Chapter 40

If you've reached this far, please know that I appreciate you from the bottom of my heart. This is the last chapter of A Four Feet Conqueror. Thank you for still being here with me even if it took me years to finish this story. ˚୨୧⋆。˚ ⋆

This is dedicated to LROA_26

Thank you for pushing me to write a story about people with dwarfism. Thank you for helping me get through my endless hesitations. This one's for you! ༉‧₊˚.

============================

Conquered

It wasn't a sad goodbye but a promise of see you next time.

We just landed in the Philippines. Kasama ko si Señorito na tulak-tulak ang stroller nang natutulog na si Eisa. Si Don Emmanuel naman ay noong isang araw pa nakarating ng Pinas dahil nauna silang umuwi. Kumuha pa kasi ako ng clearance from Doc Trinidad na puwede na akong mag-travel. Wala na kaming dalang bagahe dahil isinabay na pauwi nina Don Emmanuel at ng kambal. Kaya hand carry na lang ang dala namin na karamihan ay kay Eisa.

Haven and Hannah drove us to the airport where we bid temporary goodbyes. Malungkot pero hindi nakakalugmok dahil magkikita pa naman kami para sa birthday ni Eisa.

At sa kasal namin ni Señorito.

Bigla ba namang nag-imbita sa kasal daw naming dalawa. I can even imagine how my eyes widened with shock at his words! Hindi ako prepared!

"Look, Señorito." I pointed at our reflection on the glass window beside where we were standing. "Nakaka-amaze naman," manghang saad ko.

Señorito pulled out his phone from the front pocket of his pants. "Come closer, mi amor. Let's take a family picture together."

Masusnuing tumabi naman ako sa kaniya habang patuloy pa ring namamangha sa repleksyon naming dalawa. He put his arms on my shoulder and pulled me even close to him. Mas lalo tuloy luminaw ang height difference namin.

Dati kasi, bago ang surgery ko, hanggang baywang lang niya ako. Ang tangkad kasi sobra ni Tobias kaya kalahati lang niya ako halos. But now, after surgery, I am now able to reach a little bit over his elbow.

I smiled broadly while looking at our reflection. Nakaakbay sa akin si Señorito at gamit ang kamay sa brasong iyon ay hawak niya ang stroller ni Eisa. Ang bakante niya namang kamay ay hawak ang phone niya.

"We look cute, Tori," he uttered with a proud smile on his face.

"Hmm," I agreed. "I like us better now."

Señorito momentarily let go of his hold on the stroller. Bahagya siyang yumuko upang pagpantayin ang mga mata naming dalawa. But unlike before where he had to bend his knees and kneel to seek for my eyes. Now, he only had to lower his body for our eyes to meet leisurely.

"I liked us before. I like us now." He smiled at me. "Whatever versions there is of you, I'll love each of them. Nothing matters to me for as long as you'll let me love you. Ikaw lang ang mahalaga."

Muli na namang nabalot ng kaginhawaan ang puso ko dahil sa mga salita niya. Hindi rin tulad noon na sakit at pighati abg mo nais ipahiwatig ng bawat tibok ng puso ko, ngayon ay ang gaan at ang sarap na sa pakiramdam nang bawat tibok no'n.

Bago pa ako makahuma ay nagawa na niya akong kantilan ng halik sa mga labi. I just smiled at him.

Maingat na kinuha niyang muli ang kamay ko at pinagsiklop ang kamay naming dalawa. Nakangiting tinahak namin ang daan palabas ng NAIA.

"Are you ready to go home?" he asked carefully.

Home...

Isang salita lang iyon pero buong mundo ang katumbas. Lalo na't sa kanila ko lang naman iyon totoong naranasan.

Hindi katulad noong araw na luha ang karamay ko sa biyaheng iyon papunta sa lugar na ito, ngayon ay ngiti naman ang babaunin ko. Dahil ngayon ay nakangiti at payapa na ang puso ko. I'm no longer in tears and the chaos in my mind has finally been silenced. I don't feel any fear anymore and I can finally live with peace and tranquility.

Huminto ako sa paglalakad at dinama ang init ng hangin ng Pilipinas. Saktong naka-short sleeves lang ako kaya ramdam ko agad ang init ng hanging dumadampi sa balat ko.

Nagtataka akong nilingon ni Tobias dahil sa paghinto ko. "What's wrong?" he asked.

"Mauna na kayo. May dadaanan lang ako," saad ko.

