Chapter 5
A/N: Dadicating this to you. May you find the joy in writing again. :)
Courtship
"I'll let you know as soon as we get back from our trip, Kyle," magalang kong sabi sa kausap ko sa kabilang linya. "Your papers are in review. Rest assured that you'll be heard. For now, wala pa akong maibibigay na eksaktong sagot."
I was speaking with Kyle, area manager ng Ramiscal's. Nagpa-follow siya tungkol sa proposal niya na magkaroon ng online store ang company. Kaso, hindi pa gano'n kabukas ang mag-ama tungkol sa bagay na ganito.
There are more risk than guaranteed result kaya hindi gano'n kakumbinsido sina Don Emmanuel na ituloy iyon. Kahit na ako, hindi rin kumpiyansa roon.
Although mas malaki nga ang magiging reach ng kumpanya, may mga bagay lang talagang kailangang pag-aralan ng masusi. Idagdag pa na may pagka-old school sila lang talaga
"Thank you so much, Kianna," pasasalamat niya.
"If it would help Ramiscal's to be in a better position, then why not." Napangiti ako sa kawalan.
He's really one of the best assets the company has. May kusang mag-isip at mag-conceptualize ng mga bagay na mas magpapaganda sa pangalan ng kumpanya.
"Have a safe trip," paalam niya.
Ibinaba ko na rin ang linya pagkatapos. Ngunit wala pang isang minuto ay nag-ingay na muli iyon para sa panibagong tawag galing kay Rose.
"Yes, Rose?" sagot ko pagkatapos ng apat na ring.
"May quotation na po ako galing sa Travelounge, forward ko na lang po via email for approval ni Sir Zach," pagbibigay alam niya.
Nanibago ako sa salitang narinig. Sir Zach sounded so foreign in my ears. Mas nasanay kasi akong sinasambit o naririnig ang Señorito at Tobias kaysa sa pangalawa niyang pangalan na Zachary.
"Paano iyong sa Tropical Sun? Nakahingi ka ba? We need to find the best offers to maximize the activity for the team."
Pinaghahandaan kasi ng Ramiscal's event na ito dahil dadalhin ang lahat ng empleyado. Malapit na kasi ang anniversary ng kumpanya at kung hindi ako nagkakamali, gustong gawing out of town ni Don Emmanuel ang selebrasyon para magkaroon din ng break ang mga empleyado.
"Here, drink."
Nawala pansamantala ang focus ko nang magbaba ng isang basong tubig sa aking karapan si Señorito. Matapos ay agad din siyang bumalik sa kaniyang puwesto.
Pinaikot ko ang aking upuan paharap sa kaniya. He was doing something on his phone at ilang sandali lang ay pumailanlang na ang malamyos na musika.
"May nakausap na po ako. Waiting na lang po sa response. I'll come up with a list of po by the time you get back," magalang niyang sagot sa akin.
"Okay, thank you for your hard work, Rose," paalam ko.
"All good, Miss Kianna. Enjoy your trip po."
With a satisfied smile, I ended the line. Magaan talaga siyang katrabaho kahit kailan. Para siyang palaging enjoy lang kahit minsan nato-toxic na rin sa rami ng trabaho.
She's always a reminder to me not to take everything too seriously in life. Na dapat may room pa rin for enjoyment and for one to not be so hard on themselves.
I placed my phone on my desk and resumed working on my other task. But my mind got distracted by the music that was playing from the speaker not so far from us.
'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
My forehead immediately knotted hearing the lyrics of the song. I'm weirded out by Señorito's choice of song. Hindi na bago sa akin ang makarinig ng kanta tuwing nakakasama ko siya. Pero ngayon ko pa lang narinig ang ganitong musika na pinakikinggan niya.
OPM? Ben&Ben?
Napatingin ako sa kaniya nang marinig ang tahimik niyang pagsabay sa himig ng kanta. Nagbabasa siya ng proposal ng HR para sa gaganaping job fair at internship sa Ramiscal's habang ang ulo ay sumasabay sa ritmo ng kanta.
"What is it, Tori?" he asked without looking at me.
Imbes na mailang at mag-iwas ng tingin, nangalumbaba pa ako paharap sa kaniya. "Hindi ko alam na mahilig ka pala sa kanta ng Ben&Ben, Señorito," komento ko.
