Chapter 7
Possibilities
"Nasanay na ako sa presensya mo. Hindi ko alam kung anong adjustment na naman ang gagawin ko kung mawawala ka sa tabi ko."
"Hay, Señorito..."
Npabuntonghininga ako. Tulalang tumingin ako sa kawalan habang pilit na iwinawaksi ang mga salitang iyon na umaalingawngaw sa aking isipan. Huling tingin ko sa orasan ay alas sais na ng umaga. Natulog ako ng halos 12:30 at kung susumahin ay kulang-kulang limang oras ko lang ipinikit ang mga mata ko.
I don't even feel like I had a decent sleep at all. Halos walang segundong nawala sa aking isipan ang mga salitang iniwan sa akin ni Señorito bago kami naghiwalay kagabi.
Why does he have to confuse me like this?
I wish I had someone I could talk my feelings to and rant about all these confusions Tobias has brought me. Kaso wala akong kaibigan... kahit isa. Well, maliban kay Señorito.
"What's making you spaced out like that, Kianna?"
I automatically blinked my eyes as Don Emmanuel's voice resonated in my ears. "Don Emmanuel," I uttered. "Magandang umaga po."
Nagbaba siya ng isang basong chocolate drink sa harapan ko. Isang basong umuusok na kape naman ang kaniya matapos ay inokupa ang bakanteng puwesto sa tapat ko.
We were at Donya Margarita's favorite place. Sa patio kung saan maraming memorya ang nabuo.
"Good morning, hija." Magaan niya akong nginitian. "Are you ready?"
"Opo. Kaso hindi po ako sigurado kung tama po ba ang mga damit na nadala ko," pag-amin ko.
"You don't have to worry about anything, Kianna. Tobias has everything under control." Marahan siyang uminom ng kaniyang kape habang ang tingin ay nakabaling sa mga dahong payapang nagsasayaw sa saliw ng hanging marahang sumasabay roon.
"Hindi naman po kasi niya ipinagbibigay-alam kung saan ang destinasyon natin," sumbong ko.
"He just doesn't want to spoil the fun, dear," he assured me.
Wala na akong naging tugon pa. Tahimik naming ipinagpatuloy ang pag-inom habang dinadama ang kapayapaan ng lugar.
I used to be very awkward sitting with only the two of us. Never kasi akong nagkaroon ng father-figure sa buhay. Bata pa lang ako wala na akong nakagisnang ama. To make it worst, kahit ang sarili kong ina ay pinili ang abandonahin ako dahil lamang sa reyalidad na pinanganak akong kakaiba.
What can I do, though? Having this kind of condition was a handicap I must live with until my last breath. Because the reality is, not everyone would adjust nor widen their understanding of my condition.
"Would you mind me asking you one thing, hija?" he gently asked.
Slowly, I looked up to the person who served as my father. "Ano po iyon, Don Emmanuel?"
Nginitian niya ako. Isang ngiti na para bang kausap niya ang totoo niyang anak. "Mayroon bang posibilidad na magkaroon ka ng pagtingin sa unico hijo ko?"
Bigla akong natigilan, kasabay nang biglaang pagkabog ng dibdib ko. Masyado ba akong halata at hindi marunong magtago?
Sa kabila ng matinding kaba, nagawa ko pa ring pag-aralan ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Wala akong mabasang kahit na ano roon maliban sa kapayapaan. Pasensyosong naghihintay lamang siya ng sagot ko, habang ang mga mata ay nananatili pa ring seryoso.
Humugot ako ng isang malalim na hininga, pinupuno ng tapang ang aking dibdib sa kabila ng kaba. "B-Bakit ho?" kabado kong bitaw ng tanong.
Nagkibit-balikat si Don Emmanuel. "Wala lang. It's just that... it would be great for the both of you to end up together."
Bahagyang umawang ang bibig ko dala ng gulat sa narinig. Hindi ganitong reaksyon ang inaasahan ko. I was waiting for it, for the familiar judgment people were showering me with since.
Kaso... mula sa pagtatanong niya hanggang sa pagkatahimik ko ay walang naging pagbabago sa ekspresyon ng Don.
H-How?
How could they think of something as disgusting as that?
How could they gamble their only son with someone as awful as me?
"Don, naririnig niyo po ba ang mga salita ninyo?" paglilinaw ko. "Seryoso po ba kayo sa mga sinasabi ninyo?"