Nakita ko ang pagdaan nang takot sa mga mata niya. Actually, inaasahan ko na iyon. Lalo na't sa ganitong tagpo rin kami naghiwalay nang landas noon. Pero may mga dapat kasi akong daanan muna bago tuluyang umuwi sa Casa Ramiscal.

I gave him a reassuring smile as I reached for his hand once again. "May dadaanan lang ako. I'll see you later."

"Sasamahan na kita," presinta niya.

Marahan akong umiling kasabay nang paghigpit ko sa pagkakahawak sa kaniyang kamay. "Hindi na. Uuwi ako sa 'yo. H'wag kang mag-alala," pangako ko sa kaniya.

Hindi pa rin nabura ang pangamba sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin na puno nang pagtutol. But I had no intention of postponing my plans. Baka mabahag na naman ang buntot ko at tuluyan akong mawalan nang lakas ng loob.

I can take him with me but I also don't want someone, especially him, to witness something that may cause him to pity me. Masyado ko nang kinaawaan ang sarili ko para magdagdag pa ng isang tao na kakaawaan ako.

"Saan ka ba kasi pupunta?" hindi itinatago ang pag-aalala na tanong niya.

Isang makahulugang ngiti lang ang binigay ko sa kaniya. I didn't give him an answer. Nangangakong hinigpitan ko lang ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Agad naman niya iyong ginantihan. "Saglit lang ako."

"Are you sure you'll be fine by yourself?" he worriedly asked.

Tumango ako, pinapanatag siya. Kailangan ko lang naman mag-ingat at hindi pwersahin ang paa ko. It doesn't hurt anymore.

"Promise me you'll come back," he pleaded softly.

Para na naman tuloy dinurog ang puso ko kasabay nang pag-usig sa akin ng konsensya ko.

Agad akong tumango sa kaniya. "I promise."

Binigyan muna niya ako nang magaang halik aa tuktok ng aking ulo bago ako tuluyang pinakawalan. Sunod kong pinuntahan ang natutulog na si Eisa. I tucked him in before kissing him goodbye on his cheeks.

Isang ngiti pa ang binigay ko kay Señorito bago tuluyang sumakay sa unang taxi na nakapila roon. Through the window I saw him following us with his stare while his eyes carried nothing but worry and anxiousness.

Nag-iwas ako nang tingin. Kasabay non, ay unti-unting pagkabura ng ngiti sa aking mga labi.

***

It took me a quick fifteen minutes of silent ride before I reached my destination. Sa Pasay lang din naman kasi ang tungo ko. Mabuti na lang at maaga pa kaya wala pang traffic.

Salit-salit kong tiningnan ang kapirasong papel na hawak ko at ang two-storey na bahay na katapat ko.

Nasa tamang lugar na ako.

Subalit wala pa rin akong lakas nang loob na kumatok. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko at kung ano ang kaniyang magiging reaksyon kapag nakita niya ako. Kung tulad pa rin ba nang disgustong madalas niyang ipinararamdam sa akin noon. O kung may lugar na ba, sa wakas, ang pagtanggap sa puso niya ngayon para sa akin.

Naduduwag ako.

At binibingi rin ako nang maingay na tibok ng puso ko dahil sa matinding kabang nadarama ko ngayon.

"Ma, alis na ako!"

Mabilis akong napaatras nang umalingawngaw ang boses na iyon mula sa loob. Gumilid ako sa poste ng gate ng bahay nila at nagtago roon para manood sa kanila.

Nakita kong lumabas ang isang babaeng, sa hula ko ay mas bata sa akin ng sampung taon. Naka-uniform siya ng PLM. Kasunod niya ay ang taong matagal ko nang hindi nakikita. Ngiting-ngiti ito habang nakatanaw sa anak niya.

Anak.

What an irony.

Ako rin naman ay anak niya pero ni minsan hindi ako nakatanggap ng tinging puno nang pagmamahal mula sa kaniya.

Hanggang sa pagsakay ng babae ng tricycle ay nakasunod at nakaalalay siya rito na para bang kahit ang ihip ng hangin ay susugat sa balat nito.

Samantalang ako, noon, iniwan sa gitna ng dagat ng mga tao kung saan halos lunurin na ako ng sari-saring amoy ng tao, kanal, at malalansang isda.

Nangati ang paa ko na tumalikod at umalis na, pero tinatagan ko ang loob ko at nanatiling nakatingin sa kaniya.