"Why?" he asked with his baritone voice. "Does it not suit me?"
Pansamantala niyang ibinaba ang hawak na papel at tumingin sa akin. He placed his reading glasses on top of his head to have a view of me with his naked eyes.
"Hindi naman. You just look like someone who's all for rock music like Dean Winchester," I elaborated.
Kamukha niya rin kasi ang character na binanggit ko. I was confident he'd know whom I was referring to. Siya naman kasi ang nagpakilala sa akin ng series na iyon. We used to enjoy having Supernatural marathons in our teenage years. Although hanggang season 6 lang ang inabot namin dahil naging busy na siya sa Ramiscal's.
Following that series I grew to take notice how Señorito resembled Jensen Ackles, the one who played the role of Dean Winchester. Magkaiba nga lang sila ng personalidad.
Dean's the happy-go-lucky man who enjoys freedom. Habamg si Señorito ay contained at controlled. Siya iyong taong kahit dalhin mo sa maingay na palengke ay kaya pa ring mag-focus sa trabaho.
"The bad boy type?" he prompted.
I immediately shook my hands to deny his words. "Hindi, 'no," maagap na kontra ko. "I mean, you have a rough image, Señorito. Lalo na kung hindi ka nag-shave. Para kang model sa isang men's magazine na puro boxers ang mino-modek. Kaya hindi ko ma-imagine na mellow music pala ang gusto mo."
"Are you having dirty thoughts right now, Torianna?" His brows almost met at the center of his forehead.
Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang marahas na iling. "No! Of course not! Ang dungis ng isip mo, Señorito! Kinukumpara ka lang kay Dean, eh."
Mahina siyang natawa at nauwi pa sa isang ngisi. "It was a joke, alright. And I believe I am more handsome than him," he argued with a knotted forehead.
My mouth fell open with the confidence his voice has. Wala akong marinig na kahit kaunting bakas ng biro sa kaniya. Para pa nga siyang nainis dahil sa pagkukumpara ko sa kanila.
Tama nga naman kasi siya. Kahit saang anggulo tingnan, mula bumbunan hanggang talampakan, makikita mong mas angat siya sa kanila. Señorito Tobias has that cleaner look as compared to Dean.
"True," I agreed softly. "Mas guwapo ka nga."
Nanlalaki ang mata na napatakip ako sa bibig ko. D-Did I just praise him indirectly?
Agad na nag-init ang mukha ko habang tulalang nakatingin kay Señorito. I saw how his lips slowly formed into a grin as if he's liking what he heard from me.
"It's safe to assume that you've had your eyes on me since you were fifteen?" He grinned at me smugly.
If I was in the same situation with a different man, I would've argued persistently to deny his claims. Ang ere kasi ng dating. Pero dahil siya si Señorito, ang matameme sa kaniya ang aking naging sagot.
In my mind I was busy searching for a decent answer that would not put me in an embarrassing situation. Ayaw ko na baka dahil pa rito ay malaman niyang may paghanga ako sa kaniya.
What's there not to admire, anyway? Eh, halos lahat ng bagay na puwede mong gustuhin sa isang lalaki ay nasa kaniya na.
He looks fabulous.
He's financially stable.
He's someone with plans and goals.
Kaya nga hindi na bago sa akin ang marinig mula sa mga business partners ni Don Emmanuel ang pagreto ng mga anak nilang dalaga sa kaniya.
At the same time, matagal ko na ring tinanggap na hindi ako bagay sa kaniya.
"Where's my answer, Torianna?" he urged, almost sounding like he's losing patience to hear my answer.
"Secret," pinipigil ang pag-usli ng nguso na sagot ko sa kaniya. "Akala ko ba busy dapat tayo? Bakit ganito ang inaatupag natin?" pag-iiba ko ng usapan.
"This is more urgent than work." Señorito removed his eyeglasses and tossed it lightly on the table. He leaned on his seat with his crossed arms while looking at me intently. "Ito na lang ang sagutin mo."
"Ano?" pagpatol ko.
Señorito massaged his jaw, covering his mouth in the process. Hindi ko tuloy magawang makita ng maayos kung sa likod ba no'n ay may ngiti siyang tinatago o ano..
Ang tanong na inaasahan kong marinig sa kaniya ay hindi ko narinig. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.
"Ano ang tanong mo?"
