag ng Don sa amin. "Two people in each room."

"Strictly, woman to woman and man to man only," bilin ni Tobias.

"Salamat po Don Emmanuel at Señorito Tobias," pagsasaboses ni Ate Rona na kababakasan mo ng matinding galak sa kinang ng kaniyang ng mata. "At maligayang kaarawan po."

"Enjoy your time here," pabahol ni Don Emmanuel.

Ilang kuwarto pa ang dinaanan namin at hinintuan bago narating ang kuwartong para sa amin. Naiwan na lang kami nina Don Emmanuel, Señorito, at ng kambal. Samantalang ang iba naman ay nagkaniya-kaniya na rin ng pasok sa room nila.

Sabay na naming naihatid sa kani-kaniyang kuwarto ang mga kasama namin. Same floor lang naman kasi ang kinuhang kuwarto ni Señorito. Iniwan na rin kami ng mga helper dahil iilang pirasong maleta na lang naman ang natitira.

"Let's see each other in an hour," paalam niya sa aming apat.

He'll stay in one room all by himself. Roommates ang kambal habang ako naman... saan?

"Saan ako, Señorito?" kunot ang noo na tanong ko.

"Mauna na kayong dalawa," pagkausap niya sa kambal.

Agad naman silang sumunod at sumaludo pa nga bago tuluyang pumasok sa kanilang kuwarto. Naiwan kaming dalawa doon. Ibinaling ko sa kaniya ang katawan ko at kinalabit siya sa kaniyang braso.

Nagawa kong makuha ang atensyon kaya nagbaba siya ng tingin sa akin. "Saan ako?" tanong ko ulit.

"Sa akin."

Bigla akong inihit ng ubo kahit na wala naman akong kinakain o iniinom. Naramdaman ko rin ang biglaang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa ibang interpretasyong binuo ng isip ko.

Bakit ba kasi ang lakas maka-overthink ng pinili niyang salita?!

Marupok pa naman ako! Mabilis maniwala!

"A-Ano? Anong ibig mong sabihin?" kabado kong tanong.

"I book the biggest room with the grandest view for us to share." He looked at me. "That's what I meant, Tori."

Nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan siya. "Sa iisang kuwarto tayo?"

"The suite has two rooms, don't worry." Señorito held both handles of our luggages and pulled it with him. "Let's go?"

Lutang pa rin ang isip na tumango at sumunod ako sa kaniya. I initially thought that we would be occupying one of the rooms on the floor we were at. But contrary to my expectations, he took me to the elevator.

"Señorito," sambit ko. Kinuha kong pagkakataon ang katahimikan upang kausapin siya.

"Hmm?"

"Anong gusto mong regalo?" mahina ang boses na tanong ko. "Ikaw ang may birthday pero bakit parang ako ang nabigyan ng regalo?"

Nakakahiya. Siya ang may kaarawan pero siya pa itong nagbigay ng sorpresa.

As a matter of fact, hindi ako kumpiyansang kayang tumbasan ng regalo ko sa kaniya ang lahat ng mga naibigay na niya sa akin. I know no one's asking for a return of favor. But I want to be able to express how thankful I am to them... to him. Kaso, napakahirap na gawin no'n lalo na't mayroon na siya ng halos lahat ng bagay.

"Ano pa ba ang kulang sa iyo, Señorito?" nawawalan ng pag-asang tanong ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Kasunod no'n ay ang marahan niyang paghaplos sa tuktok ng ulo ko kaya awtomatiko ko siyang tiningala.

I patiently waited for him to answer me because I was genuinely curious about it. Sa rami naman kasi ng biyayang natatanggap niya, halos wala na siyang kailangan pa. He could afford to buy things, necessity or just for mere luxury. Kaya mahirap siyang hanapan ng isang bagay dahil for sure mayroon na siya.

Pero nang bigyan niya ako ng sagot, kulang na lang ay palambutin no'n ang tuhod ko. Kulang na lang ay pagdudahan ko ang pandinig ko.

"Ikaw," sagot niya, gamit ang boses na halos bulong na. "Ikaw iyong bukod tanging wala ako. Ikaw iyong nag-iisang hiling na hihilingin ko."

------------------------------

A/N: I know it's been a long while for Tobias and Tori. I have my reason why I had to stop writing this story. Supposedly, last year pa sana natapos ko na 'to. Pero kinailangan kong huminto, baguhin ang kuwento, at magsimula ulit. I write spontaneously, no outline, and just go with the flow. While writing the succeeding chapters of the old story line, I realized that it wasn't right. How the story goes was not right.

But hopefully, you'll wait for me. I promise to try even harder to finish this soon. And thank you for your support. My RDS babies are thankful. I am thankful!

with love,
aerasyne

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top