Sa kaniyang pagbawi nang tingin mula sa pagkakatanaw sa anak ay siya namang pagtatama ng mga mata namin. Nakita kong bumaha ang gulat sa mga mata niya. Patunay na roon ang panlalaki at pamimilog ng mata't bibig niya.

"So, you still recognize me after all these years," I said, unsurprised.

"T-Torianna?" gulat niyang tanong. Mabilis akong umatras nang humakbang siya palapit sa akin. "A-Anong ginagawa mo r-rito?"

Pinagmasdan ko siya, binabalewala ang sugat sa puso kong muling bumubuka nang matanto ang rason sa gulat na bumakatay sa kaniyang mukha.

Kabadong sumulyap siya sa loob ng bahay nila bago nagmamadaling lumapit sa akin. At sa sobrang bilis nang mga hakbang niya ay nawalan na ako nang pagkakataong makabawi.

She pulled me away from their house, almost dragging me by my arm. Napangiwi tuloy ako sa walang alalay niyang pagkilos na nagsanhi nang bahagyang kirot sa binti ko.

"Paano mo nalaman ang bahay ko?" gulat niyang tanong, ngunit mahihimigan mo rin nang galit ang kaniyang tono.

Galit?

Pero bakit? Hindi ba dapat ay ako ang galit sa aming dalawa? Hindi ba't mas tamang ako ang gumagamit ng tonong gamit niya?

Bakit, pagdating sa kaniya, kasalanan ko pa rin?

Pinasadahan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa sa nanunuring paraan. Bahagyang nagsalubong ang kilay niya ngunit agad ding nanunbalik ang talim. "Umalis ka na. Bago ka pa makita ng asawa ko," gigil niyang bulong. "At h'wag na h'wag ka nang babalik dito," puno nang diing dagdag niya pa.

Hindi pa rin ako nakaimik. Nanatili lang akong nakatingin sa mukha niya. She still looks the same. Only looks a lot older. But if there's one thing that stayed the same for her... that would be her scowling eyes on me, signifying how less important, if not unimportant at all, I am in her life.

Nakakapangliit.

Kahit simpleng kumusta lang... wala. Kahit simpleng mga tanong lang kung ano na bang nangyari sa buhay ko, parang ang hirap marinig sa kaniya. Mas madali pa siyang magbitaw ng mga salitang ang katumbas ay hindi niya ako gustong makita.

Ni hindi ko nga alam kung anong kasalanan ko sa kaniya para makatanggap ng ganitong klaseng pagtrato mula noon pa.

"Ano pang tinatanga-tanga mo dyan? Umalis ka na!" puno nang gigil na taboy niya.

"Bakit ba galit na galit ka sa 'kin?" lakas-loob kong tanong. Nag-iwas siya nang tingin. "Anong bang kasalanan ko sa 'yo? Anak mo rin naman ako."

Para akong sinakal sa isang salitang iyon

Anak.

Buong buhay ko ay hindi ko naanasan ang pagiging ina niya. I was often left alone in one corner, unattended, and never given importance and care. Bata pa lang ako, malinaw na sa akin na hindi niya ako gusto. Mas ramdam ko pa ang disgusto niya sa akin kaysa sa pagtanggap na dapat ay nararamdaman ko dahil siya ang ina ko.

"Sana nga hindi na lang kita pinanganak," saad niya na mas lalo pang nagbaon ng kutsilyong matagal nang nakatarak sa puso ko.

Nawalan na ako nang tapang na magsalita pa sa takot na baka sa susunod na bukas ng bibig ko ay luha na ang magiging lengguwahe ng mga hinanakit ko sa kaniya.

"Dahil sa 'yo nagkandaletse-letse ang buhay ko. Nasira ang buhay ko." Mas lalong nanlisik ang mga mata niya. "Hindi naman kita ginusto! At kailanman hindi kita gugustuhin. Kaya umalis ka na sa harapan ko. At h'wag na h'wag ka nang magpapakita sa akin kailanman. Wala kang lugar sa buhay ko."

Hindi ko magawang maipagkumpara kung alin ang mas masakit. Ang alalahanin ang nag-iisang malinaw na memorya ko kasama siya kung saan iniwan niya ako mag-isa. O ang marinig nang malinaw ang disgusto niya sa akin.

Alam kong magiging masakit. Pero hindi ko inaasahang madudurog ng husto ang puso ko dahil sa kaniya.