Dalawang beses siyang umiling. "Nevermind, you might end up getting distracted from work."
"Alam mo, Señorito, ang weird mo ngayong araw," komemto ko na lang.
He shrugged his shoulders. "Maybe because you're here that I am acting differently."
"Señorito!" eksaherada kong sambit, kulang na lamang ay tumili dahil sa gulat sa naririnig. "Huwag kang ganyan, baka may makarinig sa iyo."
"Dalawa lang tayong nandito, Tori," pagpapaalala niya gamit ang boses na para bang obvious naman ang sagot ngunit hindi ko makita.
"Alam ko," mahina kong sagot.
Baka lang marinig ka ng puso ko, marupok pa naman iyon. Baka bigyan ng kulay ang mga biro mo.
I sighed at my own though. Malala na nga yata talaga ako. Napanguso na lang ako at hindi na pinatulan pa ang pang-asar niya. Sakto namang may kumatok sa pintuan ng opisina.
Agad kong ch-in-eck sa monitor ko kung sino iyon. It was Miss Maggie, the daughter of Mr. Castro who owns Brilyante. Sila ang pinakatanyag na supplier ng diamond sa buong bansa at sila rin ang supplier ng Ramiscal's sa loob ng dalawang dekada.
But Miss Maggie has been the one representing their company now that Chairman Castro has retired.
"Should I turn off the music?" I asked.
He shook his head as dismissal. "Nah, let it be."
I shrugged nonchalantly. I just don't feel like the song would suit in a business meeting setting. Buti sana kung hindi trabaho ang pag-uusapan nila.
"I'll let her in, Señorito," I said.
"Don't bother," agap niya. Inunahan niya ako sa pagtayo. "Diyan ka lang."
Lumapit siya sa pintuan at siya na ang nagbukas no'n kahit na trabaho ko iyon. Ngunit sa kabila nang mga salita niya, tumayo pa rin ako. I followed the path he took and stood behind him while waiting for Miss Maggie to enter. I opted to give them privacy and I know for sure that my presence is not even needed here.
"Hi, handsome," Miss Maggie greeted.
"Good morning, Miss Castro," Señorito greeted back formally.
"I didn't see your secretary. That's good." Miss Maggie laughed in a thin voice.
I grimaced as I slowly figured she was flirting with Señorito. Hindi na bago sa akin ang ganito. I witnessed how this happened multiple times... with different women. Feeling ko nga minsan sinasadiya na lang ng mga kababaihan na sila ang mag-represent ng family business nila para lang sumilay kay Señorito.
Who's to blame though? Kung ako ang ilalagay sa sitwasyon nila baka gano'n din ang mga reaksyon ko.
Señorito's to die for.
"I'm with Tori," he introduced, not mentioning the word secretary which my job was.
Señorito moved backward, probably to see me. Maagap ang naging pagkilos ko upang umatras bago niya pa ako matamaan. Kaso, sa laki ng hakbang niya ay nahagip niya pa rin ang braso ko.
He immediately looked down on me and held me lightly on my arm to help me keep my stance steady. "What were you doing there? I told you to stay on your chair." Señorito gave me a stare full of worry.
Bahagya pang nakakunot ang kaniyang noo na para bang may pinipigil na inis. "I'm sorry, Señorito," paghingi ko ng paumanhin nang mahimigan ang inis sa kaniyang boses.
He sighed. "I'm not angry, alright?" he cooed me. "I was just worried. Paano kung natumba ka?"
Napanguso na lang ako. Wala naman akong panalo sa kaniya. Sa galing ba naman niyang manindigan talagang wala kang tyansang manalo sa kaniya.
"Hello? Nandito pa ako," maarteng singit ni Miss Maggie. "And why are you sharing your office with your secretary?"
Napakunot ako ng noo? Bawal ba ako dito?
"I have nothing to explain to you, Miss," he answered coldly.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita kung paano niya ako inirapan. Ano na namang kasalanan ko sa kaniya?
"Have a seat," Señorito offered while his hand was directed towards the couch on the side of his office. Nang tunguhin niya ang upuan ay saka naman niya ako binalingan. "At ikaw, maupo ka sa upuan mo. Wait for me, this will be quick. We'll have lunch together."