"Of course, Kianna. I would not say anything I don't mean." He looked away, picking up his coffee and sipping on it once again. "Why? Is Tobias not attractive enough? Sinabihan ko naman na iyon na mag-work out at maligo araw-araw." Umiling-iling pa siya na para bang dismayado sa anak.
"No, Don Emmanuel!" I contradicted, almost shouting with urgency. "I-I mean..." Naging mailap bigla ang mga mata ko. Sinubukan kong maghanap ng puwedeng tutukan no'n ngunit kahit saan dumapo ay natataranta pa rin ako. Gusto kong sagutin ang mga salita niya ngunit natatakot akong iba ang magiging dating sa kaniya.
"Is he not attractive, Torianna?" Don Emmanuel cornered once again.
"Don Emmanuel naman," nakangusong anas ko.
"What?" he chuckled. "Nagtatanong lang naman ako dahil curious ako. That's it."
Tinimbang ko kung dapat ko bang sabihin sa kaniya na higit pa sa attraction ang nararamdaman ko kay Señorito, o ang manahimik na lang at huwag nang ipahiya ang sarili ko.
Sa huli, pikit-matang hinayaan ko ang sarili ko na magpakatotoo sa harap niya.
"Don Emmanuel,"tahimik kong usal pagkaraan.
"Hmm? I'm listening," he said.
"Si Señorito... gusto ko po siya," tahimik kong pag-amin. "Pero huwag po kayong mag-alala. Alam ko naman po sa sarili ko na hindi tama."
Pinangibabawan kami ng katahimikan matapos ang huli kong salita. I kept my head down as I was afraid to meet Don Emmanuel's eyes. Wala rin naman akong maisip na matinong sasabihin sa kaniya kaya mas minabuti ko ang huwag nang magsalita.
I just feel like nothing would come out right if I speak more. Sa isang banda, takot din ako sa mga posible kong marinig mula kay Don Emmanuel.
Good Lord! I just confessed my feelings to the father of the man I have liked for a long time!
"What made you think like that, Torianna?" Don Emmanuel asked in his tender voice.
"Obvious naman po, Don Emmanuel," walang kumpiyansang wika ko. "Hindi naman po karapat-dapat para sa akin ang isang katulad ni Señorito. Tingnan mo po ako, kahit sino hindi babalakin na gustuhin ako."
"Because you have dwarfism?" pagsasaboses niya ng salitang pilit kong iniiwasan.
Tumango ako bilang sagot. Iyon naman kasi ang totoo. Hindi lang ako iyong taong pandak. Ito talaga ako.
Dwarf.
For years I have avoided that word. Kahit na kasi hindi naman dapat ay nao-offend ako sa salitang iyon. Even after years of living with dwarfism, I am still in denial about it. Baka lang kasi panaginip lang pala at magising na lang ako isang araw na normal na tao pala ako.
Pero sino ba ang niloloko ko? I should realize by now that I was born like this and would stay as I was until my last breath. I am still in the process of accepting things even if it takes me my whole lifetime.
"Maybe, it's just how you see things." Don Emmanuel knocked on the table we were sharing. Dahil doon ay napaangat ako ng tingin sa kaniya. "Masyado mong sinanay ang sarili mo na mababa ang tingin sa kung ano ka. That made you become oblivious of the good things happening around you." He flashed me a genuine smile. "You were born special. Don't think so little of yourself, honey. You outshine even the brightest star with just your smile. And you should be proud because you beat all the odds by living your life."
Paano nila nagagawang maging ganito kagalante pagdating sa mga salita nila? Ni minsan hindi ko narinig sa kanila ang mga negatibong bagay. And for someone who has countless insecurities, words of affirmations coming not just from them but also from any random person were enough to make me feel validated.
At one point mapapasabi ka na lang sa sarili mo na, "Tanggap nila ako!"
"Would you like to be my daughter, Kianna?"
Those were indirect words but I feel like I could read what's hidden behind.
A message Don Emmanuel secretly wishes..
"Bakit naman po ako, Don Emmanuel?" pagtataka ko.
"Bakit naman hindi?" Nakangiti niya akong binalingan. "You are the one who made my dear son, Tobias, be a person full of life. You managed to break into his walls. Your presence alone is enough for him to act differently."
Tinangay ng humampas ng malamig na hangin ang nakalugay kong buhok. Imbes na makaramdam ng ginaw, init ang bumalot sa akin. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko kasabay ng mga salitang iyon mula kay Don Emmanuel.
Do I really have that kind of effect on Señorito?