At kung hindi ko pa naramdaman ang mainit na likidong tumulo sa pisngi ko ay hindi ko pa mamamalayan na umiiyak na pala ako.

But I didn't make any move to wipe the traces of my heartbreak caused by her. Gusto kong makita niya kung gaano niya ako nasasaktan. Gayong siya itong dapat akong pinoprotektahan.

"Ang lupit mo naman," mahinang sabi ko habang diretso siyang tinitingnan sa mga mata. "Kung naging miserable ka dahil sa akin... paano ako kung inwouldn'tmo akong mag-isa? Paano iyong mga taong nabuhay ako sa lansangan habang pinipilit kong mabuhay sa limos at tira-tirang pagkain sa pinupuslitan kong karindband-aidrry, ha? Kung bastos ako sa pandinig mo, pasensya na. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ako ang nagdusa sa mga maling desisyon mo."

Alam kong walang paggalang ang mga salita ko. Ngunit hindi ko rin magawang pigilan ang sarili ko. I have a lot of pent up anger against her that I had saved up for more than two decades already. At ang kontrolin iyon ay hindi ko magawa sa oras na 'to. Lalo na sa mga narinig ko.

Gusto ko lang namang malinawan. Pero bakit mas lalo lang akong nasusugatan?

Hindi ko nga alam kung deserve ko pa ba ang lahat ng mga salitang binibitawan niya. Dapat nga ako pa ang mas galit sa aming dalawa.

Dumaan ang pagkapahiya sa mga mata niya ngunit agad niya iyon tinapalan at itinago sa akin. "Ano bang gusto mo't nandito ka? Gusto mong malaman bakit sukang-suka ako sa 'yo? Gusto mong malaman kung bakit kita tinapon?" Malakas niya akong tinulak kaya napaatras ako.

Napangiwi tuloy ako nang makaramdam na naman ng kirot sa binti't hita ko dahil sa pwersang inilagay niya sa pagtulak sa akin.

Ngunit higit pa ro'n, mas lalo kong nararamdman ang kirot sa puso ko. Dati nang mababa ang tingin ko sa sarili ko pagdating sa kaniya. Pero hindi ko inaasahang mayroon pa pala iyong mas ibababa. Para niya akong inapakan nang paulit-ulit.

"Lasing lang naman ako kaya ako nabuntisan ng kung hudyo mong amang walang bayag para panagutan ako at ipaglaban ka!" may kalakasang aniya sa galit pa ring boses. "Kung hindi lang sa pagpigil ni Mama noong buhay pa siya, pinalaglag na sana kita. Kahit na liit na liit ako sa sarili ko dahil sa mga salita niya, nilunok ko para buhayin ka. Na sana hindi ko na lang sana ginawa dahil mas lalo akong minalas dahil ganyan ka. Naghiwalay kami ng boyfriend ko dahil sa 'yo. Dahil nabuntis ako sa 'yo. Kaya hindi ko hahayaan na sirain mo ulit ang pamilya ko."

Muli niya akong tinulak, sa mas galit at natatarantang paraan. Na para bang isang asong gala lang ang kaniyang binubugaw. Wala akong ibang nagawa kundi ang magpatangay hanggang sa higit dalawang metro na ang layo namin sa kanilang bahay.

Bakit pati iyon kasalanana ko pa? Bakit pati pagkakamali niya ako pa rin ang magbabayad? Ako pa rin ang sisisihin? Isn't she supposed to take responsibility for her actions? Bakit sa akin niya ibinunton?

Dinuro niya ako at puno nang pagbabantang tiningnan. "Hinding-hindi ko na dapat makikita ang pagmumuka mo sa lugar na 'to."

Hindi na ako nakapagsalita pa lalo na't tumalikod na siya. Tahimik kong pinagmasdan ang palayo niyang bulto. Huli na nang aking mapagtanto... na halos hindi ko man lang nagawang makita ng malinaw ang mukha niya dahil balot ang mga mata ko ng luha.

I can barely even remember what she looks like from my faint childhood memories. But I wasn't even able to look at her properly this time.

I was left in tears once more, by the same person who made me experience my first heartbreak.

Ang kaibahan lang ngayon ay inaasahan ko na ito. I came here with close to no expectations, and I wasn't wrong at all. That way, I was able to protect myself from further damage from her.

Pero kahit nagawa ko nang balaan at ihanda ang sarili ko sa mga inaasahan ko nang salita mula sa kaniya, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam na para bang pinipilipit ang puso ko sa sakit.