Nakangusong binalikan ko ang puwesto ko. Kaunting email at papel na lang naman ang kailangan kong basahin. Tapos na rin akong magpaka-call center sa kanina pang pagsagot ng tawag mula sa mga nagpapa-resched ng meeting kay Señorito at Don Emmanuel.
"Have you thought about my proposal?" Señorito asked professionally.
Pasimple ko silang tiningnan. Nakadekwatro si Señorito habang nakasandal sa couch. Miss Maggie, on the other hand, was leaning forward as she placed the folder she brought on the table.
Why does she have to make it obvious that she's flirting with Señorito?!
At bakit naman ako affected?!
"I was against it, but Dad liked the idea," sagot niya. Mababakas mo sa kaniyang boses ang matinding 'di pagsang-ayon sa kung ano mang sentro ng kanilang diskusyon.
Kinuha ni Señorito ang folder at mabilisang pinasadahan ang bawat pahina. "It would help us get more attention. This will cause a buzz for sure," Señorito confidently said.
Wala akong ideya sa pinag-uusapan nila. Pero kung ganitong puno ng kumpiyansa si Señorito, sigurado akong magiging successful ano man ang plano nila. Because a confident Tobias rarely fails. Marami mang maging sagabal sa plano niya, gagawa siya ng paraan para mangyari ang kaniyang gusto.
"Hindi pa rin ako kumbinsido," kontra ni Miss Maggie.
"Trust me, this will never fail." Umukit ang isang maliit na ngiti sa mga labi ni Señorito, kumpiyansa sa proyektong niluluto.
"Still, wala ka bang balak ikonsidera ang magsali ng mga kilalang personalidad?" pagbabakasalaki ni Miss Maggie.
"No, never." Umiling-iling pa siya. "They'll attract more attention. At iniiwasan ko iyong mangyari. I want all eyes to be focused only on our models."
I wasn't able to see it, but I felt like she was making a face while listening to Señorito's words. Nakilala ko siyang medyo may pagka-brat kaya hindi na bago sa akin kung totoo man ang mga hula ko.
She's the type to always want to have whatever she wants. Hindi nga lang siya umuubra kay Señorito sa ilang ulit niyang pag-kausap dito.
"Bummer." She puffed air. "I even contacted a few of my celebrity friends to participate in the show, but you proposed a totally different thing. Kung sa akin ka sana nag-propose, oo agad ang isasagot ko."
Señorito gave Miss Maggie a flat look. Bahagya pang nakataas ang kanan niyang kilay na isang senyales na hindi niya gusto ang naririnig niya. "I'm here to talk business, Miss, stop flirting," he warned. "And please, on your next visit, cover yourself up."
Agad akong napayuko at maagap na nagtakip ng bibig. I did my best not to let out a laugh off my mouth at Señorito's words.
He may not look at it but Señorito is one hell of a conservative man. Ayaw na ayaw niyang nakakikita ng mga revealing clothes. May isang pagkakataon pa nga na pinagalitan niya ako dahil sports bra ang suot ko at hindi na nagsando.
Eh, hindi naman na talaga kailangan ng sando! Lalo na at may kakapalan din ang suot kong damit no'n. It was our physical education day.
19 years old na ako noong mga panahong iyon. Pero kung pagalitan niya ako para bang kakatungtong ko lang sa pagtanda.
Tumayo si Señorito at inayos ang necktie bago hinarap ulit si Miss Maggie. "I believe we have nothing more to talk about. Send my regards to your Dad."
"You'll just dismiss me like that?" Tumayo rin siya at maarteng namaywang sa harap ni Señorito. "What about my Dad's proposal on our company's merging?"
"Never happening," he answered immediately. "Not even in my next life." Tobias went to the door and opened it for Miss Castro. "This meeting is adjourned."
Why do I feel like I know what that proposal was all about? Kahit na pira-pirasong impormasyon lang ang naririnig ko ay nakabubuo na agad ako ng hinuha kung ano iyon.
At ang isipin iyon ay nagdadala na agad ng paninikip sa dibdib ko. Pinapakita lanang no'n kung gaano kalawak ang agwat na mayroon kami.
"Wala pa akong ten minutes na nakaupo, Zachary," sagot niya.
"The contract has been signed, what's there to talk about?" Pinagkunutan niya ng noo ang babae.