***
Problemadong pinagmasdan ko ang maliit kong bag na isasakay na sa trunk ng sasakyan. Matapos ang isang malalim na buntonghininga ay kinuha ko na iyon ko at ikakarga na sana ngunit isang hakbang pa lang halos ang nagagawa ko nang agawin na iyon sa akin ni Kuya Seth.
"Ako na, Kianna. Mahigpit na ipinagbilin ni Sir Tobias na huwag kang pagbuhatin ng kahit na ano," ako niya.
"Magaan lang naman iyan, Kuya," tanggi ko.
"Magaan man o hindi, hindi pa rin puwede," pagbibigay riin niya.
"Para namang hindi mo kilala ang Señorito mo," singit ng kambal niya. "Ikaw ang Señorita no'n kaya ayaw kang napapagod."
Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Pasimple ko iyong hinawakan hindi lang para damhin kundi para takpan iyon mula sa mapanuring mga mata ng dalawa. "Kuya naman. 'Yan ka na naman sa mga biro mo."
"Kismet, nag-oobserba lang ako," natatawa niyang tugon.
"Hindi naman ako ang tipo no'n," kontra ko pa.
"Bakit? Alam mo ba kung ano ang tipo niya?" makahulugang tanong ni Kuya Rhett. "Matagal na tayong magkakasama, Kismet. Ni minsan hindi ko nakitaang nag-entertain ng babae ang Señorito mo. Ikaw nga lang ang nakakalapit sa kaniya."
"Personalidad na kasi niya iyon. He's reserved," rason ko.
"And you managed to break his walls and enter his life completely. It makes sense, right?" Seth grinned, obviously teasing me.
Napatulala na lang ako sa kawalan habang unti-unting isinisiksik sa isip ko ang mga salita nilang dalawa.
Pagiging assumera ba kung gugustuhin kong magpadala sa mga pang-aasar nila? Okay lang ba kung hahayaan ko ang sarili ko na umasang baka totoo ang mga salita nila? Okay lang ba kung rurupok ako at mahuhulog sa biro nila?
Hindi ba iyon magiging kalabisan?
Sapagkat sa puntong ito... gusto ko na lamang gawin iyon lahat.
"What's going on?" Señorito butted in.
"Wala naman, Señorito," maagap kong sagot. Mahirap na at baka kung anong klaseng kabaliwan na naman ang pumasok sa isip ng dalawa at ilaglag pa ako.
"You sure?" I nodded my head to assure him.
Hinawakan niya ako sa dalawa kong balikat at pinaharap sa malawak na hagdan bago ang main door ng bahay nila. He guided me to sit on the second step before bending his knees to face me.
"Sit here while we load our things."
Nagtataka ko siyang tiningnan. "Ha?"
"Stay here and relax," bilin niya bago muling tumayo upang tulungan ang kambal.
Abala si Kuya Rhett at Kuya Seth sa pagkakarga ng mga bagahe namin sa trunk ng sasakyan. Sila kasi ang magmamaneho para sa kotseng gagamitin namin. Ang mga kasama naman sa bahay ay ang van ang gagamitin na mamaneobrahin ni Mang Nestor na family driver nila Don Emmanuel.
"Kami na, Sir. Tabihan mo na lang si Kismet at sabay kayong bumuo ng pangarap," pagbibiro ni Kuya Seth.
"Kuya!" histerya ko.
"What? Wala naman akong sinabi," nakangising tanggi niya.
"Tama naman si Seth, Señorito. Kami na ho, samahan mo na lang po si Kismet," segunda ni Kuya Rhett.
Pinagtuunan ko ng pansin si Señorito, hinihintay ang sunod niyang gagawin. Isang parte ng isip ko ay gusto na lang na manatili siya roon, ngunit mas malaking bahagi ang tahimik na naghahangad na tabihan niya ako tulad nang pang-aasar ng dalawa.
Sa huli, mas pinili ko na lamang ang mag-iwas ng tingin.
Subalit wala pang ilang minuto ay narinig ko na agad ang papalapit niyang hakbang. "Señorito," tila isang bulong na wika ko.
"Hmm?" ungot niya. "Anong pangarap ang gusto mong buuin natin?"
Agad akong napaiwas ng tingin sa kaniya. Pasimple kong kinapa ang dalawa kong pisngi at agad na naramdaman ang pag-iinit no'n dahil sa mga salitang binitawan ni Señorito.
I heard him let out a soft chuckle. "Kidding." Señorito sat beside me. "Anong iniisip mo?"