But I also made sure that this time, she won't be able to ruin me completely. Oo, may kirot pero hindi na iyon sapat para tuluyang sirain ako.

I dried my tears away and patched my heart with my own kind of band-aid... my courage.

My courage that I'll be able to get through this again.

Tumalikod ako at humakbang palayo sa lugar na iyon. Hindi man tuluyang gumaan ang pakiramdam ko, at least, magagawa ko nang tuldukan at tuluyang isara ang bahagi na ito ng buhay ko.

But I soon stopped walking when a familiar pair of shoes stopped in front of me.

"Señorito," mahinang saad ko, nakayuko at nagtatago sa kaniyang mga mata.

"Hey... let me see your face, hmm?" He placed his forefinger on my chin and guided it upward for us to face each other.

Doon ko lang napagtanto buhat-buhat niya pala si Eisa na tulog pa rin hanggang ngayon.

"I trust you, alright. I'm just worried about you. Hindi ka pa magaling na magaling at baka mapaano ka pa. I just want to make sure you're alright." Marahan niya akong hinila palapit sa kaniya at agad na ginawaran ako ng isang mahigpit na yakap gamit ang isa niyang kamay. "Ang sabi ko naman sa 'yo, nandito lang ako. Hindi mo kailangan sarilinin ang mga nararamdaman mo dahil makikinig ako."

He rubbed my back soothingly with his gentle touch. At hindi ko maiwasang magkumpara. Dahil kabaliktaran nang rahan at pag-iingat niya ang balya at tulak ng sarili kong ina.

But maybe, just like what I have been telling myself all along, I just need to surround myself with the right people.

"Bakit hindi ka lumapit?" tanong ko at bahagyang humiwalay sa kaniya. I am still in between his precious arm, but the space allowed me to wipe my face clean from tears.

"I know you needed that talk." He kisses my forehead. "As much as it felt like my heart's been run over repeatedly by a violent car, I just had to clench my teeth a little tighter to stop myself from pulling you out of her ruthless touch. Because you've been wanting to have this chance with her."

Sa kawalan nang sasabihin ay ako na ang yumakap sa kaniya.

Of course, he knew. He was the one I reached out to me one day from the past when I was still trying to make room for my mother in my life. Matagal ko nang hawak ang address niya. Hindi ko lang pinupuntahan. And it took me a lot of courage to hear her speak curses at me.

Pero at least... tapos na.

Kinalma ko ang sarili ko at umalis na rin sa pagkakayakap sa kaniya. Mabuti na lang talaga at wala pang masyadong tao dahil maaga pa.

"Ready to go?" I nodded my head. "Where's your next destination then?"

I smiled, a meaningful one. "To Donya Margarita."

***

It took us forty-five good minutes of conversations with no dead air before we reached Donya Margarita. Eisa's awake and is now playing with him not so far from where I was.

Binigyan muna kasi ako ng oras ni Señorito na kausapin si Donya Margarita nang mag-isa. Nakaupo ako sa damuhan katapat ang lapida ni Donya Margarita. I was watching the small fire on the candle I lit up for her as it danced with the cold wind.

Napangiti ako. "Pasensya na po natagalan ako, Donya Margarita. Ang dami po kasing nangyari. Hindi ko na po alam kung paano po kayo haharapin. Nahihiya po ako ng sobra sa inyo. I feel like I ruined your family po."

Napangiti ako sa mahinang hampas ng hangin sa balat ko. I know she's listening. And I hope she understands everything.

"But I'm fine now, Donya Margarita. I already made peace with the fact that not everyone is a friend. And anyone can put on a deceitful act to hide a demon inside them." I smiled faintly. "I won't say that I'm fully healed. But I am proud to say that I am able to conquer my nightmares. I can now live a life not haunted by them."

I looked at the reasons why I am able to live by the most traumatizing years of my life. Si Eisa na buhat ng ama niya. Mataman siyang nakikinig sa kuwento ni Señorito.

I still find it amazing and quite surprising how they were able to click just after seeing each other at the hospital. Para ngang hindi iyon ang una nilang pagkikita. Masyado kasing natural ang mga kilos nila.

Lalo na si Eisa na inaakala kong magiging malayo ang loob kay Tobias.