Kung ako siguro ang ilalagay sa posisyon ni Miss Maggie, hindi malabong ma-offend ako. The way Tobias talks is seriously offensive in a sense. Wala kasi siyang filter kung magsalita. At bawat linyang bibitawan niya ay seryoso at direkta.
Hindi iisang beses na may angreklamo tungkol sa ganitong bagay. Even his employees would stand on cold feet facing him. Kahit nga ako noong una, takot na takot din sa kaniya.
May mga pagkaktaon lang talaga, tulad ni Miss Maggie, na mas umiiral ang paghanga sa kaniya kaysa sa takot.
"I'll see you around," paalam niya.
Tumingkayad siya upang sana ay gawaran ng halik ang pisngi ni Señorito ngunit maagap na nakaatras ang huli.
"Oh, please don't," Señorito whispered irritably.
Hindi naman na-offend si Miss Maggie. Sa halip, ngumisi pa na para bang natutuwa sa naging reaksyon niya. "Sungit mo talaga." Nag-flying kiss na lang siya kay Tobias bago tuluyang lumabas.
With Miss Maggie gone, my tongue suddenly got itchy with the want to ask questions to Señorito.
"It's a marriage proposal," he answered even before I could ask him something.
"Pangatlo na iyan, ah," puna ko.
Pangatlong babae na yata iyon na pumila para magpakasal sa kaniya. Hindi ko na nga alam kung para pa rin sa pagpapalago ng negosyo o para na lang sa pansarili nilang kagustuhan na maangkin si Señorito.
Napasimangot ako sa tinutungong direksyon ng isip ko. Gano'n ka-confident ang mga babaeng iyon na kahit ayawan sila ay malakas pa rin ang kanilang loob.
Why not, though? Edukada sila, sopistikada, at may sinasabi sa buhay. Sila ang pinipilahan pero para kay Señorito Tobias ay sila ang pipila.
"It's a business language that I don't want to understand." He began to take strides closer to me. "Hindi naman nagnegosyo ang pamilya namin para lang magpakasal sa kung sinong magppapalago nito. My parents worked hard to provide for the family they built. And I'll do the same for my family."
Ang suwerte siguro ng magugustuhan at papakasalan ni Señorito. For sure, he would not just provide but also cherish them as a treasure in his life.
Gano'n kasi siya, eh. Once he invests his time in something, he'll take it to the end of the world to keep it.
"Pogi mo kasi, Señorito, eh," biro ko.
"If you are speaking for yourself then I'll accept your words. If not," he trailed off, shrugging the rest of his words.
"Pogi ka naman talaga," pangusong saad ko. "Kahit sinong ligawan mo siguradong oo ang isasagot sa iyo. Masyado ka lang talagang pihikan at misteryoso."
The shock on Señorito's face says more than just a word. Ito ang unang beses na pinuri ko siya ng harap-harapan. But who cares? Nagsasabi lang naman ako ng totoo.
Guwapo naman kasi talaga siya at malakas ang dating. Kahit na anong suot, kaswal man o pormal, naroon ang tikas niya.
Lumapit siya sa akin at huminto nang katapat na niya ang sariling lamesa. Naupo siya sa kanto no'n. Pinagkrus niya pa ang dalawang kamay niya sa tapat ng kaniyang dibdib. Tuloy, nahulma ang biceps niyang bumabakat sa manipis niyang polo.
Nag-iwas ako ng tingin sa takot na mahuli. I diverted my eyes on my laptop ang acted as if I was reading emails.
"Tell me," he spoke. I felt his movements but I acted indifferent about it. "Hey, look at me."
"Ano?" walang-lingon na tanong ko.
Dumilim ang aking harapan na nagpapahiwatig nang paglapit niya sa kinaroroonan ko. A few seconds later I felt him touch my chin and guided it upwards for me to face him.
"S-Señorito..."
"Tori," he called back.
Parang mahika na nalunod ako sa uri ng titig na iginagawad niya. Hinayaan ko ang sarili ko na saluhin ang masuyong paggawad niya ng tingin sa akin.
"Kung ikaw ang liligawan ko... oo rin ba ang magiging sagot mo?"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi. :)
Nakakatuwa lang na for a couple of instances nakatanggap ako ng mga salitang nagsasabi na fave daw nila ang story ni Tobias at Tori. Hindi ko alam kung bakit. Still, thank you for your patience and support to this story. Sana matapos ko na rin agad!
- with love,
aerasyne
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top