Pasimple kong pinaypayan ang aking sarili bago ako naglakas ng loob na humarap sa kaniya. Nakatukod ang dalawang kamay ni Señorito sa kaniyang likod at ginagamit iyong pangsalo sa bigat niya.
"Paano kung walang tumugma sa mga dala kong damit ko at sa pupuntahan natin?" problemado kong tanong pagkaraan.
"Silly," he responded with a smile. Señorito even ruffled the top of my head.
"Hindi na ako bata, Señorito," busangot na sabi ko. Hinuli ko ang kamay at inalis sa ulo ko, ngunit hindi na niya binitawan iyon. "Kamay ko, Señorito."
"Hawak ko." Tinawanan niya ako. Tumayo siya at isinabay ako sa kaniyang paglalakad. "I pack some clothes for you. You don't have to worry about anything. I got you, okay?" he assured me.
You always do, Señorito.
Magaan niyang pinisil ang kamay ko kaya napatingin ako roon. Imbes na makaramdam ng kiliti dahil sa kilig, panghihinayang ang nanaig sa akin.
Our hands do not perfectly fit unlike how fairy tales tell us. It's not even beautiful to look at in the first place. In fact, it looks utterly disgusting even in my own eyes.
Perhaps, this was reality waking me up and telling me that Señorito and I would remain impossible.
Marahan akong nagpakawala ng malalim na hininga bago pasimpleng binawi ang kamay ko. He was probably caught off guard that I successfully took my hand back.
"Tori..."
Nagpatay-malisya ako at agad nang sumakay sa sasakyan. I sat by the window on the last row of seats. Akala ko ay ligtas na ako sa kaniya ngunit ilang sandali lang ay naupo siya sa tabi ko.
"What's wrong?" Señorito asked in a hushed voice.
"Wala po," nakayuko kong tugon.
I couldn't bear lifting my head up to look at him knowing that I was having romantic thoughts towards him. Nakakahiya. Bukod pa ro'n, masyado namang makapal ang aking mukha.
"Sure?" Bahagya siyang yumuko upang silipin ang mukha ko.
Mas lalo naman akong nagsumiksik sa puwesto ko at nagtago. "Opo, Señorito," magalang kong tugon.
"Nah, I don't think so," he doubted.
Nawalan ng lugar ang pagtatago sa akin nang siya mismo ang marahang nag-angat ng mukha ko upang ipahayag sa kaniya.
Gamit ang kaniyang hinlalaki, marahan at puno ng ingat niyang itinaas ang mukha ko upang ipagpantay sa kaniya. "Tell me what's wrong, Torianna."
I immediately melted at his sweetness. Ang pangamba ang buhay na buhay sa mga mata niya. Hindi ko tuloy maiwasang magpadala at biglang gusto na lang isumbong ang mga negatibong isipin ko.
Pero maagap kong pinigilan ang sarili ko.
Ngunit ang pagbilis ng tibok ng puso ko ay hindi na nagawa pang pigilan. Maging ang pag-iinit ng pisngi ko ay hindi ko na nagawa pang maapula.
"Wala nga," tanggi ko. Kinuha ko ang kamay niya at inalis iyon sa baba ko. "Doon ka nga." Pasimple kong ibinaling sa taliwas na direksyon ang aking mukha.
Panandalian muna niya akong pinagmasdan bago bumalik sa pagkakaupo. "You're blushing."
Hinarap ko sa akin ang salamin na nakadikit sa likod ng phone case ko. At totoo nga. Namumula ang buong mukha ko!
"Don't worry, you look cute when blushing," he said while chuckling.
Bigla ay sinimulan kong kalkalin ang slingbag ko na para bang may interesanteng bagay roon. I was trying not just to avoid him but also to give myself time to pacify the wild beating of my heart.
Bakit ba ganito si Señorito? Bakit ba parang... ang landi niya lately?
"Have you both settled?" Don Emmanuel asked as he entered the van.
Kasabay niyang pumasok ang kambal na sa driver at passenger seat naman naupo. Don Emmanuel occupies the whole second row of seat habang kaming dalawa naman ang nasa pinakalikod.
"In case you feel nausea, just tell Tobias. Siya na ang bahala sa iyo," wika niya sabay tawa.
Inilahad sa akin ni Señorito ang nakatiklop niyang kamay. Binuksan niya iyon at tumambad sa akin ang isang pirasong maxx candy. "Here, have this."
"Thanks, Señorito," kiming tugon ko.