"Nakapagpaopera na rin po ako," pakanta kong sabi. "16 pa lang po ako kinakausap niyo na po ako tungkol sa bagay na 'to. And after long years po, nagkaroon na po ako ng lakas ng lakas ng loob na tanggapin ang tulong po ninyo ni Don Emmanuel. Lagpas na po ng 4 feet height ko po. Hindi na po ako gano'n kaliit." Mahina akong natawa.

Simpleng kwento lang naman ang ginagawa ko pero unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi rin kapatid ang ngiti sa aking mga labi. Para lang akong nakikipag-usap sa isang kaibigang matagal ko nang hindi nakakausap.

I feel like I'm being comforted just by the fact that I know that she's listening to me from up above the clouds.

"May aaminin din po pala ako." Tiniklop ko ang tuhod ko at isinandal doon ang baba ko. "Kami na po ni Tobias," pag-amin ko.

Binalot ako ng hiya pero nilabanan ko. Para akong first time humarap sa magulang ng kasintahan ko gayong kilala ko na siya ng higit pa sa kalahati ng buhay ko.

"Donya Margarita... Tita," nakangiting saad ko sa mahina at malumanay na tono. "I also gave birth to a little Tobias," I proudly bragged. "Kamukhang kamukha po ng apo niyo si Señorito, Donya Margarita. Kapareho rin po niyang mahiyain. Pero madaldal naman po sa akin."

Mas lalong napangiti ako.

Grabe rin talaga magbiro ang mundo. Dahil iyong bagay na sobra ring dumurog sa akin noon ay siya namang naglistas sa akin sa muntikan ko nang pagsuko.

When I lost my first child, Miracle, it traumatized me a lot. Wala akong nagawa, eh. Hindi ko siya nagawang ingatan. Hindi ko siya nagawang iligtas at bigyan ng mas mahabang buhay. Kaya sobrang takot ang dala-dala ko sa puso ko noong nalaman kong buntis ako kay Eisa. Kasi, paano kung maulit ulit? Paano kung matulad siya sa nangyari kay Miracle?

That would kill me for sure.

But thankfully, the world isn't that cruel afterall. I gave birth to a healthy baby boy.

"And Tita, kakapalan ko na po ang mukha ko sa inyo." Marahan kong hinawakan ang lapita niya habang dinadama sa puso ko ang kaniyang presensya. "Hahayaan ko na po ang sarili kong mahalin si Señorito. At tutuparin ko na po ang hiling niyo noon. Biro man iyon o totoo, tutuparin ko po. Dahil hindi ko kayang wala siya sa tabi ko."

Binalingan ko ang lapida na katabi ny kay Donya Margarita. Marahang umukit ang isang malungkot na ngiti sa aking mga labi.

"Say hi to Miracle for me, Tita. Please hug her for me. Please tell her that I love her so much," mahinang sabi ko. "Please hug her the way you did when I feel so lost."

Kiara Miracle Diamsay

November 18 - November 20

"How are you, my love?" My smile faded as my lips quivered. "I'm still missing you each day. I love you, my sweet angel." Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang tumulo iyon.

Ang dami kong pagsisisi sa buong buhay ko. Pero kung meron mang isa na lubos kong pinagsisisihan, iyon ay ang hindi ko siya nagawang yakapin ng mas matagal.

It pains me that the only memory I have with her were my crying nights with her in my arms. Na sana pala ay binubos ko na lang sa pagsasabi kung gaano ko siya kamahal.

Now, I can only live my days remembering her with so much regret in my heart. Sana pala niyakap ko siya nang mas mahigpit. Sana pala paulit-ulit nonh sinabi sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. At sana nagawa kong iparamdam sa kaniya na hindi siya kasalanan.

I continued to talk to them in silence with my heart. Lalo na kay Donya Margarita. Pinasalamatan ko siya sa lahat ng bagay na naitulong at nagwa niya para sa akin. Because it not because of her, I would no longer be here.

And just like how she saved me the first time... his son did, too, multiple times.

Kaya kahit kalabisan man kung iisipin, gusto kong manatili sa tabi ni Señorito. Kahit na hindi ko na deserve 'to. Kahit sa tingin ko ay mas may tamang tao pa rin para sa kaniya.

Dahil mahal ko siya... ng sobra-sobra.

It took me long minutes that I wasn't able to count anymore. At sa bawat segundo ng mga minutong kausap ko siya ay unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. Na para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

And it has been so long since I ever felt this peaceful and content in my life. Tipong wala na akong ibang mahihiling pa. Because everything that I needed was already within my reach.

The twins who always feel like real brothers to me.

Don Emmanuel who never treated me differently. Siya iyong walang salita na handang tumulong sa akin sa kahit na anong paraang makakaya niya.

Then there goes Eisa who literally saved me from my loads of thoughts. He gave me life.

He's my purpose.

"Eisa!" I called him when he started running towards me. Alertong nakaantabay naman sa likuran niya si Señorito.

"Mommy!" He was holding a stem or a small red rose Señorito bought for me.

Dumaan pa kasi kami sa flower shop para bumili ng bulaklak. Nagulat na lang ako nang bilhan niya rin ako ng bulaklak.

I smiled even more when my son put the flower on my ears. Pagkatapos ay niyakap niya ako sa leeg ng mahipgit at halikan sa pisngi.

"Do you want to meet your Lola and Ate?" I asked him.

Kuminang ang mga mata niya kasabay nang mabilis na pagtango. Tobias, on the other hand, sat beside me. Pinaupo niya si Eisa sa kandungan niya at hinalikan sa pisngi.

"There, son. She's Dada's mom and your Lola Margarita. And beside her, she's your Ate Miracle," Tobias introduced.

"Lola?" Nagbaba siya nang tingin sa lapida ni Donya Margarita.

"Yes, my love. She's the one who brought Mama to Dada." I held his hand and kissed the back of it. "She's with Jesus now, watching over us together with your Ate Miracle. And I'm sure that they love you so much."

"I love Lola and Ate, too," he replied with a wide smile.

Nabalot nang kakuntentuhan ang puso ko dahil doon. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Señorito. Agad ko namang naramdaman ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.

And him, the man who has been the other half of my life.

My Señorito Tobias.

My constant.

The one who never got tired of showering me words of his never-ending list of affirmations whenever self-doubt and self-pity overwhelms me.

He's the one who always puts me first above anything else.

He's a man... who never got tired of waiting despite my uncertainties.

Siya iyong dahil at kasi sa bawat bakit at paano ko. Sinagot niya ang walang katapusang bawat bakit at paano na pumupuno sa isip ko.

Siya iyong humuhupa sa bawat pagdududa ko. Iyong humihila't sumasagip sa akin tuwung nalulunod na ako.

Siya iyong walang sawang nagtutuyo ng luha ko. Siya iyong unang-unang taong iintindihin ako. Iyong unang taong magtatahan sa akin at magtutuyo ng luha ko.

At siya iyong taong... hindi ako iniwan... hindi ako binigo.

Iyong taong mahal na mahal ako.

"Tobias," mahinang sambit ko sa pangalan niya.

"Hmm?" He circled his arm on my waist and pulled me closer to him.

"I know I've said this a lot. Pero sasabihin ko ulit." Tumingala ako sa kaniya at tinitigan siya sa kaniyang mga mata. "Thank you. Thank you for all the things you've done for me. And thank you for doing things for me."

Mas nilawakan ko ang pagkakangiti ko sa kaniya kabila nang katotohanang unti-unti nang nanlalabo ang mga mata ko sa luha.

But I'm sure that it wasn't tears of pain and despair.

They were tears of contentment and happiness.

"And thank you for loving me endlessly. Thank you because that love, your love, never made me feel ugly." A tear escaped my eye. "I love you."

He smiled at me. "I love you. And thank you for building a family with me and Eisa. Thank you dahil bumalik ka. Thank you for allowing me to love you."

"Love you, Mommy, Dada!" Eisa butted in that made us laugh.

Kuntentong pinagmasdan ko siyang humagikhik dahil sa tuwa.

What a journey it was to reach this point of contentment and peacefulness in my life. Minsan nakakapagod. Nakakapagod masaktan. Nakakapagod umiyak. At nakakasawang paulit-ulit na matakot para sa panibagong araw. Madalas ang sarap sumuko.

Pero sobrang sarap sa pakiramdam na pagkatapos ng lahat ng iyon, pagkatapos ng lahat ng mga pinagdaanan ko, nagagawa ko pa ring gumising para sa mga mahal ko.

And everything wouldn't be possible if not for the people I lived this journey with. Because if not for them, I wouldn't have the courage to go on.

With them, I was able to conquer a life full of nightmares that made me feel scared of even simply closing my eyes.

Now, I can live with contentment. I can now face my tomorrows with a braver heart and a smile on my lips. I finally tasted what it's like to live with peace.

With the right people.

With my family.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top