"Sleep if you can. It might be better that way." He reached for something from his right side and gave it to me. "Here, use this."
Kinuha ko iyon mula sa kaniya at inilagay sa tabi ko. Sleeping would probably be better.
I have severe motion sickness. Mas less na nga lang ang epekto niya sa akin kung ikukumpara noon na talagang ilang minuto lang sa sasakyan ay nahihilo't nasusuka na ako. Mas bearable na siya, at unti-unti na rin akong nasasanay.
Still, the effect remained the same. Lalo na kung matapang ang amoy ng sasakyan at lubak ang daan. Hindi ko pa rin maiwasang mahilo at masuka sa mahabang biyahe.
"Señorito, saan ba talaga tayo?" tanong ko na ilang ulit ko na ring tinanong ngunit wala pa ring tugon na nakukuha.
"You'll know in a bit, Mi Señorita," he answered sweetly. Señorito even brushed the top of my head lightly.
My heart instantly skipped a beat with the endearment he used. Madalas naman niyang gamitin ang katagang iyon ngunit ang dagdagan ng naunang salita ay bago.
I definitely know what it means and given that fact, my mind drowned with ocean-wide thoughts. Bakit naman niya sasabihin iyon?
"Aba, anak ko, kailan ka pa tumapang ng ganiyan?" singit ni Don Emmanuel. Sinegundahan iyon ng kambal na tawa nina Kuya Seth at Rhett.
"Dad," saway ni Señorito sa kaniyang ama.
"What?" nang-aasar ang tono na tanong niya kunwari. "Huwag kang defensive, Tobias. Wala naman akong sinasabi. Or better yet just get your words straight to the point."
Ang kakahupa pa lamang na pagwawala ng puso ko ay muli na namang nabuhay. Paano nila nagagawang pag-usapan ang ganitong bagay na para bang hindi iyon big deal sa kanila?
I could read between the lines now, but I wish I could not. Dahil ayaw kong pangunahan ang mga bagay na hindi ko alam kung may kasiguraduhan ba. It's Señorito we are talking about! Imposibleng magkaroon siya ng pagtingin sa isang taong katulad ko
Even just the mere thought of it was enough to make me lose all the confidence I have. Kahit saang anggulo mo naman kasi tingnan, imposible ang magustuhan ako ng kahit na sinong nilalang.
Sa huli, mas pinili ko na lamang na huwag iyong intindihin.
Ilang sandali lang ay nasa daan na kami. Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa pagbibilang ng mga nakakasabay naming sasakyan upang hindi maramdaman ang hilo.
"Don't mind him," bulong niya sa akin.
How could I not?!
"Give me the pillow," he spoke again.
Napatingin ako muli kay Señorito nang muli siyang magsalita. "Ha?"
"The pillow I gave you. Hand it to me," he commanded softly.
"Bakit?" pagtataka ko ngunit sinunod pa rin siya.
Pinanood ko siyang ilagay iyon sa kandungan niya. I confusedly looked at him, not sure about what he was doing.
Señorito looked at me as he tapped the pillow twice. "Lay here and try to get some sleep."
Natuod ako sa kinauupuan ko habang nakatingin sa kaniya. Nang hindi ako kumilos ay siya na ang gumawa ng hakbang para mangyari ang nais niya.
Señorito gently put his hand at the back of my head and guided it to lay on the soft pillow. Hinayaan kong matangay ang katawan ko padausdos sa unan. Half of my body was almost lying on it comfortably, embracing not just its comfort but also Señorito's body heat.
Akala ko ay bibitawan na niya ako pagkatapos no'n, ngunit imbes na bitwan ako ay sinimulan niyang marahan na haplusin ang buhok ko. It was so soothing and very inviting to enter a comfortable sleep.
I was not drowsy earlier, but with his touch I feel like I would be able to drift off to sleep in any minute.
"Hindi ako inaantok," tanggi ko ngunit unti-unti nang nararamdaman ang pagbigat ng aking talukap.
"I'll help you sleep," he promised.
Pinagpatuloy niya ang paghaplos at marahang pagsuklay sa buhok ko. True to his words, his gesture really did help me get drowsy.
"I'll wake you up when we reach our destination," he whispered close to my ears.
It was like a spell casted upon me that my lids immediately went heavy. I slowly became oblivious of my surroundings and allowed myself to succumb to sleep.
Subalit bago pa man ako tuluyang makatulog ay may naramdaman akong malambot na bagay na lumapat sa noo ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top